“Wala,” sabay na sabi nila Sarah at Joy kaya nagtawanan silang dalawa.“Maraming salamat Joy. Makakaalis ka na,” pagtataboy ni Elijah.Yumakap ang babae. “Let’s go somewhere muna bago ako umalis. Hindi mo ba ako na-miss?” maarteng sabi nito.Hinila ito ni Elijah palayo sa kanya. Muling yumakap ang b
Tumawa ng malakas si Elijah. “Ako magseselos? Wala sa bokabularyo ko ang salitang selos. Hindi ako nakakaramdam ng ganyang emosyon. Para sa mga taong may insecurity lang ‘yan.”Hindi na kumibo si Sarah at nagluto ng ham at egg. Nagsangag din ito dahil may natira silang kanin kagabi.Pinagmasdan niya
Pumasok sila Elijah at Sarah sa loob ng van. Mabilis na pinaandar ng driver ang sasakyan palayo sa mga kalalakihan humahabol sa kanila.“Maraming salamat Jacob. Kung wala ka ay baka kung napaano na kami.”Napayakap siya kay Jacob. Nananatiling walang kibo si Elijah.Mahaba ang kanilang byahe. Inaant
Pinilit ni Sarah na libangin ang sarili at itinuloy ang panonood ng sine. Nagulat pa siya ng walang ibang tao sa loob. Ayaw niyang mag-overthink sa nangyari kay Ms. Emelia.“Bakit walang ibang tao?” aniya ng makapasok sa loob.“Nirentahan ang buong sinehan sa oras na ito para siguraduhing ligtas ang
“Si Elijah lamang ang pinagkakatiwalaan ko. Sarah, hanggang hindi pa sigurado na wala ng pagtatangka sa buhay mo doon lamang maaring lumuwag ng konti ang security mo.”Tumango siya sa ama. Naupo sa mesa at kumain. Akmang uupo si Elijah sa tabi niya.“Bodyguard ka lang, hintayin mo muna akong matapos
Niyakap ni Sarah si Elijah ng mahigpit na tipong ayaw na niyang pakawalan pa. She felt secure.“I’m sorry. Wala akong nararamdaman. Maraming lalaking mas nakakahigit sa akin,” anang binata. Bumitaw ito sa kanya at inilayo ang katawan.“No need to apologize, hindi mo kasalanan kung hindi mo ako gusto
“Ano ‘yan?” sabi ni Sarah sabay turo sa locket. Pamilyar ito. Hindi nga lang siya sigurado dahil matagal na niyang hindi nakikita ang locket na may picture niya at ng ina noong bata pa siya. Wala kasi siyang maibigay sa batang lalaking naging kasama at kalaro niya ng isang araw. Nalunod ito at nasag
“Dad, ano po ang kailangan ninyo?” ani Elijah. Napalinga si Sarah at nagbigay ng tipid na ngiti sa matanda. Namumula ang kanyang pisngi sa kahihiyan.“Hello, Sarah. Madalas kang ikwento ng daddy mong si Emilio. Ako si Thomas, ang daddy ni Elijah.”“Ikinagagalak ko po kayong makilala.” Nagmano siya s
Nag-isang guhit ang labi ni James. Mas humigpit ang pagkakayakap nito. Pilit siyang hinarap nito at muling mariing h******n ang kanyang mga labi. Para siyang tuod ng oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Ayaw ng isip niya ang nangyayari ngunit taksil ang katawan at lalo na ang puso
Halos lumabas ang puso ni Nicole sa lakas ng tibok. Humigpit ang hawak niya sa sa baril. Baka nakapasok sa compound nila ang nais magpapatay sa kanya. Mabuti na lamang at nag-aral siya ng self-defense noong bata siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili.Pumasok ang isang malaking bulto ng katawan. B
Napalingon si Nicole sa katabing asawa. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.“Hindi ako naniniwala sa’yo! At kung ayaw mong kalbuhin kita at alisin ko ang sustento mo, stay away from my husband,” aniyang sinadyang bungguin ang inggiterang stepsister.“May relasyon ba kayo ni Jasmine?” deretsang tanong n
Umiling si Nicole. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa sa paningin ni James. Ngunit mas hindi niya gustong pilitin ito. Masyado na itong madaming isinakripisyo para sa kanya.“Hindi kita mahal!” aniya. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni James ngunit saglit lamang.“Hindi din kita mahal. Tapusi
“Nic, kumalma ka. Mag-asawa tayo at lulutasin natin ang problema ng magkasama,” sabi ni James.“Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangang samahan palagi.”“Sige, hahayaan kitang makapag-isip muna,” ani James at lumabas ng bahay.Nagkulong siya sa kwarto. Tanghali na ay hindi pa siya bumabangon.
Mainit na yakap at halik ang gumising kay Nicole. Tunay na umagang kay ganda.“Good morning sa pinakamagandang babae sa buong mundo,” ani James na pinupog siya ng halik sa mukha at leeg.“Wait lang, hindi pa ako naliligo,” aniyang umiiwas sa halik.“Mag-ayos na tayo at umuwi. Checkup mo sa duktor ng
Nagtama ang mga mata nila Nicole at James mula sa labas ng bintana. Nagkubli siya at nagpadala ng message sa driver na tumawag ng pulis. Ilang minuto siyang nasa damuhan at abot abot ang dasal.Muli siyang sumilip sa loob. Hindi nakatiis si Nicole ng akmang papaputukan ng baril si James ng pinakalid
Pakiramdam ni Nicole ay durog ang puso niya ng daang milyong beses. Sana hindi na lang bumalik ang alaala niya. Alam na niya ang tunay na estado ng relasyon nila ni James. Pero hindi siya nagagalit. Mas lamang ang pasasalamat para sa asawang tumutupad sa pangako.Gumalaw si James sa kanyang tabi at
Naghintay si Nicole sa labas ng presinto. Sana naman ay madakip na ang mastermind sa tangkang pagpatay sa kanya ng magkaroon na ng katahimikan. Isang oras bago bumalik si James.“Anong balita?”“Wala kaming mapiga sa taong binayaran para sirain ang mekanismo ng sasakyan mo. Sa telepono lang daw niya