Share

Chapter 2: Cold

Author: JeanTheVirgin
last update Huling Na-update: 2024-01-23 09:29:11

SHAWN

“Ami signed the contract,” bungad sa akin ni Rage na tila tuwang-tuwa pa sa balitang iyon. I hissed upon hearing him say that at saka ibinagsak ang sarili ko sa swivel chair na naroon sa office ko. 

“Bakit ka nanditong kupal ka?” tanong ko kay Rage na ikinangisi naman ng loko. 

“Changing the topic porke ikakasal ka na—” 

Hindi na nito natuloy ang dapat ay sasabihin niya nang batuhin ko siya ng fountain pem na nakalagay sa mesa ko but unlucky, nasalo ng kupal. 

Nakita ko kung paanong lumawak ang ngisi nito nang maupo siya sa sofa. “Korni mo, hindi ko deserve ang Parker mo, mas gusto ko kung ‘yong Aurora Diamante ang binato mo sa akin.,” aniya. Mas minabuti ko na lang na ipikit ang mga mata ko kesa sagutin pa siya. “Pinapasabi nga pala ni Zayne na mag-ingat ka raw sa pagtake ng suggestion ko kasi baka bumalik sa ‘yo nang mas malala ang gagawin mo. Napakabait ng isang ‘yon ano?” 

“Buti nga hindi nahawaan ng kademonyohan mo,” pang-aasar ko at saka siya muling tinignan. “But asa pa si Zayne na maiinlove ako nang tuluyan ulit kay Ami. Tapos na ako magpakatanga sa taong hindi naman ako kayang panindigan.” 

Natawa ako nang marinig ko siyang magmura. Alam kong ayaw na ayaw ni Rage sa mga gano’ng linyahan so I have no choice but to say that kahit pa nakakakilabot din parra sa akin. Kailangan kong mapaalis ang kupal na ‘to sa harap ko. 

“Ang ganda-ganda na ng umaga ko, sinira mo pang hayop ka,” pagrereklamo nito at saka muling ibinato sa akin pabalik ang Parker pen ko bago niya ako tinaasan ng middle finger at tuluyan na itong umalis ng office ko. 

Sakto namang pag-alis ni Rage ay ang pagpasok ni Milan, ang secretary ko. Bahagya akong napailing nang makitang sobrang revealing na naman ng damit na suot nito. Hindi na rin naman lingid sa kaalaman ko na may gusto siya sa akin. She made that so obvious. 

“Hi, Sir,” pagbati nito sa akin. “Mukhang bad mood ka today.”

Hindi ko pinansin ang sinabi nito at mas nagfocus na lang sa mga papeles na inilapag niya sa mesa ko. Nang magsimula siyang hawakan ako sa braso ay agad ko siyang tinignan nang masama. 

Milan knows that I don’t like her nor I like being touched by her. Kung pepwede ko lang na tanggalin siya sa pwesto niya, I will. But her father and her grandfather are great friends of my late grandfather. Si lolo rin ang naghire sa kaniya bilang secretary ko nang maghiwalay kami ni Ami. He said that I need a girl beside me at magandang kandidata si Milan. Little did he know na may side si Milan na sa akin niya lang ipinapakita. Sa harap kasi nila, hindi makabasag-pinggan ang isang ‘to. 

“Hanggang ngayon ay hindi ka pa rin over sa babaeng ‘yon? Gosh, Shawn,” komento nito. 

“Shut up.” 

“What? Why would I? Ang tagal ko nang naghihintay sa ‘yo pero masyado ka pa ring hopelessly devoted sa babaeng pinagtaksilan ka lang naman para sa—” pinutol ko na ang dapat ay sasabihin nito. 

“Mind your own fucking business, Milan, at magpasalamat ka na lang na nandito ka pa rin sa kompanya ng lolo ko. Isa pang pangingialam mo sa buhay ko, I will fire you.” 

A smirk streaked through her face. “Hindi mo kayang gawin ‘yan, Shawn.” 

“Try me, Milan.” 

Nawala ang ngisi sa labi nito nang mas magseryoso ako. Nirerespeto ko ang pagkakaibigan ng pamilya niya at ng lolo ko but if she’ll keep on crossing my boundary, baka makalimutan ko kung sino sila sa buhay ng lolo ko. 

Umalis na ito ng office ko at agad akong napasalampak sa swivel chair na nandoon. Hinilot-hilot ko ang sentido ko nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nang makita kong pangalan ni Levi ang nasa screen ay agad ko iyong binuksan. 

From: Levi Santillan

Ami wants to meet you. Pwede ka ba mamaya?

Putangina. 

Agad kong id-in-ial ang number ni Levi at matapos ang ilang ring ay sinagot niya rin ang tawag. 

Hindi ko naitago ang iritasyon sa boses ko nang magsalita ako. “Ano ‘yong itinext mo?! Bakit kailangan magmeet?!” 

I heard him chuckle from the other line. Magkapatid nga sila ni Rage, parehong kupal!

“Wala siyang sinabing rason but she asked me kung p’wede kang makausap. Siguro’y may itatanong lang para sa kasal ninyong dalawa.” 

“I don’t want to—” 

“Come on, Shawn. Sooner or later, magkikita rin naman kayong dalawa. Magkakasama rin naman kayo sa iisang bahay, doing some things that married people do—” 

“Tangina mo!’ 

Mas nainis ako nang muli niya akong tawanan mula sa kabilang linya. Mukhang pinagbiyak na bunga nga sila ni Rage sa pang-aasar at pang-iinis sa akin. Isa pa, bakit niya naisip ang bagay na ‘yon? I can’t even imagine myself doing that thing with Ami. Baka ibang lalaki ang maalala niya habang ginagawa namin ‘yon. 

“Ayaw niya?” rinig kong tanong ni Rage mula sa kabilang linya na sinagot naman ni Levi ng isang oo. “Akin na.”

“Hoy, kupal! Napakadrama mong h*******k ka, imeet mo na lang si Ami para tapos na!” anas nito sa akin.

“Eh, gago ka pala, gustong-gusto mo atang makita si Ami, bakit hindi ikaw ang makipagmeet sa kaniya?!” 

“Ako ba ang papakasalan niya? Eh, kung ayaw mo siyang pakasalan, sige magvovolunteer na ako—” 

“Gago!” 

Pinatay ko na ang tawag dahil sa sinabi nito. Ilang mura pa ang pinakawalan ko dahil sa inis! May ikakasira pa ba ang araw kong ‘to?! 

Kinuha ko ang cellphone ko at saka nagtipa ng reply para kay Levi. 

To: Levi Santillan

Private lounge of my hotel. 5:00pm. Make sure na hindi niya ako paghihintayin.

Inihagis ko na rin sa kung saan ang cellphone ko matapos kong isend ‘yon at saka muling pumikit. Bahala na.

**

AMI

“We meet again,” a bold voice broke the silence lingering in the atmosphere. 

I stared at him and saw curtain of black lashes covering the ocean of his green eyes. He changed a lot after a year of not seeing him. Still standing in six feet tall, mas lumaki ang pangangatawan nito kumpara noong kami pa. Somehow, his presence managed to wake the nervousness I was trying to hide mula no’ng sinabi ni Levi sa akin na um-agree na makipagkita si Shawn. 

“Anong kailangan mo sa akin?” he asked. Ramdam na ramdam ko ang lamig sa pananalita nito and I can’t blame him dahil alam ko sa sarili ko na malaki ang kasalanan ko sa kaniya. “Kung balak mo lang na titigan ako, umalis ka na.” 

Akmang tatayo na ito nang maglakas-loob akong magsalita. “I want you to call out the wedding,” diretsong saad ko. He looked at me with his cold stares. “Alam kong hindi ka rin sang-ayon sa nakalagay sa agreement—” 

He smirked kaya natigilan ako. “How sure are you na ayaw ko, Ami?” 

Hindi ko napigilan ang magulat dahil sa naging tanong niya. 

“You don’t know anything about me so, how sure are you na ayaw ko sa nakalagay sa agreement? After all, noon pa man ay gusto ko na ring maikasal sa ‘yo.” 

Mas hindi ako nakapagsalita dahil wala akong makapang salita sa sarili ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot sa mga sinasabi nito o kung seryoso ba siya sa mga sinasabi niya. Ang tanging sigurado ko lang ay galit ito sa akin kaya bakit ayaw niyang icancel ang nakalagay sa contract na pinirmahan namin pareho? In the first place, bakit siya pumirma roon?

“You’re lying,” saad ko at saka malungkot na ngumiti. “You don’t want to marry me, you want to do this para gumanti sa nagawa ko sa ‘yo noon. You do know na ayoko sa mga arranged marriage, kaya ‘yon ang pinupuntirya mo ngayon. Am I right?” 

“So, what if you’re right?” he asked in a serious tone. “What if gusto ko ngang gumanti sa naging kasalanan mo sa akin? Will that free you from this agreement? This time, it’s my turn to play the game, Ami. Hindi na ito gaya ng dati na hawak mo pala sa palad mo ang buong laro.” 

“Hindi kita pinaglaruan—” he cut me off before I could even finish my words. 

“Pinaglaruan, pinagtaksilan, pareho lang ‘yon!” asik nito sa akin. When I saw hint of sadness and pain in his eyes, hindi ko na naman maiwasang masaktan din sa ginawa ko noon. I have to save someone kaya ko ginawa ang bagay na ‘yon because wala rin akong choice but it became our downfall. My greatest downfall. 

I gave him a sigh of defeat. “Kung magiging masaya ka sa gagawin mo, hindi na ako kokontra pa.” 

“Good,” aniya at saka tumayo na. “Kung ‘yon lang ang sasabihin mo, pwede ka nang umalis.” 

I couldn’t help myself but to look at him ngunit wala na sa akin ang mga mata nito. Nakatingin na siya sa labas ng glass window ng lounge, sa kung saan ay tanaw ang mga ilaw na bumabalot sa siyudad. Muli ay napangiti ako nang malungkot dahil alam ko na hindi ganitong tao si Shawn. Alam ko rin sa sarili ko na kung may dapat sisihin sa pagbabago niya, ako ‘yon. I made him like this even if he opened himself to me, his past, his weaknesses, and his worries and fears. Kahit ilang patawad pa ang hingin ko, alam kong hinding-hindi niya ako mapagbibigyan. 

Tahimik akong umalis ng hotel na ‘yon at sa oras na lumulan na ako sa sasakyan ko, my tears started to fell. Gusto kong magalit sa pagkakataon, ngunit alam kong mas dapat akong magalit sa sarili ko dahil hinayaan kong umabot sa puntong ito ang sa aming dalawa. Dahil sa akin, nasira ang lahat ng binuo namin ni Shawn. 

Mugto ang mata na umuwi ako ng mansyon namin. Fortunately ay si mommy lang ang nadatnan ko sa sala. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata naming dalawa. Nang akmang aalis na ako roon ay tinawag nito ang pangalan ko. 

“Levi mentioned na nakipagkita ka kay Shawn,” aniya. 

“Kung nag-aalala kayo na baka gumawa ako ng ikahihinto ng kasal, you’re wrong. Matutuloy pa rin ang kasal gaya ng gusto ninyo,” mapait na saad ko. "I won't complain anymore. Kung ano ang gusto nitong mangyari, sige, iyon ang mangyayari. Wala naman akong boses para tumanggi, di ba?"

“Anak,” she called, “patawarin mo sana kami ng daddy mo kung nalalagay ka sa ganitong sitwasyon para sa aming dalawa, para sa pamilya natin. Noon pa man, kami na ng daddy mo ang inuuna mo, lalo na ako.” 

Mabilis kong pinahid ang luha ko lalo pa sa huling sinabi nito. 

“Quit mentioning the past, mommy. Wala na tayong magagawa para baguhin ang lahat sa amin ni Shawn,” saad ko pa. “Excuse me.”

Hindi ko na hinintay pa ang sagot nito at nagtuloy-tuloy na ako sa pag-akyat sa taas. Agad ko ring isinara ang pinto nang makapasok na ako sa kwarto ko. Napaupo ako sa sahig, akap-akap ang sarili habang inaalala ang mga naging tagpo sa amin ni Shawn kanina. His eyes, it was too cold, too lifeless. His stares at me were intense enough to pierce through my soul. Wala na akong ibang nagawa kundi umiyak gaya ng ginagawa ko noon. I didn’t know that seeing him would be this painful. Akala ko okay na ako, but all this time, it was just a facade I built for myself dahil kahit ilang beses ko pang i-deny at itago, it is still him. I still love him. 

Kaugnay na kabanata

  • Loving A Rude Man: SHAWN   Chapter 3: Flashback

    SHAWNTatlong araw ang lumipas na hindi nagpaparamdam si Ami sa akin. Fortunately, I know some of her friends, the reason why I can breathe easy, knowing that she's safe. Nasa apartment ito ng isa niyang kaibigan. Hindi raw ito lumalabas at hindi rin pumapasok sa trabaho.Honestly, I've been tempted a lot of times to go to her already, pero ang sabi niya nang umalis siya rito sa bahay ko ay na o-overwhelme siya sa mga nangyayari sa amin. She needs times to think dahil masyadong perpekto ang relasyon na meron kami, so I let her. Sa tingin ko ay kailangan niya talaga iyon.I believed that it will be difficult for her. Lalo na dahil alam ko na galing siya sa matinding break-up, kaya pakiramdam niya ay kapag may magandang nangyayari sa relasyon na meron kami, baka ang kapalit non kinabukasan ay sakit. No, I won't hurt her. I love her."Ami..." tulala kong tawag habang ilang ulit pang kumurap. Hindi ko alam kung maniniwala ba akong nasa harap ko talaga siya kahit hindi naman siya nawala pa

    Huling Na-update : 2024-01-23
  • Loving A Rude Man: SHAWN   Chapter 1: Contract

    SHAWN“What’s the meaning of this, attorney?!” I exclaimed after reading what was included in my grandfather’s will; molten anger rolled through me as my brows furrowed. “I leave all of my property to my grandchild, Shawn Dawn, if and only if he will marry Ami Real…what the hell?!” “I am so sorry, Shawn but this has been signed by your grandfather free and voluntary—under no constraint or undue influence. We can’t do anything to counterfeit this document,” sabi nito. I gritted my teeth as I scratched my temple. This can’t be happening! Of all people, why Ami? Why her?! Ami is my ex-girlfriend. I first met her when my grandfather hosted a party in our mansion due to a very successful closed deal in our business and Ami went to the party with her family. I remember how she was so perfect that night, wearing a long black backless dress that perfectly embraced the curves of her body, her wavy chocolate hair, and how her glossy chestnut eyes glimmer. I remember how I made the first move

    Huling Na-update : 2024-01-23

Pinakabagong kabanata

  • Loving A Rude Man: SHAWN   Chapter 3: Flashback

    SHAWNTatlong araw ang lumipas na hindi nagpaparamdam si Ami sa akin. Fortunately, I know some of her friends, the reason why I can breathe easy, knowing that she's safe. Nasa apartment ito ng isa niyang kaibigan. Hindi raw ito lumalabas at hindi rin pumapasok sa trabaho.Honestly, I've been tempted a lot of times to go to her already, pero ang sabi niya nang umalis siya rito sa bahay ko ay na o-overwhelme siya sa mga nangyayari sa amin. She needs times to think dahil masyadong perpekto ang relasyon na meron kami, so I let her. Sa tingin ko ay kailangan niya talaga iyon.I believed that it will be difficult for her. Lalo na dahil alam ko na galing siya sa matinding break-up, kaya pakiramdam niya ay kapag may magandang nangyayari sa relasyon na meron kami, baka ang kapalit non kinabukasan ay sakit. No, I won't hurt her. I love her."Ami..." tulala kong tawag habang ilang ulit pang kumurap. Hindi ko alam kung maniniwala ba akong nasa harap ko talaga siya kahit hindi naman siya nawala pa

  • Loving A Rude Man: SHAWN   Chapter 2: Cold

    SHAWN“Ami signed the contract,” bungad sa akin ni Rage na tila tuwang-tuwa pa sa balitang iyon. I hissed upon hearing him say that at saka ibinagsak ang sarili ko sa swivel chair na naroon sa office ko. “Bakit ka nanditong kupal ka?” tanong ko kay Rage na ikinangisi naman ng loko. “Changing the topic porke ikakasal ka na—” Hindi na nito natuloy ang dapat ay sasabihin niya nang batuhin ko siya ng fountain pem na nakalagay sa mesa ko but unlucky, nasalo ng kupal. Nakita ko kung paanong lumawak ang ngisi nito nang maupo siya sa sofa. “Korni mo, hindi ko deserve ang Parker mo, mas gusto ko kung ‘yong Aurora Diamante ang binato mo sa akin.,” aniya. Mas minabuti ko na lang na ipikit ang mga mata ko kesa sagutin pa siya. “Pinapasabi nga pala ni Zayne na mag-ingat ka raw sa pagtake ng suggestion ko kasi baka bumalik sa ‘yo nang mas malala ang gagawin mo. Napakabait ng isang ‘yon ano?” “Buti nga hindi nahawaan ng kademonyohan mo,” pang-aasar ko at saka siya muling tinignan. “But asa pa s

  • Loving A Rude Man: SHAWN   Chapter 1: Contract

    SHAWN“What’s the meaning of this, attorney?!” I exclaimed after reading what was included in my grandfather’s will; molten anger rolled through me as my brows furrowed. “I leave all of my property to my grandchild, Shawn Dawn, if and only if he will marry Ami Real…what the hell?!” “I am so sorry, Shawn but this has been signed by your grandfather free and voluntary—under no constraint or undue influence. We can’t do anything to counterfeit this document,” sabi nito. I gritted my teeth as I scratched my temple. This can’t be happening! Of all people, why Ami? Why her?! Ami is my ex-girlfriend. I first met her when my grandfather hosted a party in our mansion due to a very successful closed deal in our business and Ami went to the party with her family. I remember how she was so perfect that night, wearing a long black backless dress that perfectly embraced the curves of her body, her wavy chocolate hair, and how her glossy chestnut eyes glimmer. I remember how I made the first move

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status