( Amari's POV )Napabalikwas ako ng bangon nang marinig na tumutunog ang aking cellphone. Inilibot ko ang mga mata at napansing wala na naman si Zander sa aking tabi.Napapikit ako sa labis na kalungkutan. What I am expecting? Wala namang bago, ganoon palagi. Matapos niyang pagsawaan ang katawan ko ay basta siyang umaalis nang wala man lang paalam. Nagigising nalang akong nag- iisa.My phone keep on ringing. Medyo nakaramdam pa ako ng pagkairita dahil naantala nito ang tulog ko lalo pa't wala akong maayos na tulog kagabi dahil masama pa ang aking pakiramdam.Hindi lang basta masama dahil buong katawan ko ay parang naubusan ng lakas sa ginawang pag- alisputa ni Zander. Marahas niya akong inangkin kagabi ng paulit ulit. "Ouch!" Napadaing ako habang sapo ang sintido kong kumikirot. May mga kagat, kalmot at pasa pa sa iba't ibang bahagi ng katawan ko.Dahan-dahan akong kumilos para abutin ang cellphone kong walang tigil sa kakaring.Napabuga ako ng hangin nang makitang tumatatak sa screen
( Zander's POV )"Nasisiguro kong hindi magiging madali ang annulment Mr. Montegrande. Nakausap ko na si Amari. Ilalaban niya ang kasal ninyo. Maging ang nakuha niyang magaling na abogado ay nakausap ko na rin. At mukhang malakas ang laban nila."Balita ni Attorney Mariano nang makipagkita ako tungkol dito. Pero di ko alam kung bakit hindi ko magawang magalit at madismaya sa nalaman. It's somehow a different feeling. Ibang- iba sa nararamdaman ko noon sa tuwing nakikipagmatigasan ang babaeng yun.I didn't say anything kaya muling nagsalita si attorney."Uhmmm, wala ka man lang bang magiging reaksyon?" Takang tanong nito kaya napahinga ako ng malalim."I don't know what to say attorney. Talagang malakas ang loob ng babaeng yun." Napailing na sabi ko sabay inom ng baso ng wine na hawak ko.Natawa rin si attorney sabay iling."Exactly! At aaminin kong napapabilib niya ako. She looks so desperate. Tipong handang makibaka kahit pa man kalaban niya ay isang makapangyarihang tao. Maybe she re
"She's dead!"Ang mga salitang ito ang umalingawngaw sa aking tainga habang binabaybay ang kahabaan ng kalsada para puntahan ang pinangyarian ng aksidente.Lutang na lutang ako, tuliro habang nakasunod sa sasakyan ni Aslan. Parang napakahirap paniwalaan at tanggapin. Yung puso ko ay parang sinasaksak ng ilang libong punyal sa sakit.I don't know... Pakiramdam ko wala ako sa sarili ngayon. Hindi ko maipaliwanag, para akong tinakasan ng kaluluwa ko.This is not real! This can't be real. She's not dead. Hindi siya pwedeng mawala!Tinodo ko pa ang bilis ng takbo sa kagustuhang makarating na kaagad. Wala akong pakialam kung maaksidente din ako. Mas maigi na nga rin siguro, kung pwede lang sana.But after a couple of hours, I arrived safe. Di pa man ako nakakababa ay pansin ko na agad ang kumpulan ng mga tao. Marami na ring mga police at may barricade tape ang buong area.Pigil ko ang hininga habang naglalakad. Parang nakasemento ang mga paa ko dahil sa napakabigat na hakbang ng aking mga
Sa paglipas ng mga araw, katulong ang pulisya ay walang tigil ang mga tauhan ko at mga tauhan ni Drake sa paghahanap sa sasakyan ni Amari sa napatarik at masukal na bangin. Hinayaan ko na ang tulong na pinaabot ni Drake dahil tama si Amina, ito ang panahong kailangan naming magtulungan dahil iisa lang naman ang layunin namin.Halos ayaw ko ng magpahinga. Maging sa pagtulog ay hirap ako. Gusto kong papaniwalain ang sarili na buhay siya at maayos, kahit alam ko na napakaimposible. I badly want to see her again. Kaya walang araw na hindi ako umuuwi dito sa condo. Nagbabakasakaling bigla siyang umuwi at magpakita.Para akong tangang naghihintay kahit na nga pakiramdam ko wala ng kasiguraduhan ang lahat.Nang tumunog ang cellphone ko ay agad akong napabalikwas ng tayo at sinagot ito kaagad."Boss, nahanap na po namin ang sasakyan. Kumpirmadong sa misis niyo po ito." Balita ng tauhan ko sa kabilang linya. "I'll be coming!"Hindi pa man ito tapos sa sasabihin ay patakbo akong lumabas ng co
Wala na akong sinayang pa na oras. After what that woman told me ay agad kong pinuntahan ang ospital na pinagdalhan kay Amari noon.I knew it. I started to recall everything. Naalala ko na, noong araw na naaksidente ako ay doon dapat ako patungo dahil sa narinig ko ang pag- uusap ng dalawang waiter ko hanggang sa pinanood namin ang kuha ng CCTV. Nawala lang talaga sa isip ko ang bagay na yun dahil apat na taon na ang lumipas. I just really don't know na ganoon pala iyon kahalaga.Fuck! Di magkamayaw ang puso ko sa pagwawala. Tears keep on flowing. Hindi ko maipaliwanag yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Hirap na hirap na nga ako dahil sa pagkawala ni Amari tapos ngayon nalaman ko pa ang isang napakalaking kasalanan ko!Damn! She was pregnant? Kaya ba siya dinugo at isinugod sa ospital noong araw na iyon nang isa sa mga waiter ko? At ako ang putang inang may kasalanan kung bakit nalaglag ang bata, ang anak namin!Kaya nang makarating ako sa naturang ospital ay pinacheck ko kaagad an
( Makalipas ang dalawang taon)"Kailangan nating bumalik ng Pilipinas. Kailangang maisakatuparan natin ang matagal ng nakaplano. You know how we prepared for this Madison. So, don't fail me."Di ako makaimik nang muling banggitin ni mommy ang tungkol sa pagbabalik namin sa Pilipinas. At mas lalong di ko maintindihan kung bakit mas pinili niyang doon na muna kami manatili gayung masaya naman ang buhay namin dito sa Australia."Mom, what about our life here? How about our job?" Pahabol na tanong ko, naguguluhan sa ura- uradang desisyon nito kahit pa man noon pa niya binabanggit na talagang darating ang araw na ito.But still, I wasn't prepared for this. It's too urgent."Patapos na ang construction ng hotel and it'll be open so soon. Ikaw ang mamamahala. Alam mo kung ilang milyon ang itinaya ko para doon Madison. At mas lalong alam mo na kung ano ang matagal na nating plano." Tuwid at mariing sagot ni mommy kaya naiwanan akong napatigagal.She invested in that hotel na di ko alam kung ba
"4's Limited and Suite Hotel. Pangalan yan ng hotel na kinailangan nating mapabagsak. Namamayagpag yan ngayon kaya pag-igihan mong mabuti ang pamamalakad Madison. Tumaya ako ng ilang daang milyon para rito."Tuwid at seryosong tugon ni Mommy Elizabeth. Nasa Pilipinas na kami ngayon. Kasalukuyang nakatira sa bagong bili ni mommy na bahay sa isang eksklusibong subdivision dito sa Manila. Malapit ng matapos ang construction ng hotel kaya halos araw- araw na naman niya akong pinapaalalahanan.Kumunot ang noo ko. "Mapabagsak mom? I mean, bakit kinailangan nating pabagsakin ang hotel na yun? Sa mundo ng pagnenegosyo ay natural naman po na may kompetensiya talaga tayo." Tuwid at honest na sagot ko.Noon pa niya nababanggit na matagal niyang pinag-isipan ang planong ito. Ang planong bumalik at magnegosyo dito sa Pilipinas. Pero hanggang ngayon ay wala siyang konkreto at malinaw na paliwanag kung bakit parang napakalalim ng pinaghuhugutan niya.And it sounds deep and revengeful.She sighed hab
I studied everything about 4's Limited and Suite Hotel. Mom was right, pagmamay- ari ito ng isang Amanda Rodrigo Santana at ang namamahala at nagpapatakbo nito ngayon ay ang anak nitong si Mrs. Amina Wilson, na napangasawa ng isang bilyonaryong si Drake Lukas Wilson na kilala at namamayagpag sa larangan ng pagnenegosyo sa buong Asya.Ibig sabihin, malalaking isda pala ang mga kalaban namin ni Mommy Elizabeth. At di ko alam kung mapagtatagumpayan ko ba ang nais ni mommy na pabagsakin ang babaeng si Amanda Rodrigo Santana.I sighed. Bukod doon ay nagtataka rin ako ng labis sa kung bakit pamilyar din ang pangalang Amina at Drake sa akin. Ngayon ko palang naman narinig ang mga pangalan nila pero para bang nakilala ko na sila before. I don't know and I found it weird."Hon, di ka pa ba matutulog?"Nagtaas ako ng mukha nang maulinigan ang boses ni Nick. Nasa harapan ko na pala ito ngayon. Di ko man lang napansin dahil sa maraming tumatakbong bagay sa isipan ko. Lalo pa't tutok ang atensyon k