KAHIT na ka-holding hands ni Hannah si GB ramdam pa rin niyang may tampo ito sa kanya. Nang ibaling nga niya ang tingin niya rito'y mataman pa rin itong nakatingin sa laptop nito na para bang masyadong busy sa panonood. Ganoong ganoon si GB kapag nagtatampo sa kanya.
Dahil sa siya naman ang dahilan kaya nagmamaktol ang matalik na kaibigan, nagdesisyon siyang siya na ang sumuyo rito. Madalas naman kasi, ito ang nauunang nagbibigay sa kanya kaya hindi masama kung siya naman ang kikilos ngayon.
"Huwag ka na magtampo sa akin," wika niya sabay usog at hilig sa dibdib nito.
Hindi pa rin siya nito pinapansin. Bahagya pang dumukwang sa mesa kaya napuwersa siyang tumuwid nang upo. Kahit na intensyon nitong dumampot ng isang slice ng pizza, sigurado pa rin siyang ang layunin nito'y isnabin siya. Kaya nga, pinili n
“PARA kang baliw!”Hindi napigilan ni Gray ang mapahagalpak nang tawa ng sabihin iyon sa kanya ni Silver. Talaga naman kasing para na siyang nababaliw dahil walang anuman ang nakakapagpa-badtrip sa kanya ngayon araw at ng mga nakalipas pang araw. Mula ng magkaroon sila ng ugnayan ni Hannah.Maaari ngang hindi sila tulad ng iba na nagsasabihan ng ‘I love you’ pero alam nilang mahal nila ang isa’t isa. Sapat na sa kanila na buong buhay nila ay magkakilala sila, sanay sa presensiya ng bawat isa. Alam din niyang kapag may taong hindi siya gugustuhing saktan, si Hannah iyon. At tiyak din niyang hindi gagawa ng anumang dahilan si Hannah para siya ay saktan.“So, kayo na?” mabilis na tanong ni Silver.Lalong lumapad an
KUNG hindi lang naisip ni Hannah na maiistorbo niya si GB sa trabaho nito, parang gusto na naman niya itong puntahan sa opisina para makasabay mag-lunch. Ewan nga ba niya kung bakit miss na miss niya ito palagi samantalang umaga at gabi ay magkasama na sila. Para kasing hindi na nila talaga makayang maghiwalay kaya kung hindi ito sa bahay niya natutulog, siya ang dumadayo sa bahay ni GB para matulog. At siyempre, hindi lang pagtulog ang kanilang ginagawa.Kaya naman pagdating ng umaga ay masakit ang ibaba niya. Paano, wala silang kasawaan sa pagsi-sex. Iba-ibang estilo na nga ang kanilang sinubukan at talaga naman pareho silang nag-e-enjoy. Kaya nga kapag tumitingin siya sa salamin ay nakikita niyang nagniningning ang kanyang mga mata.Masaya siya dahil may kasama na naman siya sa buhay. Hindi lang dahil sa bestfriends ang turingan nila ni GB kundi
HINDI man tiyak ni Hannah kung saan siya pupunta, pinili pa rin niyang lumakad nang lumakad. Ewan nga lang niya kung bakit hindi pa rin siya nakakaramdam ng pagod kahit na ang layo-layo na ng kanyang nalakbay.“Hannah Marie!”Bigla siyang napahinto sa kanyang paglakad nang marinig niya ang mariing pagtawag ng boses na iyon sa kanyang pangalan. Kilalang-kilala niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon kaya bigla siyang nag-about face. Talagang nanlaki ang kanyang mga mata nang makita niya ang kanyang Lola Juana.Hindi pa nga siya nakaka-recover sa pagkabigla nang makita niya ito, nanlaki na naman ang kanyang mga mata nang sumulpot din sa tabi nito ang kanyang Lola Salome. Wari’y sabik na sabik na makaharap siya.Kahit na alam niy
SI GB ang unang nabungaran ni Hannah nang imulat niya ang kanyang mga mata. Well, wala na rin naman siyang ibang inaasahang makita kundi ang kanyang bespren. Napakaimposible namang ang mga magulang niya ang kanyang makikita. Wala naman ang mga ito sa bansa at kung naririto man, nakasisigurado siyang hindi siya pag-aaksayahan ng mga ito ng oras. Wala naman kasi siyang kuwenta sa paningin ng mga ito.Agad nagliwanag ang mukha ni GB nang makita siya. Nang tumayo ito ay inakala niyang hahalikan siya nito kaya nanghaba pa ang kanyang ngusi pero nagkamali siya. May pinindot lang pala itong buton sa kanyang may ulunan na alam niyang nakakonekta sa nurse station. Ibinalitang gising na siya. Sa pagkapahiya tuloy niya’y kinamot na lang niya ang kanyang nguso. Makaraan lang ang ilang sandali ay bumukas na ang pintuan at pumasok ang nurse ngunit hindi ito nag-iisa, may resident doktor na kasama.
NAIINTINDIHAN naman ni GB na kailangang bisitahin ni Chesca si Hannah, siyempre malapit din naman nitong kaibigan si Hannah. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kailangan pa ni Chesca na isama ang pinsan nitong kinaiinisan niya.Kahit pa inamin na sa kanya ni Chesca na kinasangkapan lang nito ang pinsan nitong ayaw niyang tandaan ang pangalan, hindi pa rin niya mapalis ang inis na nararamdaman dito. Pakiramdam nga niya'y wala itong gagawin mabuti. Kahit pa sabihin sa kanyang mabait ito, hindi pa rin niya ito magawang pagkatiwalaan.Kung mayroong love at first sight. Hate at first sight ang naramdaman niya sa lalaking iyon. Sobra ang bigat na nararamdaman niya rito kaya kailangan niyang manatili sa tabi ni Hannah habang naririto ang lalaking ito. Hindi niya hahayaan na malapitan nito si Hannah, lalo ang mahawakan man lang.
HAPPY Birthday -- iyon ang mga katagang nasa streamer nang pumasok siya sa bahay ni GB. Nang una ay nagtaka pa siya kung bakit sa halip na sa kanyang compound ipinasok ni GB ang sasakyan nito tulad ng nakagawian ay sa loob ng bakuran nito ipinasok ang CR-V nito. Hindi lang niya napigilan ang mapangiti nang maalala niya ang dahilan kaya ganoon ang ginagawa ni GB.Kapag daw kasi sa kanyang compound niya nakapasok ang sasakyan nito, laging iisipin ng mga babaeng naghahabol dito na wala ito. Kahit hindi sa compound niya nakatira si GB ay mayroon itong sariling susi ng compound at bahay niya. Siyempre, dahil wala naman siyang ibang pinagkakatiwalaan kundi ito. Isa pa, kapag may emergency ay madali itong makakasaklolo sa kanya.Tulad na lamang nu’ng nangyari sa kanya ng na-allergy siya sa beans. Kung hindi dumating si GB sa takdang oras ay bak
SEX is wonderful. Ito ang napagtanto ni Hannah sa isang buwang relasyon nila ni GB. Kung matatawag ngang relasyon ‘yung palagi nilang pagsisiping. Well, ang intensyon naman talaga nila ay magkaanak pero hindi pa rin sila nabibiyayaan. Kahapon kasi’y dumating ang monthly menstruation niya kaya hindi pa sila nakakabuo ni GB.Marahas na buntunghininga ang kanyang pinawalan. Sobra kasi siyang naiinis ngayon. Hindi lang niya malaman kung dahil sa hindi pa siya nagkaka-baby o dahil sa ilang araw silang walang sex ni GB. Kalimitan kasi, five days tumatagal ang period niya.Ngunit, kahit na no sex sila ngayon ni GB, hindi pa rin niya maawat ang sarili na ‘mag-research’ kung paano mapapaligaya ang isang lalaki sa kama. Sa tingin naman niya ay nagawa na niya ang lahat ng posisyon kaya naman hindi na niya maiwasan ang makaramdam ng takot na b
Hindi ba ako magaling? Gusto sanang itanong ni Gray kay Hannah pero hindi niya magawa. Natatakot kasi siyang baka 'hindi' ang sabihin nito sa kanya.Shit! Bakit kat mainit ang pagtugon ni Hannah kapag hinahalikan niya ito, mahigpit na ginagantihan ang kanyang yakap at umuungol ng ubod lakas kapag inaangkin niya ito'y parang nakakaramdam pa rin siya ng insecurity.Naisip niya kasing hindi naman maghahanap pa ng ibang 'sandata' si Hannah, kung kontento na ito sa kanya. Kahit naman ang lalaki'y nakikita lang sa video ay hindi pa rin niya mapigilan ang kanyang emosyon. Ewan lang niya kung dahil nasaktan ang pride niya o nagseselos siya.Malamang pareho.Dati kasi'y walang ibang ang nais ang mga babaeng nakakasalamuha niya kundi ang kanyang atensyon. A
NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan
INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p
DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang
KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma
"ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw
SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong
AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n
MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&