Maraming salamat po sa pagsama kina Sarah at Elijah! Thanks so much din po sa gifts at gems na inyong ibinibigay. Godbless po!
Tumango si Elijah. Hindi siya makakatanggi sa matalik na kaibigan ng kanyang ama. Ayaw niyang maging baby sitter ng isang spoiled brat na maganda, sexy, at mabango. Sinaway niya ang sarili, sa lahat ng ayaw niya ay babaeng maarte at feeling entitled.Pumasok sila ni Don Emilio sa loob ng mansyon. Ma
“Jacob is fashionable. Ikaw ang bibilihan ko ng damit. Ayoko ng may kasamang baduy,” sabi ni Sarah.Napansin niyang nagtagis ang bagang ni Elijah kaya lumabas siya ng dressing room. Nagmamagandang loob lang naman siya.“Bilisan mo magsukat,” aniya.“Hindi ko kailangan ng damit galing sa’yo. May pamb
May kumatok sa kwarto ni Sarah. Inisip niyang si Elijah at kukumustahin ang lagay niya.“Eli—Dad,” alanganin siyang ngumiti sa ama. Nilakihan niya ang awang ng pinto. Pumasok ang kanyang ama at naupo sa sofa.“Anak, nakita mo naman na hindi biro ang death threats na natatanggap natin. Muntik ka ng m
Nakita ni Sarah ang gulat sa mukha ng mga magulang ni Elijah.“Anak, nag-asawa ka na? Bakit hindi mo man lang ipinaalam sa amin?” anang tatay nito.“Tay, biglaan kaya itinanan ko po si Sarah.”“Sarah, mga magulang ko. Sina Nanay Alicia at Tatay Rommy.”Hindi agad siya makapagsalita dahil hindi mapro
Hindi namalayan ni Sarah na nakatulog pala siya. Naalimpungatan siya sa hagod ng dila sa kanyang paa. Hindi niya maidilat ang mga mata. Nakakakiliti ang ginagawa ni Elijah. Napangiti siya.Unti-unti niyang iminulat ang mata at napasigaw siya ng makita ang isang asong napakalaki na dumidila sa paa ni
Nanatiling nakakapit ang kamay ni Sarah sa leeg ni Elijah. Ang bango nito. Nahiya siya dahil hindi pa siya naliligo at nakakapagpalit ng damit. Nagdatingan ang mga magulang at kapatid nito. Mas lalo niyang isiniksik ang sarili sa malapad na dibdib ng binata. Nahihiya siya sa pamilya nito. Sakit sa u
Bakit tila nasasaktan si Sarah? Ipinilig niya ang ulo. Imposibleng nagseselos siya. Walang dapat ipagselos. Wala silang relasyon ng bodyguard.Matamis ang ngiti na ibinigay ni Elijah. She saw softness in him na hindi niya nakikita kapag siya ang kausap ng binata. At bakit ba siya nag-iisip sa kung p
“Elijah, tumulong tayo sa pag-aani ng mga strawberry. Turuan mo din si Sarah at baka naiinip ng walang ginagawa,” sabi ni Nanay Alicia na mukhang gusto siyang pahirapan.Niyaya siya ng binata. Agad naman siyang sumunod. “Teka, may sunblock ka ba?”“Sunblock? Wala. Hindi ka naman maliligo sa dagat at