Stephanie Nagising ako dahil sa panghihina ng aking katawan, masakit ang ulo at aking katawan pagka bangon ko mula sa aking kinahihigaan Agad na bumungad saakin ang hindi pamilyar na paligid, hindi malinis ngunit hindi din naman madumi. Para itong kwarto ng isang lalaki dahil sa itim nitong kulay ng pader at iba pang disenyo "Lucian" bulong ko ng maalala ang pangyayari sa bahay, mabilis na hinanap ng aking mata si Lucian ngunit wala siya sa kwarto Lumabas ako sa kwarto at naabutan ko agad si Liam na nakatayo sa labas ng kwarto "Ma- ma'am?" Gulat na gulat siya ng makita ako "Nasaan si Lucian?" Mabilis kong tanong sa kaniya, wala na akong pakialam kung nasaan kami basta't ang mahalaga ay kasama ko si Lucian Naging tahimik si Liam gaya ng dati at bumalik sa seryoso ang kaniyang mukha "Lucian's not here step, nasa Manila siya" agad kong nakilala ang boses na iyon, paglingon ko ay agad na bumungad saakin si Kai Kumunot ang nuo ko sa kaniyang sinabi "Paanong nasa manila, siya ang
Stephanie "Salamat sa pagtulong Kai" aniko ng i-abot niya saakin ang maliit na bag ng kambal Naririnig ko ang tawanan, iyakan at hiyawan ng mga tao sa aking likuran ngunit hindi na ako nag-aksayang lingunin pa ito dahil alam na alam ko na kung sino sino ang mga taong iyon "No problem, basta tawagan mo parin ako kapag may problema. You know I'm willing to help" aniya at ngumiti, pansin ko sa mata niya ang pasulyap sulyap niyang tingin sa aking likuran Nilingon ko ito ilang segundo at nakita roon ang pinsan kong si Lyka na nakangiti, napangisi ako bago binalik ang tingin kay Kai, hindi ko naman siya mapipigilan dahil iba talaga ang kagandahan ni Lyka lalo na sa kulot niyang buhok na nagpa bagay sa kaniya "Sigurado kang ayaw mong puma rito muna? Kahit isang gabi?" Tanong kong muli at bumuntong hininga siya, parang nagdadalawang isip "I would love that pero kailangang maihatid si Liam sa Manila, baka magtaka si Lucian kapag nawala bigla ang tauhan niya" aniya kaya napatango
StephanieNagdaan ang ilang araw sa probinsya, ibang iba ang paraan ng pamumuhay namin kumpara sa siyudad. Tahimik at payapa saamin Mas lalo pang naging makulit ang kambal dahil marami na silang nakakalaro ngayon saamin, unti unti naring bumabalik sa pagiging morena ang mga kutis nila dahil sa kakaligo sa may dagat Hindi ko naman sila pinagbabawalan dahil ito ang isa sa mga gustong gusto nilang gawin. Ang pagiging pilyo at walang filtered na bunganga ni Abby ay mas lumala dahil may mga tinuro na naman si june sa kaniya, si Ally naman ay gaya ng dati tahimik pero mas ngumingiti na Ako naman ay masaya para sa mga anak ko, alam ko sa sarili na gusto ng mga anak kong makita si Lucian pero mas pinili nilang manatili rito kasama ako, hindi ko rin kayang masabi sa kanila ang ginawa ng tatay nila. Mas mabuti nang ganito nalang, tahimik at malayo sa kapahamakan "Bakit hindi mo subukang humanap ng tatay ng mga bata step, kay ganda ganda mong babae.. Aba hindi nga mukhang may anak kana sa it
Stephanie"When I grow up, I'm gonna marry a Mayor para I can talo lola pasyon" pag kwe-kwento ni Abby habang inaayos ko ang hihigaan nilaMag-gagabi na at hindi parin siya tumitigil sa kakulitan niya kaya ang target niya ngayon ay si Ally na halatang antok na antok na "Why would you talo lola pasyon?" Pakikipagusap ko para hindi na niya kulitin ang kapatid niya "Sabi niya kanina 'kapag lumaki ka dapat mag-asawa ka ng mangi-ngisda para unlimited ba ang ulam niyo' she said, so I away her sabi ko ayaw ko because mabaho pero sabi niya guwapo daw ang fisherman sa kabilang bayan" pag kwe-kwento niya kaya natawa ako, tama naman si lola pasyon. Nakapunta na ako minsan sa kabilang bayan at masasabi kong maraming mga guwapong mangisngisda roon "Kaya mag maary ka ng Mayor ganon ba?" Tanong ko at pinahiga na silang dalawa sa kama, nasa gitna ako at nasa gilid silang dalawa "Well puwede din po mag marry ako ng pilot or seaman" aniya at humagikhik, mabilis na nakatulog si Ally habang si Abby a
Stephanie Hindi ko mabilang kung ilang pagbuga ng hangin ang nagawa ko at pagtingin sa orasan na relo ni june, hindi ako mapakali habang nasa tricycle kami pauwi ng bahay Ng tuluyan kaming makarating sa bahay ay mabilis akong nagbayad at bumaba, naabutan ko ang kambal na naglalaro ng kung ano sa labas ng bahay "Abby pumasok na kayo ni Ally sa loob, bilis" sigaw ko at mukhang nagulat sila, mabilis silang gumalaw habang nagtataka "Sigurado ka bang magiging ligtas kayo rito? Paano kung may nakasunod sa inyo?" Habol ni june saakin habang papasok ng bahay Kinagat ko ang labi"Hindi ko alam" aniko at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig, kalaunan ay dumating din si antie jenny at sinabi ko ang nangyari kanina sa palengke Takot ang agad na bumalatay sa mukha niya ng marinig iyon "A-a-- anong gagawin natin?" Takot na tanong ni antie at kahit ako ay ramdam ang kaba sa kaniyang dibdib "Hindi kopo alam, Iisang tauhan lang ang nakita ko at hindi ako sigurado kung kaninong tauhan iyon"
Stephanie Nahirapan akong patigilin sa pag-iyak si Abby dahil narin sa takot, mabuti nalang at tinulungan ako ni Ally na pakalmahin ang kapatid niya. Kalaunan ay nakatulog na rin sila sa kwarto kung saan kami pinatuloy ni Liam Hindi ko lang maiwasan na pagmasdan ang paligid ng yate dahil pamilyar na pamilyar saakin ito. Agad akong naghinalaNg masiguradong tulog na ang mga bata ay saka ako lumabas ng kwarto, hindi parin mawala sa isipan ko ang pangyayari kanina. Ang takot at ang naramdaman ng mga bata kanina. Hindi ko din alam kung ano ang kalagayan nila antie ngayon sa bahay, iniisip ko nalang na ligtas at maayos sila dahil naniniwala ako hindi sila pababayaan ng mga taga baryo namin Kagat kagat ko ang labi habang tahimik na naglalakad sa may yate, hindi nga ako nagkamali sa mga pagtataka at paghihinala ko. Pamilyar na pamilyar ang yateng sinasakyan namin dahil nasakyan ko na ito nuong kinid-nap din ako ni Lucian, dito niya ako dinala!Tahimik akong naglakad papunta sa kung saan
Stephanie Ng naramdaman ko ang mainit niyang yakap ay tuluyang bumagsak ang luha sa aking mataParang isang daang tusok ang nawala sa aking katawan sa ginawa niya, nawala ang lahat ng takot at kaba sa aking dibdib dahil alam kong nariyan na siya at wala ng mangangahas pang saktan ako at ng kambal Sa natitirang enerhiya sa katawan ay ini-angat ko ang kamay at sinubukan siyang itulak. Hindi puwedeng bumigay agad ako lalo na at kamakailan lang ng sinaktan niya ako Kailangan kong tatagan ang sarili, pero paano? Gayong yakap niya palang ay nagpapatunaw na saakin"B-bitawan m-m-mo ako " nanginginig kong ani ngunit hindi man lang siya gumalaw kayat sinampal at dinamba ko ang dibdib niya gamit ang lakas ko pero hindi siya natinag"I'm sorry baby, I'm sorry" paulit ulit niyang bulong at hinayaan akong sampalin siya "W-walang hiya ka, niloko mo ako" aniko, unti unting nanghihina ang katawan ko dahil sa pag-iyakSa pagkakataong iyon ay gusto ko na lamang matumba pero hindi hinayaan ni Lucian
Stephanie Sinilip ko ang kambal na nakahiga sa sofa, parehong naka sandal sa isa't isa at pikit na ang mga mata. Napangiti ako habang pinagmamasdan sila Kanina lang ay nanonood pa sila ng tv pero mukhang natulugan na nila Namumula mula ang gilid ng kanilang mata dahil sa kaiiyak kagabi. I feel so light, pakiramdam ko ay lahat ng tinatago kong sikreto ay nailabas kona lahat, Sobrang sarap sa pakiramdam na hindi kona kailangang itago ang mga anak ko I felt a hands circling my waist behind me, napasulyap ako sa balikat ko at agad na nanuot ang mabangong pabango ni Lucian. Napangiti ako at binalik ang tingin sa kambal "You left me" bulong niya sa malalim niyang boses, kagigising at magulo pa ang buhok "Chineck ko ang mga bata" sagot ko, kanina lamang kasi ay magkasama kaming natulog pero nagising rin ako para I-check ang kambal Sumandal ako sa dibdib niya at ninamnam ang kaniyang yakap Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman, him behind and hugging me while looking at our twin