"Gumising ka Maxim Ace! Bumangon ka! Paano mo ako maipaghihiganti kung magpapatalo ka ng ganyan?" "Ace, apo kailangan ka namin ng mommy mo. Kailangan pa kita, kailangan mo akong tulungan!" "Papatayin mo pa ang hayop na si Maximus Villaroman! Papatayin mo pa! Papatayin mo!!!!!" Galit na galit a
Wala akong ibang naiisip na may gawa sa akin nito kundi ang magkakapatid. Dahil sino pa nga ba pupokpok ng ulo ko na parang kay laki ng galit sa akin lalo pa't napuruhan ko si Junior. At kung papaano ako napunta sa ilog ay maaaring pinagtulungan nila akong ipaanod. Hindi ko guni guni iyong mga boses
Sa loob ng ilang araw na pahinga at pagpapainom sa akin ng halamang gamot ni Lolo Isko ay naging maayos ang kalagayan ko. Bumalik ang dating kong lakas kaya naman agad akong tumulong sa kanya sa pagsasaka. Ayaw pa nga sana ni lolo ngunit mapilit ako dahil gustong gusto ko siyang tulungan sa pagha
( Natalie Ada's POV ) "Ma, daddy, I'll go now. May kailangan pa po kasi akong asikasuhin for my report. I need to be early po." Paalam ko sa aking mga magulang saka mabilisang hinalikan ang mga ito sa pisngi. Nasa hapagkainan pa sila kasama ang dalawa ko pang mga kapatid na hindi pa tapos sa kani
( Alas POV ) "Apo! Apo!" Puno ng tuwa at kagalakang tawag sa akin ni Lolo Isko. Kasalukuyan akong nag aararo sa bukirin nang mapansin ko itong humahangos na tumatakbo patungo sa direksyon ko. Kaya agaran ko ring pinahinto na muna ang kalabaw saka ito nagmamadaling nilapitan. "Lo, bakit po?"
"Tumigil nga kayo, puro kayo kalokohan. Mabuti pa, tapusin na natin itong pagkain para makapagreview tayo pagkatapos." Komento ko nalang sa dalawa dahil alam kong parehas ang mga ito ng mga utak, maraming kalokohan keysa pag aaral. Kaya tinotoo ko ang sinabi na magreview pagkatapos kumain dahil ma
Iyon nga lang....... Biglang dumating ang araw na hindi ko kailanman inasahan at pinaghandaan. Na siyang dahilan kung bakit lahat ng naging plano namin ni Lolo Isko ay naglaho na parang bula. Takip silim na ako kadalasan nakakauwi dahil medyo may kalayuan ang paaralan mula sa kubo ni Lolo Isko.
Nawala si lolo nang hindi man lang ako nakakapagpasalamat. Ni hindi man lang ako nakakabawi sa lahat lahat ng kabutihan niya. Kagaya ng pagkawala noon ng itinuring kong tunay na ina na si Mommy Krista. Nawala sila nang wala man lang akong nagawa! Ang kaibahan lang ay nawala si mommy sa brutal na par