Shucks, wika ni Hannah nang humarap siya sa salamin. Namamaga ang kanyang mga mata kaya ngayon hindi niya alam kung paano pa siya lalabas ng silid. Talaga kasing nagugutom na siya at pakiramdam niya'y wala na siya talagang lakas. Masyado ng nasaid ng sakit na nararamdaman niya.
"Ang pangit mo. Paano ka pa magustuhan ni GB niyan?" Naiinis niyang tanong habang nakaharap sa salamin.
Tumigil na rin sa kakakatok si GB. Dapat sana ay masiyahan siya dahil hindi na siya nito kinukulit. Iyon din naman ang gusto niya pero bakit ang bigat-bigat ng pakiramdam niya. Parang gusto niyang buksan ang pintuan, tumakbo pababa ng hagdanan at tingnan ang ginagawa ni GB.
Nais niyang siguraduhin na hindi na magkasama at magkausap sina GB at ang babaeng iyon. Napangisi siya sa naging pagtukoy niya sa babaeng iyon. Walang
KANINA pa nakatayo si Hannah pero hindi niya magawang kumilos. Nakita niya kasing kausap ni GB ang babaeng iyon sa may terrace. Siyempre hindi naman niya maiwasan ang magselos. Ngunit, ang lahat ng negatibong nararamdaman niya ay parang tinangay ng hangin dahil sa mga sinabi ni GB.Tinanggihan niya ang babae na iyon at buong diin pa nitong ipinamukha sa babaeng iyon kung gaano siya pinahahalagahan ni GB. Kaya naman, parang gusto niyang umiyak. Sobra siyang nakaramdam ng pagsisisi. Para tuloy gusto niyang pagalitan ang kanyang sarili. Masyado niyang naging makasarili. Ang inintindi lang niya ay ang kanyang damdamin kaya naman naramdaman na lang niyang nagsisikip ang kanyang dibdib.Dahil kilala niya talaga si GB, alam na alam niya ang dahilan kung bakit nakatingala ito sa kalangitan. Dahil namumublema ito at alam siya ang nasa isipan nito
BATA pa lang si Jean ay sinabi na niya sa kanyang sarili na si Grayson Brian Lee ang gusto niyang pakasalan. Hindi lang dahil sa kaibigan niya ito kundi dahil iyon ang palaging sinasabi ng kanyang mga magulang. Kaya, maging siya ay napaniwala na rin ang sarili na ito talaga ang itinadhana sa kanya.“Ang cute-cute mo naman,” nakangiting sabi kanya ng isang batang lalaki. Nagpunta sila ng nanay niya sa malaking bahay ng mga Lee. Tutulong daw kasi ito sa paglilinis para sa nalalapit na birthday ni Luciano Lee na laging maraming handa kapag kaarawan. Kaya naman nandoon din siya para tumulong. O maaaring para ipagmalaki sa lahat na may magandang anak ang kanyang magulang."Ako nga pala si Grayson Brian Lee. Ikaw, anong pangalan mo?""Jean Tamayo."
KAHIT na umaakyat na sila ni GB sa hagdanan, hindi pa rin napuputol ang kanilang paghahalikan. Siguro nga ay ganoon katindi ang pagnanasa na nararamdaman nila sa isa't isa. Kapag naglapat na ang kanilang mga labi, hindi maaaring magtapos iyon sa halikan lang. Dahil nga matapos nilang isara ang pinto ng kanilang kuwarto ay mabilis nilang hinubaran ang isa't isa. At hindi namalayan ni Hannah na nasa kama na sila pareho ni GB.Masarap masyado ang labi ni GB kaya kahit ilang oras pa silang maghalikan ay parang hindi niya pagsasawaan ang labi nito. Kaya naman parang gusto niyang magreklamo nang iwanan nito ang kanyang labi. Ngunit saglit lang niya naramdaman ang damdaming iyon dahil bumababa naman sa katawan niya ang labi nito."Oh…" hindi niya napigilan ang mapaungol dahil bawat daanan ng labi nito’y parang nakukuryente. Mistulang may dalan
"GUSTO mo muna bang gumala?"Ayoko nga, iyon ang dapat sabihin ni Jean dahil ang kaharap niya ay isang estranghero kaya hindi siya dapat nagtitiwala rito ng basta-basta. Ngunit, iba ang nagawa niyang sabihin dito. "Sure."Matamis na ngiti ang ibinigay sa kanya ng lalaki. Ewan nga lang niya kung bakit kahit nakangiti ito sa kanya, hindi pa rin mapalagay ang kanyang kalooban. Sa tingin niya'y may kalokohan itong iniisip.Iyon nga lang, hindi naman niya magawang sabihin ditong 'uuwi na ako' dahil ayaw naman niyang gawin iyon. Hindi naman kasi siya maaaring magkulong lang sa bahay at umiyak nang umiyak. Sigurado siyang kakatukin siya ng kanyang ina.Okay lang sana kung magiging karamay niya ito sa kanyang paghihirap pero tiyak niyang hindi. Baka nga murahin
‘F-FIRST love mo ako?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Hannah Marie kahit na ilang ulit na silang nagtalik ni GB matapos itong umamin na siya ang tinutukoy nitong first love. Para kasing ang hirap pa ring iproseso ng mga salitang iyon sa kanyang utak.Nagniningning ang mga mata ni GB ng sagutin ang kanyang katanungan.Tumingala siya rito para makita ang kaguwapuhan nito. "Aalukin ba kita ng kasal kung hindi kita mahal?" Marahang tanong nito sa kanya. Kinalabit pa ang tungki ng kanyang ilong na nakasanayan nitong gawin kapag naglalambing sa kanya."Mahal mo ako?" Hindi pa ring makapaniwalang tanong niya. Ngayon tuloy ay parang nakikipagkarerahan ang kanyang puso. Ang bilis-bilis ng pagpintig ngayon. Para ngang gusto niyang magtatatalon sa kilig pero wala siyang lakas na gawin iyon ngayon.
SIYA si Grayson Brian Lee, sanay siyang hinahabol ng mga babae. Hindi na siya nagtataka roon dahil kapag humaharap siya sa salamin ay nakikita niya kung gaano siya kaguwapo.Ang kaguwapuhan niya ay hindi lang nagtatapos sa kanyang mukha. Sinisiguro niya rin siyempre na maganda ang kanyang katawan. Alaga iyon sa pagi-gym. Kaya naman bukod sa malapad ang kanyang katawan, muscles na maipagmamalaki ay mayroon din siyang six packs abs.Ngunit, hindi lang niya iyon ginagawa para magkaroon siya ng malusog at magandang pangangatawan kundi para magpapansin. Hindi sa kung sinong babae kundi sa matalik niyang kaibigan na lagi lang nakatutok sa computer nito.Malalim na buntunghininga ang pinawawalan niya tuwina. Ibig sana niyang mapikon, komprontahin si Hannah at tanungin kung talaga bang kailanman ay h
MATAAS na ang araw ng magising si Hannah. Hindi naman siyempre kataka-taka dahil parang wala silang kasawaan ni GB, paulit-ulit tinikman ang katawan ng isa’t isa. Kaya, parang magang-maga na ang ibabang bahagi ng kanyang katawan.Napangiwi siya nang magtangka siyang bumangon. Talaga kasing hirap siya. Gayunman, hindi naman niya pinagsisihan ang pagbibigay niya ng sarili kay GB. Hindi lang dahil sa pinagnanasaan niya ito, kundi dahil sa mahal niya ito.Tama nga niya si Chesca. Takot lang siyang aminin sa sarili sa katotohanang in-love siya sa kanyang bestfriend dahil natatakot siyang mabago ang kanilang relasyon. Nang maalala niya si Chesca ay napangiwi siya. Siguradong magtatampo ito sa kanya kapag nalaman nitong kasal na sila ni GB.Kahit nga noong panahon na marami ng nangyayaring kababalag
SHIT! hindi niya napigilang ibulalas nang siya ay matauhan. Hindi naman siya masamang tao pero hindi niya nagawang awatin ang sarili na bigyan ng leksyon ang babaeng iyon. Biro mo ba naman, pinaplano nitong patayin ang kanyang mahal.No way! Hindi niya hahayaang mangyari iyon.Mahal na mahal niya si Hannah kaya hindi niya hahayaang may manakit dito. Kung may magtatangkang gumawa ng masama rito siya ang makakalaban. Gaya nang ginawa niya sa bubuwit na iyon.Kung umasta akala mo ay napakaganda, para namang isinubsob sa arina ang pagmumukha samantalang ang mahal niya kahit walang make up maganda pa rin. Natural din ang pagkapula ng labi kaya parang ang sarap i-kiss pero ang babaeng iyon parang nakakadiring halikan dahil sa kapal ng lipstick. Higit sa lahat, ang amoy ni Hannah ay awtomatikong nakakapag
NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan
INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p
DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang
KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma
"ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw
SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong
AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n
MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&