ERICAKinabukasan, naalimpungatan ako dahil sa ngawit ng binti ko, nang imulat ko ang mga mata ay nakita kong nakadantay ang kaliwang binti ni Troy sakin. Kaya pala ang bigat ng pakiramdam ko dahil halos nakayakap na siya sa akin at nakasubsob ang mukha sa dibdib ko. Nag-iinit ang mukha ko, pareho kaming hubad. Naka- isang ulit pa kami kagabi dahil nang magising siya ng bandang 11 ay nagsimula na naman maglakbay ang mga kamay niya kaya nauwi ulit kami sa mainit na pag-iisa ng katawan. Tinulak ko siya dahan-dahan at tumayo. Iniwan ko na ang kumot sa kanya. Pumasok ako sa banyo ng hubad. Hindi niya naman makikita dahil tulog siya. Ano naman kung makita niya natikman niya na't lahat mahihiya ka pa ba Erica? Usig ko sa sarili. Pagkapasok ko sa banyo ay tiningnan ko ang kahubdan at nagulat sa nakita. Punong- puno ng marka ang katawan ko parang kinagat ng langgam. Argh!Naligo na ako at nagbihis pagkatapos ay pumunta ako sa kusina para initin ang ulam kagabi at nagsalang na rin ng mainit n
Lovina Pecson ang pangalan ng babae at bago sa pandinig ko. Tiningnan ko isa-isa ang litrato nila. At halos puro sweet selfie nila ang naka-upload. Hindi ko namalayan ang luha ko, tumulo siya ng kusa dahil biglang rumagasa ang sakit sa dibdib ko ng mabasa ko pa ang comments, kanina lang ini-upload dahil 2 hours pa lang ang nakalipas.“Hey, kayo na ba? Congrats!“Uy bagay kayo!”“Bring back memories, sabi ko na eh kayo talaga para sa isa’t-isa, our college lover”“So, kelan ang kasal? Abay ako ha?”“Hala grabe kinikilig ako sa inyo! Ayeee!”Hindi ko na natapos basahin ang mga comments dahil hindi ko kinakaya ang sakit. Para silang kutsilyo na isa-isang tinatarak sa puso ko. Ang sakit! Ang sakit-sakit! Troy?!Walang nakakaalam sa mga old friends and colleagues niya na ikinasal kami noon kaya kilig na kilig sila at botong-boto sa Lovina’ng iyon para kay Troy.Kaya pala hindi siya nagpaparamdam sa’kin ng ilang araw busy pala talaga siya. Tsk! Mas lalo pang bumaha ang luha ko sa isiping ma
ERICAKinabukasan ay tumawag si direk kay Elmo ang sabi sa kanya ay bandang gabi ang calltime namin dahil sa gabi raw kukunan ang eksena namin ni Jacob. Medyo kinakabahan ako pero wala na akong choice kundi gawin ito.Wala na akong balita kay Troy, wala na kaming komunikasyon sa isa't-isa halos isang linggo na ang nakalipas. Naiinis ako sa kanya pero namimiss ko din siya. Ang saklap imbes na dapat kalimutan ko na siya at mag-move-on ay hindi ko magawa dahil itong puso masyadong kj. Baka nga masaya na yon sa piling ni Lovina. Tsk! Ganun lang kadali sa kanya ang lahat samantalang ako pinipilit kong maging maasyos ang sarili.Natapos ko ng ayusin ang mga gamit na dadalhin ko mamaya sa location. Halu-halong emosyon ang nararamdamam ko. Excited na kinakabahan. First time kong umarte sa harap ng camera. Ibang-iba ito sa pagiging manunulat.Tiningnan ko ang oras alastres na pala kailangan ko ng maligo para matuyo ka agad ang buhok ko para hindi na mahirapan ang mag-aayos mamaya. Ala-singko a
ERICA Maya-maya pa ay tumawag nga si Direk Lester kay Elmo at tinatanong kung okay na ako. Hindi na ako nag paligoy-ligoy pa at sinabi sa kanya ang totoo. Ipinaliwanag ko sa kanya ang kalagayan ko. At mabuti na lang naintindihan niya ang sitwasyon ko. Saka ang sabi niya ay hindi niya pangungunahan ang desisyon ko tungkol sa pagbubuntis ko. At ako na ang bahalang magsabi kay Troy. Saka ang tungkol sa project ay i-postponed daw muna at hihintayin ang desisyon ng Boss nila kung itutuloy pa ba kahit hindi na ako ang gaganap na bida. Hindi ko na tinanong kung kailan ang balik ng Boss nila at wala na akong balak maghabol sa taong yon. Lumipas ulit ang isang linggo ay nagiging malala ang pag-iiba ng mood ng katawan ko. Panay ang suka ko kung minsan ay nahihilo ako. Ganito ba talaga kapag buntis? May maamoy ka lang na hindi gusto ng ilong mo ay masusuka ka na agad. Minsan nga maiyak-iyak na ako sa pagsusuka ko dahil wala akong kasama hindi naman pwedeng palagi ko na lang tawagin si Elmo pa
TROY Pagkatapos kung ihatid si Lovina sa bahay nila ay halos paliparin ko ang kotse ko papuntang hotel. I missed Erica so much. And I know she's mad at me. Very mad. Halata ko ang tampo at selos sa mukha niya kanina. Hindi niya ako pinapansin. And I hate it. I need to tell her that Lovina is just my colleague and a college friend. Nothing more nothing less. Nagkataon lang na nagkita kami sa Singapore at ang ama niya ay isa sa mga kaibigan ng daddy ko at stockholder ng SGC. They are a family friend also. Taga rito lang din sila sa Cavite at nag presentang sumabay sakin pabalik ng Pinas dahil magbabakasyon at namimiss na niya ang kanyang pamilya. Niyaya niya akong kumain muna at doon kami napadpad sa mall. Hindi ko akalaing naroon pala si Erica at kasama si Morales. That guy, Alam kong may gusto yon sa baby ko. Yung mga titig niya kay Erica ay may kahulugan. Kaya dapat ko siyang balaan na lubayan ang babaeng mahal ko. Dahil kung hindi, hindi niya magugustuhan ang gagawin ko sa kanya
ERICA Pinagmamasdan ko siya at naghihintay ng mga sasabihin niya. Napahilot ito ng sintido. "Pwede bang sa hotel na tayo mag-usap?" Doon ko na ipaliwanag lahat." Pakiusap niya. Pero umiling ako. "No! Hindi nga ako sasama sa'yo di ba? Ba't ba ang kulit mo? Umalis ka na lang kung gusto mo. Ayan oh, bukas ang pinto!" Sabi ko sabay turo sa pinto at tinaasan ang boses ko dahil nakukulitan na ako sa kanya. Parang bata hindi makaintindi. Tsk! “Hindi ako aalis dito ng hindi ka kasama," Wika niyang matiim ang titig sa'kin. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa taong ito. Walang kasing tigas ang ulo. “Wala kaming relasyon ni Lovina kung 'yon ang iniisip mo." Aniyang hindi inaalis ang tingin sa akin. Iniwas ko ang mukha ko at umupo sa sofa dahil pakiramdam ko nangangawit na ako. “Sinungaling!" Bintang ko sa kanya ng hindi siya tinitingnan. “That's true, you need to believe me!" “Paano mo ipapaliwanag ang mga nakita kong pictures sa social media? at ang sweet-sweet niyo pa! pati comm
ERICAPagbaba namin ay naabutan naming kumakain na sila ng tanghalian. Napansin kami ni Rix at ngumingiti ito ng makahulugan habang nakatingin samin.Guys kain na kayo, hindi na namin kayo tinawag baka maistorbo pa namin kayo," Aniyang nakangiti pa rin. Hinampas siya ni Fatima sa braso. "Bunganga mo," ani Fatima. Ngumiti ako ng hilaw dahil bigla akong nahiya. Alam kaya nila?Binitawan ni Troy ang kamay ko at pinaghila ng upuan katabi niya.“Have a sit, baby," usal niya. Pinagsandok din niya ako ng kanin at ulam. Naninibago ako kay Troy dahil hindi niya ito gawain noon. Palagi lang siyang nakasimangot noon at kapag kakausapin ko naman ay sisinghalan ako.“By the way sister in law can I talk to you?" Baling sakin ni Rix. Napatingin ako sa gawi niya. Ngunit napalingon rin ako kay Troy ng sumabat ito.“No! you can talk to me Rix," ani Troy na sumusubo na.Napangiti na lamang si Rix sa tinuran ng kapatid. "You're so possessive bro, may sasabihin lang naman ako," aniyang todo ngiti kay Troy
ERICAPagdating ng hapunan ay matiwasay kaming kumain panay ang asikaso ng mga magulang ni Troy sakin kaya medyo naiilang ako dahil hindi ako sanay. “Bukas ay maaga tayong gumising para mapag-usapan ang kasal niyong dalawa. Teka iha, hindi ba pupunta ang magulang mo dito?” Sabi ni Mommy kaya nilingon ko siya. Umiling ako. Pero si Troy na ang sumagot. “Ulila na siya Mom, pero may kamag-anak siya sa Cavite. Maybe we can invite them sa mismong kasal na.” Ani Troy na hinawakan ang kamay ko. “I’m sorry iha, don’t worry from now on kami na ang ituring mong magulang ha? Di ba hon?” Sinulyapan niya ang asawa at binalik ang tingin sakin. “Oo nga iha! Kayo ni Fatima ay magiging official na myembro na ng pamilya kaya huwag kang mahihiya samin kapag may kailangan ka.” Ani Daddy. Sayang nga lang at wala ngayon sina Fatima at Rix, may pinuntahan ang dalawa o baka nagsolo na daw sabi kanina ni Troy na ikinatawa ko. “Maraming salamat po Mom, Dad.” tanging nasambit ko na lamang. Wala akong masabi
TROY "Make sure everything will be okay this time," sabi ko kay Ryan bago ibinaba ang tawag. This time ayoko ko nang maging palpak to. I want everything is going to be perfect, nagpadagdag na rin ako ng mas maraming security dahil gusto kong maging maayos ang lahat. It’s her birthday next week and I’m planning to surprise her again kasabay ng engranding kasal namin. And this time its all true at walang halong pagkukunwari. I can't wait to see my bride wearing her wedding gown. Oh, thanks to Fatima dahil alam niya ang sukat ng asawa ko kaya hindi na ako nahirapan pa and also thanks to Mom dahil she help me a lot sa pagpili ng pinakamagandang gown and it worth 1.5 million. I don't care how much it will cost basta para sa asawa ko. I smiled when I remembered how we first met. It was full of anger and hate dahil na brain wash ako ni Fatima. Pero sa paglipas ng araw na nakakasama ko siya ay unti-unti namang nahuhulog ang loob ko sa kanya. Napapamahal na siya sakin. Until one day I real
ERICA Hininintay ko siyang magsalita kung anong gusto niyang sabihin sa’kin. Nagsimula na akong magligpit ng mesa ay nakatayo pa rin siya at kinukurot-kurot ang kanyang mga daliri. Hindi ko alam kung nahihiya siya o nag-aalangan. “Uhm…E-Erica,” tawag niya pero patuloy lang ako sa pagliligpit alam naman niyang naririnig ko siya. “G-Gusto ko sanang humingi ng pasensya, n-nang patawad sayo, sa inyo ni Troy. Alam kong napakalaki ng kasalanan ko sa inyo at hindi ko alam kung mapapatawad mo ako,” nagsimula ng gumaralgal ang boses niya. Ang Lovina na akala ko dati palaging galit kung makatingin, ngayon ay parang hindi na makabasag pinggan ang itsura. Hinintay kong matapos ang sasabihin niya. "S-sana patawarin niyo ako ni Troy, nabulag lang ako ng selos noon kaya ko nagawa ang mga bagay na yun. Nadala ng inggit na mas pinili ka niya kaysa sakin, na ako dapat yun at hindi ikaw, na ako ang nauna, na sana ay ako ang pakakasalan niya noon kung hindi lang ako naging tanga at umalis. Napuno
ERICA We made love hanggang magsawa at mapagod na pareho ang katawan namin. Hindi ko siya mapigilan dahil alam kong madidisappoint siya. Kaya hinayaan ko ulit siya na pagsawaan ang katawan pero mukhang hindi naman siya nagsasawa like he said that he will never ever get tired of me because I’m his breath, I’m his life. Hindi ko alam kung anong oras kami natapos pero alam kong madaling araw na iyon. Malakas ang immune system ng lalaking to pagdating sa sex. Kay heto tanghaling tapat na ay nakahiga pa rin kami pareho at ramdam na ramdam ko ang ngalay sa baywang at balakang ko. Hindi man lang kami ginising ng mga tao sa labas, bakit kaya? Bumangon ako at nagpunta sa banyo. Naiihi ako. Ngunit pagbalik ko ay nakita ko na naman ang cell phone ni Troy. Tiningnan ko iyon at may mga text messages na dumating. Galing sa Mommy niya yung iba sa secretary niya. Binuksan ko ang text message mula kay Mommy. Nagtaka ako kung bakit pa ito nagtext dahil nasa kabilang kwarto lang naman sila. Mommy
ERICANagpaalam na kami sa kanila at naghabilin naman di Troy na kapag may oras sila ay pwede silang dumalaw sa mansyon, hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ni Troy kay Lola. Which is natutuwa naman ako kay Elmo lang medyo mainit ang dugo nito. Natuwa naman si Lola sa mga pasalubong namin sa kanya at sobrang pasasalamat niya kay Troy na kung hindi dahil dito ay baka kung saan na daw ito pulutin.Naiintindihan ko siya dahil alam kong medyo mahal ang pagpapagamot sa sakit niya. Pero naaalala ko ang sinabi ni Troy noon na kaya ipinatayo ang SGC medical city ay para sa mga mahihirap at walang kakayahan na gumastos para lang makapag pagamot. Natutuwa ako kasi may mabuting puso si Troy sa mga mahihirap.Nang makaalis na kami ay dederetso pa ulit kami sa bahay nina Tito Oscar saka babalik sa Hotel.“Hey, ang lalim ata ng iniisip mo? Iniisip mo ba kung anong reward ang ibibigay mo sakin?” bigla na lang niyang sambit habang nagmamaneho.“What?!” taka kong tanong.“No need to think, Babe.
ERICA Kinabukasan ay napagpasyahan naming dalawin ang puntod ng mga magulang ko sa Cavite. At saka dadalawin rin namin si Lola Perla at pati na rin sina Tito oscar. Bumili kami ng bulaklak at pagkain sa daan. Kasama ang buong pamilya ni Troy sa pagdalaw dahil gusto rin nito makilala Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman dahil naging okay na kami ni Troy, pati ang pamilya niya ay mabait pa rin ang pakikitungo sa akin lalo na sa anak ko. Sila na palagi ang kasama ni Eric kaya itong asawa ko laging nakakaisa sakin, gusto atang masundan agad si Eric. “Hey, what are you thinking? Bakit ka napapangiti diyan?” Baling niya sakin ng mapansing nangingiti ako. “Wala,” sagot ko. “Then why are you smiling, siguro naalala mo yung posisyon natin kagabi?” napalingon ako sa sinabi niya. Pinamulahan tuloy ako ng pisngi. Buti na lang dalawa lang kaming nandito sa kotse niya at nakasunod naman ang Van ni Rix at Fat kasama sina Mommy at Daddy naroon din si Eric sa kanila. “Hindi iyon ang
ERICA Itatali niya ako sa kanya ng walang seremonya ng kasal kahit civil man lang! Pinagplanuhan niya mag-isa. “Signed it Mrs. Sandoval I have a client and another meeting to attend to.” Untag ni Atty. Galvez. Wala na akong nagawa kundi pirmahan iyon. Pagkatapos kong pirmahan ang papel ay kinuha iyon ni Attorney at ibinalik sa kanyang attaché case. “Congrats Mr. and Mrs. Sandoval, sunod nito ay simbahan na sana tuloy na at wala nang mangugulo pa.” Saad ni Attorney bago nagpaalam umalis. Nang tuluyan na itong makaalis ay kinumprunta ko si Troy. “So, kaya mo pala ko sinama dito para pirmahan ang mga dokumento ng kasal?” Inis kong tanong sa kanya. “Para wala ka nang kawala, wala ka nang dahilan iwanan ako dahil asawa mo na ulit ako ngayon,” tugon niya. “Pero dapat ipinaalam mo muna sakin para hindi ako nagulat,” inis na sabi ko sa kanya. “Whatever babe, its done! You are mine again,” “Saka hindi na tayo magpapakasal dito, sa ibang lugar tayo magpapakasal,inuna ko lang ang marr
ERICAPaggising ko ay wala na sa tabi ko si Troy. Bumalik siguro siya sa kwarto at tinabihan si Eric. Napangiwi ako ng kumirot ang pagitan ko. Mahapdi pa!Dahan akong bumangon at lumipat sa dating kwarto namin. Sinilip ko sila and they're still sleeping peacefully.Maaga pa naman kasi alasingko pa lang.Nasanay na lang talaga akong ganitong oras magising.Pagkatapos kong magtooth brush ay bumaba ako at naabutan ko si Fatima na umiinon ng gatas. Tumaba rin siya, dahil siguro sa buntis siya.“Uhm—hi Fat,” agaw pansin ko sa atensyon niya at lumingon naman ito.“Oh hi, Good morning! Aga mo ata nagising? Kape ka na,” aniya.Nagtimpla ako at umupo sa tabi niya.“Ilang buwan na ang tiyan mo Fat?”“Four months na besh! Ninang ka nito ha?”Napangiti ako. “Oo naman, sure!” tugon ko.Nag-usap pa kami ni Fat at nagpapasalamat ako na hindi sila galit sa akin. Sa pag-iwan ko sa kanila ng walang paalam. Nahihiya akong humingi ng tawad kay Troy. Pero susubukan ko pa rin.Maya-maya pa ay bumaba na sin
ERICA Dinaanan ako ni Elmo, hindi na ako nagpalit nang suot, ayoko nga bakit ako magpapalit gusto ko to at komportable ako dito. Halata ko ang disgusto niya sa dress ko. Iniwan ko muna sa kanya si Eric dahil tulog naman ito. Nagsabi lang ako na babalik kaagad ako. Wala na siyang nagawa pa. Nang makarating kami ni Elmo sa ospital ay dumeretso na kami sa room ni Lola Perla. Nadatnan naming natutulog pa ito kaya nilapag muna namin ang biniling mga prutas. Maya-maya pa ay nagising na ito at bakas sa mukha niya nang makita kami ni Elmo. “Hi, La mano po! Kumusta po ang pakiramdam ninyo?” tanong ko. “Iha? Narito ka na pala? Kaawaan ka ng diyos! Mabuti-buti na ngayon ang pakiramdam ko. Aba mas lalo ka atang gumanda? Nasaan na ang anak mo?” balik tanong niya. “Uhm— N-nasa daddy niya po iniwan ko muna!” “Ah ganun ba? Kagagaling lang dito ng asawa mo noong isang araw dinalaw niya ako, at alam mo ba? Wala akong ginastos dito dahil sinagot niya. Ang swerte mo sa asawa mo ang bukod sa mabai
ERICAHabang nagmamaneho siya kanina ay hindi niya ako kinakausap ramdam ko ang panlalamig at iwas niya sa akin. Kaya nanahimik na lang din ako. Nasa likod ako nakaupo at katabi niya sa driver sit si Eric. Si Eric lang ang kinakausap niya.Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Tito na wala siyang asawa. Paanong wala? diba nga nagpasurprise engagement party pa siya noon? Tsk! Baka nagsinungaling siya kina Tito Oscar.Dinala niya kami sa sa hotel, at dito sa suite na naman kami niya dinala kung saan nag— ahh ipinilig ko ang ulo ng maalala iyon. Ang laswa nang isipin.“Uhm— Eric, anak are hungry?” Tanong ko kay Eric na nakatanaw sa labas ng bintana kung saan tanaw ang karangyaan ng syudad.Lumingon ito. “No, mommy, why are you hungry?” balik tanong niya sa akin na ikinalingon ng ama niya sa gawi ko.Tiningnan ko rin siya. Pero nagsalita kaagad siya at kinuha ang cellphone.“Magpapadeliver na lang tayo,” aniya.“Huwag na sa baba na lang kami kakain.” sagot ko.“I already ordered the food, sayan