Hindi alam ni Chelsea at Allyana kung nasaan sila ngayon. Basta kasama pa rin nila ang dalawang lalaki na tahimik lang. Akala nila ay ihahatid na sila sa bahay nina Allyana, pero ibang daan ang tinatahak ng kotse na si Dion ang nagmamaneho. Dumaan pa sila sa syudad ng Laguna, hanggang sa tila papunta sa isang dagat ang tinatahak nila."Ah boys, we're are we going anyway?" mayamaya ay tanong ni Chelsea dahil hindi na rin siya makatiis na magtanong sa mga ito."We are going to our paradise place, my lady," nakangising tugon ni Dion kay Chelsea.Napakunot-noo naman si Chelsea at kung hindi lang ito nagd-drive ay baka nabatukan na niya ito."Can you just answer me directly? Hindi iyong kung ano-ano pang sinasabi mo, baka batukan pa kita diyan eh," mataray na sabi ni Chelsea kay Dion at inirapan ito, nang tiningnan siya nito sa front mirror.Napapailing naman si Allyana, habang nakamasid lang sa dalawa. Nakikita niyang may kung ano sa dalawa, dahil ganoon na lang ka-close ang mga it
Napakunot-noo si Keane, nang may nakita siyang dalawang kotse na nakaparada sa labas ng kanyang bahay. Bumusina pa siya upang pagbuksan siya ng gate ng kanyang katulong. Agad naman niyang nakita ito na binuksan ang gate, saka niya pinasok sa garahe ang kanyang kotse."Manang, alam mo ba kung sino ang mga pumarada ng kotse diyan sa tapat natin?" kuno't noo'ng tanong ni Keane dito.Nakita niya kung paano ito naging balisa at hindi makapagsalita."I'm asking you," muling sabi niya dito."Sa totoo lang po, n-nasa loob sila at hinihintay ka," tanging tugon ng kanyang katulong.Natigilan naman siya sa sinabi nito."What! Nagpapasok ka ng ibang tao? Nag iisip ka ba?!" singhal niya dito at agad na pumasok sa loob ng bahay upang makita kung sino ang tinutukoy nito. Ngunit, agad rin siyang napahinto ng makilala ang mga ito.Napatingin sa kanya ang isang lalaking nakaupo sa single couch, habang may hawak na tabacoo sa kamay nito. Nagbuga ito ng usok at ngumiti sa kanya."Hello my dear," b
Nakabusangot ang mukha ni Chelsea, habang nakatingin kay Dion, na kumukuha ng wine at alak para maging inumin nila. Ayaw uminom ng alak ni Chelsea, kaya kumuha na rin wine si Dion. "Matagal pa ba iyan?" tanong niya kay Dion habang tumitingin sa mga imported na alak, na nakahilira sa gilid. Tinitingnan kasi ni Dion ang mga ito at tila pumipili pa kung ano ang kukunin nito.Mayamaya ay may kinuha na rin ito, dalawang bote ng alak."Iyan ba ang iinumin niyo ni Seb?" tanong pa ni Chelsea."No, actually, I want you to taste my mixing. Do you want too?" sabi ni Dion.Napakunot-noo naman si Chelsea habang nakatingin dito."Mixing? Bakit, marunong ka ba?" tugon niya dito."Of course, here, I'll show you," saad ni Dion.Nakita niyang kumuha ng isang wine glass si Dion at nilagay sa counter. Nilapag rin niya ang kinuha nitong dalawang alak at kumuha rin ng isang wine, saka isang lemon na kinuha nito sa mini-ref. Kumuha pa ito ng tatlong maliit na shot glasses. Nakatingin lang si Chelse
Kinabukasan... parehong nakayuko si Allyana at Chelsea sa mesa, habang papikit-pikit, saka hawak ang kanilang mga ulo. Pakiramdam nila ay paulit-ulit na mimamartilyo ang ulo nila sa subrang sa akin at tila masusuka sila anumang oras. Nakaharap naman sa kanila si Dion at Seb, habang tinitimplahan sila ng kape. Napapailing na lamang amg dalawa dahil sa kalagayan nina Allyana. Halatang napasubra ang inum ng dalawa, dahil bakas sa mukha nila ang hangover."I think, I want to vomit," sabi ni Chelsea at agad tumakbo palabas ng kusina, saka dumiretso sa CR. Napapailing na lang si Dion at sinundan si Chelsea.Kaya naiwan naman sina Seb at Allyana."How's your feeling?" tanong ni Seb at nilapag ang kape sa harapan ni Allyana. "Nahihilo pa rin ako. I can't believe that I drunk that fast," sabi ni Allyana at nangalumbaba.Umupo si Seb kaharap siya at pinagmamasdan siya. "Maybe, hindi ka talaga sanay uminom, pero si Chelsea? Hindi ko alam na hindi rin siya sanay na uminom, dahil nga mukha
Kasalukuyan nakababad sina Allyana at Seb, sa bathtub parehong nakahubad at nakayakap sa isa't isa.Damang-dama naman ni Allyana ang kaangkinan ni Seb sa kanyang likuran, habang nakasandal siya dito. Tahimik silang dalawa at dinadama ang init ng kanilang katawan, kahit pa nararamdaman nila ang lamig ng tubig."Are you comfortable now with me being like this?" mayamaya ay sabi ni Seb kay Allyana.Hindi naman alam ni Allyana kung komportable nga ba siya sa sitwasyon nila ngayon. Ang tanging alam niya ay wala siyang pakialam sa kung ano man ang mangyayari ngayon sa kanila. Tanggap na niya kung saan aabot ang nararamdaman ng katawan at isip nila. Ang isa lang nama ang hindi niya sigurado ay ang pareho nilang puso. Kung pareho ba sila ng nararamdaman sa isa't isa."Do you think, I will be comfortable? Can't you see that we are both nake?" saad niya dito at bahagya itong nilingon.Natawa naman si Seb sa kanyang sinabi at bahagya hinaplos ang kanyang pisngi."Yeah, I feel that too.." tanging
Matapos makapagbihis ni Allyana ay narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone. Kaya agad niya itong kinuha, dahil ngayon lang niya naalalang hinahanap pala siya ng kanyang ina. Baka nag aalala na ito sa kanya, lalo na at hindi man lang siya tumawag kanina.Ngunit, napatitig lang siya sa pangalan na nasa screen. Nakita niya ang pangalan ni Dylan at nagdalawang-isip siyang sagutin ito. Nakaramdam tuloy siya ng awa para dito, na habang may ginagawa siyang milagro ay nag aalala ito sa kanya. Ngunit, hindi rin mawala sa isip niya na ganoon din ang ginawa nito sa kanya, kahit hindi niya maalala — na habang nag aalala siya ay nasa tabi ito ni Keane at nakikipaglaro sa apoy.Napabuntong-hininga siya at sinagot na lamang ito."Hello?""Allyanna? Mabuti naman at ikaw ang sumagot. Are you okay?" agad na bungad nito sa kanya. Naramdaman niya ang pag aalala sa boses nito.Hindi niya alam kung totoo ba ang nararamdaman nitong pag aalala sa kanya. Subalit, hindi na rin iyon importante sa kanya."Y
Lumabas mula sa kotse sina Allyana at Chelsea, matapos silang ihatid ni Dion. Ala-singko na ng hapon sila nakabalik at matapos magpaalam ang dalawa kay Dion ay umalis na rin ito. Hindi na bumaba si Dion, dahil iyon ang gusto ni Seb."Allyana.."Napalingon si Allyana sa tumawag sa kanya at nakita niya si Dylan, na nakaabang sa kanilang dalawa. Tumingin naman si Allyana kay Chelsea at tumango dito. Naiintindihan naman ni Chelsea kung anong tinutukoy ni Allyana, kaya nauna na siyang pumasok. Napangisi pa siya kay Dylan, nang malampasan siya nito."I've been waiting for you," muling sabi nito sa kanya.Napatitig siya saglit kay Dylan at saka siya lumapit dito. Niyakap niya ito, na naging dahilan upang matigilan si Dylan."I know, that's why I'm happy that I saw you here," sabi niya dito.Naramdaman ni Allyana, nang yakapin rin siya ni Dylan at marahang hinaplos ang kanyang likod."I'm glad too," tugon ni Dylan at bahagyang napapikit.Mayamaya ay humiwalay na sila sa isa't isa at hindi ina
Kinabukasan... dahan-dahang bumaba si Allyana sa hagdan mula sa itaas. Walang emosyon siyang bumaba, habang naghihintay sa kanya ang taong makakasama niya ngayong araw. Simple lang ang kanyang suot, na siyang ugali na rin niya sa tuwing nasa kompanya siya ng kanyang ama, na dati ay isa pa lamang siyang architect at ngayon ay isa siya sa maging pinuno ng kanilang kompanya. Nang makababa na siya ay doon lang tumingin sa kanya sina Dylan, na hinihintay siya. Nakatingin siya ngayon kay Dylan at nakikita niyang handa na rin ito, kahit para sa kanya ay pansamantala lang ito para sa lalaki. Syempre, nasa isip niya, na hindi siya papayag na tuluyang makuha ni Dylan ang gusto nito, lalo na sa kompanya na pinaghirapan ng kanyang magulang. He doesn't deserve to be one of the boss of her company. Ang nangyari din sa kanila kagabi ay hudyat lang iyon para dumistansya ng kaunti si Dylan sa kanya, na alam rin ni Dylan na dapat rin niya iyong gawin.Napangiti si Dylan nang makita siya at lumapit sa
Masayang binabati ng mga bisita ang bagong kasal na sina Sebastian at Allyana. Hindi man makapaniwala ang iba na ikinasal muli si Allyana ay nalaman rin naman ng mga ito ang dahilan sa nangyari sa kanila ni Dylan. Ganoon pa man ay makikita sa mga ito ang tuwa at saya para sa kanilang dalawa. Noong kunin ni Seb ang kamay ni Allyana sa harapan ng magulang niya ay walang naging totol ang mga ito at sa halip ay natutuwa pa para sa kanilang dalawa. Wala na rin silang balita kay Keane at Dylan. Naisip niyang tinupad ng mga ito ang kagustuhan niya, kaya magaan na rin ang loob at balang araw ay mapapatawad rin niya ang mga ito. Naging made of honor naman si Chelsea sa kanilang kasal, habang si Dion rin ang naging partner nito. Hindi pa rin maiwasang mag asaran ang dalawa, ngunit, nakikita nila Allyana na higit pa sa pagkakaibigan ang mayroon sa dalawa. Para kay Allyana ay matutuwa siya kung magkatuluyan ang mga ito, tulad nila ni Seb. Sa reception ng kasal, naging abala ang bagong kasal s
Matapos mailipat ng magkahiwalay na kwarto sina Keane at Allyana ay halos ayaw namang umalis ni Seb sa tabi ni Allyana. Hinihintay niya itong magising at nais niyang siya ang unang makita nito kapag nagising. Hinahayaan na lamang siya ng magulang ni Allyana at tila naiintindihan nito ang kanyang nararamdaman dahil nalaman na rin naman nila kung anong mayroon sa kanila ni Allyana. Nakikita nila ang saya sa mga ni Seb habang nakatingin kay Allyana at nakikita rin nila kung gaano nito kamahal ang kanilang anak.Sa mga oras na iyon ay hinayaan na muna ni Dion si Seb sa gusto niya at siya na ang kumilos para tugisin si Albert. Nalaman niya mula kay Dylan na siya ang huling nakakita dito at sinabi rin nito kung anong ginawa niya kay Albert. Hindi naman nagreklamo si Dion sa ginawa nito at naiintindihan kung anong nararamdaman ni Dylan. Hinanap nila si Albert at nalaman nilang nasa isang hospital ito at nag aagaw buhay dahil sa natamo nitong mga tama ng baril. Nakita niya pa kung p
Nang malapit na sina Seb sa lokasyon kung saan naroon sina Allyana ay pinahinto niya saglit ang kotse at sinabing hahanap siya ng daan patungo sa building. Hindi agad sumang ayon si Dion, ngunit, desidido si Seb sa kanyang nais gawin kaya wala na siyang nagawa pa. Napag usapan nilang maghiwa-hiwalay bago makarating sa gate. Sina Dion na ang bahala sa pagpasok nila sa gate, habang sina Dylan naman ay naghanap rin ng daan para makapasok sa loob ng building, ganoon rin si Seb na dumaan sa kabila, kasama ang ilang tauhan nito.Nang nasa gate na sina Dion ay inutusan niya ang isa niyang tauhan na pasabugin ang malaking gate. Ginawa naman iyon ng kanyang tauhan at naghagis ng dalawang granade, kasunod noon ang malakas na pagsabog. Sinundan agad nila ito ng magkasunod na putok ng baril at ang ilan niyang kasama ay nagsimula nang pumasok sa loob, habang nagpapaputok. Narinig niyang nagpaputok na rin ang tauhan ni Albert. Mabilis ang naging kilos nila, hanggang sa nagtago sila sa gilid
Sabay na napatingin sina Seb at Dion, sa taong biglang dumating. si Dylan. Pareho silang napakuno't noo at lumapit dito."Bakit ka nandito? At paano mo nalaman ang lugar na ito?" tanong ni Seb."Hindi na kailangan kung paano ko nalaman ang lugar na ito. Napagkasunduan namin ni Keane na tumulong sainyo," tanging sabi ni Dylan at kumuha ng baril na nakalatag sa mesa, kung saan naghahanda sila para sa pag alis."Nasaan si Keane?" tanong ni Dion at lumapit rin dito.Hindi agad nakapagsalita si Dylan at tila maging siya ay hindi sang ayon sa kung anumang ginawa nito."Pumunta siya kay Albert. Iniwan ko lang siya saglit pero bigla siyang nawala. Nag iwan lang siya ng sulat na pupuntahan niya si Albert upang malaman kung saan naroon sina Allyana. Maging ito ay iniwan niya," sabi ni Dylan at may nilapag na isang maliit na device sa mesa. Agad na nakilala iyon nina Seb."Sabi sa sulat, malalaman natin ang kinaroroonan nila at tatawag siya upang siguraduhin na nasa lugar siya kung saan naro
Nang marinig nina Seb at Dion ang malakas na sigaw ng ama ni Allyana ay mabilis silang tumakbo patungo sa itaas. Nakita nila sa dulo na nakatayo si Keane at Dylan, kaya pumunta sila doon.Ngunit, pareho rin na natigilan nang makitang nakahandusay ang ginang sa sahit at walang malay."Kinuha nila si Allyana. Kinuha nila ang anak ko!" umiiyak na sigaw nito.Hindi naman magawang kumilos ni Seb dahil sa kanyang narinig at tila bumalot muli ang kaba takot sa kanyang puso. Napatingin si Dion kay Seb at nakita nito sa kanyang mga mata ang kakaibang galit."I-I will put her in the bed," mayamaya ay sabi ni Dion at binuhat ang ginang patungo sa kama. Tiningnan nito ang kalagayan ng ginang at nakahinga siya ng maluwag dahil ayos lang ito. Ngunit, alam niyang lahat sila ay hindi maayos ang isip at nararamdaman."She's okay. This is unexpected and we are not prepared for it. But we will do anything to get them back," saad ni Dion at bumaling kay Seb na hindi pa rin nakapagsalita.Lumapit si Di
Naglakad si Seb at tumabi kay Allyana, habang nakatingin ngayon kina Keane at sa magulang ni Allyana. "Anong pinagsasabi mo? Hindi purket kamping-kampi kayo kay Allyana ay gagawa kayo ng ibang storya," inis na sabi ni Keane dito."Inaamin namin na may kasalanan din kami saiyo, dahil hindi namin nasabi ang totoong nangyari kay Tita. Isinama kami ni Mommy sa ibang bansa upang makalayo kay Albert at hindi ka na namin naisama dahil hindi ka namin nahanap. Iyon pala hawak ka na ni Albert, hindi ka na namin nakausap pa. Ngunit, sa pagkakataong ito ay kailangan naming sabihin saiyo ang totoo, upang malinawan ka na mali ang ginawa mo sa mga Buanafe, na dapat sila ang magiging kaagapay mo dahil bahagi ka ng pamilya nila. Si Albert ang naging dahilan kung bakit nasira ang buhay mo at hindi sila," paliwanag ni Seb kay Keane.Napamaang naman si Keane at napatiim-bagang na nakatingin ngayon kay Seb."Hindi ako naniniwala sa sinasabi mo! Hindi iyan totoo! Sila ang sumira ng buhay ko! Sila!" ga
Bumaba mula sa sasakyan si Allyana, kung saan si Seb ang nagmamaneho. Napatingin pa siya sa labas ng kanilang mansion at tila bumalik ang masasayang alaala niya dito, na minsang nawala sa kanya. Ngayon, pakiramdam niya ay napaka-komportable ng paligid para sa kanya. May nakita siyang nakaparadang kotse at nakilala niya iyon. Naging seryoso siyang nakatingin sa kotse ni Dylan at talagang pumunta ito sa bahay nila. Sabagay, iyon naman talaga ang gusto niya."Let's go?" anyaya ni Seb at iniabot ang kamay dito.Napatingin si Allyana dito, saka tumango at naglakad sila papasok sa loob. Pinagbuksan siya ng gate, nang kanilang gwardiya na nginitian lang niya.Tumawag na sa kanila si Dion at sinabing nasa mansion na nila sina Keane. Hindi niya alam kung paano napapayag ni Dion si Keane na pumunta ngayon sa mansion, pero mabuti na lang iyon para sa kanya... para magkaharap-harap sila.Nang nasa pinto na sila ay bahagya silang nagkatinginan ni Seb at sabay na napatango. Naglakad sila pap
Hindi alam ni Seb kung ano ang nakikita niya ngayon kay Allyana. Bigla siyang nanibago sa aura nito, lalo na nang inalis lang nito ang tingin sa kanya at muling tumingin sa malayo.Hindi ito nagsalita o tumugon sa kanya.Naglakad siya palapit dito at tumabi sa pagkakatayo."I'm glad that you're awake. How's your feeling?" sabi niya dito.Hindi nagsalita si Allyana at nanatili pa rin nakatingin sa malayo. Wala namang magawa si Seb, kundi hayaan ito."Alright, I will give you a time to talk. You can talk to me or my mom or Dion. I will leave you for now," mayamaya ay sabi ni Seb at bahagyang tumalikod.Ngunit, hindi pa siya nakakalayo dito, nang marinig niyang magsalita ito."Sebastian Mcdavid.." tawag nito sa kanyang pangalan.Kaya naman ay dahan-dahan siyang napalingon kay Allyana, na ngayon ay dahan-dahan ring lumingon sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa. Hindi alam ni Seb kung ano ang mararamdaman niya. Hindi niya masabi kung bumalik na ba ang alaala nito o walang naging d
Naging maayos ang kalagayan ni Allyana, matapos siyang asikasuhin ng kaibigang doktor nina Seb. Ngunit, hindi pa rin nagigising si Allyana at habang ganoon pa rin ang kalagayan nito ay kumikilos naman sina Seb at Dion.Inalam nilang mabuti kung may kinalaman nga ba si Keane sa nangyari kay Allyana. Sinuri nila ang mga ebedensiya na nakuha ng tauhan nila. Nakita nila ang pouch ni Keane sa kotse, maging ang ilang I.D's nito. Nakalagay din sa pangalan niya ang kotse. Tiningnan rin nila ang CCTV na nakalagay sa katabing kanto, kung saan nakita nila kung anong ginawa kay Allyana. Halos manggalaiti naman si Seb, habang nakatingin sa CCTV, lalo na kung paano nito sagasaan si Allyana. Nakita nila ang babaeng bumaba sa sasakyan at nakita nilang si Keane iyon. Kinuha nila ang kuha ng CCTV at hindi nila hinayaang may makakuha pang iba nito. Matapos nilang matipon ang mga ebedensiya ay tinawagan naman nina Dion ang kilala nilang abogado para ibigay ang mga ebedensiyang iyon. Hindi alam ni All