KAHIT na gigil na gigil si Ester sa asawa ni Grayson Brian, kailangan na niyang manahimik. Natuklasan kasi siyang hindi ito ang tipo ng babae na mananahimik lamang at tatanggapin lang ang sinasabi ng nakatatanda. Dahil doon ay mas bumigat ang loob niya rito. Malayung-malayo talaga ito sa anak niyang si Jean.
Isang sitsit pa lang niya kay Jean ay nagagawa na niya itong pasunurin. Alam na alam kasi nito kung paano siyang magalit kaya wala itong lakas ng loob na suwayin siya. Sa ngayon ay hindi niya alam kung magagawa pa niya itong masaktan kapag umuwi ito sa kanila. Sa sobrang pag-aalala niya kasi rito ay wala na siyang nais kundi ito’y makita, mayakap at mahalikan.
Ngayon niya napagtanto na mahal na mahal niya ang kanyang anak at hindi niya ito makakayang mawala sa kanyang buhay. May mga pagkakataon kasing alam niyang sumisibra siya kapag nakik
"AKALA ko tulog ka na?" Nanunudyong sabi ni Gray. Obviously, alam nitong nagpapanggap lang siyang tulog kanina."Naalimpungatan ako," sabi na lang niya. "Saka, ayokong matulog na hindi naglilinis ng katawan.""Good idea," wika ni GB na kumikislap na naman ang mga mata.Dahil sa alam na alam naman niya kung anong tumatakbo sa isipan ni GB, mabilis niyang hinubad ang kanyang damit. Wala na siyang itinira. Bakit ba naman nag-aalangan pa siyang maghubad sa harap nito kung nakita't naangkin na nga ni GB ang lahat-lahat sa kanya?"Sabay na tayong maligo," wika ni GB sabay hubad ng damit. Pati underwear nito'y tinanggal na rin.Kahit tuloy malakas ang buga ng aircon, biglang nag-init ang kanyang pakiramdam, lalo pa
ARAW ng kasal nina GB at Hannah kaya naman ang mga taga-Nueva Ecija ay nagsasaya partikular na ang mga taga-Alua. Sa baryong iyon kasi naninirahan ang mga Lee, kaya naman doon na ginanap ang pag-iisang dibdib nila ni GB.Ang gusto sana ni Lolo Luciano ay gawing engrande ang kanilang kasal pero dahil sa buntis na siya ay minadali na lang nito ang kasal nila ni GB. Wala namang problema sa kanilang mag-asawa kung engrande o hindi ang kanilang kasal, ang mahalaga sa kanila ay habambuhay silang magsasama.Ngunit, kahit na dalawang linggo lang halos ang preparasyon ay siniguro ng mga Lee lalo na ni Lolo Luciano na mas excited pa sa kanila ni GB, hindi lang dahil sa masasaksihan nito ang kasal ni GB kundi dahil sa parating nitong apo. Kaya naman panay ang bilin nito sa kanya at kay GB na mag-ingat.
MASAYANG- masaya ang lahat sa pagdiriwang ng pag-iisang dibdib. Nina Gray at Hannah, habang ang isang bahagi ng pagkatao niya ay nagdurusa kaya parang nilalamutak ang kanyang puso.Dapat sana ay sumigaw siya ng 'itigil ang kasal' pero kahit naman gawin niya iyon ay kasal na rin naman sina Hanna at Gray. Kaya't mag-aaksaya lang siya ng lakas na gawin iyon. Sigurado ring sa huli ay siya ang magiging kahiya-hiya. Siyempre, ayaw niyang mangyari iyon kaya pinili niyang magtimpi kahit selos na selos na siya.Ibinaba na lang niya ang hawak niyang baso dahil nangangamba siyang mabasag niya iyon. Mahigpit na mahigpit kasi ang hawak niya lalo na nu'ng patunugin pa ng nga bisita ang kanilang bago sa pamamagitan ng kutsara. Ang ibig sabihin nu'n ay humihiling ang mga bisita na maghalikan sina Gray at Hannah.
PARANG gustong lumubog ni Ester sa kanyang kinatatayuan nang ibaling sa kanya ng mga tao ang tingin. Hindi man nagsasalita ang mga ito, alam niyang marami sa mga ito ang naninisi sa kanya.Wala siyang kasalanan, gusto niyang sabihin sa mga ito pero alam niyang kahit maniwala ang mga ito sa kanyang sasabihin ay nasa puso pa rin niya ang guilt. Ang nais lang naman kasi niya ay makaganti sa babaeng iyon na hanggang ngayon ay sinisisi pa niya kung bakit nawawala ang kanyang anak.Kung hindi nito minahal at pinakasalan si Grayson ay masaya sana ang anak niya ngayon at siyempre, ganoon din ang mararamdaman niya. Kapag kasi pinakasalan ni Grayson si Jean ay siguradong aangat na ang kanilang buhay. Hindi na niya kakailanganin pang magkandakuba sa pagtatanim at hindi na niya kakailanganin pang maglabada tuwing Sabado at Linggo.
DAHIL sa pakiramdam ni Ester ay mas makapangyarihan sa kanya ang salita ng babaeng iyon ay umuwi na siya matapos siyang kumain. Kung kanina ay interesado pa siyang malaman kung anong nangyari sa babae na iyon, ngayon ay may takot na siyang nararamdaman. Sa salita pa lang ng matandang iyon ay parang sinasabi na nitong may makapangyarihang tao na kakampi ang babaeng iyon.Hindi lang basta taong may mataas na katungkulan sa lipunan kundi may alam sa mahika negra. Parang gusto na kaninang mapugto ng kanyang hininga nu'ng sabihin ng matandang babae na iyon na, sa susunod na araw ay siya na ang kakainin ng uod.Sa ipinahayag nito ay nakaramdam siya ng kilabot. Para kasing sinasabi nito na mamamatay na siya.Hindi. Hindi maaaring mangyari iyon. Kailangan mun
Kahit na sinabi na ng doktor na maaari na siyang i-released, hindi pa rin magkandatuto ni GB sa pag-iingat sa kanya. Lagi itong nakaalalay sa kanya. Pakiramdam tuloy niya'y baldado siya kung tratuhin nito.Napabuntunghininga siya sa kaisipang iyon.Alam niyang hindi ganoon ang dapat. Iyang maramdaman. Dapat pa nga ay matuwa siya sa pag-aasikasong ibinibigay ni GB sa kanya. Ibig sabihin ay talagang mahal na mahal siya nito."Kaya ko namang…" hindi na naituloy ni Hannah ang kanyang sasabihin ng bigla siya nitong buhatin papasok ng sasakyan."Para namang paralisado na ko kung makaasikaso ka," natatawa niyang sabi kay GB ngunit ang totoo, hindi siya nasisiyahan. Pakiwari niya kasi'y mahinang nilalang na ang tingin nito sa kanya.Sa buong buhay n
KAILANGAN daw magpunta ni GB sa Firm nito kaya nang mapag isa siya sa silid ay nag-umpisa na siyang mag-isip kung ano ang gagawin niya para hindi mainip nang bumukas ang pinto. Pagkaraan ay pumasok si Aling Adelaida, este, ang kanyang Ninang Adelaida. Ngiting-ngiti ito sa kanya."Ano hong ginagawa ninyo rito?" gulat niyang tanong tanong. Talagang ikinagulat pa niyang hindi niya nagawang itanong dito ang mga katagang nakalimutan yata ninyong kumatok? Ngunit, pagkaraan ay naipagpasalamat niyang hindi iyon ang kanyang naibulalas. Ayaw din naman kasi niyang ma-offend ito.Alam niyang sa kanya lang naman ito malapit. Ang mga tenants niya ay mangkukulam ang tingin dito kaya naman halos hindi rin ito lumalabas ng bahay. Naging malapit lang ito sa kanyang mga
AYAW na ayaw sana ni Adelaida na nakikipag-usap sa ibang tao pero hindi naman niya matanggihan si Luciano nang ayain siya nitong magmiryenda. Matapos kasi niyang hilutin si Hannah ay nakatulog ito. Ayaw na naman niya itong istorbohin pa sa pamamahinga nito kaya nagpasya na siyang lumabas ng kuwarto nito. Ayaw na ayaw din kasi niya nang naiinip. Ibig niyang gumagana ang kanyang isip at ang kanyang katawan. Iyon ang sikreto kaya nananatili siyang malakas at may matalas na isipan. “Kaibigan mo pala ang mag-asawa?” tanong nito sa kanya. “Yes,” wika niyang iniwas ang tingin dito. Itinuon niya ang kanyang atensyon sa miryenda na ipinahanda nito sa tinawag nitong Nurse Samantha. “At hindi lang basta kaibigan, ninang nila ako ng sila ay ikasal.” Nang tuming
NAMILOG ang mga mata ni Hannah nang makita ang asawa. May takot siyang naramdaman dahil sa banta ni Silver pero mas nangibabaw ang pananabik niya rito kaya nang magkalapit sila ay agad silang nagyakap at buong alab nitong hinalikan ang kanyang labi. At dahil sa sobra rin siyang nananabik kay GB, tinugon din niya ang labi halik nito.Ang anumang problema na kanyang nararamdaman ay pansamantala muna niyang kinalimutan. Sa mga oras na iyon walang ibang mahalaga sa kaya kundi si GB at ang kanilang nararamdaman."Sorry," sabi niya rito pagkaraan ng ilang sandali. Marami sana siyang gustong sabihin dito pero sa palagay niya ay iyon ang pinakatamang unahin. Talaga naman kasing matindi ang kasalanan na nagawa niya rito.Naghiwalay man ang kanilang mga labi pero hindi ang kanilang mga mata. Pakiwari niya kasi'y gusto nilan
INIS na inis na Silver. Kung hindi lang siya tinawagan ng kanyang Mama para sabihing nasunod ang kanilang mansyon ay hindi siya uuwi. Kung makangawa naman kasi ito sa telepyini ay parang kinakatay na baka kaya hindi niya naiwasan ang makaramdam ng inis. Kailangan pa tuloy niyang iwanan si Hannah sa kanilang resort. Siyempre, hindi niya ito madadala sa kanyang pamilya dahil siguradong malalaman ni Gray.“Hello,”wika niya nang sagutin na ni Hannah ang telepono. “Bakit ba ang tagal mong sumagot?”Sa halip na magsabi siya rito ng 'I miss you' o 'I love you', mas gusto niyang pagsupladuhan si Hannah'. Sana nga lang sa ginagawa niyang iyon ay mas makikita nito kung ano ang tunay niyang damdamin.“Buntis ako mahirap maglakad. Hindi naman puwedeng tumakbo dahil baka madapa ako at makunan,” katwiran nito. Sa pagsing
MARARAHAS na buntunghininga ang pinawalan ni Adelaida. Pakiramdam niya talaga ay may masamang mangyayari kaya hindi niya magawang mapakali. Kaya, minabuti niyang buksan ang kanyang bolang kristal para magkaroon ng kasagutan ang gumugulo sa kanyang isipan. Bigla tuloy niyang naisip si Hannah.Kahit naman sinasabi ng marami na patay na ito, hindi siya naniniwala. Minsan kasi ay nakita niya ang palad nito at sinabi rin na nakatakdang magbago ang buhay nito. Kaya, tiyak niyang mayroon pa itong hininga.Saka nitong nakalipas na araw ay napapansin niyang masaya si GB. Kakaiba ang kislap na nakikita niya sa mga mata nito. Ngunit, hindi siya naniniwala na ibang babae ang dahilan kaya may kakaiba itong sigla. Alam naman kasi niya kung gaano nito kamahal si Hannah kaya nasisiguro niyang kahit hindi magkita ito ng ilang taon ay hindi pa rin maglalaho ang pag-ibig ng mga ito p
DAHIL sa kailangang umalis ni Silver, pakiramdam ni Hannah ay nakahinga siya nang maluwag. Hindi na rin kasi at ease ang kanyang pakiramdam kapag nasa paligid si Silver. Paano naman kasi niya magagawa iyon kung ipinagtapat nito sa kanya na may matindi itong pagnanasang nararamdaman sa kanya. Sa palagay lang niya ay masuwerte siya dahil buntis siya ngayon.Ngunit, paano na kapag nanganak na siya?Sabi nga nito ay wala na itong balak na ibalik pa siya kay GB kaya siguradong kapag hindi siya nakatakas dito sa lalong madaling ay baka mabilanggo na sila roon ng kanyang anak. Ngunit, anong gagawin niya?Ang pinakamaganda niyang gawin ay tawagan na si GB at humingi rito ng tulong. Tanging ang asawa lang niya ang makakapagligtas sa kanya.Pero…Umiling siya. Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng kanyang Ninang Adelaida. Maaaring mapahamak si GB kapag hindi niya ito nilayuan kaya kahit na masakit sa kanya ay naisipan niyang iyon ang
KUNG may sakit lang sa puso ang demonyong babae na ito, malamang, inatake na ito sa puso. Hindi kasi nito napigilan ang mapahagulgol nang sabihin na nasusunog ang mansyon nito.Hindi tuloy niya napigilan ang mapangisi. Ang sarap-sarap naman kasi talagang pagmasdan na para itong kandilang nauupos. Mahal na mahal kasi nito ang bahay na iyon pero ngayon ay malapit ng maging abo."Ang bilis din ng karma, ano?" Hindi niya napigilang itanong dito. Marahas na buntunghininga lang ang kanyang pinawalan. Ibig sana niyang kontrolin ang kanyang emosyon pero hindi niya magawa. Ang sakit kasi na naibaon nito sa kanyang puso ay masyadong malalim. Kaya naman, gusto rin niya itong ibaon ngayon sa hukay.Napangisi siya ng lihim sa kaisipang ililibing niya ito ng buhay pero ayaw naman niyang magpabigla-bigla. Hindi rin naman kasi niya gustong mahuli at ma
"ANO ang gustong kainin ni baby?"Nasa may lanai si Hannah noon at nagpapahangin, tulad ng kanyang nakagawian ay hinihinas-himas na ang kanyang tiyan, nang marinig niya ang boses ni Silver. Napabuntunghininga siya nang malalim. Kung maaari lang ay iwasan niya ito nang iwasan kaso hindi naman maaari dahil nasa iisang lugar lang sila. Saka kailangan din naman niyang lumanghap ng sariwang hangin at kailangan din niyang maarawan. Makatutulong iyon hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa kanyang dinadala."Natutulog siya," sabi na lang niya pero hindi niya nililingon si Silver. Nakaupo na kasi siya sa mahabang sofa na naroroon dahil napagod na siya sa kakalakad. Sinamantala niya ang paglalakad-lakad habang abala si Silver sa pagluluto. Hindi niya kasi gusto ang ideya na lagi itong nakaalalay sa kanya na para bang ito ang kanyang asawa.Asaw
SINO ang kasama mong babae nu’ng isang araw? Nalasing ka ba nu’ng isang araw? Huwag na huwag kang magtitiwala sa mga taong nakapaligid saýo, kahit na nasa kadugo mo. Kung minsan ay hindi ka rin nakatitiyak kung ano ba talaga ang tumatakbo sa kanilang isip kaya huwag mong hayaan na maisahan ka nila.”Bigla tuloy kinabahan si Gray sa mga tanong na iyon ni Your Princess na tiyak na tiyak niyang si Hannah. Ngunit dahil alam naman niyang may katigasan ang ulo nito, tiyak nga niyang hindi ito aaminin at gagawin pa rin ang gusto. Kaya, kaysa pilitin niya ito, nag-isip na lamang siya ng paraan para makakuha siya ng impormasyon dito.Gusto kitang makita, wika niya. Kahit alam niyang malabo nitong gawin ang pakikipagkita, minabuti pa rin niyang subukan. Kaya, agad niyang hinagilap ang kanyang cp ng bigla itong
AGAD na itinago ni Hanna sa ilalim ng kanyang kutson ang cellphone niya. Malalim na buntunghininga lamang ang kanyang pinawalan ng maalala niyang ang bago niyang cellphone na binili ay iniwanan niya noong magkita sila ni Nicole pero dinala niya ang cellphone na binigay sa kanya ni GB dahil mas kampante siya kapag dala niya ito. Pakiramdam niya kasi ay mas safe siya. Para kasing kasama na rin niya ang asawa't bestfriend.At dahil si Silver ang kasama niya, pakiwari niya'y hindi rin makabubuting malaman nito na mayroon siyang cellphone. Kaya't kailangan niya iyong itago ng husto. Kunsabagay, imposible rin namang makita ito ng lalaki dahil di niya ito hinahayaang pumasok sa silid na kanyang tinutuluyan.Malalim na buntunghininga muna ang pinawalan niya matapos magsabi ng 'wait' kay Silver. Ilang beses na kasi itong kumatok at ayaw na niya itong paghintayin pa.&n
MATAMIS na matamis ang ngiti ni Hannah habang hinahaplos niya ang kanyang sinapupunan. ka-chat niya kasi si Your Hero, na walang iba kundi ang kanyang mister at matalik na kaibigan, si GB. Kaya naman, ang lapad lapad ng kanyang ngiti nang umagang iyon. Hindi nga niya inintindi kung mag-isa lamang siya doon dahil nagpaalam si Silver sa kanya na pupunta ng Manila. Gayunman nilutuan naman siya nito ng request niyang to ino, tipa at binating itlog with garlic rice. Ang gusto kasi niya ay iyong maraming-maraming bawang.Kung magkasama lamang sila ni GB, sisiguraduhin niyang ito ang magluluto para sa kanya. Hindi siya papayag sa katwiran nitong hindi ako marunong magluto. Aba, naghihirap siyang dalhin ang anak nito kaya kailangan naman ay maghirap din ito.Malalim na buntunghininga lang ang pinawalan niya dahil talagang masakit sa kanyang ang kasama niya ay ang lalaking hindi niya mahal. Gayunman, ipinagpasalamat pa rin niya na may lalaking nagtitiyaga sa kanya.&