Umaga na ay tulala pa din si Hanna dahil sa nangyari kagabi. Hindi naman siya nag-ha-hallucinate lang. May lalaki talagang nasa CCTV tapos ay nabura sa kuha ng camera sa ilang minutong pagtawag niya sa security.Nabalik lamang siya sa wisyo ng tinawag siya ni Theo. “Mama, inom milk,” anitong pupunga
“Wala naman pong hindi nakakakilala kay Claire dahil bukod sa mula sa mayamang pamilya ay sikat siyang modelo. Napanood ko na siya minsan sa isang fashion show,” kwento ni George.“George, makikiusap sana ako sa’yo na sakyan mo nalang muna si Claire. Kunwari na lang ay hindi mo siya kilala. May hihi
Tila nasabugan ng bomba ang CEO ng Villareal Construction Corporation sa rebelasyon ng Tatay Edgar niya. “Hindi totoo ‘yang sinasabi mo, Edgar!”“Gago ka kasi! Mas pinaniwalaan mo ang nanay mong matapobre! Kaya hindi mo alam ang hirap na pinagdaanan ng anak mo!”“Wala kaming anak ni Lourdes! Sinasab
Mabilis na naglaho ang lalaking kamukha ni Ethan. Lumabas si Hanna ng restaurant upang habulin ito. Sinundan niya ito hanggang sa kabilang kalsada. Tanaw niya ang palayong lalaki. Lakad takbo ang ginawa niya upang maabutan ito. Parang ang yumaong asawa talaga niya ang lalaki. Hinihingal na siya ay p
“Ninong, masusunod po ang lahat ng kagustuhan ninyo. Ipinapayo ko lamang po na baguhin ninyo ang last will and testament at ilagay lahat ng inyong habilin upang walang laban ang mga nagnanais na maghabol.”“Oo, inaayos ko na. Pero wala munang dapat makaalam nito. Ihanda mo si Hanna para sa bagong bu
“Sir Allan, nagbibiruan lang po kami ni Hanna. Close na po kasi kami,” sagot agad ni Ms. Hazel. Nakangiti ang babae kahit pa nawalan ng kulay ang mukha nito sa takot.Sa halip na pakinggan si Hazel ay nilingon siya ni Sir Allan. Hinihintay nito ang kompirmasyon mula sa kanya.Nagdalawang isip siya k
Mabigat ang bawat hakbang niya palayo. Nadinig niya ang pagpasok ni Ethan sa loob ng sasakyan. Matindi ang pagpipigil niya sa sariling huwag magmakaawa dito. Napahinto siya sa paglalakad. Lumingon siya at nakita niyang paalis na ang sasakyan ng asawa. Tanging alikabok ang naiwan sa kanya at ang pait
Muling umikot ang mundo ni Hanna ng 360 degrees. Daig pa niya ang bida pelikula. CEO na siya ngayon, hindi kapanipaniwala ngunit totoo. Papunta sila ni Allan sa mansyon ng mga Villareal upang makinig sa abogado para sa huling habilin ni Mr. Villareal. Hindi siya makapaniwalang ama niya ito. Masakit
Nag-isang guhit ang labi ni James. Mas humigpit ang pagkakayakap nito. Pilit siyang hinarap nito at muling mariing h******n ang kanyang mga labi. Para siyang tuod ng oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Ayaw ng isip niya ang nangyayari ngunit taksil ang katawan at lalo na ang puso
Halos lumabas ang puso ni Nicole sa lakas ng tibok. Humigpit ang hawak niya sa sa baril. Baka nakapasok sa compound nila ang nais magpapatay sa kanya. Mabuti na lamang at nag-aral siya ng self-defense noong bata siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili.Pumasok ang isang malaking bulto ng katawan. B
Napalingon si Nicole sa katabing asawa. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.“Hindi ako naniniwala sa’yo! At kung ayaw mong kalbuhin kita at alisin ko ang sustento mo, stay away from my husband,” aniyang sinadyang bungguin ang inggiterang stepsister.“May relasyon ba kayo ni Jasmine?” deretsang tanong n
Umiling si Nicole. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa sa paningin ni James. Ngunit mas hindi niya gustong pilitin ito. Masyado na itong madaming isinakripisyo para sa kanya.“Hindi kita mahal!” aniya. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni James ngunit saglit lamang.“Hindi din kita mahal. Tapusi
“Nic, kumalma ka. Mag-asawa tayo at lulutasin natin ang problema ng magkasama,” sabi ni James.“Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangang samahan palagi.”“Sige, hahayaan kitang makapag-isip muna,” ani James at lumabas ng bahay.Nagkulong siya sa kwarto. Tanghali na ay hindi pa siya bumabangon.
Mainit na yakap at halik ang gumising kay Nicole. Tunay na umagang kay ganda.“Good morning sa pinakamagandang babae sa buong mundo,” ani James na pinupog siya ng halik sa mukha at leeg.“Wait lang, hindi pa ako naliligo,” aniyang umiiwas sa halik.“Mag-ayos na tayo at umuwi. Checkup mo sa duktor ng
Nagtama ang mga mata nila Nicole at James mula sa labas ng bintana. Nagkubli siya at nagpadala ng message sa driver na tumawag ng pulis. Ilang minuto siyang nasa damuhan at abot abot ang dasal.Muli siyang sumilip sa loob. Hindi nakatiis si Nicole ng akmang papaputukan ng baril si James ng pinakalid
Pakiramdam ni Nicole ay durog ang puso niya ng daang milyong beses. Sana hindi na lang bumalik ang alaala niya. Alam na niya ang tunay na estado ng relasyon nila ni James. Pero hindi siya nagagalit. Mas lamang ang pasasalamat para sa asawang tumutupad sa pangako.Gumalaw si James sa kanyang tabi at
Naghintay si Nicole sa labas ng presinto. Sana naman ay madakip na ang mastermind sa tangkang pagpatay sa kanya ng magkaroon na ng katahimikan. Isang oras bago bumalik si James.“Anong balita?”“Wala kaming mapiga sa taong binayaran para sirain ang mekanismo ng sasakyan mo. Sa telepono lang daw niya