Hindi napuruhan ni Hanna si Luis kaya naman tila ito manunuwag sa labis na galit sa kanya. Nakita niyang pumutok ang ulo nito at tumulo ang dugo na hindi man lang nito ininda.Lumapit ito sa kanya at nilamutak ang kanyang mukha at sinakal siya. “Gaga ka talaga! Inuuto mo lang pala ako! Matitikman mo
“Pag-ibig,” buong tapang niyang sagot. Nakita niya ang pag-ismid ng matanda.“Ako din pag-ibig ang dahilan kung bakit ko kailangang pagmalupitan si Ethan. Kailangan kong sumunod sa utos kundi ay mapapahamak siya.”“Huwag na po kayong maghugas ng kamay. Nangyari na ang lahat. Bakit hindi na lang po k
“Pasensya ka na, kung ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa nakaraan ay okay lang naman sa akin. Huwag ka ng malungkot,” sabi ni Hanna kay Ethan habang nakaunan siya sa balikat nito.“Lumaki akong takot magmahal dahil sa kinilala kong nanay. Bilang isang bata wala akong gustong gawin kundi ang mapasay
Napukaw ng matanda ang kanyang interes. “Sino ang amo ninyo?”“Alamin mo. Kilala mo siya. Huwag kang magpalinlang. Tulungan mo si Ethan. Hindi man ako ang nagluwal sa kanya ay sa puso ko ay itinuring ko siyang anak.”“Hindi ganyan ang kwento ng asawa ko. Kung totoo mang may nag-uutos lang sa’yo. Paa
Tumakas mula sa kumpanya sila Hanna at Athena. Bumaba sila ng kotse ng kanyang sekretarya sa hindi kalayuan upang tignan ang tirahan ni Anton Ramos. May picture din na ipinadala ang imbestigador na kilala ni James. Nagbihis sila ng kagaya ng mga Marites na nakatambay sa kanto upang makapagmatyag sil
“Ethan, pwede ba tayong mag-usap?”Niyakap siya ng asawa at hinalikan sa labi. “Mamaya na, may gagawin muna tayo,” malambing nitong sabi.“Seryoso ako, Ethan.”“Ano ang gusto mong sabihin?”“Nakita ko si Kevin sa bahay ni Anton Ramos. Hindi totoong patay ang kinilala mong ama.”“Hanna, anong ginagaw
Nayanig ang buong pagkatao ni Hanna sa biglaan at karumaldumal na krimeng nasaksihan. Bago bumulagta is Kevin ay humarap ito sa kanya sa bintana ng kotse. Tila ito humihingi ng tulong. Kinuha niya ang cellphone upang kuhanan ng video ang pangyayari ngunit nahulog ang cellphone niya sa lapag sa labis
Isinugod ni Hanna sa ospital si Ethan. Madami siyang karanasan na muntik na siyang mamatay pero hindi pa siya natatakot ng ganito sa buong buhay niya. Hindi niya alam kung paano mabuhay ng wala si Ethan. Panay ang dasal niya na iligtas sa kapahamakan ang asawa. Patuloy ang agos ng luha sa kanyang mg
Halos lumabas ang puso ni Nicole sa lakas ng tibok. Humigpit ang hawak niya sa sa baril. Baka nakapasok sa compound nila ang nais magpapatay sa kanya. Mabuti na lamang at nag-aral siya ng self-defense noong bata siya. Kaya niyang ipagtanggol ang sarili.Pumasok ang isang malaking bulto ng katawan. B
Napalingon si Nicole sa katabing asawa. Nagtagis ang kanyang mga ngipin.“Hindi ako naniniwala sa’yo! At kung ayaw mong kalbuhin kita at alisin ko ang sustento mo, stay away from my husband,” aniyang sinadyang bungguin ang inggiterang stepsister.“May relasyon ba kayo ni Jasmine?” deretsang tanong n
Umiling si Nicole. Hindi niya hahayaang magmukhang kawawa sa paningin ni James. Ngunit mas hindi niya gustong pilitin ito. Masyado na itong madaming isinakripisyo para sa kanya.“Hindi kita mahal!” aniya. Nakita niya ang pagtagis ng bagang ni James ngunit saglit lamang.“Hindi din kita mahal. Tapusi
“Nic, kumalma ka. Mag-asawa tayo at lulutasin natin ang problema ng magkasama,” sabi ni James.“Hindi kita kailangan. Hindi mo ako kailangang samahan palagi.”“Sige, hahayaan kitang makapag-isip muna,” ani James at lumabas ng bahay.Nagkulong siya sa kwarto. Tanghali na ay hindi pa siya bumabangon.
Mainit na yakap at halik ang gumising kay Nicole. Tunay na umagang kay ganda.“Good morning sa pinakamagandang babae sa buong mundo,” ani James na pinupog siya ng halik sa mukha at leeg.“Wait lang, hindi pa ako naliligo,” aniyang umiiwas sa halik.“Mag-ayos na tayo at umuwi. Checkup mo sa duktor ng
Nagtama ang mga mata nila Nicole at James mula sa labas ng bintana. Nagkubli siya at nagpadala ng message sa driver na tumawag ng pulis. Ilang minuto siyang nasa damuhan at abot abot ang dasal.Muli siyang sumilip sa loob. Hindi nakatiis si Nicole ng akmang papaputukan ng baril si James ng pinakalid
Pakiramdam ni Nicole ay durog ang puso niya ng daang milyong beses. Sana hindi na lang bumalik ang alaala niya. Alam na niya ang tunay na estado ng relasyon nila ni James. Pero hindi siya nagagalit. Mas lamang ang pasasalamat para sa asawang tumutupad sa pangako.Gumalaw si James sa kanyang tabi at
Naghintay si Nicole sa labas ng presinto. Sana naman ay madakip na ang mastermind sa tangkang pagpatay sa kanya ng magkaroon na ng katahimikan. Isang oras bago bumalik si James.“Anong balita?”“Wala kaming mapiga sa taong binayaran para sirain ang mekanismo ng sasakyan mo. Sa telepono lang daw niya
Marahan tumango si Ayana. “Ako nga ang manager.”“Ikaw ang kausap ko tungkol kay Mysterious Girl?”Muli itong tumango.“Please contact her at pakisabi na titigil na ako sa ---”“Hindi mo pa kilala kung sino si Mysterious Girl hanggang ngayon?”Bumalatay ang pagtataka sa mukha niya. “Hindi pa. Sino b