Kahit hindi pumasok si Danielle ay nagising at bumangon pa rin siya ng maaga, medyo nasasanay na yata ang kanyang katawan dahil automatic na siyang nagigising ng maaga kahit walang alarm. Dahil hindi pa naman siya pwedeng pumasok at lumabas ay nagbihis siya ng kanyang pang gym. Sa treadmill na lang niya ginugol ang kanyang oras sa gym, hindi masyadong magaling ang kanyang sugat sa balikat kung kayat hindi siya pwedeng magboxing. Mga isang oras din ang ginugol niya sa paglakad at pagtakbo sa aparato kung kayat sobrang tagatak ang kanyang pawis.Twang tuwa don siya sapagkat habang umaagos ang pawis ay napakaganda ang nararamdaman ng kanyan katawan. Naubos na rin ang baon niyang tubig kung kayat nagstop na siya at sa garden na lang siya magpapahinga. Malamig sa kanilang garden dahil sa ibat ibang klase ng halaman ng kanyang mommy, mahangin din kaya madalas doon siya namamahinga pgkatpos niyang mag gym plus fresh orange na siya mismo ang gumagawa. Pagpasok niya sa kitchen ay busy ang ilan
Lumabas na nga ang result ng investigation kung kayat pwede ng magresume sa work ang dalaga. Mga ilang araw din siyang nagstay sa bahay at excited siyang ppmasok ulit at makatrabaho ang team. Personal grudge lang talaga ang motive sa nangyari sa kanya kung kayat nawala ang agama gam nilang may sabotage na nangyayari sa SMC. Nakakulong naman ang lalaking nagtangka sa kanya ng hindi maganda, sa halip na matuwa si Daniela ay naawa siya sa lalaki. Iniisip din niya ang kalagayan nito ang kanyang pamilya. Iniisip niyang kausapin ang kanyang ama para patawarin na lamang ito since humihingi ito ng tawad at labis labis ang pagsisisi ngunit titiyempuhan niya muna ito para siguradong pagbibigyan ang gusto niya.Pababa na siya sa may hagdan para pumasok sa trabaho nang bahagyang mapatigil ng makita si Wolverine at ang kanyang ina sa may sala. Kapwa nakangiti ang dalawa habang nag-uusap at at napailing siya sa isiping tila pinanindigan nga ng binata ang sinabi nitong sa bahay na lang nila ito
“Danielle!”, mula sa pagkakapikit ay bigla siyang napadilat. May tumatawag sa kanya mula sa kung saan at ng tumingin siya ay nakita niya si Robin na malalaki ang hakbang palapit sa kinaroroonan niya.“Robin, bakit?”, agad niyang ikinubli ang nararamdaman at hinarap ito.“Naiwan mo yung coat mo, eto oh!”, turan nito sabay abot sa hawak na coat.“Oh, thank you! Kaya pala feeling ko kanina may kulang saakin. Maraming salamat ulit.”, sinserong pahayag niya at tumango iyon habang nakangiti.‘Pauwi kana?’, mayamaya ay tanong niya at tumango iyon.“Oo, mag-aabang ako ng taxi diyan sa labas.”, turan ni Robin na tila nahihiya dahil sa kawalan ng sasakyan.“Sabay kana saamin!”, bigla niyang pahayag at hindi makapaniwalang tumingin ito sa kanya.“Sure?”, paninigurado pa nito at nang tumango siya ay parang bata itong tuwang tuwa lalo na ng isenyas niyang don siya sa passenger seat sa harap. Nang buksan ang pintuan sa harap upang pumasok ay bigla itong napahinto dahil nakita niyang nakaupo sa liko
Nang makaalis ang sinakyan ni assistant Rey ay napabuntnghiniga siya ng malalim at pagkatapos ay napailing sa sarili. She’s been so dramatic lately at ayaw na niyang maramdaman pa ang ganitong feeling. Muli ay napatingala siya sa taas at ipinikit ang mata pagkatapos nagbuga ng hangin mula sa kanyang baga. Tinapik tapik ang hawak na parte ng sasakyan at pagkatapos ay patamad na tumayo at lumulan dito. Bago niya paandar ang sasakyan ay nasulyapan niyang panay ang vibrate ng kanyang cellphone na nakapatong sa dash board. Tinignan niya iyon ngunit ibinalik din agad sa dashboard ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya. She had decided to cut off everything about him., maliban na lamang kung patungkol ito sa project and answering his calls beyond office hours will no longer be accommodated by her. Kinabukasan, hindi pa man nakakapanaog ang kanyang mga magulang ay umalis na siya sa bahay. Sa dami ng miss calls ni Wolverine sa kanya kagabi ay tiyak niyang dadaan na naman ito sa kanilang ba
Eksaktong ala siete ay dumating si Danielle sa Ace Hotel, ipinark niya saglit ang kanyang sasakyan pagkatapos ay tinignan ng kaunti ang mukha sa salamin. Hindi na siya masyadong nag-effort sa kanyang make-up, naglagay lang siya ng kaunting blush on to match her silver semi-formal dress. Ang mommy niya ang pumili ng kanyag susuutin. Maalam sa fashion ang kanyang ina at gustong gusto niya ang taste nito pagdating sa pananamit. Hindi magarbo ngunit namamaintain nito ang pagiging class and elegant. Mukhang ito pa ang naexcite sa kanyang dinner date. Nailing siya ng iremind nito na iwasan ang kanyang pagiging siga. Pagkatapos mainspect ang mukha sa salamin ay kinuha niya ang silver clutch bag na kamatch ng kanyang damit at tuluyan nang bumaba sa sasakyan.Pagbungad pa lamang niya sa entrance hall ng Hotel ay nakita niya agad si Dylan na tila hinintay ang kanyang pagdating at poging pogi sa suot nitong black suit. Kung hindi lang seryoso ang mukha nito ay mapagkakamalan itong celbrity kaysa
“Are you two fighting?”, si Lorin ng maabutang nagkakasagutan ang dalawa.Sa inis ay ilang ulit lumunok si Danielle habang tinignan niya ng napakasama si wolverine pagkatapos ay kinuha ang clutch bag na nakapatong sa mesa at walang lingong likod na umalis. Nagtungo siya sa comfort room at doon ibinuhos ang sama ng loob sa pamamagitan ng malakas na pagsuntok sa wall ng CR. Nang mahimasmasan ay halos di na niya maigalaw ang kamay sapagkat namaga na iyon. Kinuha niya ang panyo sa kanyang bag at pagkatapos ay itinali dito. Pagkatapos kalmahin at ayusin ang sarili ay bumalik na siya sa mesa na kinauupuan ng kanyang mga kasama. Lihim siyang nagpasalamat dahil si Dylan na lamang ang naroon na tila hinihintay ang kanyang pagbabalik.“They went ahead in the car”. turan ni Dylan ng mapansing hinahanap ng kanyang mata ang mga kasama tumango siya dito.“Let’s go, we’ll follow them”, pahayag ni Dylan at mabilis naman siyang sumang ayon. Inoffer nito ang kanyang bisig at ngumiti naman siyang kumapi
Pagdating niya sa SMC ay agad niyang hinarap ang trabaho, naguguilty siya sa ginawang pagtakbo kanina pero parang hindi niya kayang harapin ang mga magulang dahil sa nasaksihan ng mga itong pakikipaghalikan kay Wolverine. Ngayon lang talaga nangyari sa tanang buhay niya sapagkat kahit ni isang lalaking ipinakilala niya sa mga ito ay wala kung kayat madalas pinag-iisipan siyang member ng LGBT.Halos nakalimutan na niya ang mga pangyayari kaninang umaga ng bigla siyang ipatawag ng kanyang ama. Atubili siyang pumunta sa office nito dahil baka komprontahin siya tungkol sa kanila ni Wolverine. Nang makita siya ni assistant Rey ay sumenyas lang ito sa kanya na pwede na siyang pumasok sa private office ng ama. Kumatok siya ng tatlong bese pagkatapos ay maingat niyang binuksan iyon. Nag-angat ng mukha ang kanyang ama at sumenyas din sa kanya upang tuluyang makapasok.“Dad, pinatawag niyo po ako?”, halos hindi marinig ang sariling bose na turan sa ama ng makalapit siya sa mesa nito.“Uhmmm, ta
Pag-uwi niya sa bahay kinahapunan ay hinarang siya ng kanyang ina bago pa man maihajbang ang mga paa para pumanhik sa hagdan. Bigla ay rumehistro sa kanyang utak ang pagtakbo niya kaninang umaga ngunit patay malisya niyang hinalikan sa pisngi ang ina pagkatapos ay kakaripas sana ng takbo papunta sa taas.“Baka may meron kang sasabihin saakin bago ka pumanhik sa kuwarto mo?”, turan ng ina at pasimple niyang kinagat ang bibig saka ngumiti at umiling dito.“Are you sure?”, nanantiyang pahayag ng kanyang ina at pinag-ikutan niya ito ng mata.“Hindi ba kayo kinausap kanina? I’m sure we have the same explanation”, turan niya habang positive ang kaisipan na hindi ilalagay ng binata ang sarili sa alanganin. Sa palagay niya mas magaling magpalusot si Wolverine kesa sa kanya.“So, it’s true?”, paninigurado ng kanyang ina at alanganin siyang tumango sapagkat namimilog ang mga mata nito.“Yeah! Whatever he said is true.”, pagcoconfirm niya ngunit ang hindi niya maintindihan ay naitakip ng ina an
“Danielle, may problema, yung mga model natin sa next edition natin, nakaset na ang date ng shooting at hindi natin iyon pwedeng ipagpaliban pa.”, pagrereport ni Assistant Rey sa kanya at bigla siyang naalarma. “What happened? “, saad niya dito. Hindi pwedeng madelay ang shooting dahil hinahabol din nila ang schedule date ng pagreleased ng kanilang bagong edition. “I don’t know, nagkasakit yata ang isa nating model at too late na kung magscout na naman tayo ng iba.”, tugon ni Assistant Rey at napahawak siya sa kanyang sentido. Biglang sumakit ang kanyang ulo sapagkat hindi nila naanticipate ang ganitong pangyayari. “What if kayo nalang nina Wolverine at Logan ang gagawing model? Bagay na bagay sainyo yun dahil ito ang pinakaspecial nating edition.”, suwestiyon ni Assistant Rey at hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. “What? OMG, no!”, tigas niyang iling dito. Anong alam nila sa mga pag-arte arte sa harap ng camera, saka ang bata pa ng anak niya para maexposed sa madla. “Common!
“Baby, can we attend Dylan’s birthday tomorrow?”, na sa study area siya at kasalukuyang pinag-aaralan ang mga ipinasang document sa upisina. Ito naman ay galing sa kuwarto at nakasuot na ng pajama, mamasa masa pa ang buhok nito at amoy na amoy niya ang ginamit nitong sabong panligo. Si Logan naman ay kaslukuyang nanonood ng TV habang nakahilata sa malaking sofa.“Of course, you can. Nandito na naman ba siya?”, tugon niya habang iniangat ang mukha upang tignan ang asawa.“Yeah, alam mo naman yun kulang na lang dito na tumira. What I mean is, aattend tayong tatlo nina Logan.”, paglilinaw ng asawa at napaisip siya.“Kayo na lamang ng anak mo, I’m so busy in the office hindi ako makakapunta.”, turan niya. Parang hindi niya alam kung paano makiharap sa mga kaibigan nito pagkatapos ng nangyari sa kanila ng asawa. Pumunta sa likod niya si Wolverine at ipinilupot sa leeg niya ang dalawang kamay nito.“Mahal kong asawa, hindi pwedeng hindi ka pumunta dahil ipinagmalaki ko nang bitbit ko ang ak
“Claire, kindly disseminate this to all.”, saad ni Wolverine sa kanyang secretary bago lumabas sa upisina bago magtanghalian. May plano siyang kunin si Logan sa bahay at dadaanan nila si Daniella sa Vcom upang mananghalian.“Sir?”, namimilog ang mata ni Claire sa ibinigay niyang short notice at hindi ito makapaniwalang tumingin sa kanya.“Uhmmm, is there any problem?”, nakataas ang dalawang kilay niyang turan dito. Tinignan lang siya nito ng direcho ngunit pagkaraan ng ilang sandali ay unti unti itong napangiti. Ngiting may relief at ngayon lang din niya makita sa kanyang secretary pagkatapos ng ilang taon.“This will be disseminated ASAP, sir.”, hindi mapuknat ang pagkakangiti nito sa hawak na notice at nakangiti din siyang tumango tango.“Thank you. After this, you can also go home and spend time for your family.”, saad niya kung kayat mas lalong nagliwanag ang mukha nito.“Thank you very much, sir.”, masayang pasasalamat ni Claire pagkatapos ay nagbow sa kanya. Tinanguan lang nama
“It’s because of my dad, he dislikes my existence, and following his will might give chance to accept me as I am.”, tugon niya sa tanong nito kung bakit hindi siya umayaw sa pagpapakasal sa kanya. She may be hardheaded and unruly but when it comes to her dad, she will follow him heartily.Sa narainig ay napaingiti ng mapakla si Wolverine; akala niya sumang-ayon itong magpakasal sa kanya dahil mahal siya nito ngunit sumunod lang din pala ito sa kagustuhan ng ama. No wonder, napakadaling iniwanan siya nito at hindi manlang siya binigyan ng pagkakataong magpaliwanag noon.“Your dad loves you; I remember when I asked him to marry you? He told me not to hurt you, and if I do; I will be his enemy.”, pahayag niya at napatingin sa kanya ito.“He punches me in the face when you left untraced.”, turan pa niya kung kayat mas lalong hindi makapaniwala ito.“He did that to you?’,“Yeah, pero naintindihan ko naman kung bakit niya nagawa yun.”, pahayag niya at nakagat nito ang pang-ibabang bibig.“I
Paglabas niya sa parking lot ng hotel ay mabilis niyang pinaharurot ang kanyang sasakyan upang sundan si Wolverine. Sa tindi ng pag-apak niya sa accelerator ay tila nakikipagkarera siya sa racetrack. Binubusinahan siya ng mga kasabayan niya sa daan ngunit wala siyang pakialam hanggat hindi niya nakikita ang sasakyan ng binata. He is driving too fast but she’s faster kung kayat nabuntutan din niya ito pagkatapos ng ilang sandaling pakikipagpatintero sa kalsada. Nang makalapit siya sa likod nito ay nagsignal siya dito to slow down and stop, ngunit sa halip na tumigil ay mas lalong pinabilis nito ang pagpatakbo ng minamanehong sasakyan. Sa inis niya ay diniinan niya ang pag-apak sa silinyador at linagpasan niya ito ng walang kahirap hirap. Subalit biglang nagcross ang sasakyang nasa unahan at muntikan niyang mabangga. Mabuti na lamang at malakas ang kanyang presence of mind at nabawi niya ang sasakyan sa pinaka kanang lane. Muntik na naman niyang masagi ang mga barikada sa gilid kung
When Wolverine came back to his senses ay nakalayo na ang sasakyan ni Daniella. He didn’t know why he froze pero paulit ulit na nagflaflash sa kanyang isip ang ginawang paghalik nito sa kanya. Why did she do that? Ngayon lang kasi nangyari na si Daniella ang unang humalik sa kanya. Did she do it just to escape from him? Or does he look too good today, and she can’t resist his charm? Sa huling naisip ay napangiti siya sa sarili habang napahawak sa labing dinampian ng dalaga. Parang nafefeel pa niya ang malambot nitong labi and he wanted to keep that feeling forever. Iba pala yung feeling ng hinalikan at yung humahalik, parang mas nakakakilig yung ikaw yung hinalikan. Gosh! Para siyang teenager na nagkaroon ng first kiss. Nang lumingon siya sa kinaroroonan ni Assistant Rey ay hindi mapuknat ang pagkakangiti nito habang nakatingin sa kanya. Alam niyang natunghayan nito ang mga pangyayari kung kayat ganon na lamang ang pagkakangiti nito sa kanya. Ibinalik niya sa mata ang gamit na sungla
“All set, yung model na lang ang hinihintay.”, si Assistant Rey ng madatnan niya ito sa venue ng shooting para sa advertisement ng kanilang brand. Ilalaunch ang bagong edition na gawa ng company kaya kailangan ng promotion.“Uhuh, dumaan lang ako to check how it goes, aalis din ako mamaya. V is coming to the Philippines, so I’m going to fetch him at the airport.”, turan niya at tumango tango ito.“Are you sure you want to hold Vcom?”, wika ni Assistant Rey while walking around to observe the setting.“Magkaiba naman ang concept ng Vcom and SMC; we have been holding Tanaka for how many years now? I guess there’s no big deal about that.”, saad niya at napaisip saglit ang kausap bago tumango.“But have you discussed it with your dad?”, turan nito at napangiti siya. Kahit hindi na pala ang daddy niya ang direktang boss nito ay loyal pa rin ito sa kanyang ama.“Of course, and we have the same thought.”, wika niya at ngumiti din ito.“How about the OIC President?”, turan nitong nananantiya
Kinabukasan ay tinupad ni Wolverine ang pangako nito sa anak na dadalhin niya sa bahay ng kanyang mga magulang. Tuwang tuwa ang mga ito na tumawag siya upang doon sila mananghalian kasama ang kanyang asawa’t anak. Nagulat pa ang mga ito sapagkat for the first time itong tumawag at sabihing uuwi sa kanilang bahay. Pero ang labis nilang ikinatuwa ay masaya ang kanilang anak pagkatapos ng ilang taong pagpaparusa sa sarili.“Hello, grandmom! Hello grandad.”, malambing na bati ni Logan sa mga magulang ng ama pagkatapos ay hinalikan niya ang mga ito at pinagyayakap. Sobra namang natuwa ang dalawang matanda at makikita sa mukha nila ang sobrang excitement na makita at makasama ang kanilang apo.“You are so sweet, apo. Sana palagi kang nandito.”, pahayag ng mommy ni Wolverine na sinang-ayunan naman ng daddy nito.“Kung dito nalang kasi kayo umuwi, iho?”, turan naman ng daddy ni Wolverine at nakangiti lang siya sa sobrang pagkamiss ng mga ito sa kanilang apo. Malambing din kasing bata si Logan
Naalimpungatan si Danielle mula sa pagkaidlip. Gusto lang niyang ipahinga ang katawan mula sa maghapong trabaho kanina ngunit hindi niya namalayang nakatulog siya sa nag-iisang room sa townhouse ni Wolverine. Mukhang pamilyar sa kanyang katawan ang lugar kung kayat napakadali niyang naidlip, sabagay wala naman yatang nabago, lahat ay nasa tamang ayos. Pati ang kanyang mga pabango at iba pang abubot 4 years ago ay nasa ayos pa rin kung paano niya ito iniwan. Nagtaka siya, bakit hindi tinanggal ni Wolverine ang lahat ng kanyang gamit? O ngayon na lamang ito pumunta dito since then? Pero napakalinis naman ang lahat, walang kahit anong bakas ng dumi na makikita sa mga bagay sa loob tanda ng matagal na walang tao sa bahay.Nang makarinig ng tili ng paslit mula sa labas ng room ay napilitan siyang bumangon at pagkatapos ay napasulyap sa may alarm clock sa side table. Napamulagat siya ng malaki dahil limang minuto na lamang at mag-aalas nuebe na ng gabi. Mabilis siyang lumabas sa kuwarto upa