Habang palakad lakad ang salarin sa buong school ay natanaw niya sina Rose, Mark, Vinz at Friolo sa isa sa mga classroom. Agad itong lumapit sa may bintana upang silipin kung nakalock ba ang pintuan.“Ano nang gagawin natin? Paano kung mahanap tayo ng killer?” natatakot na sabi ni Rose sa kaniyang mga kasamahan.“Huwag kang paranoid. Kung oras mo na, oras mo na.” ani ni Mark sa kaniya.“Seryoso ka ba Mark? Kahit hindi mo pa oras papatayin ka na niya.” ani ni Rose sa lalaki.Dahil nag-uusap silang lahat ay hindi nila napansing may inihulog na pala ang killer na smoke bomb sa loob ng silid. Agad itong nag labas ng masangsang na amoy na dahilan ng pagkawala ng kanilang malay. Nag libot ang salarin at dumaan ito sa pintuan. Nag hintay pa siya ng ilang minuto sa labas upang tuluyang mawala ang epekto ng smoke bomb bago umasok sa loob. Itinali niya sa silya ang lima niyang kaklase. Iniwan niya muna ang mga ito upang kumuha ng tubig na ipangbubuhos sa kanila upang magising ang mga ito. Mag i
Habang nagtatago si Amanda, Jene at Marie sa isang silid sa pinagtataguan nilang building ay narinig nila ang sigaw na nagmumula mula sa ibaba.“Ate Jene, naririnig niyo ba ‘yung kanina pang sigaw?” tanong ni Amanda sa kaniyang mga kasamahan.“Oo, pero hayaan mo na lang sila. Mas mabuti nang ligtas tayo kaysa mapahamak tayo sa pagligtas sa kanila.” ani ni Marie sa kaniya.“Oo nga, paano kung patibong lang ‘yun Amanda. Hayaan mo na, matulog ka na lang.” pagsasang-ayon naman ni Jene kay Marie at ipinikit na ulit ang kaniyang mga mata. Kailangan nilang kumuha ng lakas ngayong gabi para harapin ang bukas.Hindi rin naman masisisi ni Amanda ang mga ito dahil natatakot rin silang mamatay. At ayaw na rin nilang maulit ang nangyari ang iba pa.Pinilit ni Amanda na makatulog ngunit patuloy niya pa ring naririnig ang boses na nagmumula sa ibaba ng building na pinagtataguan nila. Sinilip niya sina Jene at Marie na kasalukuyan nang humuhilik.“Sorry ate, hindi ko kayang pakinggan na lang sila at
Naalimpungatan si Amanda nang maramdaman niyang parang may kung sinong humahaplos sa kaniyang katawan. Pinilit niyang igalaw ang kaniyang mga kamay upang pigilan ang pangahas na lumalapastangan sa kaniyang katawan ngunit hindi nito maigalaw ang kaniyang mga kamay.“Ahhmpp…” bigla siyang napaungol nang naramdamang niyang may s******p sa kaniyang dibdib kasabay ng pagdilat ng kaniyang mga mata. Ganon na lang ang gulat niya nang makita ang pamilyar na mukha na lumalapastangan sa kaniyang katawan.“K-Kuya Zeil… P-paanong?” pautal utal niyang tanong sa lalaki, hindi nito mawari kung ano ang kaniyang dapat sabihin sa mga oras na ‘yon.Sinubukan niyang manlaban ngunit hindi niya magawa dahil sa pagkakatali ng kaniyang mga kamay. Habang nasa pagitan naman ng kaniyang binti ang binata. Inaalala niya kung paano siya napunta sa sitwasyong iyon. Bigla niyang naalala na nahuli pala ito ng killer at may itinapon siyang bagay na naglabas ng mabahong usok.“K-kuya… Anong ibig sabihin nito?” umiiyak ni
Nang makaalis si Jene sa patibong ay agad na nilang ginising si Marie upang ituro kung nasaan dinala ng salarin si Amanda. Agad silang nagtungo sa pinaka makahoy na parte ng kagubatan hanggang sa narating nila ang maliit na kubo na yari sa talahib at kawayan, ang lugar kung saan dinala ni Zeil si Amanda. Agad silang nagtago nang makita nila si Trey na nagbabantay sa labas ng kubo habang prenteng naninigarilyo.Naikuyom ni Vinz ang kaniyang kamao habang naririnig nila ang sigaw at pagmamakaawa ni Amanda kay Zeil sa loob habang sapilitan itong inaangkin. Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay umalis na ang dalawa. Nagtungo sila kung saan ang kanilang paaralan upang balikan pa ang ibang mga studyanteng nagtatago roon. Nang nakalayo na ang dalawa ay agad nang kumilos sina Jene at Vinz habang si Marie naman at Mark ay naghintay lang sa labas ng kubo upang mag matyag.“Amanda! Amanda…. Anong ginawa niya sa ‘yo?” nag-aalala at umiiyak na tanong ni Jene sa kanyang kaibigan nang makita niyang nak
Bumangon si Marie dahil hindi siya makatulog. Pumuta siya sa sa rooftop ng light house upang sana'y magpahangin ngunit napansin niya ang mga medyo may kalakihang mga motor boats na papunta sa isla. Papunta ito sa sa pampang kung saan naroon ang daungan ng barko. Agad siyang bumaba ng hagdan at gisingin ang iba pa niyang mga kasamahan.“Vinz, John, Jene, Amanda! Meron nang rescue!” masayang ani niya sa kaniyang mga kasamahan.“Hah? Saan mo nakita?” nagtatakang tanong ni Vinz sa kaniya habang kinukusot kusot pa ang mata nito.“Tara sumunod kayo sa ‘kin.” masaya n'yang sabi at tumakbo silang tatlo patungo sa itaas na bahangi ng light house. Natanaw nilang malapit na itong makarating sa pampang.“Tara na, kailangan nating magmadaling makapunta roon.” ani ni John. Ipinasan niya na si Mark at binuksan na rin ang pintuan. Ganon rin si Vinz, siya na rin ang nagbuhat kay Amanda upang mas mapabilis silang makarating sa pampang.Kahit na delikado ay sa gilid pa rin sila ng isla dumaan. “Dahan dah
2 years laterHinihintay ni Amanda na maka-alis ang sasakyan ng kaniyang mommy at daddy bago siya magpasyang pumasok sa loob ng kanilang gate.Saktong pagtalikod pa lamang ng dalaga upang pumasok na sa loob ng kanilang bahay ay may narinig siyang tila nagsalpukang mga sasakyan.Nang lingunin niya ito ay ganon na lang ang pagkabigla niya at tila na estatwa sa kaniyang kinatatayuan nang makita ang sasakyang sinasakyan ng kaniyang mga magulang na naka baliktad na dahil sa lakas ng impact ng pagkakabanga ng isang truck rito."Mom!" sigaw ni Amanda at patakbong lumapit sa sasakyan ng kaniyang mga magulang. Mabilis namang humarurot paalis ang nakabanggang truck.Dahil sa nangyari ay mabilis na nag-dagsaan ang ibang mga tao upang makiusyoso sa nangyari. Agad siyang tumakbo papunta sa kinaroroona ng mga ito.Sa sobrang taranta at pagmamadali ay hindi niya namalayang hindi pala siya nakasuot ng sapin sa paa. Ramdam niya ang init ng kalsada na yari sa semento. Ngunit kahit masakit ang kaniyang p
Hindi nakatulog ng maayos si Amanda dahil sa kaniyang nakita kagabi sa likod ng kanilang bahay. Pakiramdam niya ay bumabalik na naman ang bangungot ng nakaraan na pinipilit niyang takasan at pinipilit niyang kalimutan.Nang makarating siya sa kanilang eskwelahan ay tahimik lang siyang naupo sa pinakagilid na parte ng kanilang classroom kung nasaan ang bintana. Mas gusto niyang maupo rito dahil derektang pumapasok ang malamig na simoy ng hanging mula sa labas ng kanilang building."Amanda, ok ka lang ba? Sana hindi ka muna pumasok. Mukhang ang tamlay mo pa rin eh. Nag-excuse ka sana muna kina ma'am." ani ng kaniyang kaibigan na si Anne at naupo sa bangkong nasa harapan ng kaniyang mesa.Umiling naman si Amanda bago sumagot. "Ano ka ba, okay na ako. Huwag ka nang mag-alala. Isa pa, isang buong week na akong absent at ang dami ko nang na miss na mga lesson at quizzes." sagot niya naman sa kaibigan."Sigurado ka ba?" nag-aalala pa ring tanong nito sa kaniya. Napatango naman siya bilang tug
Matapos ang tatlong subject na magkakasunod ay tila ba walang pumasok sa isip ni Amanda sa kanilang mga pinag-aaralan. Napabuntong hininga na lamang siya nang makaalis na ang kanilang guro sa huling klase nila sa umaga.Akmang lalapitan siya ni Zairon nang mabilis niyang kinuha ang kaniyang bag at mabilis na lumabas sa kanilang classroom. Narinig niya pa ang ibang mga kaklase niyang babae na sinabihan siyang 'weirdo' dahil sa kaniyang kinikilos. Hahabulin sana uli ito ni Zairon nang bigla na lang itong hinarang ni Erika, ang muse sa kanilang klase na pinipilahan ng mga lalaki."Hi Zairon, okay lang ba sa 'yo na sabay tayong mag lunch sa canteen. You know, gusto ko lang naman na i-invite ka sa circle of friends namin." paanyaya sa kaniya ni Erika habang nakangiti pa ito at halatang nagpapacute sa binata."I'm sorry miss, but I have an important things to do for now. Hmmm... How about next time." sagot niya sa babae at ngumiti rin ito ng matamis.Halos mamula silang lahat nang makita nil
Pagbukas pa lang ni Ericka sa pinto ng kwarto ni Zeil ay nagkalat na bote ng alak agad ang bumungad sa kaniya. Napapailing na lamang ang dalaga at naglakad patungo sa lalaking naka-upo sa sahig habang naka sandig ang kaniyang likuran sa pader. Malayo ang tingin at para bang walang pake kung sino ba ang pumasok sa kanyang silid.“Zeil,” tawag niya sa pangalan nito upang matawag ang pansin ng binata. Nakatulala lamang ito sa isang sulok ng kaniyang kwarto.“Ikaw pala,” tipid na ani ng lalaki nang mapansin siya. Mukha itong kababalik lang sa sariling wisyo, ni hindi man lang siya nito napansin na pumasok sa loob.“May balita ka na ba kay Amanda?” tanong ni Ericka sa lalaki. Umiling lamang ito bago itinunga ang hawak na bote at saka ipinagulong sa sahig. Napabuntong hinga na lang si Ericka at naglakad patungo sa higaan ni Zeil upang doon maupo.Mag-iisang linggo na kasing hindi umuuwi si Amanda matapos ang pagkikita n
Hindi na muna sumama si Amanda kay John, kailangan niya munang bumalik sa mansion. Gusto niyang kausapin si Zeil tungkol sa babae niya. Pero hindi niya alam kung ano ang dapat sabihin sa lalaki.Naiayos niya na rin ang kaniyang mga gamit at handa nang umalis bukas matapos ang kaniyang klase sa umaga. Gusto niya rin munang makausap si Kian upang hindi na mag-alala ang kaibigan.Nang marinig niya ang mga yapak ng paa ay mabilis na tumayo si Amanda sa kaniyang higaan upang salubungin si Zeil. Ngunit mga ilang sandali na ang nakakalipas hindi parin ito pumasok sa kaniyang kwarto.Mabilis namang naglakad si Amanda papalabas sa kaniyang kwarto upang siya na ang kusang pumunta roon. Ngunit nang buksan niya ang siradura ng pinto ay napatigil siya nang marinig ang kaniyang pangalan sa usapan ng kaniyang tito Henry at ni Zeil.“So anong gagawin mo sa kaniya?” ani ng kaniyang tito Henrry, nasa corridor nag-uusap ang dalawa kaya rinig na rinig ni Amanda a
Mabilis na bumaba si Amanda palabas ng kanilang bahay matapos niyang sabihin kay John ang eksaktong address ng kaniyang tinutuluyan."Hey, Amanda. Saan ka pupunta?" tanong sa kaniya ni Zeil nang makasalubong niya ito sa labas. Hindi niya ito pinansin kahit ilang beses na nitong tinawag ang kaniyang pangalan.Hindi niya alam kung bakit nagagalit siya sa lalaki dahil sa nangyari kay Jene. Pakiramdam niya ay may kinalaman roon sina Zeil at Trey at bumabalik na naman ang nangyaring bangungot sa kanilang paaralan.Nang matanaw niya ang sasakyan ni John ay mabilis siyang pumasok roon."Tara na?" ani nito sa kaniya, tumango naman si Amanda bilang tugon."Amanda, hindi na maganda ang nangyayari. Tingnan mo itong bagong news." ani ni John at iniabot ang kaniyang cellphone kay Amanda.Kahit hindi basahin ni Amanda ang kabuohan ng balita ay malalaman niya na kung ano iyon dahil sa mga pictures na naroon. Halos mapatakip naman siya ng kaniyang bibig dah
Pagmulat ni Amanda ay nasa kaniyang kwarto na ito, meron na rin siyang suot na damit. Wala na rin si Zeil sa kaniyang tabi. Napakusot pa siya ng kaniyang mga mata bago nagpasyang bumangon upang maligo at makapag-repare papasok sa kanilang paaralan.Napapakanta pa siya dahil maganda ang kaniyang naging gising. Mukha siyang teenager na ngayon lang kinikilig, kung sabagay dalaga pa rin naman talaga siya. Sa dami ng lalaking naging crush niya noon ay 'saka niya lang naranasan ang mga nakakatwang bagay na iyon.Hindi niya na kailangan pang tanungin ng direkta ang lalaki dahil alam niya na ang sagot sa mga iyon. Malinaw na sa kaniya na mahal rin siya nito at nahihiya lang itong ipahalata sa kaniya."Shit ka Amanda! Kumalma ka nga!" ani niya sa kaniyang sarili habang tinatapik tapik ang kaniyang pisngi sa sobrang kilig.Napakunot ang kanyang noo nang makita ang sunod sunod na miss calls ni Jene sa kaniya kagabi. Sinubukan niya itong tawagan ngunit hindi na ito m
Halos mag-sasara na ang mental hospital at nag-uuwian na rin ang ibang mga nurse at ibang stuffs ng ospital na nasa day shift ngunit hindi pa rin bumabalik si John."Miss, bumalik na lang po kayo bukas. Magsasara na po kasi kami eh." ani ng babaeng nurse na nakausap nila kanina na ngayo'y nasa kaniyang harapan. Agad namang iniangat ni Jene ang kaniyang ulo upang salubungin ang tingin nito."Pero paano si Marie," nag-aalalang ani niya sa babae."Huwag po kayong mag-alala kay miss Rodriquez, pina blatter na po siya ni Doctor Morales. Baka hinahanap na rin po siya ng mga pulis ngayon." ani nito kaya muli namang napatango si Jene."Anong oras ba bukas magbubukas ang ospital?" muling tanong ni Jene sa nurse."7:00 am po maam." magalang na sagot ng nurse sa kaniya."Sige miss, babalik na lang ulit ako bukas. Maraming salamat sa pag-asikaso." nakangiting ani ni Jene sa nurse, ngumiti rin naman ito sa kaniya at tumango. "Nako wala po iyon maam." ani
"Hoy Amanda nasaan ba si Zairon?" mataray na ani ni Ericka sa kaniya habang nag-aayos siya ng kaniyang mga gamit at naghahanda nang umuwi."Hindi ko alam Ericka. Hindi pa siya umuuwi simula nung pinuntahan ka niya sa bahay niyo noong gabi ng graduation ball." sagot naman ni Amanda rito habang nagpapatuloy sa pag-aayos ng kaniyang mga gamit.Napatawa naman ng pagak ang dalaga sa sagot nito. "Umayos ka Amanda. Kapag umuwi siya, sabihin mong puntahan niya agad ako sa bahay, kung hindi magpapakamatay ako!" ani nito sa kaniya na ikinataas niya ng kilay."E'di maganda kung ganon." sarcastikong ani ni Amanda sa kaniya at tinalikuran na ang babae."What the... Hey! Bitch!" umuusok na ilong na tawag nito sa kaniya ngunit hindi na lamang niya ito pinansin at nagmamadali nang maglakad pauwi.Hindi rin niya kasabay ngayon ang kaniyang mga kaibigan dahil may importante itong pinuntahan. At dahil maaga rin namang natapos ang kanilang klase at wala ang kanilang g
"Amanda bakit bigla bigla mo na lang kami iniwan kahapon? Hindi ka man lang nagpaalam!" galit na bungad ni Anne kay Amanda nang makarating ito sa kanilang silid aralan."Sorry, medyo hindi lang kasi maganda ang pakiramdam ko kahapon." pagsisinungaling naman ni Amanda sa kaniyang mga kaibigan na ngayon ay nakatingin na sa kaniyang suot na damit."Halata ngang giniginaw ka." ani nito sa kaniya na patango tango pa. Mukha naman itong naniwala sa mga palusot niya."Nilamig ka ba sa suot mong crimson red hot long gown kagabi kaya bigla ka nalang naglaho?" ani ni Charry sa kaniya. Naka suot kasi siya ng tutle neck brown sweather at kung titingnan ay mukha nga siyang may lagnat.Sinabi niyang nilalagnat siya kaya siya'y nakasuot ng ganong sweather ngunit ginamit niya lamang ito upang takpan ang mga markang ginawa sa kaniya ni Zairon sa kaniyang katawan, braso, at leeg. Kulang na lang ay markahan nito ang buo niyang katawan. Mabuti na lang rin ay nakikisabay rin a
Ericka’s POVFlashbackKasalukuyan nang papauwi sa Ericka sa pinapasukang paaralan ng kaniyang kakambal. Wala siyang sasakyan dahil binabawalan siyang gumamit ng kaniyang kakambal. Kahit ang luma nilang sasakyan na kulang na lang ay pwede nang ibenta sa bote bakal ay pinagdadamot pa rin nito sa kaniya.Napabuntong hinga na lang siya nang sinimulan niya nang bagtasin ang mabaho at maduming iskinita patungo sa kanilang bahay. Ito lang kasi ang pinaka mabilis na daan upang maka uwi sa kanilang subdivision. Kung sa mismong main way kasi siya dadaan ay aabutan siya ng gabi sa daan bago makarating. Idagdag pa ang kakarampot na perang ibinigay sa kaniya ng kakambal. Hindi na nga siya pinakain ng agahan ay hindi pa siya binigyan ng sapat na salapi para pumasok sa paaralan.Ang perang ibinigay nito sa kaniya ay mapupunta lang sa isang desisyon. Mamatay siya sa gutom sa kanilang paaralan ngunit may pamashe naman siya pasakay ng jeep at tricycle pauwi o Mairar
“How’s the party?” sarcastic na tanong ni Erich sa kaniyang kakambal na si Ericka nang makita siya nitong papaakyat na ng hagdan patungo sa kaniyang kwarto.“Ok lang.” walang gana niyang sagot sa tanong nito, nawalan na kasi siya ng gana matapos siyang iwan na lang ni Ziel sa kanilang pwesto, ni hindi man lang siya inayang sumayaw nito.Hindi niya na ito muli pang pinansin at derederetsong naglakad paakyat ngunit napadaing siya nang bigla nalang hilahin ng kakambal ang kaniyang buhok. Malapit pa siyang ma-out balance at mahulog sa hagdanan, mabuti na lang at naka-kapit siya sa staircase ng kanilang hagdan.“Kapag kinakausap ka pa, huwag kang tatalikod!” madiin nitong sagot kay Ericka at mas hinigpitan pa ang pagkaka sabunot nito sa buhok ng kaniyang kakambal.“Ouch ano ba! Nasasaktan ako!” sigaw niya sa kaniyang kakambal.“Masasaktan ka talaga kapag sunusuway mo ako!” sigaw nito sa k