“B-bakit?” napatanong na lamang ako sapagkat ang ekspresyon sa mukha ni Klea ay hindi ko inasahan. “Oh, my god. Beatrize, finish kana talaga.” Kumunot ang noo ko. Hindi ko ma gets ang ibig niyang sabihin.“Anong finish? At bakit?” “Can’t you think of it? Mag-business partners ang family nila, which means may malaking chance na arranged marriage ang magaganap.”Napa-isip ako. It’s possible sa mga books, movies, and TV series. Ngunit sa totoong buhay?“Plus, model siya sabi mo. Sa ganda at yaman niyang taglay, sinong aayaw sa kaniya ‘diba?” dagdag pang ilusyon nitong si Klea. “Oo na, I get it. Parang sinampal mo lang din sa’kin kapangitan ko.” Inirapan ko siya. Biro lang naman ang sinabi ko pero may halong totohanan. “Just take this as my advice. Ibalik mo ang dati mong ikaw.” Bumalik muli kay Klea ang atenyson ko nang magslita siya nang seryuso. “’Yong Beatrize Causalle na mala-diyosa sa ganda kaya habulin ng mga lalaki, ‘yong Beatrize na medyo masungit, medyo maldita pero masarap
“He’s not my father. He’s just my father’s twin brother, my father’s killer.” Tumaas ang boses ni Simoun habang galit na nakatingin sa sekretarya niya. Napako sa kanilang dalawa ang aking pandinig sapagkat kinagulat ko ang aking narinig. “But miss Causalle, can you protect her?” nangangambang tanong ni secretary Serilio kay Simoun. Causalle? Ako? “I can and I will,” may diing saad ni Simoun. I didn’t get it. Ano ang kanilang pinag-uusapan and why I have to be protected? Kakaiba ang kutob ko. Kinakabahan ako, ngunit gusto kong malaman kung ano ang ibig sabihin ng pag-uusap nila.Nakatayo at nagpalitan pa silang dalawa ng tingin. Ako naman ay hinahanda ang sariling magpakita. Nang mapansin ko ang paghakbang nila, saka ako lumabas sa aking pinagtataguan. “S-sandali,” pigil ko sa kanila.Sabay silang tumigil sa paghakbang at sabay silang lumingon din sa akin. Bakas sa kanilang mukha ang gulat, lalo na sa mga mata ni secretary Serilio.Si Simoun, nakatitig lang siya nang malalim sa
Sa loob ng kaniyang sasakyan, nagising ang binatang si Simoun at napansing nakasandal siya sa balikat ng isang babaeng mahimbing na natutulog. Magkahawak pa ang kanilang kamay. Dahan-dahang gumalaw si Simoun at inalis ang ulo mula sa pagkasandal sa balikat ng dalagang si Beatrize.Pinagmasdan niya ang dalaga. Hindi niya mapigilan ang kaniyang samo’t saring emosyon. Pananabik, pangungulila, sakit, saya. Kinatutuwa ng kaniyang puso ang makasama muli ang dalagang matagal na niyang sinasabik na bumalik sa kaniyang piling. Ngunit nadudurog ang kaniyang damdamin isipin na minsan na niyang nasaktan ang dalaga kahit hindi niya kagustuhan. At nangangamba siya ngayong alam niyang madadamay ang dalaga sa gulo ng kaniyang buhay. Himbing na himbing ang tulog ng dalaga, hindi man lang ito nagising nang galawin siya ni Simoun at pinasok sa loob ng kaniyang apartment. Marahan na marahan din ang galaw ni Simoun upang maiwasang magising si Beatrize. Inihiga niya ang dalaga sa kama at kinumutan. Hinal
BEATRIZE’s POINT OF VIEWSomething’s really fishy with this woman. She’s acting nice, but I don’t feel like she’s nice. Nagdududa ako sa pakikitungo niya sa akin.Sinamahan ko siyang tumambay at magkape, palusot ko lang sana ‘yon kanina pero nagkataong dito rin pala siya patungo. Wala naman akong ibang plano ngayong araw, hindi rin naman siya nakaka-abala. Sadyang kakaiba lang talaga ang pakiramdam ko sa pakikitungo niya o ma-issue lang talaga ako?“O, right!” bigla niyang saad kaya tinignan ko siya na nagtatanong. “I think nakita sa kompanya ng fiance ko. Did you work there?”Muntik ko na maibuga ang ininom ko. Mabuti na lamang at hindi natuloy. “H-huh?” I beg for pardon. “Though, I’m not sure kung ikaw ba ‘yon. Siguro namamalik mata lang ako. You look so familiar kasi,” saad pa ni Miss Mendeola pagkatapos humigop ng kape niya.“S-saan ba ang kompanya ng fiance mo?” tanong ko kahit alam na ng aking isip ang kasagutan. “Hmm, He’s the president of H.A.S Food Company.” Hindi na ako
Kanina pa ako naka-upo rito sa tapat nila pero wala pa ring nagsasalita sa kanila. Ang awkward na kaya nanatiling nasa baba ang aking tingin. Alam kong nakatitig silang dalawa sa akin. Hindi ko naman alam kung ano ang ginagawa ko rito. “Gusto ko lang naman na ipakilala kayong dalawa sa isa’t isa, not as a boss and an employee, but as my friend and my boyfriend,” basag ni Valeen sa katahimikan.Nagtaas ako ng tingin, ngunit saglit lang dahil nakatitig pa rin sa akin si Simoun. Binaba ko rin kaagad ang aking tingin pero sumusulyap pa rin ako sa kanila. “Babe, siya ‘yong sinasabi ko sayong bago kong kaibigan. Employee mo siya, isn’t it a coincedence?” malanding tanong ni Valeen habang dikit a dikit kay Simoun. Nakakapit sa braso ni Simoun ang kaniyang dalawang kamay. Kanina ko pa napapansin ang babaeng ito. Ang lagkit ng kapit kay Simoun, daig pa batang pinapasuso ng ina. Si Simoun naman, wala lang imik. Kahit maliit na galaw ng katawan, wala siyang ginawa. Gustong-gusto yata kalagk
Hindi ko alam kung ikakatuwa ko ba ang sinasabi niyang I taste better o ikakagalit ang pag-amin niyang nagka sex na sila ni Valeen. Ginamit ko ang lakas ko upang itulak siya. Nagawa ko naman. “Tumigil ka, nasa trabaho tayo.” Inayos ko ang sarili ko at sinubukang kumalma. Kumakabog pa ang dibdib ko at nag-iinit pa rin ang pakiramdam ko. Ganito naman palagi kapag kasama ko si Simoun. “Fine.” Tumayo rin siya nang maayos at nilagay sa magkabilang bulsa ang kaniyang mga kamay. “May meeting pa ako mamaya hanggang 5:30. Don’t go home early.”Sinunod ko naman ang sinabi niya. Hindi ako umuwi nang maaga at hinintay munang matapos ang meeting niya. Hindi ko naman alam bakit hinihintay ko siya basta ay sinunod ko nalang din ang gusto ko. Sampung minuto nalang ang natitira, matatapos na ang meeting niya. Narito pa rin ako sa office ko naghihintay na umabot na ang oras. Mamaya na ako lalabas kapag 5:30 na. Habang naghihintay, nag text si Klea na pupunta daw siya sa apartment ko ngayon pero pi
Napunta kami sa isang boutique sa loob ng isang mall. Guess what? Magkahawak kami ng kamay. Sinubukan kong tanggalin ang kamay ko mula sa pagkahawak niya pero sadyang mahigpit at malakas siya. Ang awkward tuloy maglakad dahil halos lang ng tao, nasa amin ang mga tingin, tapos lahat ng mga nadadaanan ng trabahante, yumuyuko. Paikot-ikot sa paligid ang tingin ko habang si Simoun naman ay diretso ang lakad. Hanggang sa makarating kami sa boutique.“A-anong ginagawa natin dito?” Kanina ko pa tinatanong ‘yan pero hindi niya ako sinasagot. Ewan ko kung bigla nalang naging bingi ang lalaking ‘to o bigla nalang naging pipi.May lumapit sa amin na mga babae, mga impleyado ng boutique at nagyukuan sila sa harap namin. “Dress her,” saad ni Simoun. “Yes sir,” wika naman ng babaeng lider ng kanilang grupo. At nagsilapitan sila sa akin, siya namang pagbitaw ni Simoun sa kamay ko. “T-teka, ano meron?” tanong ko nang sinubukan akong kunin ng mga babae. Kumapit ako kay Simoun kasi hindi ko alam
Muntik na malaglag ang panga ko nang marinig ang sinaad ni Simoun. Mabuti na lamang ang napingilan kong ngumanga at nagtatanong na lamang tumingin sa kaniya. Ngunit nasa matandang kaharap ang kaniyang atensyon kaya hinigpitan ko ang paghawak sa kaniyang kamay upang subukang kunin ang kaniyang atensyon. Ngunit walang respond. Bumalik na lamang ang tingin ko sa matandang lalaking kaharap na ama daw niya. Like what? I’m now facing his father, his fake father I mean. Nagpalitan sila ng tingin ni Simoun na tila ba may binibitawan silang salita sa kanilang mga titig. Ngunit biglang napunta sa akin ang masamang tingin ng kaniyang ama. Tila nataranta ang kaluluwa ko sa kaba. Nagsimula akong manlamig nang usisain ng ama ni Simoun ang aking katawan mula ulo hanggang paa.Nagbaba ako ng tinig at hinigpitan muli ang pagkahawak sa kamay ni Simoun upang humingi ng tulong. Nakakakaba. Binabalatan yata ako sa isip ng ama niya. “Hey babe, good evening-“ “Oh, right.” Biglang lumapit si Valeen sa