Tulala si Hanna. Pinatulog niya si baby Theo matapos nilang maglaro. Bukas ay kukuhanin naman ito ni Ethan. Nagtatanong na ang anak kung bakit dalawa ang bahay niya. Alam niyang sa edad na tatlo ay nakakaunawa na ito at naguguluhan na din sa sitwasyon.Sa paglipas ng mga araw ay natanggap na niya na
“Ah, sige. Puntahan natin sila bukas or mas mainam na yayain mo sila dito. Miss ko na sila lalo ang baby Theo ko.”“Sige po. Tatawagan ko po mamaya para sabihin na pumunta sila dito sa farm.”“Okay, kumusta naman ang buhay mag-asawa ninyo?”Hindi agad nakasagot ang binata.“Ethan huwag mong pabayaan
Nasasaktan pa din siya kaya gusto niyang makaganti kay Ethan kahit pa walang katotohanan ang ibinibintang nito sa kanya.“Wala akong pakialam sa inyo ng kabit mo. Pero huwag mong ipangalandakan ang panlalaki mo!”“Oh, kalat sa buong bansa na may relasyon kami ni Ronald. Nabalita at nag-viral pa nga,
Hinablot niya ang kasunduan at pumirma. Wala naman siyang magagawa na. Ang importante ay magpapanggap lamang sila sa mga panahong nandito si Lola Rosa na madalang naman dahil naglilibot ito sa iba’t-ibang bansa.Ngiting wagi ang mag-amo ng pumirma siya sa kasulatan. Ang sarap pag-untugin ng dalawa!
Naputol ang pag-iisip ni Hanna ng buksan ni Ethan ang pinto ng banyo at itapat siya sa ilalim ng shower.“Maligo ka ng luminis ang utak mo!” sabi ng lalaki at tsaka siya iniwan sa loob ng banyo.Nakatapis lamang siya ng tuwalya paglabas ng banyo. Buti na lamang at patay na ang ilaw. Tanging ang lamp
“Lola Rosa, nagbabalak po kaming magka-baby na uli ni Hanna,” mabilis na sagot ni Ethan sabay akbay sa kanya at halik sa kanyang noo. Niyakap din siya nito. Kay galing nitong umarte.Agad siyang tumango tanda ng pagsang-ayon. “Opo, naisip po namin na panahon na upang subukan na magkaanak uli.” Tila
Agad nagpunta sina Lola Rosa, George, at Hanna sa presinto ngunit non-bailable ang kasong murder kaya deretso sa kulungan si Ethan pagdampot dito ng mga pulis.Nagsama sila ng magaling na abogado. Nakaladkad ng husto ang pamilya Rodriguez sa isyung kinasangkutan ni Ethan. Pinagpyestahan ito ng media
Nahulog si Hanna sa malalim na pag-iisip. Matapos ang unos sa pamilya Rodriguez halos dalawang taon na ang nakakaraan. Kung ganoon ay sino ang posibleng natirang kaaway ng pamilya? Magsasagawa siya ng sariling imbestigasyon na maaring ihain sa susunod na hearing sa korte.Pinuntahan niya ang sinasab
Nag-isang guhit ang labi ni James. Mas humigpit ang pagkakayakap nito. Pilit siyang hinarap nito at muling mariing h******n ang kanyang mga labi. Para siyang tuod ng oras na iyon. Hindi niya alam kung ano ang dapat gawin. Ayaw ng isip niya ang nangyayari ngunit taksil ang katawan at lalo na ang puso
Halos lumabas ang puso ni Nicole sa lakas ng tibok. Humigpit ang hawak niya sa sa baril. Baka nakapasok sa compound nila ang nais magpapatay sa kanya. Mabuti na lamang at nag-aral siya ng self-defense noong bata siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili.Pumasok ang isang malaking bulto ng katawan. B
Napalingon si Nicole sa katabing asawa. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.“Hindi ako naniniwala sa’yo! At kung ayaw mong kalbuhin kita at alisin ko ang sustento mo, stay away from my husband,” aniyang sinadyang bungguin ang inggiterang stepsister.“May relasyon ba kayo ni Jasmine?” deretsang tanong n
Umiling si Nicole. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa sa paningin ni James. Ngunit mas hindi niya gustong pilitin ito. Masyado na itong madaming isinakripisyo para sa kanya.“Hindi kita mahal!” aniya. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni James ngunit saglit lamang.“Hindi din kita mahal. Tapusi
“Nic, kumalma ka. Mag-asawa tayo at lulutasin natin ang problema ng magkasama,” sabi ni James.“Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangang samahan palagi.”“Sige, hahayaan kitang makapag-isip muna,” ani James at lumabas ng bahay.Nagkulong siya sa kwarto. Tanghali na ay hindi pa siya bumabangon.
Mainit na yakap at halik ang gumising kay Nicole. Tunay na umagang kay ganda.“Good morning sa pinakamagandang babae sa buong mundo,” ani James na pinupog siya ng halik sa mukha at leeg.“Wait lang, hindi pa ako naliligo,” aniyang umiiwas sa halik.“Mag-ayos na tayo at umuwi. Checkup mo sa duktor ng
Nagtama ang mga mata nila Nicole at James mula sa labas ng bintana. Nagkubli siya at nagpadala ng message sa driver na tumawag ng pulis. Ilang minuto siyang nasa damuhan at abot abot ang dasal.Muli siyang sumilip sa loob. Hindi nakatiis si Nicole ng akmang papaputukan ng baril si James ng pinakalid
Pakiramdam ni Nicole ay durog ang puso niya ng daang milyong beses. Sana hindi na lang bumalik ang alaala niya. Alam na niya ang tunay na estado ng relasyon nila ni James. Pero hindi siya nagagalit. Mas lamang ang pasasalamat para sa asawang tumutupad sa pangako.Gumalaw si James sa kanyang tabi at
Naghintay si Nicole sa labas ng presinto. Sana naman ay madakip na ang mastermind sa tangkang pagpatay sa kanya ng magkaroon na ng katahimikan. Isang oras bago bumalik si James.“Anong balita?”“Wala kaming mapiga sa taong binayaran para sirain ang mekanismo ng sasakyan mo. Sa telepono lang daw niya