Thank you so much po sa inyong suporta, sa comments, gifts, at gems! Sana po ay nagugustuhan ninyo ang ating kwento.
Suot pa din ni Sarah ang damit kagabi. Wala naman siyang kakaibang naramdaman sa ibabang bahagi ng katawan. Agad siyang tumayo at hinanap ang dugo sa bedsheet at kumot. Wala din. Napaupo siyang muli. Pilit inaalala ang nangyari kagabi. Bago siya tuluyang agawin ng dilim ay may sinabi si Elijah sa te
Gumapang ang kaba sa dibdib ni Sarah sa isiping mahal niya si Elijah. Hindi niya dapat i-attach ang sarili niya sa binata. Malungkot at magulo ang buhay niya ngayon. Si Elijah ang tangi niyang masasandalan. Hindi ito pag-ibig.“Ang ugnayan natin bilang bodyguard at boss ay mananatili hanggang hindi
Ilang minuto na sila Sarah at Elijah sa taas ng kalangitan. Mas mabilis ang byahe sa ganitong uri ng transportasyon.Napansin nila ni Elijah na hindi normal ang lipad ng chopper. Naalarma sila.“Boss, anong nangyayari?” tanong ni Elijah sa piloto.“Hindi ko din alam. Maayos ito kanina. Please fasten
Umasim ang mukha ni Elijah sa panunukso ni Sarah.“Bakit hindi ka makakibo? Umamin ka na naakit ka sa katawan ko! You can touch me if you want,” malanding sabi niya.“Hindi kita gusto,” maikling sagot nito.Umusok ang ilong niya. Ano ang ayaw nito sa kanya?“Hindi ka lugi sa akin. Wala pa akong nagi
“Wala,” sabay na sabi nila Sarah at Joy kaya nagtawanan silang dalawa.“Maraming salamat Joy. Makakaalis ka na,” pagtataboy ni Elijah.Yumakap ang babae. “Let’s go somewhere muna bago ako umalis. Hindi mo ba ako na-miss?” maarteng sabi nito.Hinila ito ni Elijah palayo sa kanya. Muling yumakap ang b
Tumawa ng malakas si Elijah. “Ako magseselos? Wala sa bokabularyo ko ang salitang selos. Hindi ako nakakaramdam ng ganyang emosyon. Para sa mga taong may insecurity lang ‘yan.”Hindi na kumibo si Sarah at nagluto ng ham at egg. Nagsangag din ito dahil may natira silang kanin kagabi.Pinagmasdan niya
Pumasok sila Elijah at Sarah sa loob ng van. Mabilis na pinaandar ng driver ang sasakyan palayo sa mga kalalakihan humahabol sa kanila.“Maraming salamat Jacob. Kung wala ka ay baka kung napaano na kami.”Napayakap siya kay Jacob. Nananatiling walang kibo si Elijah.Mahaba ang kanilang byahe. Inaant
Pinilit ni Sarah na libangin ang sarili at itinuloy ang panonood ng sine. Nagulat pa siya ng walang ibang tao sa loob. Ayaw niyang mag-overthink sa nangyari kay Ms. Emelia.“Bakit walang ibang tao?” aniya ng makapasok sa loob.“Nirentahan ang buong sinehan sa oras na ito para siguraduhing ligtas ang