Stephanie"I want to surprise dad too ma" ani ni Ally sa kabilang linya, ramdam ko ang inggit sa kaniyang boses na parang nagseselos siya kaya natawa ako "Huwag kayong mag-alala anak, ipupunta ko din ang daddy niyo diyan" aniko at inayos ang mga plato sa lamesa "ate pakidala na din ng mga wine glass" aniko sa isa sa mga katulong at nilayo ng kaunti ang cellphone para hindi marinig ng mga anak ko Kasalukuyan kaming nasa bahay ngayon at nag-aayos ng sorpresa para kay Lucian, narinig ko kasi sa mga katulong na birthday pala ngayon ni Lucian at kung hindi ko pa iyon nalaman ay hindi ako makakapaghanda ng ganito, wala namang sinasabi saakin si Lucian tungkol sa birthday niya pero sa itsura niya kasi parang siya yung tao na walang pakialam sa pag ce-celebrate ng kaarawan niya"Really ma? as in here sa bahay ni tita chelle?" boses naman iyon ni Abby sa kabilang linya "Yes anak" nakangiti kong ani, nakapag pasya na ako kani-kanina lang na sabihin ang tungkol sa kambal kay Lucian lalo na nga
Stephanie "Ma'am okay lang po kayo?" Mabilis na dumalo ang mga kasambahay upang tulungan ako ng maka-alis ang lolo ni Lucian Nanginginig ang kamay ko habang tumutulo ang luha sa aking pisngi, para akong nahulog sa isang madilim na bangin at hindi ko alam kung paano makakatakas rito "M-manang t-tawagan niyo si Lucian" nanginginig ang boses kong utos sa kanila, tinulungan nila akong tumayo at agad kong hinanap ang cellphone sa aking bulsa Mabilis kong tinawagan si Gichelle at ilang segundo bago niya iyon sinagot "Oh ano? Miss mo na naman anak mo? Kakatawag mo lang kanina ahh" bungad saakin ng aking kaibigan ngunit wala ako sa mood para makipagbiruan "A-ayos lang ba k-kayo? A-ang kambal nasaan? Chelle m-may mga sumusunod bang tao sa inyo diyan?" Sunod sunod kong tanong, alam kong nagmumukha akong praning pero mas iniisip ko ang kaligtasan ng kambal "Huh?--- natutulog yung kambal pagkatapos niyong mag-usap kanina natulog na, saka ano bang sinasabi mong may sumusunod na ibang tao? N
Stephanie Nanginginig ang kamay kong nabitawan ang cellphone, ang sinabi ng babae sa cellphone ay parang paulit ulit kong narinig sa aking tenga. Nag echo ang boses niya at para ng boses na lamang niya ang narinig ko Umupo ako sa sahig at pinakinggan ang sunod sunod na tawag mula sa aking cellphone, pinagmasdan ko ang pangalan ni Lucian roon. Kung kanina ay inaasam asam kong sagutin niya ang tawag ko pero ngayon ay iba na, gusto ko nalang tunigil ang ingay na iyon dahil alam ko sa sarili na hindi si Lucian ang tunatawag saakin Napatingin ako pintuan na nakasara sa kwarto at nag-angat ng tingin ng marinig ang pag-iingay nito dahil sa katok"Ma'am may mga naghahanap po sa inyo sa labas ng bahay" boses iyon ng katulong at mabilis akong natigilan Kasunod non ang pag-iingay muli ng cellphone dahil naman ngayon sa mga messages, nanginginig ang kamay kong binuksan ang cellphone at agad na bumungad saakin ang hindi ko inaasahang litrato Litrato ito ng babae na maganda habang nakahiga sa
Stephanie Nagising ako dahil sa panghihina ng aking katawan, masakit ang ulo at aking katawan pagka bangon ko mula sa aking kinahihigaan Agad na bumungad saakin ang hindi pamilyar na paligid, hindi malinis ngunit hindi din naman madumi. Para itong kwarto ng isang lalaki dahil sa itim nitong kulay ng pader at iba pang disenyo "Lucian" bulong ko ng maalala ang pangyayari sa bahay, mabilis na hinanap ng aking mata si Lucian ngunit wala siya sa kwarto Lumabas ako sa kwarto at naabutan ko agad si Liam na nakatayo sa labas ng kwarto "Ma- ma'am?" Gulat na gulat siya ng makita ako "Nasaan si Lucian?" Mabilis kong tanong sa kaniya, wala na akong pakialam kung nasaan kami basta't ang mahalaga ay kasama ko si Lucian Naging tahimik si Liam gaya ng dati at bumalik sa seryoso ang kaniyang mukha "Lucian's not here step, nasa Manila siya" agad kong nakilala ang boses na iyon, paglingon ko ay agad na bumungad saakin si Kai Kumunot ang nuo ko sa kaniyang sinabi "Paanong nasa manila, siya ang
Stephanie "Salamat sa pagtulong Kai" aniko ng i-abot niya saakin ang maliit na bag ng kambal Naririnig ko ang tawanan, iyakan at hiyawan ng mga tao sa aking likuran ngunit hindi na ako nag-aksayang lingunin pa ito dahil alam na alam ko na kung sino sino ang mga taong iyon "No problem, basta tawagan mo parin ako kapag may problema. You know I'm willing to help" aniya at ngumiti, pansin ko sa mata niya ang pasulyap sulyap niyang tingin sa aking likuran Nilingon ko ito ilang segundo at nakita roon ang pinsan kong si Lyka na nakangiti, napangisi ako bago binalik ang tingin kay Kai, hindi ko naman siya mapipigilan dahil iba talaga ang kagandahan ni Lyka lalo na sa kulot niyang buhok na nagpa bagay sa kaniya "Sigurado kang ayaw mong puma rito muna? Kahit isang gabi?" Tanong kong muli at bumuntong hininga siya, parang nagdadalawang isip "I would love that pero kailangang maihatid si Liam sa Manila, baka magtaka si Lucian kapag nawala bigla ang tauhan niya" aniya kaya napatango
StephanieNagdaan ang ilang araw sa probinsya, ibang iba ang paraan ng pamumuhay namin kumpara sa siyudad. Tahimik at payapa saamin Mas lalo pang naging makulit ang kambal dahil marami na silang nakakalaro ngayon saamin, unti unti naring bumabalik sa pagiging morena ang mga kutis nila dahil sa kakaligo sa may dagat Hindi ko naman sila pinagbabawalan dahil ito ang isa sa mga gustong gusto nilang gawin. Ang pagiging pilyo at walang filtered na bunganga ni Abby ay mas lumala dahil may mga tinuro na naman si june sa kaniya, si Ally naman ay gaya ng dati tahimik pero mas ngumingiti na Ako naman ay masaya para sa mga anak ko, alam ko sa sarili na gusto ng mga anak kong makita si Lucian pero mas pinili nilang manatili rito kasama ako, hindi ko rin kayang masabi sa kanila ang ginawa ng tatay nila. Mas mabuti nang ganito nalang, tahimik at malayo sa kapahamakan "Bakit hindi mo subukang humanap ng tatay ng mga bata step, kay ganda ganda mong babae.. Aba hindi nga mukhang may anak kana sa it
Stephanie"When I grow up, I'm gonna marry a Mayor para I can talo lola pasyon" pag kwe-kwento ni Abby habang inaayos ko ang hihigaan nilaMag-gagabi na at hindi parin siya tumitigil sa kakulitan niya kaya ang target niya ngayon ay si Ally na halatang antok na antok na "Why would you talo lola pasyon?" Pakikipagusap ko para hindi na niya kulitin ang kapatid niya "Sabi niya kanina 'kapag lumaki ka dapat mag-asawa ka ng mangi-ngisda para unlimited ba ang ulam niyo' she said, so I away her sabi ko ayaw ko because mabaho pero sabi niya guwapo daw ang fisherman sa kabilang bayan" pag kwe-kwento niya kaya natawa ako, tama naman si lola pasyon. Nakapunta na ako minsan sa kabilang bayan at masasabi kong maraming mga guwapong mangisngisda roon "Kaya mag maary ka ng Mayor ganon ba?" Tanong ko at pinahiga na silang dalawa sa kama, nasa gitna ako at nasa gilid silang dalawa "Well puwede din po mag marry ako ng pilot or seaman" aniya at humagikhik, mabilis na nakatulog si Ally habang si Abby a
Stephanie Hindi ko mabilang kung ilang pagbuga ng hangin ang nagawa ko at pagtingin sa orasan na relo ni june, hindi ako mapakali habang nasa tricycle kami pauwi ng bahay Ng tuluyan kaming makarating sa bahay ay mabilis akong nagbayad at bumaba, naabutan ko ang kambal na naglalaro ng kung ano sa labas ng bahay "Abby pumasok na kayo ni Ally sa loob, bilis" sigaw ko at mukhang nagulat sila, mabilis silang gumalaw habang nagtataka "Sigurado ka bang magiging ligtas kayo rito? Paano kung may nakasunod sa inyo?" Habol ni june saakin habang papasok ng bahay Kinagat ko ang labi"Hindi ko alam" aniko at nagtungo sa kusina para uminom ng tubig, kalaunan ay dumating din si antie jenny at sinabi ko ang nangyari kanina sa palengke Takot ang agad na bumalatay sa mukha niya ng marinig iyon "A-a-- anong gagawin natin?" Takot na tanong ni antie at kahit ako ay ramdam ang kaba sa kaniyang dibdib "Hindi kopo alam, Iisang tauhan lang ang nakita ko at hindi ako sigurado kung kaninong tauhan iyon"