Halos buong magdamag akong hindi makatulog at panay pa rin sa pag-agos ang aking mga luha. Magang maga na ang mga mata ko at ramdam ko ang panghihina ng aking katawan.Kaya naman kinabukasan ay nakaisip agad ako ng paraan. Buo na ang loob ko at wala na akong pakialam kung ano ang gawin sa akin ng hinayup*k pagkatapos. Basta makita ko lang si Tiyang sa huling hantungan. Kahit pa dumaan man ako sa butas ng karayom ay gagawin ko.Kasalukuyan akong nasa kusina. Kakatapos ko pa lang magluto nang marinig ko ang pagtunog ng doorbell.Nagtataka kong tinungo ang maindoor. Sino naman kaya itong bumisita ng ganito kaaga?At nang mabuksan ko ito ay ganoon na lamang ang pagkairita ko nang tumambad sa akin ang mukha ng babaeng higad.Nagdadalamhati na nga ako dinagdagan pa ng asungot na higad na ito!"Hey yaya!" Sambit nitong halatang peke naman ang ngiti. Tuloy tuloy pa itong pumasok na para bang pagmamay-ari niya ang buong bahay."Where's my babe? I brought special and expensive food for his brea
WARNING: EXPLICIT AND ABUSIVE CONTENT AHEAD. NOT SUITABLE FOR YOUNG AND SENSITIVE READERS. PLEASE BE GUIDED.Hinawakan nito ng napakahigpit ang aking braso habang nagtatangis ang mga ngipin nito sa galit."Get in!" Tipid ngunit tagos hanggang buto yung gigil niya habang nakatitig sa akin na para bang lalamunin niya ako ng buhay.Wala na akong nagawa nang tuluyan niya akong kinaladkad papasok sa sasakyan niya. Pabalibag niya akong pinaupo kaya napadaing ako ng tumama ang tagiliran ko sa upuan.At nang makapasok siya ay halos paliparin niya na ang sasakyan sa sobrang bilis ng kanyang takbo. Na para bang anumang oras ay makikita na namin ang langit.Di ko mapigilang humagulhol. Akala ko kaya kong harapin ang galit niya ngunit nakaramdam ako ng labis na takot ngayon. Ibang-iba itong hitsura niya ngayon noong nakita ko siyang nagalit nung nasa isla pa kami.At ngayong nahuli niya ako, alam kong hindi ko na kailanman makikita pa si Tiyang. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Mababaliw na ako s
"Mr. Wilson, maayos na po ang lahat ng iniutos mo. Nakabili na kami ng bangkang masasakyan patungong Isla Villa at nasabihan na po namin ang caretaker na si Manong Eman na umalis na muna roon."Salaysay ng isa sa tauhan ng hinayup*k. Tuloy na tuloy na nga ang gusto niyang ipatapon ako ulit sa isla at mukhang wala ng makakapagpabago ng kanyang isip.Sarkastiko itong bumaling sa akin. "You heard it? Ngayon na kita dadalhin sa isla and you'll gonna live there alone! So prepare yourself bitch!"Tiningnan ko siya sa malamlam na mga mata. Kung tama ang pagkakaintindi ko, ibig sabihin iiwan niya ako roon ng mag-isa. Makukulong ako sa islang walang ibang katao-tao.Ngunit hindi ko alam kung bakit labis ang panlulumo ko gayung mas maigi na nga iyon keysa makasama ko siya rito at araw-araw kong natitikman ang kalupitan niya, hindi lang sa pisikal kundi maging sa emosyonal.Hindi ako nagsalita bagkus yumuko na lamang ako at pilit pinapakalma ang naghuhumerentadong damdamin.Tumayo ako at balak na
( Amina's POV )[ Abot-tainga ang ngiti ko habang naglalakad sa malaparaisong hardin na punong-puno ng nagagandahang bulaklak. Ngayon lamang ako nakakita ng ganito kagagandang bulaklak na parang imported. Sari-saring klase at may iba't-ibang kulay na mas lalong nakapagbigay atraksyon sa aking mga mata at tuwa sa aking puso. Panandaliang nawaglit ang pighati at pagdurusa na aking nararamdaman. "Amina!" Naudlot ang pagpapantasya ko sa mga bulaklak nang marinig ang pagtawag ng isang napakapamilyar na boses.Napalingon ako sa pinagmulan niyon. At gayun na lamang ang galak ko ng makita si Tiyang Loyda. Nakangiti ito habang kumakaway sa akin. Napakaaliwalas ng kanyang mukha at nakasuot ng bestidang puti."Tiyaaaaang!" Di magkandaugagang sambit ko habang tinatahak ang daan upang makalapit sa kinatatayuan niya.At halos mapahagulhol ako ng iyak nang tuluyan siyang mayakap."Tiyang! Miss na miss na kita." Wala siyang naging sagot ngunit ramdam ko ang higpit ng kanyang yakap pabalik habang h
Sa ilang linggo na pamamalagi ko rito ay halos araw-araw ko ring nililibot ang resort. At kahit mag-isa ako ay nakaramdam ako ng ginhawa nang masilayan ang napakagandang paligid at mga halaman. Ngayon ko pa lang kasi ito nalibot dahil nakabantay-sarado naman sa akin noon ang hinayup*k.Pakiramdam ko para akong nasa paraiso. Napakagandang pagmasdan ng kalikasan na purong natural at tanging hampas ng alon at huni ng ibon at kulisap lang ang maririnig mo.Sa munting gubat ay may mga gulay at prutas pa na kagaya ng saging at buko na siyang kinagigiliwan kong kainin. Halos araw-araw nalang ata nagsisikap akong makasungkit ng buko dahil hindi ako tinantanan ng pagkatakam.Kaya mas lalo akong nabuhayan ng loob. Na kahit paubos na ang tinitipid kong natitira na stocks ng bigas at de lata ay mabubuhay pa rin ako dahil alam kong hindi mauubusan ng pagkain sa gubat. Idagdag pa ang karagatan na sagana rin sa preskong isda at iba pang pagkaing dagat.Sadyang hindi talaga ako pinapabayaan ng Maykapa
Natapos agad ang meeting ko sa isang client. Ni hindi na ako masyadong nakapagfocus sa kagustuhang makausap na agad si Zander. Curiosity hits me real hard, lalo pa't si Zander ang tipo na kapag nagiging seryoso ay talagang mahalaga ang isang bagay.Good thing, pagdating ko ng office ay nakita ko kaagad siya sa couch na nakaupo. Mukhang inaabangan din talaga ang pagdating ko."Finally, you're here!" Sambit nito na parang hindi na makapaghintay sa sasabihin niya."What is it buddy? Ano bang nangyayari?" Tanong ko na kaagad sa kanya kahit hindi pa ako nakakaupo sa swivel chair.But instead na sagutin ako ay tumayo ito at inabot sa akin ang kanyang cellphone."Ano ba 'to?" Magkasalubong ang kilay na tanong ko."See it for yourself!" Di makapaghintay na turan nito kaya nagtataka ko itong kinuha.Kumunot ang noo ko habang tinititigan ang isang larawan ng babae. Nakatayo ito at may hawak na maleta. Medyo hindi gaanong malinaw ang mukha dahil halatang mga nakaw lang ang kuha. Lalo pa't medyo n
( Drake's POV )Nandito ako sa bar ni Zander ngayon, dito namin naisipan magkita para pag-usapan ang tungkol sa pinapagawa ko sa kanya. I've drinking my glass of vodka while waiting for Zander to come over. Wala pa ang loko rito kaya sumimsim muna ako ng alak.Hanggang ngayon hindi pa rin mawaglit sa isipan ko ang nangyari sa isla. It's been two days magmula ng nagtungo ako roon. Hindi naman dapat ganoon ang nangyari kung hindi lang pinainit ng babaeng yun ang ulo ko. I went there just to ask her few questions, na maaaring magpapatunay na hindi nga siya ang naging kabit ni dad.But that bitch locked the entire house para hindi ako makapasok! Fuck! Kung di pa naman siya gaga.I smirked habang tuwid lang ang tingin. Pansin ko mapupukol na titig sa akin ng maraming kababaihan and I know they all want my attention. They're fucking thirsty for it. Kung nasa mood lang sana ako ngayon to play heat, baka pagsabayin ko pa sila.Napailing na lang ako sa malikot na kaisipang ito. May mahalagang
Wala pang 8:00 A.M ay dinala na ako ng mga paa ko sa Imperfecto. I am too early for this shit! I'm early not because I'm excited, but sa kadahilanang hindi na ako makapaghintay na makumpirma ang totoo.Pagkapasok ay agad akong binati ng lahat. They respectfully and politely bow their head. Everyone here knows me for sure. Who wouldn't anyway? I'm a famous billionaire at ang may-ari nitong si Mr. and Mrs. Tuazon ay naging kliyente ko. Sa akin sila kumuha ng ilang milyong halaga noong nagsisimula palang sila sa kanilang food business. Hanggang sa lumago ng lumago at naging successful ito all over the country.They owe me a lot. That's why, I'm on the top of all the VIP's here.An attendant lead me the way patungong VIP table kung saan pribado kaming makakapag-usap ng babaeng yun.I ordered Espresso while waiting for her. I silently drink my coffee habang di mapakaling sumusulyap sa suot kong wristwatch. The time is running kaya't alam kong maya-maya lang ay makikita ko na rin ang babaen
[ Excited akong nagmaneho patungong Quezon para sa gaganaping fashion show. Medyo may kabigatan ang dibdib ko dahil hindi ko makikita si Zander ng ilang araw. Gayunpaman, may sulat naman akong iniwan. Umaasa akong uuwi siya ng condo at mababasa niya iyon kahit alam ko namang imposible.Ngunit kung kailan malapit na akong makarating sa venue ay bigla na lamang nagloko ang sasakyan ko kaya napilitan ko itong ihinto sa gilid ng kalsada.I was about to ask for help nang may lumapit sa aking dalawang lalaki. Kinatok nito ang bintana ng sasakyan ko kaya binaba ko na."Miss, anong problema? Kailangan mo ba ng tulong?" Ani ng isang may mahabang bigote.I am not that judgmental pero nakakaramdam ako ng kakaiba presensiya sa dalawa. Para bang may gagawin ang mga ito na hindi kanais nais."No need. Tatawagan ko nalang yung mga kasamahan ko." Ani ko. Pilit nilalabanan ang nararamdamang takot lalo pa't hindi matao sa banda rito at may matarik pang bangin.Ngunit edi-dial ko pa nga lang ang numero n
"Goodmorning ma'am, ready na po ang breakfast niyo."Ang katok na ito ng staff ng resort kung saan ako naglalagi ang siyang gumising sa aking diwa. Nakangiti itong bumungad sa akin bitbit ang tray ng pagkain."Salamat." Sambit ko at tipid na napangiti. Nilakihan ko ang awang ng pintuan para makapasok ito.Matapos nitong mailapag ang bitbit na tray ay agad din itong nagpaalam. "Enjoy your breakfast po ma'am." Magiliw na sambit pa nito bago tuluyang naglakad paalis.Isinara ko ang pintuan at muling umupo sa kama. Magdadalawang linggo na magmula ng napadpad ako rito. Isang simpleng resort ito rito sa Zambales. Pero kahit simple ay maganda naman rito, maaliwalas at walang masyadong turista kaya dito ako tumagal. The place is so perfect for my broken heart.Magmula ng umalis ako nang gabing iyon ay nakailang lipat din ako ng lugar sa kagustuhan ng tahimik na buhay. At dito nga ako dinala ng aking mga paa, gawa na rin ng maiging pagsesearch online. Mabuti na lamang at dala dala ko sa wallet
"Ma'am saan po kayo pupunta ng ganitong oras?"Takang tanong ng isang tauhan ni Alexander. Lima silang nagwagwardiya rito sa resthouse niya, di pa kasama ang iilang nakabantay rin pero ito lang ang may lakas ng loob na lumapit sa 'kin para tanungin ako.Buong loob ko itong hinarap. "May mahalaga lang akong pupuntahan." Pagdadahilan ko ngunit mukhang hindi ito kumbinsido."Ma'am, nagpaalam ka na po ba kay boss? Para sana samahan ka ng ibang kasamahan namin para sa proteksyon niyo po." Pangungulit pa nito kaya napairap na ako. Nagsilapitan na rin ang iba pa kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis."Hindi na kailangan. Tsaka bakit ba kayo nakikialam? Hindi ako ang amo ninyo rito. May karapatan akong umalis dahil hindi niyo na ako bihag." Singhal ko dahil sa pagkairita.Kita ko ang pagdaan ng gulat sa mga mata ng mga ito ngunit matigas pa ring naninindigan."Patawad po ma'am pero sinusunod lang namin ang utos ni boss lalo pa't malalim pa po ang gabi at delikado sa daan. Kung gusto niyo pong
( Madison/Amari's POV )"Ma'am! Nasa TV sina Señorito at ma'am Amanda!"Natatarantang tawag sa akin ng katulong. Kasalukuyan akong nasa kwarto ngayon. Nang umalis sina Alexander at mommy kanina ay minu-minuto akong taimtim na nanalangin para sa kanilang kaligtasan.Patakbo akong lumabas ng kwarto at dali- daling pumunta sa sala para mapanood ang sinabi ng katulong.Napakalakas ng kabog ng puso ko habang nakatutok ang mga mata sa balita. Nasa TV nga sina mommy at Alexander. Karga karga na nito si Austin kaya parang sasabog ang puso ko sa sobrang tuwa."Sumabog ang isang abandonadong pabrika na dating pagmamay- ari ng namayapang dr*g syndicate na si Mr. Luis Cruz. Ayon sa ulat ay ginawa raw itong hideout ng asawang si Elizabeth Cruz,"Hindi pa man tapos ang balita ay patakbo akong lumabas ng bahay."Ma'am saan po kayo pupunta!?" Takang tanong ng katulong habang nakasunod sa 'kin."Sa pabrikang tinutukoy ng balita. Pupuntahan ko ang mag- ama ko!" Mariing sagot ko kaya napakamot nalang ito
( Alexander's POV )"Can I go with you?" Pakiusap ni Madison or shall I say Amari. Ngayon na kasi ang araw ng paghaharap namin ni Elizabeth, ang araw na kahapon ko pa pinaghandaang mabuti.Marahan akong umiling bago ito niyakap."No baby. I'm sorry but you better stay here. Hindi ko hahayaang mapahamak ka ulit." Puno ng pagmamahal na turan ko bago ito hinagkan sa ulo.I can't dare to kiss her on her lips dahil pakiramdam ko nagkakasala ako dahil sa ibang mukha niya. But I'll also promise to myself na ibabalik ko ang dati niyang hitsura kapag maayos na ang lahat. Mas pipiliin ko pa rin ang kagandahan ng orihinal niyang mukha na higit kailanman ay hindi ko ipagpapalit ninuman.Matapos namin malaman ang resulta ng DNA test kagabi, pinangako ko na sa sarili ko na wala ng ibang taong mananakit sa babaeng mahal na mahal ko. Walang paglagyan sa tuwa ang puso ko dahil tama lahat ng kutob ko. Worth it lahat ng pagtitiis ko. Pero alam kong mas kompleto ang kasiyahang ito kapag nabawi na namin s
Kinabukasan nang magising ako ay nakaramdam agad ako ng kirot sa aking ulo. Marahil ay dahil sa ilang baso ng alak na nainom ko kagabi, halatang nanibago ang katawan ko.Pero di ko naman din pinagsisihan na uminom ako dahil madali akong nakatulog pagkatapos. Isa pa, marami rin kaming napagkwentuhan ni Alexander. At kahit sa isang gabing pag- uusap na iyon ay nakagaanan ko na siya ng loob.Bumalikwas na ako ng bangon at diritsong tinungo ang banyo para makaligo na. Pagkatapos ay dali dali rin akong nagbihis para lumabas ng kwarto. Maaga pa naman, nasa alas sais pa lang kaya gusto kong tumulong sa kusina.Tahimik pa sa sala kaya't tantiya ko'y tulog pa sina Alexander at ang ginang na si Amanda.Pagkarating ay ang katulong agad ang nabungaran ko. Ngayo'y may kasama ito na sa tingin ko'y chef dahil na rin sa suot nitong uniporme."Magandang umaga ma'am." Sabay na bati agad ng dalawa nang mapansin ako."Hello, goodmorning." Nakangiting bati ko naman."Gusto niyo na po bang kumain? Uminom ng
Matapos makipagkita kay Nick ay mas lalo akong nahirapan makatulog nang gumabi. Ngayong kumpirmado na na hindi nga ako si Madison ay mas dumoble ang takot at pag- aalala ko para kay Austin. Paano nalang kong saktan siya ni Elizabeth dahil hindi naman pala sila totoong magkadugo?Oo at Elizabeth na ang tawag ko sa kanya! Hindi na mommy. Sa ginawa niyang pagamit sa akin ay hindi siya nararapat na erespeto. Wala siyang konsensiya! Tunay ngang napakaitim ng budhi niya.Tiningnan ko ang oras at malalim na nga ang gabi pero heto ako't gising na gising pa ang buong diwa. Muli akong bumangon sa hinihigaang kama at nagpasyang lumabas ng kwarto para tumungo sa kusina at uminom ng tubig. Gusto kong pakalmahin ang di mapakaling isipan.At nang makadaan ako sa may sala ay napansin ko kaagad si Alexander at ang bote ng beer na nakalapag sa babasaging table.Napatikhim ako dahilan para maagaw ang atensyon niya."Hmmm hi! You're still awake?" Tanong agad nito na ikinatango ko ng marahan."I can't slee
"Then you better prepare. Aalis na tayo ng 1:00 PM. May kalayuan pa ang biyahe natin." Agad na tugon ni Alexander nang sabihin ko sa kanya ang tungkol sa pagtawag ni Nick."Sasama ka?" Kunot noong tanong ko."Ofcourse! Hindi ka pwedeng umalis na hindi ako kasama." Seryosong turan nito bago tuloy tuloy na naglakad paakyat, patungo sa kwarto niya."Sabi sayo ma'am eh, napakaconcern ni Señorito sayo."Bigla akong napapitlag nang may nagsalita sa bandang likuran ko kaya gulat akong napalingon. Kita ko ang abot taingang ngiti ng katulong. Nakapeace sign pa ito dahil sa naging reaksyon ko."Maglalaba na po muna ako ma'am." Nakangising paalam nito. Ngising halatang nanunudyo.Napahawak ako sa dibdib ko. Rinig at ramdam ko ang pagwawala ng aking puso.Goodness! Para iyon lang ay nag- ooverthink na agad ako. Alexander isn't concern. Kailangan niyang sumama dahil pandagdag ebidensiya ang magiging testamento ni Nick laban kay mommy Elizabeth. Iyon lang yun! Dapat hindi na ako nag-iisip ng iba pa
( Madison's POV )"Tatlong araw ang sinabi ni Elizabeth. Kailangan na nating makapagplano agad ngayon." Kita ko ang pagmamadali sa mukha ni Alexander . Nang makarating ito ay naikwento niya agad ang nangyari at tungkol sa pagtawag ni mommy. Bagay na ipinag- aalala ko ng lubos kaya di ko mapigilan ang sariling humagulhol."Kung ako lang ang kailangan niya ay hindi ako natatakot sa kanya. Papayag akong makaharap siya anumang oras, sisiguraduhin niya lang na ligtas ang bata at tutupad siya sa usapan." Lakas loob na sambit ng ginang na si Amanda ngunit mariing napailing si Alexander."Tuso at mapanlinlang si Elizabeth mom. Hindi tayo pwedeng maniwala sa sasabihin niya. Kailangang makagawa tayo ng magandang plano." He uttered kaya kapwa kami nag- isip ng malalim.I just can't believe it! Ginawang pa- in ng itinuring kong ina ang inosenteng anak ko na itinuring siyang abuela. At sa ginagawa niyang ito kay Austin ay parang pinapamukha niya na rin sa 'kin ang katotohanan kahit wala pa man an