Share

Chapter 11: Travelling

Pumanhik si Brielle sa kwarto nila upang tingnan kung tapos na ba mag impake si Ivana. Nadatnan niyang abala ito sa paglalagay ng gamit nila sa maleta. Medyo makalat pa sa loob ng kwarto nila dahil nakalapag pa sa ibabaw ng kama ang mga kinuha nitong mga damit na dadalhin nila sa bakasyon.

“Hindi ka pa ba tapos?” tanong niya rito pagbungad sa pintuan ng kwarto nila.

Lumingon ito sa kanya at ngumiti, “Saglit na lang ito matatapos na rin ako. Nalilito kasi ako kung alin ang ilalagay ko na damit mo dahil wala akong idea sa gusto mong suotin,” sabi niya rito.

“Just put anything you think would be good for me!” he hugged her behind and buried his head in her shoulder.

“Alam mo naninibago ako sayo. Kasi ilang araw kang suplado at di halos nakikipag-usap sa akin. Parang biglang may sumapi sayo na kaluluwa ah!” biro niya rito habang tinutuloy ang ginagawa.

“I’m just trying my best to be a good husband. Don’t you like it?” bulong nito sa punong taenga niya habang nakayakap sa kanya.

“Mr. Santillian, I am not used to it. Teka, saan nga pala tayo pupunta?” biglang tanong niya rito.

“It's a private place that I bought a few years ago. It’s not exclusively mine alone. I am only one of those private individuals who purchased a luxury villa in private land. It is called “The Golden Phoenix Villas”. Kailangan nating sumakay ng private plane papunta doon dahil nasa malayong lugar iyon,” turan nito.

Biglang nagningning ang mata ni Ivana ng marinig ang sinabi ni Brielle. “Talaga? Naeexcite na akong makita ang sinabi mo. I’ve been in Beijing for how many years, but I never heard of that place,” sabi niya na may halong tuwa.

“As I’ve said, only a few private individuals had purchased the villas. Maswerte marahil ako dahil isa ako doon sa mga nakabili. Noon di ko pa alam sino ang dadalhin ko sa bahay na ‘yun dahil wala akong balak na magpamilya. Bigla mo lang akong pinikot kaya ikaw ang naging asawa ko!” he said and kissed her again.

“So that means I am lucky enough to be married to someone like you? Sige na bitawan mo na ako para matapos ko na ang ginagawa ko,” pilyang tugon niya rito.

“Kiss muna, isa lang. Sa lips huh?” bigla bumaba ang mukha nito at pinikit ang mata.

“Aba nakarami kana Mr. Santillian! Muah!” a light kiss landed on Brielle’s lips.

“Hindi ko naramdaman ang kiss mo. Ulitin mo. Dali na!” he said to her.

“Hmm! Muah----” hinalikan niya ulit si Brielle ng malalim at bigla siyang kinabig nito at mariing hinalikan sa labi hanggang sa makuntento ito bago siya binitawan. 

“My wife blush often. Hey, huwag kana magdala ng maraming damit tatlong araw lang tayo doon saka mas gusto kong makita ka na hubad lagi,” biro nito sa kanya.

Biglang namula ang pisngi niya ng marinig ang sinabi nito. “Ano ba iyang mga pinagsasabi mo? Bitaw na para matapos ako. Pakihanda mo na rin pala ang mga cell phone chargers natin at yung personal bag ko pakilagay sa sofa,” sabi niya kay Brielle.

Binitawan na siya nito bago sumagot, “Sure! Baby when we come back from our trip, we will transfer to my condo. Hindi na tayo magdadala ng katulong, hindi ako sanay na may ibang tao sa loob ng condo ko,” sabi nito habang dinadampot ang personal belongings nila.

“It’s okay, honey! Kaya ko naman gawin ang gawaing bahay,” she said.

“Okay, sabi mo iyan huh! By the way, how about your studies? Would you like to pursue it?” he asked.

“Maybe later on. Sabi mo kasi mag-baby muna tayo. It is not a good idea to pursue my study if I get pregnant,” she smiled at him.

“Great! You must stay at home for how many months, let’s try to have a baby as soon as possible so you can continue your study after giving birth,” he suggested.

“How about my plan of taking back my family’s business?” she suddenly asked him.

“I will take care of that! Sinabihan ko na si Harold na mag-schedule ng meeting next week with your Uncle Hendric. Gusto mo bang banggitin ko sa kanya na kasal na tayo?” tanong ni Brielle at muling lumapit sa kanya matapos gawin ang pinasuyo niya.

“Huwag nalang muna siguro baka mag-create ng conflict sa inyong dalawa,” she said.

“Para sa akin okay lang din kasi wala naman akong atraso sa kanya. In fact, malaki ang share ko sa company nyo. If you will be going to tell me to acquire that company, I will do it!” sabi nito at hinawakan ang kamay niya.

“Saka na natin pag-usapan ang bagay na ito pagkatapos ng bakasyon natin. Isantabi muna natin ang usaping ito sa ngayon. I don’t want to ruin our vacation with my personal problem. I’ve caused so much chaos in your private life, and I want to serve you first to pay what I owed you,” she hugged him and kissed his lips.

“Mrs. Santillian, I am happy to see you like this. I hope you’ll be a good mother too like my Mom. Raising children is not an easy task and I know you’re lack of knowledge on it but I have confidence that you can be a good Mom,” he looked in her eyes full of love and compassion.

“Tara na, handa na lahat!” she said.

Binitbit na ni Brielle pababa ang bagahe nila habang kasunod siya nito na dala ang kanilang iilang personal na gamit. Pagbaba nila ng sala nadatnan nila si Yaya Santina na nanood ng TV. 

“Saan kayo pupunta at may dala kayong mga gamit?” tanong nito.

“Yaya, magbabakasyon lang kami ni Ivana ng ilang araw,” sagot ni Brielle.

“Mabuti kung ganon dahil ngayon mo lang naisip gawin iyan sa haba ng panahon na nilaan mo sa trabaho. Magandang pagkakataon ito at nag-asawa kana rin,” nakangiting turan nito.

“Pagbalik po namin maglilipat na kami sa condo ko. Mas madali kasi sa akin kapag nandon kami sa sentro,” sabi ni Brielle.

“Okay iyon at least di kana mahihirapan bumiyahe pabalik dito. Well, bago ko makalimutan bukas ng umaga babalik na ako ng Singapore dahil sinabi ng parents mo bantayan ko si Denise!” paalala nito sa kanila.

“Okay, lang Yaya, ingat po kayo sa biyahe ninyo pabalik ng Singapore and please keep silent about my sudden marriage. I will surprise my parents soon,” a sweet smile slipped in Brielle's handsome face.

“Huwag kang mag-alala di ko sasabihin sa kanila. Oh, Ivana alagaan mo si Brielle. Sayo ko na siya ibibilin dahil legal na kayong mag-asawa,” baling nito kay Ivana.

“Opo, Yaya! Promise, I will take care of him! Ingat po kayo sa biyahe nyo pauwi bukas,” sabi niya.

“Halika kayong dalawa. Bigyan nyo muna ako ng masayang yakap bago tayo magka-iyakan,” turan nito.

Sabay silang dalawa lumapit kay Yaya Santina at yumakap dito.

“I’m gonna miss you, Yaya!” Brielle said.

“Naku batang ito, nag-asawa na’t lahat malambing pa rin sa akin,” hinawakan nito ang pisngi ni Brielle.

“Alagaan mo si Ivana at mahalin tulad ng pagmamahal mo sa Mommy mo. Masaya ako para sa inyong dalawa, saka dapat pag-uwi nyo ng Singapore may baby na kayo,” nakangiting sabi nito.

Biglang namula ang pisngi ni Ivana sa narinig. 

“Thank you, Yaya! Paano po aalis na muna kami ni Brielle!” 

“Sige, mag-ingat kayo sa biyahe. See you again!” 

Pagkatapos nilang magpaalam sumakay na sila sa kotse ni Brielle.

“Baby, put your seatbelt on! We’re good to go now!” he said.

“Okay. Wala kabang nakalimutan?” she asked.

“Wala na. How about you?” 

“I’m good. Tara na!” she smiled at him. 

Pinaandar na ni Brielle and kotse at naglandas sila  ng halos kalahating oras bago huminto sa isang private landing area kung saan naghihintay ang pilot nila. Hindi inasahan ni Ivana na may naghihintay sa kanilang private plane.

“Honey, is this yours?” she asked immediately.

“Yes! You like it?” Brielle smiled at her.

“Hindi nga, sayo ang private plane na ito?” sabi niya habang papalapit sila dito.

“Ayaw mo yatang maniwala,” pabirong tampo nito.

“Nagulat lang ako. I never expected you owned a private plane. Di ko lang lubos maisip na ganoon ka-successful ang buhay mo sa maikling panahon,” sabi niya.

“Welcome! Sir Brielle!” the two pilots said in a monotone.

“Thank you, Captain Xu, Captain Yang! Meet my wife, Ivana Santillian!” he said.

“Hello, Miss Ivana. I heard some news about you!” Captain Xu said at kinamayan siya nito.

Biglang naramdaman ni Ivana ang hiya dahil  alam niya ang tinutukoy nito. Tungkol ito sa balitang pagkalugi ng company nila na kasalukuyang sinambot ng Uncle niya.

“Hi! Captain Xu!” she said.

“Don’t get me wrong Maam, I didn’t mean something!” sabi nitong bigla ng mapansin ang biglaang pagtungo niya.

“Halika na! Akyat na tayo,” sabi ni Brielle sa kanya upang putulin ang nararamdaman niyang hiya at kaba.

Brielle held her hand tightly. Umakyat na sila sa hagdan ng eroplano at pagpasok nila namangha siya sa loob nito. Namangha siya sa nakita dahil alam niyang mamahaling klase na private plane ito base sa upuan at mini bar sa loob. Nadatnan din nila ang dalawang service crew sa loob. Parehong lalaki at tanging siya lang ang nag-iisang babae. Binati sila ng mga ito at mabilis siyang pinaupo ni Brielle.

“You look so nervous! Relax, we are going to enjoy our three days vacation,” he whispered in her ear.

“I’m okay, honey! I just felt overwhelmed with all the things that surround us. I didn’t expect that you have this kind of lifestyle,” she said in a low voice.

“Muah! It’s okay! Just enjoy everything and serve me later!” nakangiti ito ng pilyo sa kanya.

“Ang ingay mo, maririnig tayo ng mga tao mo,” she felt shy.

“And so what? you’re my wife and I just want to tease you because you often get blush,” a naughty smile showed in his handsome face.

Hindi na siya umimik pa. Nilagyan siya ng kumot nito at niyakap habang nag-uumpisa ng umangat ang eroplano. Nakatulog na siya ng tuluyan. Nakatitig si Brielle sa maamong mukha ni Ivana habang tulog ito. He wanted to ask her many questions but he opted to set aside all of it while they are still on vacation.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jing Jing Calleja Magalang
how sweet...couple
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status