NAGSALUBONG ang kilay niya at tiningnan ng masama si Harold. "Asikasuhin mo lahat ng inutos ko. Dapat doble ingat kayo na huwag makahalata si Simon at Hendric,"
"Opo. Masusunod sir Brielle. Nga pala nandito na lahat sa loob ng folder ang binanggit ko kanina na data na nakuha ni Anton kasama na rin itong flash drive. Nakita ko na ang laman niyan. Iyan ang files sa loob ng computer ni Mr. Hendric Huo na matagal niyo nang hinahanap," anito.
"Okay, thank you! Book me a hotel room in London. Hindi ako tutuloy doon sa bahay ni Denise dahil magtatanong na naman si Mommy kung ano ang sadya ko doon. Lalong makakagulo sa gagawin kong personal na pag-iimbestiga,"
"Sige po, gagawin ko. Dadalawin niyo rin po ba si Mr. Yang?" curious na tanong nito.
"Oo, kukumustahin
THE other end had gone. Nagulat si Brielle dahil biglang bumalik sa normal ang website nila at nawala ang dialogue box na kanina ay pinadalhan niya ng mensahe. Lalong gumulo ang isipan niya at malakas ang kabog ng dibdib niya.“Is that person my wife?” Tahimik niyang tanong sa sarili. Tumayo na siya mula sa harapan ng computer. Bago lumisan kinausap muna si James.“James, clean the entire system. Ayoko ng mangyari ulit ito,” madilim ang anyo ni Brielle at tumalikod na ngunit narinig pa niya ang sagot ni James.“Sorry, sir Brielle. Di na po mauulit ito,” nahihiyang tugon nito. Bumalik sa harapan ng computer si James at inumpisahang linisin ang system at database nila. Nababasa niya ang palitan ng mensahe ni Brielle k
NAKINIG lamang si Brendon sa kwento ng Mommy niya at ni hindi ito kumurap. Bawat sinasabi ni Ivana tumatak sa murang isipan nito.“You love him, I feel it!” Brendon touches her cheeks gently.“Is that so? That was before, son. Nang malaman ko ang buong katotohanan tungkol sa mga plano niya naglaho lahat ng pagmamahal ko,” aniya.“Kung hindi mo siya mahal bakit mo pa rin siya iniyakan?” bakas sa mukha nito ang bahagyang pilyong ngiti.“Ah… Kasi gusto ko siyang balikan at singilin sa mga ginawa niya sa akin,” namumulang tugon ni Ivana.“Sabi mo masama ang magalit at maghiganti, bakit ngayon sagot mo sa akin babalikan mo siya para singilin
TUMANGO siya at malalim na buntong hininga ang pinakawalan niyang muli.“I found out that Mr. Huo’s diary that I held was moved. Palagay ko si Ivana ang gumalaw at pumasok sa study room. Hindi ko lang napansin noon dahil abala ang isipan ko sa kakahanap sa kanya,”“Sigurado po ba kayo? Baka naman po naiwan niyo lang bukas iyon noon,”“No. I closed it properly because I hid it from her,”“Naku malaking problema nga po kapag totoo nga ang hinala ninyo. Actually, mag-uumpisa na sa isang linggo ang pag-iimbestiga sa background ng pamilya ni Miss Huo. Sana lang may makuha tayong mga impormasyon na magdudugtong sa kanya para po madali natin siyang mahanap. Ang hirap kasing hanapin ng isang tao na ayaw magpakita.
NAIILANG siyang salubungin ang mga mata ng Lola niya ngunit buo na ang pasya niya na pakakawalan na ang alaala ni Brielle."Sorry po, buo na ang desisyon ko. Kailangan ko ng iwanan ang lahat ng pwedeng makakapagpapaalala sa akin kay Brielle,""Ummm... wala naman akong magawa kung nakapag desisyon kana. Ano ba ang dahilan bakit mo i-do-donate ang kwintas na iyon?" tanong nito."I want to move on. My son had seen me several times shedding tears at night. It affects him so much. I feel pity for him. Kahapon sinabi ng anak ko na ilang beses na niya akong nakitang umiyak habang tinitingnan ang larawan ni Brielle," malungkot niyang tugon."Iyon na nga ang inaalala ko ang maapektuhan ang mga anak ninyo. Matalino si Brendon at malalim ang pang-unawa niya.
HINDI agad siya makasagot sa sinabi nito. Alam niyang tama ang lahat ng sinabi nito laban sa kanya."Samahan mo ako bukas hahanapin natin ang asawa ko,""Oo na. Takot ko lang sayo. Pero ngayon pa lang isipin mo na kung paano ka makikiusap doon. Saka tandaan mo, galit si Tita Shantal kay Ivana. Dumagdag pa ang paglilihim ninyo ng Daddy mo, lalong sisiklab ang galit non," paalala nito sa kanya."Ako na ang bahala kay Mommy. Tulungan mo lang ako na maghanap kay Ivana,""Saan tayo mag-uumpisa? Ang lawak ng London. Para tayong naghahanap ng karayom nito sa gitna ng malawak na buhangin. Daig pa natin nag-treasure hunting nito,""Huwag kana ngang magreklamo dyan. Tulungan mo na lang ako,"
NAPAMULAGAT si Mr. Yang nang marinig ang sinabi ni Brielle."Buhay ang nanay ni Reynold? Paano nangyari iyon? Kasi ang alam ko matagal ng patay ang nanay niya. Lumaki si Reynold na madrasta niya ang kapiling nilang mag-ama. Half-brother niya si Hendric Huo, ang nanay ng gagong iyon ang tumayong kontrabidang mistress sa bahay nila Reynold,""Dumalaw ako sa puntod ni Dad noong nakaraang araw bago ako lumipad papunta rito. Nakausap ko po ang caretaker ng sementeryo, siya mismo ang nagsabi sa akin na madalas dumalaw ang nanay ni Dad sa puntod niya. Doon din kasi sa malapit nakalibing ang namayapang asawa nito,""Ganun ba? Kung tama ang sinabi mo isang magandang balita iyan. Natutuwa ako at nagkaroon na ng linaw ang lahat. Pero teka, nandito daw ba sa London ang nanay ni Reynold?"
KUYOM ang kamao ni Nathalie matapos ibaba ang cellphone. Galit ang nakikita sa mukha niya nang malaman ang relasyon ni Brielle at Ivana."Ivana Huo, hindi ako papayag na sayo mapupunta si Brielle. Akin lang si Brielle," aniya sa sarili.Takot na napatingin sa kanya ang assistant niya, lalo na nang marinig nito ang usapan nila ni Simon."Anong tinitingin-tingin mo dyan. Ilapat mo na ulit ang cold compress na iyan. Hoy, itikom mo ang bibig mo. Wala kang narinig na usapan namin ng pinsan ko, kung ayaw mong ibaon kita ng buhay," banta niya rito."Opo, Miss Yun!" takot nitong tugon.***AT FONTANER VILLA, 8 pm....Kasalukuyang nagpa
LABIS ang kabang nararamdaman ni Ivana nang mga sandaling ito. Sa halip na maghintay sa pagbalik ng Lola niya lumabas siya ng opisina at agad na nagtungo sa security monitoring room. Nagulat pa ang mga security personnel ng bigla siyang pumasok doon.“Good morning, Maam Ivana! How may I help you?” tanong ng security head ng makabawi ito sa pagkagulat.“Can you please switch on the audio device in the receiving area. I want to hear my grandma’s conversation with her visitor,” agad niyang tugon.Naguguluhan man tumalima pa rin ang head ng security team. Pinaupo siya nito sa isang cubicle na may computer at ipinasuot sa kanya ang headset para marinig niya ang usapan sa receiving area.Sa loob ng receiving area abala si D