HINDI pa man naimumulat ni Dawn ang mga mata niya ay tunog na ng cellphone niya ang bumulabog sa kanya.
Pakapa-kapang inabot niya iyon sa mesita sa tabi ng kama niya at hindi pa rin iminumulat ang mga matang sinagot ang tawag.
"Good morning, darling!" bungad sa kanya ng tinig na unti-unti nang nakakabisado ng sistema niya.
Wala sa loob na napangiti siya.
"Morning, aga mo, ah."
"Sino'ng kasabay mong pumunta sa simbahan mamaya?" masuyong tanong nito.
"Hmm... I think, 'yung mga bridesmaids. Sa bridal car yata sasakay sila Mommy."
"Sunduin kita? Sabay na tayong pumunta."
"'Wag na, okay lang ako. Baka hassle pa sa'yo."
"Of course not. Basta sunduin kita, ha?" giit nito na nakapag-pangiti sa kanya.
"Kulit lang?"
Tinawanan lang siya ng binata.
"Won't argue with that. Kaya kung ako sa'yo, 'wag ka nang tumanggi, kukulitin lang kita."
"Wala na kong sinabi." nakangiti pa ring sabi na lamang niya. "Got to
LAKING pasasalamat ni Dawn nang pagdating nila sa reception ay nagdadatingan pa lamang din ang ibang bisita.Hindi pa naman pala sila masyadong huli. Magaling kasing humanap si Art ng alternatibong mga daan, tila alam nito ang mga papasukan kung saan hindi sila maiipit ng traffic.Naka-alalay pa ito sa siko niya habang papasok sila sa pinagdarausan ng reception.Lahat ng makasalubong nila ay pawang mga nakangiti sa kanya, na siyempre pa ay ginagantihan niya ng matamis ding ngiti. Halos lahat naman ng naroon ay kakilala niya, dahil bukod sa kapatid niya ang bride, kaibigan naman niya ang groom. Kaya't pareho siyang involve sa mundong ginagalawan ng mga ito.Kapansin-pansin naman ang extrang tamis ng ngiti at paghanga sa mga mata ng mga kadalagahan sa t'wing mapapadako ang tingin ng mga ito kay Art, na malugod din naman nitong ginagantihan ng matamis na ngiti. Palihim na naiiling na lamang siya.Dahil siya ang maid of honor, at bestman naman si Art,
ANGELOHi, Hon.DAWNHi...ANGELOI have a surprise for you.DAWNWhat is it?ANGELOOpen the door.DAWNWhat? Why?ANGELOJust open it, Honey.DAWNOkay.PABUNTONG-HININGANG bumangon si Dawn sa kama, tinungo ang pinto ng kwarto niya at bumaba upang tingnan kung ano ang sinasabi ng kasintahan.Isang linggo na siyang nagkukulong sa bahay.Dalawang linggo na matapos ang kasal nina Greg at Toni. Nakaalis na rin pabalik sa ibang bansa ang mga magulang niya. Dahil sa restaurant business ng mga ito roon ay hindi maaaring magtagal ang mga ito sa Pilipinas. Ipinangako na lamang ng mga ito na dadalaw sa oras na manganak na ang
"DAMN IT!" mahina ngunit mariing sambit ni Art sabay hampas sa manibela.Dalawang linggo niyang tiniis na hindi magpakita sa dalaga. Iniisip niyang iyon ang mas makabubuti para sa kanila. Aaminin niyang nasaktan siya nang sabihin nitong mahal pa rin nito ang kasintahan.Sabi niya sa sarili niya, bakit ba niya ipipilit ang sarili niya sa isang taong iba ang minamahal?Kaya't pilit niya itong iniwasan. Maging sa mag-asawang Greg at Toni ay hindi na rin muna siya nagpakita. Ayaw niyang makarinig ng kahit na anumang tungkol dito. Pilit niyang inabala ang sarili sa trabaho, halos ay ayaw niyang may mababakanteng oras.Sa gabi naman ay laman siya ng iba't-ibang bar sa Metro Manila.Ilang kababaihan na rin ang nagtangkang lumapit sa kanya. Ngunit bago pa lamang niya hahalikan ang mga ito ay agad nang pumapasok sa isip niya ang naka-irap na imahe ni Cassandra. Agad siyang gumagawa ng paraan para makaiwas.Parang nakakaloko lang.Nakaka-gago l
"CASSANDRA..."Bahagya pang napitlag si Dawn nang marinig ang boses ni Art. Kanina pa siya nakatitig sa tasa ng kape sa harapan niya. Pilit niyang itinatanong sa sarili kung tama ba ang ginagawa niya. Alam niyang tila siya gamo-gamong hindi mapigilang lumapit sa apoy. Alam niyang madadarang siya, ngunit wala siyang ginawa upang pigilan iyon.Nang mag-angat siya ng tingin dito ay napalunok siya nang makitang wala itong suot na pang-itaas, at tanging boxer shorts lamang ang suot nitong pang-ibaba. Nagpupunas ito ng basang buhok gamit ang twalyang ibinigay niya rito."Art!" nanlalaki ang mga matang halos ay pasigaw niyang sabi rito. "Bakit ganyan ang hitsura mo?""Why? Ano'ng problema sa hitsura ko?" patay malisya ito na patuloy lang na nagpupunas ng ulo habang nakatingin sa kanya.Naaamoy pa niya ang shampoo at sabon niya na ginamit nito na lalong nagpabuhol-buhol ng takbo ng utak niya.Shit! Bakit ba ang sexy ng amoy ng sabon at shampoo ko nu
TONIAte...ATE DAWNBakit?TONIPwede ka bang matulog dito? Kahit two nights lang.ATE DAWNBakit? Nasaan ang asawa mo? Nag-away ba kayo?TONIOA, 'te? Pinatutulog lang kita rito, nag-away agad? Hindi ba pwedeng may out of town conference lang siya sa Cebu, for three days?Natatawang-napailing na lamang si Dawn sa kalokohan ng kapatid.ATE DAWNLoka-loka ka talaga!TONIActually, kahapon pa siya umalis... at sobrang bored na bored na ako rito. Naka-bed rest ako now, kung hindi lang, kasama sana ako ni Greg sa Cebu.Bahagyang nangunot ang noo niya at bumaha ang pag-aalala sa sinabi ng kapatid.
HINDI NA niya muli pang nakita si Art nang bumaba siya. Hindi niya alam kung dapat niya ba iyong ipagpasalamat, o ano."Nasaan na kaya 'yon." hindi pa rin maiwasang tanong ng isip niya.Nagulat pa siya nang makarinig ng boses ng babaeng papasok sa kusina."It's okay, Arty, baby, dinagdagan ko talaga ang niluto ko para sa'yo--I mean... kay Toni. Maganda raw sa buntis ang masabaw na pagkain. And of course, maganda rin sa'yo 'to, nakakadagdag daw ito ng-- hrmp... alam mo na..." at sinundan nito iyon ng nakaka-iritang halakhak.Nang lumingon siya ay nakita niya ang gulat sa mga mata ni Art na nakatingin sa kanya. Hindi marahil nito inaasahang naroon siya.Lumipat ang tingin niya sa babaeng katabi nito.Hindi niya maikakailang sexy ito sa suot nitong hapit na spaghetti strap blouse, na halos iluwa na ang hind dapat, na sigurado siyang sinadya nito, gayundin ang leggings nito na tila ikalawang balat na nito sa sobrang hapit.Bahagya pa siya
"SORRY," mahinang anas ni Art habang nakahiga sa tabi niya.Katatapos lang ng mainit na sandali sa kanila. At katulad nang unang beses na may mangyari sa kanila, tumatanggi ang isip niya ngunit nadadaig ito ng traidor niyang puso at katawan. Nakaunan siya ngayon sa dibdib nito habang nakahiga ito at nakapatong ang isang braso sa noo, at ang isa ay nakapulupot sa katawan niya.Binalak sana niyang lumayo rito pagkatapos, ngunit hindi siya nito pinayagan. May pwersang kinabig nito ang katawan niya at mahigpit na ipinaikot ang braso sa kanya, sinigurong hindi siya makakalayo rito. Kaya't damang-dama niya ang pagkakadikit ng mga hubad nilang katawan.Tila wala sa loob na marahan pa nitong hinahaplos ng mga daliri ang braso niya. Pataas. Pababa. Paikot-ikot. May nararamdaman siyang masarap na kiliting nanunulay sa bawat himaymay ng mga ugat niya, patungo sa pinakasentro ng pagkababae niya, sa ginagawa nito."Shit!" katatapos lang nila pero heto
NAGISING si Dawn sa tunog ng doorbell. Wala pa sana siyang balak na bumangon dahil masama ang pakiramdam niya. Pero sadyang makulit ang bisita niya at ayaw talagang tumigil.Ilang sandali pa ay tumigil na ito, akala niya ay maitutuloy niya na ang tulog niya, nang tumunog naman ang cellphone niya. Pakapa-kapang kinuha niya iyon sa nightstand at nakapikit pang inilapit sa tainga niya."Hello..." paos pang sagot niya sa telepono."Cassandra, are you okay? Dumaan ako sa shop mo, hindi ka raw pumasok, kanina pa ako nagdo-doorbell sa bahay mo, pero hindi mo binubuksan ang gate. Where are you? At, bakit ganyan ang boses mo?" sunud-sunod na tanong na bungad agad ni Art, mababakas sa tinig ang pag-aalala."I'm just here, nakatulog ako uli.""Come on, darling, open up." malambing nang sabi nito."Art, pwede bang bumalik ka na lang some other time? I'm not feeling well," nakapikit pa rin siya.Hilong-hilo talaga siya.
"DARLING, are you ready?" bungad ni Art nang pumasok ito sa nursery room kung saan binibihisan ni Dawn si baby Martina.Ngayong araw na ito nakatakda ang binyag ng tatlong buwang gulang nilang anak."Yes, daddy... we're ready." nakangiti namang baling niya rito.Naramdaman niyang pumulupot ang mga braso nito mula sa likuran niya."I really like it, everytime you're calling me daddy." anas nito sabay halik sa punong-tainga niya, pagapang sa leeg niya."Uh-oh, stop that. Binyag ni baby Martina today, ayaw mo naman sigurong mahuli tayo sa simbahan, right?" saway niya rito. Kahit pa nga nararamdaman niya na ang unti-unting kiliting gumagapang sa kaibuturan niya sa ginagawa ng asawa.This man is really insatiable! Halos mag-u-umaga na nang patulugin siya nito kanina. They made love the whole night.They are always like that. Hindi ito natutulog hangga't hindi sila nagniniig. Kahit simpleng make-out lang, kung talagang pagod ito sa opisina.
"CASSANDRA DAWN SAMONTE, will you give me the honor to be your husband and father, to our child?" bahagya nang nabasag ang tinig nito. "Will you marry me?" ani Art at binuksan sa harap niya ang hawak nitong kahita na naglalaman ng isang napakagandang engagement ring.Panay ang agos ng mga luha ni Dawn, ngunit nag-uumapaw sa kaligayahan ang puso niya.Hindi niya akalain na darating pa ang pagkakataong ito. Akala niya ay pagiging tatay na lamang ng anak niya ang magiging papel nito sa buhay niya.Hindi na para maging asawa niya."Yes!"Doon na pumatak ang kanina pa pinipigilang mga luha ni Art. Agad itong tumayo at dali-daling lumapit sa kanya. Nanginginig pa ang kamay nitong inabot ang kamay niya at isinuot doon ang singsing. Matapos ay hinalikan nito ang likod ng palad niya kung nasaan ang singsing bago siya mahigpit na niyakap.Narinig niya ang palakpakan ng mga tao sa paligid nila."Thank you." anas ni Art sa tainga niya habang yaka
"I WANT HER... I want to marry her and fathered our child."Lumuluhang umiling-iling siya.Paano siyang pakakasalan nito kung may itinatago itong babaeng buntis sa condo nito."You want her now, 'cause she's pregnant?" tila nananantyang tanong ng judge."I love her." madamdaming sagot ng binata.Muli ay lumuluhang umiling-iling siya habang nakayuko."Please, darling, believe me. I love you. I know you have doubt, and I know why. But I am willing to prove to you that I love you... ONLY YOU." anito na binigyan ng emphasis ang huling sinabi.Bumaling ito sa ama at..."Judge, I want to represent to you my witness. The person behind all this trouble."Naguguluhang nag-angat siya ng tingin dito.Nginitian lang siya nito ng matamis at tumingin sa gawi ng pinto. Nang bumukas iyon ay nakita niyang inaalalayan ng isang naka-barong na lalaki ang babaeng nakapagkit na yata sa kanyang is
NAGPUPUYOS ang kalooban na muling pumasok sa loob ng bahay si Dawn at kinuha ang cellphone niya upang magtext dito.CASSANDRADamn you, Art! What is this?ART NICKOLOWhat is it, Cassandra?CASSANDRAStop acting innocent,alam kong alam mo kung ano ang sinasabi ko!ART NICKOLOOh, that?CASSANDRAYes, this! Bakit mo ako pinadalhan ng subpoena? Nasisiraan ka na ba? Wala akong kasalanan sa'yo!ART NICKOLOWala ka bang sasabihin sa'kin?CASSANDRAWALA!ART NICKOLOSee you in court, then.PAGTAPAK pa lamang ni Dawn sa entrance ng Court of Justice ay ang lakas na ng kabog ng dibdib niya. Hindi niya mawari kung
WALA pang kinse minutos ay nakarating na siya sa lugar na pinag-usapan nila ni Angelo. Iginala niya ang paningin sa loob ng restaurant at nakita niya itong prenteng nagkakape habang nakatingin sa cellphone at mukhang may ka-text."DAMMIT! Si Cassandra kaya ang kausap nito?" nagtagis ang bagang niya at kuyom ang kamaong lumapit dito.Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "Hey.""Pare, upo." anitong tumayo pa at inilahad sa kanya ang kamay.Kahit pa mas gusto niyang sapakin ito kaysa nakipagkamay dito, ay tinanggap pa rin niya ang kamay nito bago naupo. Ilang segundong tila nagsukatan lang sila ng tingin, hanggang si Angelo ang unang bumasag ng katahimikan."So, sinabi sa'kin ni Dawn na nagkaroon daw kayo ng... 'short affair'? walang masasalaming emosyon sa mukha nito na idiniin ang salitang, short affair."Lalong nagtagis ang mga bagang ni Art sa sinabi nito. Nag-iigtingan ang mga ugat niya sa kamao sa dii
"SAAN ka ba galing, Art?" salubong agad ni Cynthia kay Art nang pagbuksan siya nito ng pintuan. "Wait... are you drunk?" kunot ang noo pa nitong tanong habang nakabuntot sa kanya."Not now, Cynth. Not in the mood." balewala niyang sagot at deretso nang naglakad papunta sa kwarto niya.Ngunit katulad ng pagkakakilala niya rito ay makulit talaga ito. Nakasunod pa rin ito sa kanya hanggang sa loob ng silid.Kumuha siya ng bihisan at tumuloy sa cr upang maligo.Kauuwi niya lang mula sa pagsunod niya sa sasakyan ni Angelo para ihatid si Cassandra sa bahay nito. Balak niya sana ay kausapin ang dalaga kapag nakaalis na si Angelo. Pero isang oras na siya sa loob ng sasakyan niya ay hindi pa rin lumalabas ang binatamula sa bahay ni Cassandra."Tsk!" naiiling na tumingala siya at pumikit, hinayaan niyang bumagsak ang tubig mula sa shower papunta sa mukha niya, habang ang dalawang kamay niya ay nakatukod sa tiled wall.Ano
FLASHBACKPAGDATING niya sa pinag-usapang restaurant ay inilibot niya ang paningin sa paligid at agad niyang nakita ang hinahanap.Aubrey.Kilala niya ang dalaga sapagkat minsan na niya itong nakita nang isama siya ni Angelo sa isang pagtitipon sa bahay ng mga magulang nito. Agad siyang lumapit dito."Hi, sorry i'm late, may dumating kasing client sa shop, hindi ko naiwan agad." alanganin ang ngiting bungad niya rito."It's okay. Kadarating ko lang din." katulad niya ay hindi rin nito alam kung ano ang ikikilos, malikot ang mga mata nito. "Have a sit. Gusto mo nang mag-order?"Matipid niya itong nginitian pagka-upo. "No, thanks, busog pa 'ko. Anyway, ano ngang pag-uusapan natin tungkol kay Angelo?"Muli ay umilap ang mga mata nito. Ilang beses pa muna itong tumikhim bago naapuhap ang boses."I love him, Dawn." anitong sinalubong ang tingin niya. "We're here because I wanna try my
"CONGRATULATIONS, misis, you're six weeks pregnant..." tila nag-e-echo pa sa pandinig niya ang sinabi ng OB-GYNE sa kanya kanina.Kahit halos inaasahan niya na ay hindi niya pa rin maiwasang hindi mayanig sa sinabi ng doktor nang magpa-check up siya kanina.Pagkagaling niya sa ophthalmologist ay pinuntahan niya kaagad ang OB-GYNE na inerekomenda sa kanya upang makumpirma ang hinala nito.Tulala siyang naka-upo ngayon sa opisina niya at iniisip ang kinasadlakang sitwasyon.Ano na ngayon ang gagawin niya? Ano ang magiging reaksyon ni Art kapag sinabi niyang magkaka-anak na sila? Wala naman silang malinaw na relasyon. Paano kung hindi pa pala ito handang maging ama?Wala sa loob na nahaplos niya ang pipis pang puson. Agad siyang nakaramdam ng affection para sa buhay na pumipintig ngayon sa sinapupunan niya."Don't worry baby, mommy loves you, so much. I don't know yet, how to tell daddy about your existance, but I know,
NAGISING si Dawn sa tunog ng doorbell. Wala pa sana siyang balak na bumangon dahil masama ang pakiramdam niya. Pero sadyang makulit ang bisita niya at ayaw talagang tumigil.Ilang sandali pa ay tumigil na ito, akala niya ay maitutuloy niya na ang tulog niya, nang tumunog naman ang cellphone niya. Pakapa-kapang kinuha niya iyon sa nightstand at nakapikit pang inilapit sa tainga niya."Hello..." paos pang sagot niya sa telepono."Cassandra, are you okay? Dumaan ako sa shop mo, hindi ka raw pumasok, kanina pa ako nagdo-doorbell sa bahay mo, pero hindi mo binubuksan ang gate. Where are you? At, bakit ganyan ang boses mo?" sunud-sunod na tanong na bungad agad ni Art, mababakas sa tinig ang pag-aalala."I'm just here, nakatulog ako uli.""Come on, darling, open up." malambing nang sabi nito."Art, pwede bang bumalik ka na lang some other time? I'm not feeling well," nakapikit pa rin siya.Hilong-hilo talaga siya.