Pagkatapos niyang makaihi ay hindi niya alam kung lalabas ba siya ng banyo o hindi. Ayaw niya talagang makita ang lalaki. Pipilitin na naman siya nitong kumain at uminum ng gamot pero saglit ay napag-isipa 't naalala niya nang banggitin nito ang Lola niya kanina lang.Dahil do'n ay binundol siya ng kaba.Ano kaya ang ginawa nito sa Lola niya?Nanginginig na humarap siya sa malaking salamin. Binuksan niya ang gripo at sinahod ang dalawa niyang kamay upang do'n uminum ng tubig. Nanunuyot na talaga ang lalamunan at labi niya, sobrang gutom na siya.Napapitlag pa siya nang kumatok na nga si Doss dahil sa tagal niya sa loob ng banyo.Humugot siya ng malalim na hininga. 'Kalma ka lang, Fern. 'Wag kang magpaatalo sa takot mo. Kaya mo lahat para sa Lola mo pati na rin sa ate Darlene mo. Sana ay hindi na sila matagpuan pa ni Mr. D.' Dahil alam niyang hindi nito bubuhayin ang mga ito."Matagal ka pa ba?" inip na ang boses ni Doss. Nagmadali naman siya sa paghihilamos, masama pa rin ang pakiram
Lumipas ang maghapon na nakahiga lamang si Fern. Wala na siyang lagnat kaso nanghihina pa ang buong katawan niya, totoong binabantayan nga siya ni Doss, maya 't maya ang pasok nito sa kuwarto lalo na kapag oras ng pagkain niya at inom ng gamot."Are you feeling better now?" tanong nito pagkatapos siyang bigyan ng gamot at tubig. Tumango lamang siya rito. Nagsalubong na naman ang dalwang kilay nito sabay hipo sa noo niya."Wala ka na ngang sakit pero you need to continue taking medicines. Franco said you need some vitamins," saad nito sa mababang tinig, naptingin na lamang siya kay Doss."May kailangan ka pa ba?" tanong nito nang hindi siya sumagot. Natilihan siya 'di niya alam kung paano sa sabihin na may dalaw siya. Nakakahiya man ay wala naman siyang pagpipilian, kailangan niya ng napkin. Napalunok siya ng sariling laway sabay tingin sa baba."Napkin. I need a napkin," halos hindi na nga marinig ang boses niya. Naku, siguradong parang kamatis sa pula ang mukha, ramdam niya ang pag-
~Fern~Tahimik ang naging byahe namin, pero hindi mapalagay ang loob ko sa tuwing mapapasulyap ako sa katabi ko.Halata ko na hindi siya mapakali, panay ang buntong-hininga niya na tila ba pinapakalma ang sarili. Humugot ako nang malalim na hininga bago ilapat ang kamay ko sa isa niyang kamay, dahan-dahan naman siyang lumingon sa 'kin, doon ay inihanda ko ang isang malapad at sincere na ngiti. "K-kung ano man ang bumabagabag sa 'yo, h'wag kang mga alala, nandito lang ako..." Lakas-loob na sabi ko kahit na parang pinanunuyuan na ako ng lalamunan dahil sa sobrang kaba.Nagtama ang mata namin at ang talim pa nga ng mga pagkakatitig niya sa 'kin pero kita ko naman na hindi siya galit. Mas mukha talaga itong kabado. "Sabi ko, ayus lang ako. I don't need anyone to lean on," matigas na saad niya pero hindi naman ako sinigawan, binalewala ko na lamang ang mga sinabi niya dahil nababasa ko sa mukha niya na hindi talaga siya okay.Inalis ko na lang ang pagkakahawak ko sa braso niya at bum
Nanigas ang buong katawan ni Doss nang lumapat ang malamig na palad ng kanyang Ina sa kaniyang kanang pisngi. Pigil na pigila ang kanyang pag-iyak, sumisikip ang dibdib niya lalo na nang bumalik sa kaniyang alala ang huling beses na nadama niya ang mainit palad na iyon na dumampi sa balat niya noon. Ngunit ngayon, dahil nga sa karamdaman nito ay para na itong malamig na bangkay kahit na pilit itong lumalaban. "Mom, I'm sorry... I'm sorry, I was too late, I'm sorry," nanginginig ang tinig na sabimbit ni Doss. Ngumiti ang mommy niya nang marinig kaniyang sinabi. "Stop, my sweet little boy. Wala kang dapat ihingi nang tawad kay mommy, huh? Si mommy dapat ang nagsasabi niyan dahil hindi ako naging matapang para sa 'yo. Nagsisisi ako na hindi kita kinuha sa daddy mo–" Naputol sang sana 'y sasabihin nito nang sunod-sunod ang na ang pag-ubo nito dahil nga sa hirap na paghinga. Hirap na itong magsalita, bumalatay ang paghihirap sa mukha ng kaniyang Ina. "Mom, are you okay? Dont talk
Pagdating nila sa mansyon ay agad silang sinalubong ni manang Lucia.May pagmamadali itong lumapit sa kanila na may dala-dalang dalawang puting towel, halata ang pag-aalala sa mukha ng matanda.Kinuha naman ni Doss ang isang towel ata agad iyong ibinalot sa nanginginig sa lamig na si Fern."Mauna ka na sa kuwarto at magpalit ng damit," sabi nito sa asawa. Pagkatapos ay kinuha ang isa pang tuwalya sa matanda."Naku, bakit naman nagpabasa kayo sa ulan? Baka magkasakit kayo niyan," saad ni manang Lucia habang inaayos ang towel ni Fern."Manang, pasamahan si Fern sa kuwarto at ipag handa ninyo siya ng pangligo," utos ni Doss sa matanda. Nauna na itong maglakad subalit hindi iyon patungo sa kuwarto nila.Nasundan na lamang nila ng tingin ang lalaki, gusto sana sundan ni Fern ang lalaki pero agad na siyang nahawakan ni Manang Lucia at iginaya sa loob ng kuwarto nila."Hayaan na muna natin siya, hija. Masyadong mabilis ang mga pangyayari, naawa ako sa batang iyan, hayaan muna natin siyang m
Lumipas pa ang ilang araw ay unti-unti na ring natatanggap ni Doss ang biglang pagkawala ng kan'yang Ina pero hindi niya kailan man malilimutan ang mga masasayang sandali nila noong bata pa siya. Sa kabilang banda naman ay hindi siya iniwan ni Fern, nanatili lamang ang babae sa tabi niya, dinamayan siya nito hanggang sa maging maayos na ang lahat sa kanya. Hindi nila maitatanggi na may kung anong namuo sa pagitan nila na mas naging close na sila, maayos na rin ang pakikitungo niya sa babae. Isa lamang ang ayaw na ayaw niyang makikita ang mapalapit ito sa ibang lalaki. Hindi niya kasi maiwasan ang magalit kapag may ibang lalaki itong nakakasalamuha. Kagaya ngayon, may malaking party sa loob ng mansyon. Maraming bisita ang nagsidalo at mga kapuwa niya mafia na sa kung saan pang bansa galing. Ang iba naman ay mga taga pinas lang din. "Maligayang kaarawan sa iyo. MR. Savalleja, ikinagagalak ko na ako 'y iyong naimbintahan sa pinaka-masayang araw sa buhay mo." Isang matandang lalaki a
Hindi ko alam kung bakit tila ba nakadama ko ng panliliit nang makita kung gaano ka ganda ang first love ni Doss. Sa tingin ko ay walang-wala ang itsura ko kung ikukumpara sa babae, idagdag pa na nagkaroon ng pagtingin sa kanya ang asawa ko, at sa ngayon ay hindi ko alam kung mahal pa rin niya ang first love niya dahil sa nakikita ko ay mukhang hindi pa niya ito tuluyan nakakalimutan. Nakadama na naman ako ng lungkot. Naalis ko ang pag kakahawak ng aking mga kamay kay Doss. "A-anong ginagawa mo rito.." maang na tanong ni Doss sa babaeng matamis ang pagkakangiti. "Nagpunta ako rito para batiin ka. ‘Wag kang magalit, okay? Ako ang may gustong pumunta rito, walang kinalaman ang pinsan mong si Damon.." malambing na saad nito na akmang hahawakan si Doss.. "Don't you dare to touch me! What do you want now? At talagang sa kaarawan ko pa kayo mangungulo?" Sarkastikong tumawa nang mahina si Doss at pinaglipat-lipat ang tingin sa dalawa. "No, Doss. Hindi kami manggugulo, nais lang s
Tuloy ang kasiyahan sa loob ng mansyon ni Doss. Agad din kasing nalimutan ng mga bisita ang kaunting eksenang nangyari kanina na dulot nina Damon at Julia, sa totoo lang ay kanina pa nangangati ang kamao ni Doss. Gustong-gusto na niyang sugurin at paulanan ng suntok ang mukha ng pinsang si Damon, mabuti na nga lamang ay nakapagpigil siya at ayaw niya ring masira ang kasiyahan."Ano ba ang sinasabi mo Mr. D? Wala naman po akong bisita, kayo itong may kaarawan eh." takang-taka si Fern habang nagpaapahila na lamang sa asawa na kanina pa nagsasalita. Hindi naman niya masyadong maintindihan dahil sa medyo may kalakasan na tugtog ng live instrument sa loob."Basta, it's a surprise at sana ay maging masaya ka sa araw na 'to, my wife." Kahit hindi niya talaga maintindihan ay tumango na lamang siya. Maya-maya ay tumigil na sila sa paglalakad."There's someone waiting for you, go." Saglit siyang napatanga habang nakatingin sa nakatalikod na pamilyar na bulto ng taong naro'n, matangakad ito at k
Nang makarating si Vina sa trabaho ay agad na sinalubong na siya ni Damon nang may matamis na ngiti. "Good morning, beautiful," bati nito sa kanya at h******n na siya sa noo. "Good morning, kanina ka pa?" Yumakap siya 't nakangiting bumati rin kay Damon. "Nope, karararing ko lang. Let's date later, hmmn?" "Huh? Eh, sabi mo ay ngayon ang dating ng pinsan mo na boss ko?" "Yup, that's why I'm free. Saan mo gustong pumunta?" Tinaasan niya agad ito ng kilay. Tila ba makalimot itong siya ang secretary ng pinsan niya kaya mahinang kinurot niya si Damon sa tagiliran. "Hoy! May trabaho ako kaya hindi puwede! Hindi porket fiance kita ay basta-basta ko na lang iiwan ang obligasyon ko rito? Nakakahiya sa boss ko, ngayon pa nga lang kami magkakakilala tas iiwan ko pa!" Agad naman na nagsalubong ang kilay ni Damon sa narinig. "Bakit ka naman atat na makita iyong pinsan kong iyon?! 'Di hamak na mas guwapo naman ako ro'n!" Kung kanina ay ang sweet nila, ngayon ay tila aso 't pusa naman n
"Damon, wait for me at the company. Papunta na 'ko ngayon diyan. Tapos na ang kaso, nanalo ako. Sa ngayon ay pagtutuonan ko muna ang kumpanya habang hinahanap diyan sa Tarlac ang asawa ako," ani nito habang kausap ang pinsan na si Damon sa cellphone. Naro'n pa rin kasi ito sa Tarlac na pansamantalang pumalit sa kanya. "That's good to hear, dude! Congratulations. I hope anytime soon ay mahanap mo naman na ang asawa mo,", tugon naman ni Damon. Masaya siya para sa pinsan at mas lalong pa dahil hindi na siya magiging busy, mas magkakaro'n na siya ng time para sa fiance niyang si Vina. Nalalapit na rin ang kanilang kasal at tila hindi na siya makapaghintay pa! Sabik na rin siyang magka-anak, sa totoo ay nai-inggit siya sa anak ni Fern na kambal, isip nga niya napaka-ganda ng lalaking nang iwan rito. Paano umano na atim na pabayaan ang mag-iina? Napaka-walang puso! Kaya madalas din siya do'n bumisita dahil sobrang gaan ng loob niya saga kambal. Kung papayagan nga lang umano siya ni Fern
"Haahhhh!" Napabalikwas ng gising si Fern sa kanyang naging panaginip. Kinapa ang kanyang dibdib dahil sa bilis ng tibok no'n. "Panaginip! Panaginip lang ang lahat!" Hinihingal na sambit niya pa. Sa sobrang daming nangyari sa panaginip niya iyon ay tila ba totoo Ang pangyayaring iyon. Biglang pumasok naman si Vina sa kuwarto niya upang silipin siya. "Oh, mabuti gising ka na. Kumusta na Ang pakiramdam mo?" "A-ayos lang ako, nasa'n ang kambal?" agad na hinanap niya ang mga anak. Gusto niya iyong makita at mayakap. "Naro'n kay Tita. Grabe, nabinat ka na! Sabi ko naman sa iyo ay 'wag ka Muna magpupuyat at gisingin mo lang ako kapag hindi mo na kaya. Ayan tuloy at bumigay na iyang katawan mo! Hindi mo kakayanin ang kambal mag-isa girl," paninermon pa ni Vina sa kanya. Dahil sa pagpupuyat nga sa dalawang kambal Ng ilang gabi dahil nilagnat ang mga ito dahil sa vaccination nila at iyak nang iyak dahil masakit siguro ang tinusukan ng karayum. Nahihiya naman siya na gisingin si Vi
"Uh? Ano to?" Nanigas si Fern sa kanyang kinanatayuan nang biglang suutan siya ng blindfold ni Manang Lucia pagkatapos niyang maisuot ang gown. "Hindi ko rin alam, hija, pinag-uutos lamang ni Mr. D ang lahat sa 'kin, napaka-romantic niya hindi ba?" Halata sa boses ni Manang Lucia ang excitement."Manang, baka naman ki-kidnapin n'yo ako ah!" Ayaw niya sanang kumilos pero marahan siyang hinawakan ng ginang sa magkabila niyang balikat at dahan-dahan siyang itinulak patungo kung saan sa takot na mapatapilok dahil nakasuot din siya ng 2 inch na high heels. Kasama iyon sa loob ng box, may mga accessories pa nga pero hindi naman niya kailangan iyon.Nadinig niya ang pagbukas ng pinto. Agad sumalubong sa kanya ang hangin batid niyang dinala siya sa labas ng ginang pero wala siyang naging imik. Sumunod na lamang siya dito. Nangangapa siya kaya naman hinawakan siya sa kamay ng matanda at iginaya kung saan, sobra ang kabog ng kanyang dibdib, di niya alam kung ano ba ang nangyayari."Manang, I'm
Alas otso ng nabi nang makabalik na sila sa mansyon. Hindi nila inaasahan ang madadatnan na panauhin doon. "Anong ginagawa mo dito?" madilim ang mukha na tanong ni Doss kay Julia. Nasa labas ito at nag-aabang sa pagdating nila dahil hindi ito pinahintulutan ng mga tauhan niya na makapasok. "Nasaan ang fiance ko? Pakiusap, ilabas mo na siya, Doss!" nanikluhod si Julia sa harap nilang mag-asawa. Napakapit naman si Fern sa braso ng asawa. "Wala akong alam sa mga sinasabi mo! Bakit sa akin mo hinahanap ang lalaki mo?! matalim na saad ni Doss sa babae."Babe," mahinang bulong ni Fern. Nilingon naman siya ng lalaki. "Wag kang maniwala sa kanya, wala akong kinalaman sa kanila," paliwanag nito."Sinungaling! Damon told me everything! Pinadukot mo siya at dinala sa basement!" sigaw ni Julia habang umiiyak at matalim ang tingin sa kanila. "Huh! 'Di nga ako nagkamali, nagsabwatan pa kayong dalawa para lang masira kaming mag-asawa at ngayon pinagbibintangan mo ako na kinuha ang fiance mo?
Ang nagdaang mga araw ay naging maayos naman sa kanilang mag-asawa, gumaling na ang mga sugat niya sa buong katawan. Inalagaan talaga siyang mabuti ni Doss. Hindi din ito umaalis ng bahay paghindi siya kasama.Tungkol naman kay Damon ay ilang buwan din itong nanatili sa ospital, napuruhan daw kasi ang mga ugat nito sa kamay. Sadly, he is not able to use his both hands forever. Wala naman daw matukoy na iba pang paraan ang mga doctor Walang pag-sa ika nga , kahit sinong doctor ang tumingin sa kanya dito sa pilipinas pero hindi sumuko ang mga magulang niya. Dinala siya sa ibang bansa at Ddoon magpapatuloy ng pagpapa-gamot.Sa totoo lang ay hindi pa sapat ang ginawa ni Doss upang pagbayarin ito, kulang na kulang pa.. Pero dahil sa pakiusap at pagiging mabuting tao ni Fern ay hinayaan na lamang niya ito, wala naman na itong gagawa pa. Sana nga hindi na bumalik at muling manggulo si Damon.About a month ago, pinagtapat ni Doss ang lihim sa asawa ukol sa tita at pinsan niya. Matagal na pal
"Why are you hesitating now? Come on! Just shoot me!" Pangdedemonyo pa ni Damon sa pinsan na nagbabaga ang tingin." I will.. But, not now. You need to pay more than to be killed. I will make sure na gugustuhin mo na lang mamatay kesa mabuhay sa gagawin ko sayo... " Kahit umaalon na ang dibdib ni Doss sa galit ukol sa pinsan ay pinanghawakan na lamang niya ang mga sinabi ni Fern.Oo, hindi siya masama! Kailangan na niyang talikuran ang lahat at harapin ang bukas ng payapa kasama ang asawa at magiging anak nila.Lumayo siya sa hindi makagalaw na si Damon. Napansin din nila na malapit nang mag-umaga dahil med'yo lumiliwanag na ang buong paligid.Samantala hindi na kinaya ni Fern ang sakit at pagod sa kanyang buong katawan kaya naman nawalan na siya ng malay tao. Mabuti na lamang at maagap siyang naalalayan ni Franco. Bumagsak siya sa mga bisig ng lalaki.Nakahinga naman ng maluwag si Franco nang lubayan na ni Doss si Damon. Mas nakita na niya ang lubhang pagkabahala ng pinsan ng makitan
Laka-takbo ang ginawa ni Doss. Pinakikiramdaman niya ang buong paligid. Ni hindi na niya alam kung saan na siya napadpad, nagbabaka-sakali na makasulobong at makita si Fern."Fern!" tawag niya nang malakas sa kabuuan ng gubat.Samantala napahinto naman si Damon sa paghila kay Fern nang marinig ang malakas na sigaw ni Doss."S*hit!" mura niya dahil alam niyang malapit na malapit lang ang pinsan, baka magkasalubong pa sila nito.DOSS! TULONG! NANDITO AKO!" malakas na sigaw ni Fern nang marinig niya rin ang sigaw ng asawa, nagkapag-asa siya dahil buong akala niya ay walang maghahanap at makakatulong. Kung gano'n, ito ala ang sumugod sa mansyon ni Damon, siya kaya ang nagpaputok ng baril kanina?"Tumahmik ka sabi eh!" gigil na tinapalan ni Damon ng kamay niya ang bibig ni Fern. Nagpumiglas siya hangga 't kaya niya lalo na at aLam niyang nasa paligid lamang si Doss, ililigtas siya nito.Kinagat niya ang kamay ni Damon, napabitiw ito sa kanya at napamura sa sakit. Agad na sana siyang tatakb
Pigil hininga si Fern habang bumaba. Kapit na kapit siya sa pinagdugtong-dugtong na kumot. Parang ang puso niya ay naunang mahuhulog dahil sa sobrang kaba. 'Breath in breath out Kaya mo 'yan Fern!' 'Wag kang bibitaw kung hindi siguradong bali-bali ang lahat ng buto mo sa katawan. Tanging piping dasal na lamang ang nagawa niya habang pa tuloy sa dahan-dahang pagbaba.Hanggang sa makarinig siya ng isang malakas na putok. Sobrang sakit sa tainga! Napasigaw at muntik na siyang mapabitaw sa tela dahil sa takot. It's familiar, it's a gun fire!! Lalo siyang kinabahan ng may makitang anino na papalapit at sisilip sa bintana nang mga oras na iyon ay hindi na niya alam ang gagawin. She look down to measure how high she will fall if she tries to let go of the blankets.Med'yo mataas pa ang puwesto niya.Nalula pa siya kaya agad din siyang nagbawi ng tingin mula sa baba. "Diyos ko, tulungan niyo po ako!" mahinang usal niya.. Napapitlag pa siya ng marinig ang sunod sunod pang putukan mula kung s