SHEN OPENED THE GLASS door of the coffee shop nearby at their office at agad na inilibot ang tingin sa buong paligid. Hindi gano'n karami ang tao kahit lunch break na. She couldn't see Stephen behind those wooden tables and chairs. The cozy breeze of air from the air conditioner came along through her thoughts. Ang sabi sa text ni Stephen ay dito raw sila magkikita. Eh, wala namang ibang coffee shop na malapit dito sa building.
"Shen!"
Napalingon siya sa bandang kaliwa para lang makita si Stephen na kumakaway sa kaniya. Naka-pwesto ito malapit sa glass wall. Agad niya itong nilapitan at naupo sa tapat nito.
"Ba't hindi kita nakita rito kanina?" agad niyang tanong sabay lapag ng paper bag na may lamang pagkain sa table.
"Nag-CR ako, eh. 'Yong note dala mo ba?"
"Teka." She fished out the sticky note from her pocket and handed it to Stephen.
"Magkaiba sila ng penman," sambit pa nito na nakatingin sa note.
"Penman? Patingin nga ng penman niya."
May inilabas itong isang yellow na sticky note mula sa bulsa nito at inilapag iyon sa table. "See? Magkaiba sila. Sumaglit kasi ako sa Accounting kanina. Nadaanan ko ang cubicle niya kaya pasimple akong kumuha ng isang note."
Pinag-compare pa ni Shen ang dalawang sticky note. Itallic double stroke ang kay Third. Samantalang naka-single stroke ang kay Diego. All uppercase.
"Pero malay natin baka nag-iiba siya ng penmanship everytime na magpapadala siya sa'yo ng note," dagdag pa ni Stephen.
Nagsalubong ang mga kilay niya sa sinabi ng kaibigan. "Puwede ba 'yon?"
"Theory lang naman 'yan," kibit-balikat na sambit nito. Napa-irap siya sa theory kuno nito. "Pero ang sweet niya, 'no? Gabi-gabi kang may flowers and chocolates."
Hindi niya pinansin ang sinabi ni Stephen at marahas na napasandal sa kaniyang kinauupuan. Gumugulo pa rin sa isipan niya ang kwento ni Raffy.
"Day, ano? Oks ka lang?" taas-kilay na tanong sa kaniya ni Stephen.
She heaved a sigh. "M-May na-kwento kasi sa'kin si Raffy."
"O? Ano naman 'yon? Wait." Nanhaba ang leeg nito na parang may tinatanaw sa likuran niya. Stephen smirked. "Well, speaking..."
Napalingon siya sa tinitingnan nito only to see Raffy na mukhang naghahanap ng mauupuan. Kinawayan pa ito ni Stephen nang mapatingin ito sa direksyon nila. Raffy waved back and immediately went to their table. Agad niyang ibinulsa ang mga hawak na sticky note bago pa man makalapit sa kanila si Raffy.
"Dito pala kayo nagla-lunch?" nakangiting tanong nito nang makalapit ito sa kanila.
"Hindi naman. Ngayon lang," ani Stephen. "By the way, join us."
"'Yon! Tamang-tama wala akong kasabay." Kinuha nito ang isang upuan sa katabing table saka ipinwesto iyon sa table nila. Pagkaupo ni Raffy ay agad nitong napansin ang paper bag. "Oy, Shen. Ito pa rin ba 'yong paper bag kanina?"
"O-Oo," aniya. "Kuha ka na lang ulit."
"Wow! Thank you!" Raffy exclaimed. "Naka-order na ba kayo?"
"Hindi pa," si Stephen ang sumagot. Ito na rin ang tumawag ng waiter.
"Sana may kanin sila rito. Puro ulam pa naman itong dala ni Shen," sambit pa ni Raffy habang nagbubutinting sa mga pagkaing dala niya.
Pagkarating ng waiter ay um-order sila ng tig-isang order ng pork chop at isang pitcher ng iced tea. 'Yong kanin lang naman talaga ang habol nila dahil na rin sa mga dala ni Shen. Pagka-alis ng waiter ay muling binalikan ni Raffy ang paper bag.
"Mukhang masarap pa naman itong chocolate mo, Shen," anito habang kinukuha sa loob ang kahon. "Kaso kinikilabutan talaga ako kapag naaalala ko kung saan 'to galing."
"Hoy akin 'yan!" Agad na hinablot ni Stephen mula rito ang box. "Tsaka ano'ng nakakakilabot? It's from her secret admirer. It's so sweet kaya."
Raffy just shrugged. "I don't know. Since no'ng nangyari sa Hotel Krista ay kinikilabutan na talaga ako sa mga secret admirer na 'yan." Binuksan nito ang isang lalagyan na may embutido at kumuha ro'n ng isa saka sinubo. "Mukhang ako pa ang na-trauma kaysa sa pamilya no'ng namatay."
Isang makahulugang tingin ang ipinukol ni Stephen sa kaniya. Alam niya ang gustong ipahiwatig nito. Marahan siyang tumango na hindi naman napansin ni Raffy na abala na sa pagkain.
"Hotel Krista? Bakit? Ano'ng nangyari?" patay malisyang tanong ni Stephen sa lalaki.
"Laman 'yan ng balita no'ng isang araw," panimula ni Raffy. "Na-kwento ko na 'to kay Shen kanina, eh. May pinatay na babae kasi sa hotel na 'yon. Eh, kapit-bahay namin 'yon. So, 'yong palaging nagpapadala ng mga bulaklak at chocolate do'n sa babae ang pinaghihinalaan ng mga pulis."
Stephen left his mouth opened. Tila nagulat sa kwento ni Raffy. Hindi pa rin maiwasang kilabutan ni Shen kahit na nalaman na niya ang bagay na iyon kanina.
"M-May suspek na ba sila?" muli pang tanong ni Stephen pero umiling lang si Raffy.
"Wala. Never pa kasi nilang nakita 'yong palaging nagpapadala ng mga 'yon do'n sa babae. And 'yong namatay? Siya lang ang nakakakilala sa kung sino man 'yon. Ang alam kasi nila ay iyon lang ang huling nakasama ng biktima."
Pinaglaro ni Shen ang mga daliri sa kaniyang kandungan para maibsan ang malakas na pagtahip ng dibdib. Ang dami nang naglalarong eksena sa isip niya. Malapit nang mag-isang buwan itong pagpapadala sa kaniya ni Third ng bulaklak at chocolates at hanggang ngayon ay hindi niya pa rin alam ang itsura nito. Kahit nga cellphone number nito ay hindi niya alam.
"Grabe naman 'yan!" nahihintakutan pang sambit ni Stephen. "Parang ayaw ko na tuloy kainin itong chocolate."
"Kung ayaw mo eh 'di akin na lang," nakangisi pang sagot ni Raffy. "Sayang 'yan. Pero ang creepy pa rin."
Nahinto sila sa pag-uusap nang dumating na ang order nila. Inisang tungga ni Shen ang isang baso ng iced tea na ibinigay sa kaniya ni Raffy. Nilagyan ulit nito ng inumin ang baso niya.
"Matanong ko nga, matagal na ba kayo niyang secret admirer mo?" si Raffy na sinimulang buksan ang mga dala niyang pagkain.
"Mag-iisang buwan na this coming week," aniya at muling napainom sa kaniyang baso.
"Malapit na pala kayong mag-monthsary," natatawa pang sambit nito na ginatungan ni Stephen.
"Gosh, day! For sure bongga ang mga padala niyan sa monthsary niyo."
Umirap lang siya sa mga ito saka nagsimulang kumain. The food was great. Pero hindi iyon manguya ng maayos ni Shen dahil sa naiisip. Sobra na ang mga natatanggap niya mula kay Third pero hindi pa rin ito nagpapakita sa kaniya.
Pero iniisip din niya na paano kung dumating ang araw na hilingin nitong magkita na sila. Is she ready?
"Day, okay ka lang?" Napaigtad siya sa tanong na iyon ni Stephen.
She heaved a sigh. "A-Ayos lang ako. May iniisip lang."
"Dahil ba sa kwento ko?" nag-aalalang tanong ni Raffy. Napayuko siya at itinuon ang tingin sa platong hindi pa napapangalahati ang bawas. "Look, I know the feeling na flattered ka sa mga natatanggap mo galing diyan sa secret admirer mo. But, kailangan mo ring mag-ingat. Hindi natin alam kung ano'ng klase ng tao 'yang nagpapadala sa'yo . Baka mamaya ay drug lord 'yan."
"Hoy 'wag ka ngang ano! Tinatakot mo si Shen," saway pa ni Stephen sa lalaki. Binuksan na rin nito ang box ng chocolate at sinimulan iyong kainin.
"S-Salamat sa paalala, Raffy." Shen smiled to him.
Nagkibit balikat lang ito habang abala sa pagkain. "No sweat. Alam mo na, prevention is better than cure."
Marahas siyang napabuntong hininga at muling bumalik sa pagkain. Right! She need to be more cautious. Wala siyang alam ni kahit isang impormasyon sa pagkatao ni Third. Puro qoutes at greetings lang ang laman ng note nito.
Siguro makakampante lang siya kapag nagkita na sila nito. Kapag nalaman na niya kung sino nga ba talaga si Third.
HE sipped from his cup of caramel macchiato while staring at her from a distant. Ah! She's really something, he thought. Beauty, simplicity, brains...
He can't wait to be with her as soon as he got all the possibilities in the world.
He fished out his phone from his pocket and started swiping on it. He put it on his right ear and his smile was so something when the third ring stopped.
"Hello, I want the usual," he said to the other line. "But this time, make it two boxes of chocolates. I will send to you later the text that should be written on it."
"Is there anything, Sir?" the other line asked.
"Nothing else. Thank you!"
He ended the call and he put his phone on the table. And he can't take his eyes away to her face. He's really captivated by her presence.
"I can't wait to take you home with me," he whispered as he sipped from his cup.
"DAY, WHAT IF KUNG si Diego nga ay si Third?" tanong pa ni Stephen sa kaniya habang papasok sila sa building. Nauna na silang dalawa sa pagbalik dahil may kinausap pa si Raffy pagkalabas nila kanina ng coffee shop.She heaved a sigh. "Alam mo, hindi ko naiisip ang ganiyang klase ng theory."Diego seems nice. Gentleman din ito at iba sa mga lalaking kilala niya na galawgaw kung kumilos. Kaya hindi niya ma-imagine ang hinuha rito ng kaibigan."What if lang naman, day. Ano ang gagawin mo kung tama nga ako?""Hindi ko alam! Okay?" Mariin siyang napapikit at nahilot pa ang sentido. "As long as walang masamang nangyayari ay wala akong gagawin. Besides, wala namang mali sa mga padala niyang qoute at greetings. Wala rin akong natatanggap na death threats.""May point ka," anito h
AGAD NA NAGTAYUAN MULA sa kanilang kinauupuan ang mga nasa loob ng conference room pagkapasok nila ni Sir Ace. They all greeted ngunit nahinto iyon nang makita siya ng mga ito sa likuran ng lalaki."Sorry if we're late," ani Sir Ace habang naupo sa pinakadulong bahagi ng table. Sinundan pa siya nito ng tingin habang paupo siya sa tabi ni Cassie."Hoy ineng, nag-date kayo ni Sir, 'no?" bulong pa nito at mapanuri siyang tinitigan.Sumenyas lang siya rito na tumahimik na at itinuon ang tingin sa harapan. Muli pang nagtama ang mga paningin nila si Sir Ace at hindi niya maiwasang kabahan nang ngitian siya nito."Nag-start na ba kayo?" tanong pa ni Sir Ace kay Kristie na halos hindi na mapinta ang mukha. Padarag pa nitong binuksan ang laptop.
THE MEETING LASTED FOR one and a half hour. Hindi maiwasan ni Shen na pagkiskisin ang mga palad sa kaniyang kandungan dahil sa bahagyang pagtahip ng dibdib niya. Sir Ace was always taking a quick glance on her, which is nahuhuli niya paminsan-minsan.Hindi niya alam kung nag-i-imagine lang siya. Pero iyon talaga ang nakikita niya."So, let's end it here!" Sir Ace exclaimed. "I will be expecting a complete presentation tomorrow. Dismissed."Agad na nagsitayuan ang mga kasama niya para lumabas na ng conference room. She was about to go out also with her laptop nang mag-vibrate ang cellphone niya. She fished it out from her pocket and open a new message. From: StephenDay, kakagaling
MATAPOS ANG TRABAHO NI Shen sa Brooch ay agad siyang nagtungo sa coffee shop kung saan sila nag-lunch kanina. Pagkapasok sa loob ay agad niyang nilibot ang paningin at nahagip niya si Stephen sa pinakasulok ng shop. She walked to his direction at agad na naupo sa tapat nito. May in-order na rin pala itong frappe para sa kaniya."Akala ko ay forever ka na sa department niyo," anito habang nasipsip ng frappe. Dumako ang paningin nito sa mga dala niya. "So, padala ba 'yan ni Third?""Ewan," nanlalata niyang sagot. Ipinakita niya rito ang box na may note. "See? Iba ang penmanship kaysa sa note kagabi. Same ito ng penman na pinakita mo sa'kin kanina.""Dedma muna tayo sa notes, day! May chika pala ako."Her brows furrowed. 'Di naman niya akalain na chikahan pala itong pakikipagkita sa kaniya ni Stephen.
SHEN FOLLOWED WHAT STEPHEN told her earlier. Imbes na laptop ang kaharap niya ay andito siya — nakatunganga sa bintana ng kaniyang apartment. Gusto niyang tuktukan ang sarili kung bakit masyado siyang nagpapadala sa mga sinasabi ng kaibigan."Wala namang mawawala kung gagawin mo siya, 'di ba?"Naalala niya pa ang sinabing iyon ni Stephen. The fact is, oras ang nawawala sa ginagawa niyang ito. Eh, 'di sana iyong presentation niya para bukas ang inaasikaso niya imbes ang maghintay ng magdu-doorbell sa gate.Napasulyap siya sa hawak na cellphone. Lampas alas otso na ng gabi. Dati naman at exact eight ay tutunog na ang doorbell niya. But the other night ay past eight na rin ito nag-doorbell. Then kanina ay nagpadala naman ito.She heaved a sigh as she shook her head. Walang kwenta naman itong ginagawa
PASADO ALAS OTSO NG umaga nang makarating si Shen sa Brooch. Malalaki ang mga hakbang na tinungo niya ang entrance ng building pagkababa ng sinakyang taxi. Wala namang masyadong ganap sa department nila bukod sa pagpunta nila ni Raffy sa St. Thomas Academy para kausapin ang organizer ng music festival and their project presentation after lunch.Malapit na siya sa elevator nang mag-vibrate ang cellphone niya. She fished it out from her pocket and immediately answered the call."Hello?""Shen! Nasa'n ka na?" natigilan siya sa tanong na iyon ni Raffy."Nandito na ako sa Brooch. Bakit?"Raffy tsk-ed to the other line. "Hindi mo ba nabasa 'yong sinend kong e-mail kagabi? Ngayon ang meeting natin sa St. Thomas.""What!?" Her eyes widened. Mabilis ang mga hakbang na naglakad siya palabas ng building. "Gosh! I'm so sorry, Raffy. Hindi ak
THE MEETING WITH THE organizers went well. Iyon nga lang, grabe ang kaba nila ni Raffy habang inilalatag ang gusto nilang mangyari para sa music festival. Hindi naman kasi nila inaasahan na kasali si Sir Ace sa meeting.“The school really appreciate your offer, Mr. Amelincx,” all smile pa na sambit ni Mr. Quintua. “And I'm sure that your products will get a large market.”“Well... if it wasn’t for this lady.” Isang makahulugang tingin ang ipinukol sa kaniya ng boss. Napayuko na lang siya nang ngitian din siya ni Mr. Quintua. Palihim pa siyang siniko ni Raffy na ngingisi-ngisi sa tabi niya.“Behind every man’s success is a woman,” Mr. Quintua concluded. “We'll see you on the event, then.”Muli pa silang nagpaalaman bago lumabas ng opisina ni Mr. Quintua. Hindi niya maiwasang pamulahan nang maalala ang sinab
NASA BUKANA PA LANG ng cafeteria sina Shen at Sir Ace nang matanaw nila sa gitnang bahagi ng kainan sina Stephen. Nakangisi pang kumaway sa kaniya ang kaibigan habang sumesenyas na may bakante pa sa pwesto ng mga ito.“That's your friend,” pagtukoy ng lalaki sa pwesto nina Stephen. “Let's go there.”Awtomatikong napahawak si Shen sa matigas na braso ni Sir Ace. Gusto niya itong hilain at sabihin na sa iba na lang sila kumain. Ngunit animo’y napapaso siyang napabitaw rito nang sulyapan siya nito at nginisihan.“Something wrong, Shen?” anito na hindi inaalis ang tingin sa kaniya.“W-Wala ho, sir.”Napapayuko siyang nagpatiuna sa paglalakad. Sir Ace cannot help himself but to smile. While Shen... kulang na lang ay sabunut
"ARE YOU READY?"Humugot ng malalim na buntonghininga si Shen bago tumango sa kasamang si Diego. Pagkalabas nito ng sasakyan ay marahan pa niyang natampal ang magkabilaang pisngi. Her hands were literally shaking as her heart keeps on pounding so fast.Diego opened the car door for her. Inalalayan pa siya nitong makababa. It's weekend so they just went on their casual outfits. Sumaglit pa si Diego sa trunk para kunin ang hindi kalakihang picnic basket. Sa sobrang nerbiyos ay napaigtad siya nang kalabitin siya nito."Masyado kang kinakabahan," he stated as he held her hand. Napairap siya nang tawanan siya nito."Ako? Nah! Dala lang 'to ng aircon." She sarcastically laughed but Diego just shrugged out of it.Iginiya siya nito papasok sa loob ng malawak na ospital.
IT'S BEEN DAYS SINCE Shen and Diego was saved by the authorities. Maayos na ulit ang takbo ng Hotel Krista. Lahat ng nabiktima sa hotel na iyon ay nabigyan na rin ng hustisya. Hindi na rin ganoong humaba ang kaso sa pagitan ng mga magulang ni Diego at ni Ace dahil sa pag-amin ng huli. Ace stated all what he did. Upon reviewing all his medical records, the court decided to put him to a well-known mental health institute in Mandaluyong. Sa sobrang galit ng mga magulang ni Diego ay hindi nakuntento ang mga ito na iyon ang kinabagsakan ni Ace. They wanted him to be punished behind bars."Day, hindi mo ba pupuntahan si Diego?" tanong sa kaniya ni Stephen na walang habas sa pagkain ng mga prutas. Pansamantalang umuwi ng Nueva Ecija ang mga magulang niya at si Stephen ang pumalit na bantay sa kaniya.She sighed. Noong isang araw pa nagkamalay si Diego. Noong araw na iyon ay wala siyang ginawa kung '
SHEN SLOWLY OPENED HER eyes right the moment she woke up. Hindi tulad noon, mas payapa na ang paghinga niya. Wala na ang bigat na dulot ng masalimuot niyang karanasan sa mga kamay ni Ace.Ace...She smiled just by remembering his face. She tried to seek in her heart that space if she still feels the same way. Humugot siya ng malalim na buntonghininga. Ando'n pa rin ang pakiramdam na animo'y may naglalarong insekto sa kaniyang sikmura sa tuwing maaalala ang lalaki. Her heart still beats the same way whenever she's with him.It's still the same. And it makes her heart broke into tiny pieces knowing that she's still in love with her psychotic boss."Anak, k-kumusta ang pakiramdam mo?"Napabaling ang kaniyang tingin sa kaliwang bahagi ng hinihigaan. There, her mother
"N-NO, PLEASE..."Mahinang tinampal ni Shen ang pisngi ni Diego ngunit hindi na ito gumagalaw. Tanging ang mahinang paghinga na lamang nito ang pag-asa niyang buhay pa ang lalaki. Wala sa sariling nayakap niya ito. She can't lose him! Hindi niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang konsensya kapag tuluyang mawala si Diego.Tumingin siyang luhaan kay Ace, hindi alintana ang nakatutok nitong pistol sa kanilang dalawa ni Diego. "A-Ace... maawa ka naman. Mamamatay si Diego. K-Kailangan na siyang madala sa ospital," muli pa niyang pakiusap. But her crazy boss just laughed."That was actually the plan. May lahing pusa yata iyang lalaki na 'yan at hindi pa mamatay-matay. And you chose him. So, it's better if you're both dead!"Muli niyang niyakap ang katawan ni Diego at doon tahimik na humikbi. Mamamatay n
MABILIS NA KINALKAL NI Shen ang nakitang aparador sa kwartong iyon. Hindi sila pwedeng lumabas ni Diego na halos hubo't hubad ang itsura niya. She picked a big sized shirt, probably one of Ace's stuff. Saglit siyang natigilan nang maamoy ang pamilyar nitong pabango. His summer-like scent brings memories of her with him. That short span of time when they danced in the middle of the night sky.Marahas siyang napabuga ng hangin at mahinang ipinilig ang ulo. Hindi ito ang oras para magbalik-tanaw, paalala pa niya sa sarili. Buhay nila ni Diego ang nakasalalay rito. At kung hindi sila kikilos agad, baka tuluyang mawalan ng buhay ang kasama niya.She grabbed the phones and immediately headed to Diego. Akmang hahawakan niya ito ngunit natigilan siya. Hindi niya alam kung saang parte ng katawan nito ang dapat niyang hawakan. Kanina lang din niya napansin ang iniinda nitong sakit ng katawan nang yakap
"I'M LEAVING THE COUNTRY, SPADE."Nahinto si Spade sa pagpirma ng mga papel sa sinabi niya. His older brother looked at him in disbelief. "You're still on medication, Ace. Besides, your project here was a success. Why in a hurry?"He smiled sheepishly as he stood near the glass window when he remembered Shen. Ah! Her smell still lingers through his nose. Her delicate skin makes him wanting to get inside her. But he needs to marry her first. Kaya nang iwan niya ito sa penthouse ay agad niyang inasikaso ang mga papeles nila sa pag-alis ng bansa."I just want to have peace. I missed Belgium," kibit-balikat na sambit niya saka sumimsim sa baso ng brandy na hawak niya.Natatawang bumalik si Spade sa ginagawa nito. "Don't you find peace in here? You seem fine.""It's d
NAHINTO SINA STEPHEN SA paglalakad nang makasabay nila sa lobby ang nagmamadaling si Kristie. Panaka-naka pa itong napapapahid ng pawis sa noo habang may kausap sa cellphone."Anyare do'n?" He arched his brow while crossing his arms."'Di nga rin namin alam, eh," kibit-balikat na sambit ni Stella. "Bigla na lang 'yan nataranta no'ng may tumawag sa kaniya kanina."They continued walking to have lunch at cafeteria. Napabuntonghininga pa siya habang nakapila sila sa counter. Dalawang araw nang hindi pumapasok si Shen. The last time he heard about her was that night he received a call from her. Ang naalala lang niya ay humihingi ito ng tulong noon. He's so worried that something might happened to her. Pero nang gabi ring iyon ay pinuntahan siya ni Sir Ace. Nagpahatid na lang daw ang babae sa apartment nito. Inisip na lamang ni Stephen na baka nagk
"M-MAAWA KA, ACE..."Tuluyan nang kumawala ang malakas niyang paghagulhol nang sirain nito ang suot niyang damit. Sa bawat haplos nito sa kaniyang katawan ay tanging pag-iyak lamang ang nagagawa niya. She can't even recognize her own voice. Ganoon na lamang ang bilis ng pagtibok ng puso niyang nang dumapo ang mga palad nito sa dibdib niya. Halos hindi siya makagalaw nang ibigay nito ang bigat ng katawan sa kaniyang nanghihinang katawan."A-Ace, 'wag..."Tila walang narinig ang lalaki at mas pinagsawa pa nito ang sarili sa kakatitig sa lantad na niyang dibdib. "Akin ka lang, Shen. Walang ibang pwedeng magmay-ari sa'yo kung 'di ako lang.""Hayop ka! 'Wag mo siyang galawin!" nagsisisigaw si Diego sa kinalalagyan nito na sinabayan ng pagkilansing ng kadenang nakatali sa leeg nito. Kahit hinang-hina na ay sinubukan p
"M-MAAWA KA, ACE..."Tuluyan nang kumawala ang malakas niyang paghagulhol nang sirain nito ang suot niyang damit. Sa bawat haplos nito sa kaniyang katawan ay tanging pag-iyak lamang ang nagagawa niya. She can't even recognize her own voice. Ganoon na lamang ang bilis ng pagtibok ng puso niyang nang dumapo ang mga palad nito sa dibdib niya. Halos hindi siya makagalaw nang ibigay nito ang bigat ng katawan sa kaniyang nanghihinang katawan."A-Ace, 'wag..."Tila walang narinig ang lalaki at mas pinagsawa pa nito ang sarili sa kakatitig sa lantad na niyang dibdib. "Akin ka lang, Shen. Walang ibang pwedeng magmay-ari sa'yo kung 'di ako lang.""Hayop ka! 'Wag mo siyang galawin!" nagsisisigaw si Diego sa kinalalagyan nito na sinabayan ng pagkilansing ng kadenang nakatali sa leeg nito. Kahit hinang-hina na ay sinubukan p