HINDI MAGKAMAYAW ANG ILANG empleyado sa pagtanaw sa lalaking kasabay maglakad ni Kristie papunta sa kaliwang bahagi ng lobby. Sinundan iyon ng tingin nina Shen nang mapadaan sila ro'n papunta ng cafeteria.
"Ano kaya ang mayroon?" nagtataka pang tanong ni Diego nang tuluyang mawala sa kanilang paningin ang dalawa.
"Baka endorser ng new product?" sagot ni Stephen sa lalaki. "Kasama ni Kristie, eh. So, maybe may meeting 'yon kay Sir Spade."
She rolled her eyes upon hearing Kristie's name. May ability talaga ang babaeng 'yon na inisin siya everytime.
"Grabe si Kristie, 'no? Multi-tasker," papuri pa ni Stephen sa babae nang makaupo na sila malapit sa glass wall ng cafeteria. "Chief Marketing Executive na nga, mukha pang Executive Assistant kung bumuntot kay Sir Spade. For sure siya na ang employee of the year."
"Baka naman sipsip?" pambabara niya pa sa kaibigan. May iba rin siyang naiisip na dahilan bukod sa unang nasabi.
"Guys, ano pala ang sa inyo? Ako na lang ang bibili ng foods." Pagpiprisinta ni Diego habang dinudukot ang wallet sa bulsa nito.
"Naku, kami na lang," aniya at agad ding tumayo at binalingan ang kaibigan. "Ikaw, Stephen? Ano'ng sa'yo?"
"I insist, Shen," pinal na sambit ni Diego. Napamaang siya sa klase ng pananalita nito. Napakurap pa si Diego nang mapagtanto ang sinabi. "I m-mean, libre ko na kayo ngayon. It's my birthday naman. Pre-blow out. Gano'n."
"May pre-blow out naman pala," napapatango pang sambit ni Stephen. "Kahit ano na lang ang sa'kin."
"Stephen!" mariing saway ni Shen sa kaibigan. Saka niya binalingan si Diego. "Pasensyahan mo na 'yang si Stephen. Matakaw talaga 'yan. Ako na ang bibili ng sa'kin."
"Gaga ka! Masamang tumanggi sa grasya!" angil sa kaniya ni Stephen. "Gora na, Diego. Kahit ano na lang din ang kay Shen."
Pinandilatan pa niya ng mga mata ang kaibigan pero nginisihan lang siya nito. Tuloy ay hindi niya alam ang sasabihi kau Diego na napapakamot na naman sa batok nito.
"S-Sige, Shen. Diyan muna kayo. Bili lang ako ng lunch natin," sambit pa nito bago tumuloy sa counter.
Napapikit si Shen sa sobrang hiya pagkaupo niya. Agad niyang pinukol ng masamang tingin si Stephen. "Ikaw talaga! Hindi ka na nahiya ro'n sa tao. Makiki-birthday na nga tayo mamaya tapos nagpa-libre pa tayo ngayon ng lunch!"
"Come on, day!" Stephen snapped. "Kasasabi niya lang, 'di ba? Libre niya tayo ngayon. Tsaka wala ka bang napapansin na something kay Diego?"
She arched her brow then rolled her eyes upwards. "Yeah! Like what you've said before ay gwapo siya. I get it! Ang pogi niya ngayon."
"Hindi," napapailing na sambit ni Stephen. "He's making the moves, day! Can't you see? Nililigawan ka na niya!"
"Advance din ng utak mo, 'no?" angil niya pa rito. Isang irap lang ang natanggap niya sa kaibigan. "'Wag ka munang mag-conclude diyan. Mabait lang talaga 'yang si Diego. Palibhasa kasi ang dumi ng utak mo. Binibigyan mo agad ng malisya."
"Wow! Congrats sa pagiging inosente, day!" Stephen clapped his hands in a very annoying way.
She made a face then turned her gaze to somewhere else. She must admit na magandang lalaki naman talaga si Diego. Pero ni sa hinagap ay hindi niya naisip na magugustuhan siya nito. They did not interact that much. Kung mag-usap man sila ay tungkol lamang sa trabaho.
"What if manligaw talaga sa'yo si Diego?" hirit pa ni Stephen na nakatunghay lamang sa kaniya. Sinamaan niya ito ng tingin.
"Tumigil ka nga riyan sa mga pantasya mo!" asik niya sa kaibigan. "Tsaka baka may makarinig sa'yo. Nakakahiya baka makarating kay Diego."
"Chill ka nga, day! Theory lang naman 'yan."
She arched her brow. "So? Sige, ituloy mo 'yang 'what if' mo."
"Okay!" Bumuntong hininga pa si Stephen saka itinukod ang dalawang siko sa mesa at nagpahalumbaba. "What if manligaw sa'yo si Diego? Paano na si Third?"
Naningkit ang mga mata ni Shen sa sinabi ng kaharap. Tuloy ay hindi niya alam kung matatawa o maiirita sa kaibigan. "Ano ba 'yang theory mo? Nagsama ka pa ng wala rito."
"Kaya nga theory!" Inirapan pa siya nito. "Minsan talaga wala kang kwentang kausap. Pero in fairness mukhang imported na naman itong padala ni Third." Napahagikhik pa ito habang binubuksan ang box ng chocolate.
Umirap lang siya rito at hindi na ulit ito pinansin. Paano pa niya papansinin eh nawili na ang kaibigan niya sa bigay niyang chocolates.
Hindi rin naman nagtagal si Diego at agad itong dumating kasama ang isang staff ng cafeteria na dala ang iba pa nitong order. As expected, si Stephen lang ang tuwang-tuwa sa kanilang dalawa. Samantalang siya ay halos hindi manguya ang kinakain dahil sa hiya sa lalaki.
"Salamat pala rito, Diego," aniya at bahagyang hinawi ang takas na buhok.
"Wala 'yon," nangingiti pang sambit nito. "Tsaka pre-blow out pa lang 'to. Later on sa hotel na tayo."
"Wait. In-invite mo ba si Kristie?" biglang tanong ni Stephen sa lalaki na nagpa-init ng ulo niya.
"Oo. Kaso busy raw siya, eh."
"Good 'yan." Nag-thumbs up pa si Stephen. "Dahil baka biglang sumabog si Madam Shen mamaya sa birthday celebration mo."
Matik nang umikot ang mga mata niya paitaas nang magkatawanan ang dalawa. Hindi rin kasi lingid kay Diego ang pagkairita niya kay Kristie.
Malapit nang mag-ala una ng hapon kaya nagdesisyon na rin silang bumalik. Mas nauna nga lang humiwalay sa kanila si Stephen dahil sa second floor ang department nito.
"Update niyo na lang ako, guys," pahabol pa nito bago lumabas ng elevator.
Sila na lang ni Diego ang natira sa loob. Medyo na-conscious pa siya nang sumagi sa isipan niya ang sinabi kanina ni Stephen.
Bwisit na baklang 'yon! Kung anu-ano kasi ang sinasabi. Tsk!
"Um, I'll update you later after work hours," agaw-pansin pa nito sa kaniya.
She just nodded and waited for the elevator to reach the fourth floor.
Nagpaalaman pa sila nito bago siya pumasok sa loob ng Marketing Department. Her forehead creased nang makita ang buong team na nakatayo at naka-focus ang atensyon sa harapan.
"We're starting na the project and we hoped to finish it before the deadline comes," si Kristie na todo kumpas pa ng mga kamay habang nagsasalita sa harapan ng buong team. Kasama nito sa harapan ang isang matangkad na lalaki. Must be the endorser dahil sa suot nitong denim loose pants at dark blue sweatshirt. Naisip niya ang lalaking kasama rin ni Kristie kanina sa lobby. Hindi na niya matandaan kung ito nga ba 'yon.
"Ano'ng mayroon?" bulong niya kay Stella pagkarating sa kaniyang cubicle. Hindi rin nakaligtas sa kaniyang pandinig ang impit na tili nina Marie at Cassie na nakatingin sa kasama ni Kristie.
"Ewan nga, eh." Kibit balikat na sambit nito. "Pero from what I've heard a while ago, gustong makita ng new business partner ni Sir Spade ang lay-out ng project."
Hindi mapigilang mapamura ni Shen sa isipan. Nobody could do a lay-out of that energy drink in just three hours! Natitiyak niyang pakana na naman ni Kristie ang kaganapang ito. Masyadong bida-bida. Mabuti sana kung ito ang nagpapakahirap sa paggawa ng mga task. Skimming pa nga lang ang nagagawa niya sa idea kuno nito.
Ngumiti pa ito nang matanaw siya nito sa kaniyang pwesto. Napangiwi na lang siya sa ka-plastikan ng babae. Kahit kailan talaga ay hindi na niya siguro makakasundo si Kristie.
"So, we're complete!" Kristie exclaimed. "I know it's still lunch break. But I want you to meet the company's new business partner. And he wants to become hands on through the entire making of the project."
She annoyingly rolled her eyes upwards. Nasa hulihan naman siya kaya panatag siyang walang makakapansin sa ginawa niyang pagtataray kay Kristie. But as she turned again her gaze to the front, that guy beside Kristie is looking at her intently. Hindi niya napigilang pagtaasan ito ng kilay. That guy just gave her a smirk.
Saan ba nakuha ni Kristie ang endorser na 'to?
Tumikhim muna si Kristie bago magsalita, "Marketing team, I would like you to meet Sir Ace Amelincx. He will be with us until the project ends." Patungkol pa nito sa katabing lalaki.
Napamaang si Shen sa sinabi ni Kristie. Nagpalipat-lipat ang tingin niya rito at sa lalaki. Susme! Napayuko na lang siya at mas piniling titigan ang isang pad ng sticky note na nasa desk niya. Sising-sisi siya na pinagtaasan niya ng kilay kanina ang lalaki.
"Amelincx?" nagtatakang tanong ng isa nilang ka-trabaho na si Raffy. "You are Sir Spade's brother, Sir?"
"Youngest, actually," nangingiting sambit pa nito saka inilibot ang tingin sa buong team. Then he stopped his gaze to a certain person. "I'm looking forward for the best outcome of this project. Also, I would like to spend this hour to discuss some matters regarding the project."
Bumuntong hininga pa ang lalaki bago nagpatuloy sa pagsasalita, "But I have an urgent meeting after this. Kristie will give me updates about your tasks..."
Wala nang maintindihan si Shen sa mga sinasabi ng bago nilang boss. Ni hindi siya makatingin sa harapan. Gusto niyang kutusan ang sarili. Minsan talaga ay wala na sa lugar ang pagtataray niya.
"I'll go ahead, guys. Kristie?"
"Yes, Sir."
The whole team, except her, bid their goodbye to Sir Ace. Nag-angat siya ng tingin at gusto na lang niyang magtago sa ilalim ng desk nang papalapit na sa kaniyang pwesto sina Kristie. Agad siyang naupo sa swivel chair saka binulatlat ang folder at kunwa'y nagbasa.
She was about to turn the next page nang may magsalita sa kaniyang likuran. Kulang na lang ay maihagis niya ang folder sa sobrang gulat.
"Nice sticky notes."
Habol ang hiningang nilingon niya si Sir Ace na palabas na ng office. Hindi niya sigurado kung 'yon nga ba ang nagsalita sa likuran niya. Ang layo na kasi nito.
Dumako ang tingin niya sa wall ng kaniyang cubicle na may nakadikit na sticky notes. Mukhang ito ang tinutukoy ng nagsalita kanina sa likuran niya.
"ANG BAGAL MO, DAY! Bilis!"Kulang na lang ay hilain siya ni Stephen palabas ng building. Working hours ends at ngayon na ang punta nila sa birthday celebration ni Diego."Eh, kung kargahin mo na lang kaya ako?" asik niya pa rito. "Masyado kang atat!""Gosh, day! Kanina pa naghihintay sina Diego. Gano'n ba talaga ka-busy ang department niyo at nahuli ka pa ng labas?"Shen just rolled her eyes upon remembering what happened a while ago. Kung kailan uwian na ay saka naman siya tinawag ni Kristie. Nagmamalaki nitong pinaliwanag sa kaniya ang sample nito about making the marketing strategy. Akala yata nito ay first time niyang gagawa ng marketing strategy."'Wag ka nang magtanong. Nababanas lang ako,"
PABILING-BILING SI SHEN SA kaniyang kama at kahit anong gawin niya ay hindi pa rin siya makatulog. Binabagabag pa rin siya ng note na kasama sa mga padala ni Third. Gano'n pa man ay pinalitan pa rin niya ng mga bagong bulaklak ang flower vase kanina. She even put temporarily the chocolates to the fridge.She heaved a sigh. Sa sobrang pag-iisip ay pinili niyang kunin ang cellphone saka tinawagan si Stephen. It's a little bit late night pero umaasa siya na sana ay sagutin nito ang tawag niya.Napaupo siya nang sagutin ng kaibigan ang tawag. "Gabi na, Shen," anito sa nababagot na boses. "Hindi ba 'yan makakapaghintay ng bukas?""Listen, nagpadala ulit si Third ng bulaklak at chocolates.""Magugulat pa ba ako? Eh, tuwing gabi naman 'yan nagpapadala sa'yo.""No. I mean, may kasama na namang note.
SHEN OPENED THE GLASS door of the coffee shop nearby at their office at agad na inilibot ang tingin sa buong paligid. Hindi gano'n karami ang tao kahit lunch break na. She couldn't see Stephen behind those wooden tables and chairs. The cozy breeze of air from the air conditioner came along through her thoughts. Ang sabi sa text ni Stephen ay dito raw sila magkikita. Eh, wala namang ibang coffee shop na malapit dito sa building."Shen!"Napalingon siya sa bandang kaliwa para lang makita si Stephen na kumakaway sa kaniya. Naka-pwesto ito malapit sa glass wall. Agad niya itong nilapitan at naupo sa tapat nito."Ba't hindi kita nakita rito kanina?" agad niyang tanong sabay lapag ng paper bag na may lamang pagkain sa table."Nag-CR ako, eh. 'Yong note dala m
"DAY, WHAT IF KUNG si Diego nga ay si Third?" tanong pa ni Stephen sa kaniya habang papasok sila sa building. Nauna na silang dalawa sa pagbalik dahil may kinausap pa si Raffy pagkalabas nila kanina ng coffee shop.She heaved a sigh. "Alam mo, hindi ko naiisip ang ganiyang klase ng theory."Diego seems nice. Gentleman din ito at iba sa mga lalaking kilala niya na galawgaw kung kumilos. Kaya hindi niya ma-imagine ang hinuha rito ng kaibigan."What if lang naman, day. Ano ang gagawin mo kung tama nga ako?""Hindi ko alam! Okay?" Mariin siyang napapikit at nahilot pa ang sentido. "As long as walang masamang nangyayari ay wala akong gagawin. Besides, wala namang mali sa mga padala niyang qoute at greetings. Wala rin akong natatanggap na death threats.""May point ka," anito h
AGAD NA NAGTAYUAN MULA sa kanilang kinauupuan ang mga nasa loob ng conference room pagkapasok nila ni Sir Ace. They all greeted ngunit nahinto iyon nang makita siya ng mga ito sa likuran ng lalaki."Sorry if we're late," ani Sir Ace habang naupo sa pinakadulong bahagi ng table. Sinundan pa siya nito ng tingin habang paupo siya sa tabi ni Cassie."Hoy ineng, nag-date kayo ni Sir, 'no?" bulong pa nito at mapanuri siyang tinitigan.Sumenyas lang siya rito na tumahimik na at itinuon ang tingin sa harapan. Muli pang nagtama ang mga paningin nila si Sir Ace at hindi niya maiwasang kabahan nang ngitian siya nito."Nag-start na ba kayo?" tanong pa ni Sir Ace kay Kristie na halos hindi na mapinta ang mukha. Padarag pa nitong binuksan ang laptop.
THE MEETING LASTED FOR one and a half hour. Hindi maiwasan ni Shen na pagkiskisin ang mga palad sa kaniyang kandungan dahil sa bahagyang pagtahip ng dibdib niya. Sir Ace was always taking a quick glance on her, which is nahuhuli niya paminsan-minsan.Hindi niya alam kung nag-i-imagine lang siya. Pero iyon talaga ang nakikita niya."So, let's end it here!" Sir Ace exclaimed. "I will be expecting a complete presentation tomorrow. Dismissed."Agad na nagsitayuan ang mga kasama niya para lumabas na ng conference room. She was about to go out also with her laptop nang mag-vibrate ang cellphone niya. She fished it out from her pocket and open a new message. From: StephenDay, kakagaling
MATAPOS ANG TRABAHO NI Shen sa Brooch ay agad siyang nagtungo sa coffee shop kung saan sila nag-lunch kanina. Pagkapasok sa loob ay agad niyang nilibot ang paningin at nahagip niya si Stephen sa pinakasulok ng shop. She walked to his direction at agad na naupo sa tapat nito. May in-order na rin pala itong frappe para sa kaniya."Akala ko ay forever ka na sa department niyo," anito habang nasipsip ng frappe. Dumako ang paningin nito sa mga dala niya. "So, padala ba 'yan ni Third?""Ewan," nanlalata niyang sagot. Ipinakita niya rito ang box na may note. "See? Iba ang penmanship kaysa sa note kagabi. Same ito ng penman na pinakita mo sa'kin kanina.""Dedma muna tayo sa notes, day! May chika pala ako."Her brows furrowed. 'Di naman niya akalain na chikahan pala itong pakikipagkita sa kaniya ni Stephen.
SHEN FOLLOWED WHAT STEPHEN told her earlier. Imbes na laptop ang kaharap niya ay andito siya — nakatunganga sa bintana ng kaniyang apartment. Gusto niyang tuktukan ang sarili kung bakit masyado siyang nagpapadala sa mga sinasabi ng kaibigan."Wala namang mawawala kung gagawin mo siya, 'di ba?"Naalala niya pa ang sinabing iyon ni Stephen. The fact is, oras ang nawawala sa ginagawa niyang ito. Eh, 'di sana iyong presentation niya para bukas ang inaasikaso niya imbes ang maghintay ng magdu-doorbell sa gate.Napasulyap siya sa hawak na cellphone. Lampas alas otso na ng gabi. Dati naman at exact eight ay tutunog na ang doorbell niya. But the other night ay past eight na rin ito nag-doorbell. Then kanina ay nagpadala naman ito.She heaved a sigh as she shook her head. Walang kwenta naman itong ginagawa
"ARE YOU READY?"Humugot ng malalim na buntonghininga si Shen bago tumango sa kasamang si Diego. Pagkalabas nito ng sasakyan ay marahan pa niyang natampal ang magkabilaang pisngi. Her hands were literally shaking as her heart keeps on pounding so fast.Diego opened the car door for her. Inalalayan pa siya nitong makababa. It's weekend so they just went on their casual outfits. Sumaglit pa si Diego sa trunk para kunin ang hindi kalakihang picnic basket. Sa sobrang nerbiyos ay napaigtad siya nang kalabitin siya nito."Masyado kang kinakabahan," he stated as he held her hand. Napairap siya nang tawanan siya nito."Ako? Nah! Dala lang 'to ng aircon." She sarcastically laughed but Diego just shrugged out of it.Iginiya siya nito papasok sa loob ng malawak na ospital.
IT'S BEEN DAYS SINCE Shen and Diego was saved by the authorities. Maayos na ulit ang takbo ng Hotel Krista. Lahat ng nabiktima sa hotel na iyon ay nabigyan na rin ng hustisya. Hindi na rin ganoong humaba ang kaso sa pagitan ng mga magulang ni Diego at ni Ace dahil sa pag-amin ng huli. Ace stated all what he did. Upon reviewing all his medical records, the court decided to put him to a well-known mental health institute in Mandaluyong. Sa sobrang galit ng mga magulang ni Diego ay hindi nakuntento ang mga ito na iyon ang kinabagsakan ni Ace. They wanted him to be punished behind bars."Day, hindi mo ba pupuntahan si Diego?" tanong sa kaniya ni Stephen na walang habas sa pagkain ng mga prutas. Pansamantalang umuwi ng Nueva Ecija ang mga magulang niya at si Stephen ang pumalit na bantay sa kaniya.She sighed. Noong isang araw pa nagkamalay si Diego. Noong araw na iyon ay wala siyang ginawa kung '
SHEN SLOWLY OPENED HER eyes right the moment she woke up. Hindi tulad noon, mas payapa na ang paghinga niya. Wala na ang bigat na dulot ng masalimuot niyang karanasan sa mga kamay ni Ace.Ace...She smiled just by remembering his face. She tried to seek in her heart that space if she still feels the same way. Humugot siya ng malalim na buntonghininga. Ando'n pa rin ang pakiramdam na animo'y may naglalarong insekto sa kaniyang sikmura sa tuwing maaalala ang lalaki. Her heart still beats the same way whenever she's with him.It's still the same. And it makes her heart broke into tiny pieces knowing that she's still in love with her psychotic boss."Anak, k-kumusta ang pakiramdam mo?"Napabaling ang kaniyang tingin sa kaliwang bahagi ng hinihigaan. There, her mother
"N-NO, PLEASE..."Mahinang tinampal ni Shen ang pisngi ni Diego ngunit hindi na ito gumagalaw. Tanging ang mahinang paghinga na lamang nito ang pag-asa niyang buhay pa ang lalaki. Wala sa sariling nayakap niya ito. She can't lose him! Hindi niya alam kung hanggang saan siya dadalhin ng kaniyang konsensya kapag tuluyang mawala si Diego.Tumingin siyang luhaan kay Ace, hindi alintana ang nakatutok nitong pistol sa kanilang dalawa ni Diego. "A-Ace... maawa ka naman. Mamamatay si Diego. K-Kailangan na siyang madala sa ospital," muli pa niyang pakiusap. But her crazy boss just laughed."That was actually the plan. May lahing pusa yata iyang lalaki na 'yan at hindi pa mamatay-matay. And you chose him. So, it's better if you're both dead!"Muli niyang niyakap ang katawan ni Diego at doon tahimik na humikbi. Mamamatay n
MABILIS NA KINALKAL NI Shen ang nakitang aparador sa kwartong iyon. Hindi sila pwedeng lumabas ni Diego na halos hubo't hubad ang itsura niya. She picked a big sized shirt, probably one of Ace's stuff. Saglit siyang natigilan nang maamoy ang pamilyar nitong pabango. His summer-like scent brings memories of her with him. That short span of time when they danced in the middle of the night sky.Marahas siyang napabuga ng hangin at mahinang ipinilig ang ulo. Hindi ito ang oras para magbalik-tanaw, paalala pa niya sa sarili. Buhay nila ni Diego ang nakasalalay rito. At kung hindi sila kikilos agad, baka tuluyang mawalan ng buhay ang kasama niya.She grabbed the phones and immediately headed to Diego. Akmang hahawakan niya ito ngunit natigilan siya. Hindi niya alam kung saang parte ng katawan nito ang dapat niyang hawakan. Kanina lang din niya napansin ang iniinda nitong sakit ng katawan nang yakap
"I'M LEAVING THE COUNTRY, SPADE."Nahinto si Spade sa pagpirma ng mga papel sa sinabi niya. His older brother looked at him in disbelief. "You're still on medication, Ace. Besides, your project here was a success. Why in a hurry?"He smiled sheepishly as he stood near the glass window when he remembered Shen. Ah! Her smell still lingers through his nose. Her delicate skin makes him wanting to get inside her. But he needs to marry her first. Kaya nang iwan niya ito sa penthouse ay agad niyang inasikaso ang mga papeles nila sa pag-alis ng bansa."I just want to have peace. I missed Belgium," kibit-balikat na sambit niya saka sumimsim sa baso ng brandy na hawak niya.Natatawang bumalik si Spade sa ginagawa nito. "Don't you find peace in here? You seem fine.""It's d
NAHINTO SINA STEPHEN SA paglalakad nang makasabay nila sa lobby ang nagmamadaling si Kristie. Panaka-naka pa itong napapapahid ng pawis sa noo habang may kausap sa cellphone."Anyare do'n?" He arched his brow while crossing his arms."'Di nga rin namin alam, eh," kibit-balikat na sambit ni Stella. "Bigla na lang 'yan nataranta no'ng may tumawag sa kaniya kanina."They continued walking to have lunch at cafeteria. Napabuntonghininga pa siya habang nakapila sila sa counter. Dalawang araw nang hindi pumapasok si Shen. The last time he heard about her was that night he received a call from her. Ang naalala lang niya ay humihingi ito ng tulong noon. He's so worried that something might happened to her. Pero nang gabi ring iyon ay pinuntahan siya ni Sir Ace. Nagpahatid na lang daw ang babae sa apartment nito. Inisip na lamang ni Stephen na baka nagk
"M-MAAWA KA, ACE..."Tuluyan nang kumawala ang malakas niyang paghagulhol nang sirain nito ang suot niyang damit. Sa bawat haplos nito sa kaniyang katawan ay tanging pag-iyak lamang ang nagagawa niya. She can't even recognize her own voice. Ganoon na lamang ang bilis ng pagtibok ng puso niyang nang dumapo ang mga palad nito sa dibdib niya. Halos hindi siya makagalaw nang ibigay nito ang bigat ng katawan sa kaniyang nanghihinang katawan."A-Ace, 'wag..."Tila walang narinig ang lalaki at mas pinagsawa pa nito ang sarili sa kakatitig sa lantad na niyang dibdib. "Akin ka lang, Shen. Walang ibang pwedeng magmay-ari sa'yo kung 'di ako lang.""Hayop ka! 'Wag mo siyang galawin!" nagsisisigaw si Diego sa kinalalagyan nito na sinabayan ng pagkilansing ng kadenang nakatali sa leeg nito. Kahit hinang-hina na ay sinubukan p
"M-MAAWA KA, ACE..."Tuluyan nang kumawala ang malakas niyang paghagulhol nang sirain nito ang suot niyang damit. Sa bawat haplos nito sa kaniyang katawan ay tanging pag-iyak lamang ang nagagawa niya. She can't even recognize her own voice. Ganoon na lamang ang bilis ng pagtibok ng puso niyang nang dumapo ang mga palad nito sa dibdib niya. Halos hindi siya makagalaw nang ibigay nito ang bigat ng katawan sa kaniyang nanghihinang katawan."A-Ace, 'wag..."Tila walang narinig ang lalaki at mas pinagsawa pa nito ang sarili sa kakatitig sa lantad na niyang dibdib. "Akin ka lang, Shen. Walang ibang pwedeng magmay-ari sa'yo kung 'di ako lang.""Hayop ka! 'Wag mo siyang galawin!" nagsisisigaw si Diego sa kinalalagyan nito na sinabayan ng pagkilansing ng kadenang nakatali sa leeg nito. Kahit hinang-hina na ay sinubukan p