PIKIT-MATA kong tinanggap ang kondisyon ni Yevhen para lamang matakasan ko ang aking napipintong kapalaran, pero. . .
Putragis!Kahit may trabaho na ako ay hindi pa rin matanggap ni Ama na hindi matutuloy ang kasal namin ni Mark.“Devin! Hindi pa ba tayo aalis?!” pagmamaktol ko habang nakatingin sa aking relong pambisig.Alas-sais na nang umaga. Kung hindi traffic ay aabutin kami ng mahigit-kumulang tatlong oras bago makarating sa lungsod ng Liazarde, pero paano kung traffic?!Paniguradong late na ako sa unang araw ng pasok ko sa trabaho!“Parang mas mami-miss mo pa 'yang motor mo kaysa sa amin, Maria,” komento ni Ama na hindi ko namalayang nasa likuran ko.Himas-himas niya ang kaniyang panabong na tandang bago siya tumabi sa akin at sa motor kong ayaw ko sanang iwanan.“Anak, hindi pa huli ang lahat. Dito ka na lang,” pangungumbinsi ni Ama na ilang daang beses ko nang narinig magmula noong ianunsyo ko ang tungkol sa aking trabaho.“Saka kung magpapakababae ka lang din naman, bakit hindi mo pa pakasalan si Mark?” Ama looked so happy and proud as he surveyed how I was clothed today. Sumikip tuloy ang aking dibdib sa sobrang inis.“Devin, ano ba?! Late na late na ako!” sigaw ko muli sa aking kapatid para iwasan ang pilit na gustong mangyari ni Ama.Hindi niya ako magagawang ipakasal kay Mark. Imposibleng mangyari iyon.“A-asawa ko, ikaw ba iyan?” Mabilis akong napamura nang bigla kong mabosesan kung sino ang bagong dating na nagsalita.“Putragis, Devin! Hindi ka ba talaga lalabas diyan?!” singhal ko na hindi man lamang tinapunan ng tingin ang aking kababata.Kung minamalas ka nga naman, oo! Lunes na Lunes, naba-badtrip kaagad ako!“A-ang ganda mo,” nauutal na puna ni Mark kaya napalingon na ako sa kaniya.Tumawa naman nang mahina si Ama sa aking tabi at tinutukso pa kaming dalawa sa isa't isa. Sinamaan ko tuloy silang dalawa ng tingin.Itim na mini-skirt at itim na long-sleeve tops nga ang isinuot ko dahil nagluluksa ako sa pagkawala ng totoo kong pagkatao, tapos ang ganda ko raw?!Napabuga na lamang ako ng hangin.“Gusto mo bang masapak, Mark?” pananakot ko sa kaniya ngunit nginitian lang ako ng puta.Kung pwede ko lang tanggalin ang mahabang wig na suot ko ngayon ay ihahambalos ko iyon sa pagmumukha niya, pero hindi ko iyon gagawin. Ang haba-haba ng oras na ginugol ko para maikabit iyon sa ulo ko tapos sasayangin ko lang dahil sa kaniya.“Masien, let's go.” Devin finally went out of our house while he was staring at Mark who quickly greeted him.Hindi niya naman ito pinansin kaya awtomatiko akong napatingin kay Ama at napangiti.Very good, Devin!Lalo pang lumawak ang ngiti sa aking mga labi nang makita kong bitbit ng aking nakatatandang kapatid ang bag at sapatos ko na ipinatong ko kanina sa sofa namin.“Ama, aalis na ako,” paalam ko sa aking tatay bago ko binigyan ng dalawang middle finger si Mark. Iyon nga lang, sa halip na ma-turn off ay kinilig pa yata ang p*****a.Matapos naming magpaalam ni Devin ay mabilis na kaming naglakad papunta sa kalsada kung saan nakaparada ang kaniyang kotse.Wala kaming pansinan hanggang sa makapasok na kaming dalawa sa loob ng sasakyan.“Nasa loob ng bag mo ang duplicate key ng condo unit ko. Huwag kang mag-alala, hindi mo ako palaging makikita,” walang amor niyang pahayag bago niya inabot sa akin ang aking mga gamit.Tahimik ko lang naman na tinanggap ang mga iyon saka ako nag-seatbelt at sumandal sa passenger's seat.Sa condo unit niya muna ako tutuloy habang nasa Liazarde ako. Sabi ni Levi, ang pangatlo sa aming magkakapatid, si Devin daw muna ang bahala sa akin.“Alam mo ba talaga ang pinapasok mo? Hindi biro ang MARIA Corp.” Kumunot ang aking noo at napatingin sa kaniya.“Pwede bang mag-drive ka na lang at ihatid ako roon? Huwag nang maraming satsat,” pagtapos ko agad sa gusto niyang sabihin.Nakatitiyak akong parusa itong ibinigay sa akin ni Levi. Alam niya namang hindi ko kasundo ang isang ito, tapos dito niya pa ako pasasamahin.“Tatawagan kita kapag hindi ako makakauwi,” dagdag niyang salaysay na hindi pinansin ang sinabi ko kanina.Nang hindi siya nakakuha ng sagot sa akin ay binuhay niya na lang ang makina ng kaniyang kotse at nagsimulang magmaneho.Doon ako nakaisip ng magandang plano. Tutal, ayaw naman namin sa isa't isa bilang magkapatid, bakit hindi na lang ako humiwalay sa kaniya?“Walang makakaalam, Devin. Kay Klein mo na lang ako patuluyin,” suhestiyon ko bago ako bumaling ng tingin sa kaniya. Nagsalubong lang naman ang kaniyang mga kilay habang nakatingin siya sa daan.“Your favorite bro is currently on a medical mission. Sumunod ka sa bundok kung si Klein ang gusto mong makasama,” masungit niyang banat kaya napangiwi ako at napabuntonghininga.“You can work with me, Masien. Hindi mo kailangang manamit ng ganiyan kung hindi ka komportable.” Napapikit ako at humalukipkip. Isa pa siyang walang tiwala sa akin.“May gusto akong patunayan,” mabilis kong pagtanggi dahil kapag nalaman ni Ama na kay Devin ako dumipende ng trabaho ay parang sinabi ko na rin na hindi ko kayang mabuhay nang mag-isa.Upang hindi niya na muling buksan ang topic na iyon ay pinagmadali ko na lamang siya. Nag-aalala ako na baka kainin ko ang aking mga sinabi kung masisisante agad ako sa unang araw ko sa trabaho.Ang kaso, pareho kaming walang nagawa nang maabutan kami ng traffic sa daan.Putragis!Aburidong-aburido tuloy ako lalo na nang tumawag si Ma'am Esmeralda upang sabihin sa akin na nasa opisina na si Yevhen.“Bilisan mo, Devin! Diyan mo na lang ako ibaba.” Itinuro ko ang gilid ng kalsada nang makita ko ang building ng MARIA. Mabilis ko ring isinukbit ang bag ko at saka ko isinuot ang sapatos kong may mataas na takong.“Ako na ang mag-aayos ng mga gamit mo sa bahay. Tawagan mo ako kapag pauwi ka na. Susunduin kita,” pahabol niya na hindi ko na naman inintindi dahil kumaripas na ako ng takbo papasok ng building.Muntik pa nga akong matapilok kahit na isang linggo naman akong nag-practice maglakad ng naka-heels bago ako nagsabi kay Yevhen na handa na ako.“Masien!” Malakas na tawag ni Ma'am Esmeralda ang bumungad sa akin sa lobby. Sinensyasan niya akong magmadali kaya kahit iika-ika ako sa paglalakad ay binilisan ko pa rin.“Mamaya ka na mag-explain,” she said as she hurriedly pulled me towards the elevator.“Your table is located outside his office. Mag-ri-ring ang intercom beep when he needs you,” pahayag niya nang makapasok kami sa loob ng elevator.Marami pa siyang pinagsasabi ngunit nawala sandali akong nawala sa realidad nang may nakita akong isang napakagandang babae.Putragis! Nararamdaman ko nang gaganahan akong magtrabaho rito.“You’re a woman, Masien,” komento ni Ma'am Esmeralda nang mapansin niya ang aking ikinikilos. Napilitan tuloy akong tumango at sumang-ayon sa kaniya.Nakalimutan ko.Kasama nga pala sa trabaho ko bilang sekretarya ni Yevhen na maging babae.“Let's go,” pagmamadali ni Ma'am matapos bumukas ang pinto ng elevator sa pinakamataas na floor ng building.Noong oras na makita siya ng mga excecutive staffs ay tumayo agad ang mga ito at sinalubong kaming dalawa ng masiglang pagbati.“Good morning, everyone! This is Miss Masien De Dios, your CEO's new secretary. Please take care of her,” anunsiyo ni Ma'am kaya isa-isa nila akong binati. Ngumiti naman ako at sumaludo pa.“You’ll know what to do. Go to Yevhen's office,” she muttered before she bid her good bye. Napanganga naman ako at hindi makapaniwala.“Hindi niyo na ako sasamahan, Ma'am?” I panicked, thinking I lost my human shield.Late ako. Siguradong magbubuga iyon ng apoy at sisisantehin ako kung wala ang kaniyang ina sa tabi ko.“I'm scared of my son when he's galit, so kaya mo na iyan. Tell him not to fire you, ha.” Tinapik-tapik niya ang aking balikat saka niya ako iniwan at sumakay muli sa elevator nang walang pag-aalinlangan.Gusto ko sanang umalma pero bigla na lang may lumapit na babaeng staff sa akin at nagsabi na ihahatid niya ako sa aking table. Napangiti tuloy ako nang makakita na naman ako ng isang anghel.“Miss, may boyfriend ka na ba?” pasimple kong pag-uusisa habang naglalakad kami sa hallway.Sasagutin niya na sana ang aking tanong, kaya lang ay bigla na lamang naming nakita si Yevhen na nakasandal sa hamba ng isang pintuan na parang mayroong hinihintay.“You’re here. Follow me,” malamig niyang bati bago siya tumalikod at walang pasabing pumasok sa loob ng nakabukas na kwarto.Nagpaalam agad sa akin ang babaeng staff na kasama ko, pero bago siya umalis ay itinuro niya muna ang aking mesa at opisina ng CEO kung saan pumasok si Yevhen.Ang bait-bait niya nga dahil sinabihan niya akong huwag iiyak at huwag mag-re-resign agad.Nang ako na lamang mag-isa ay hindi ko na naman alam ang gagawin. Paano kung tanggalin agad ako ng h*******k na iyon?!Pumikit ako nang ilang sandali at saka huminga nang malalim. Nang kumalma ay hindi ko na binababa ang aking bag at nagdiretso na agad sa loob ng opisina ni Yevhen.Naabutan ko siyang nakaupo sa kaniyang swivel chair, sa harap ng magara niyang mesa.“Miss Maria, here's the list of the company's executive ranks, departments and shareholders. Memorize them,” he muttered before he tapped the several thick folders on his table.Napangiti naman ako sa tuwa nang hindi ko siya maaninagan ng galit. Lumapit din agad ako sa kaniyang mesa para kuhanin ang mga dokumento.“After that, create my day and weekly schedules based from this documents. You'll be the one to set and adjust my meetings,” dagdag niya pagkatapos ay ibinigay niya rin sa akin ang tatlo pang folders.“Iyan lang ba?” pagmamayabang ko kahit na wala akong kaalam-alam kung paano magsisimula.“Also, check your computer. Read every email and report it to me,” he nonchalantly mentioned which made me gulp.“And lastly, make me a brown coffee. No sugar, please,” pagpapatuloy niya pa kaya lumukot na ang aking mukha.Putragis! Wala pa akong trenta minutos dito pero nalulula na agad ako sa dami ng mga gagawin.“Sige, Sir,” pilit na pilit kong sagot bago ko kinuha ang lahat ng mga papeles na kakailanganin ko.Hindi naman nakatakas sa aking paningin ang lantaran niyang pag-e-examine sa aking kabuuan.“Ano? Ayos ba 'tong suot ko?!” may pagmamalaki kong tanong bago ako nag-pogi sign sa kaniyang harapan.“You’re cute. You better wear pink, next time,” he suddenly exclaimed before he smiled at me. Nalaglag tuloy ang aking panga at napailing.“Pambakla ang pink, Sir,” sagot ko pero bigla siyang napaubo kaya kumunot ang aking noo.Putragis!May sakit ba siya? Hindi siya pwedeng mawala sa pwesto bilang CEO. Paano na ako at ang trabaho ko?!PUPUNGAS-PUNGAS ako sa harap ng monitor ng computer kasabay ng aking pagpapadyak sa sahig. Sumandal ako sa likod ng aking upuan at nag-inat pagkatapos ay tumingala ako sa ilaw na nasa ceiling upang magmuni-muni.Ilang gabi na akong walang matinong tulog at araw-araw na rin akong umuuwing lantang bulaklak sa rami ng pinagagawa at utos ni Yevhen.Putragis! Simula noong unang pasok ko rito noong nakaraang linggo ay parang inalipin niya na ako.Tulad na lang ngayon!Wala ng katao-tao sa buong building. Pati 'yong mga empleyado na nag-overtime ay kanina pa nakauwi.Lampas na nga rin 'yong eight hours na pagtatrabaho ko pero ayaw niya pa rin akong pauwiin dahil may kailangan pa raw kaming tapusin. Nag-iinit tuloy ang ulo ko at nauubusan na talaga ako ng pasensiya.“Hindi na 'to makatarungan,” umiiling kong monologo. “Kung isumbong ko na kaya siya sa DOLE?!” Mabilis akong tumayo at hinubad ang aking ID bago ko iyon hinampas nang malakas sa aking mesa. Sa aking ginawa ay para bang handa na
INIHATID ako ni Yevhen na parang walang nangyari dahil hindi niya alam ang nakita ko.I was also bombarded with so many questions. Hindi ko alam ang gagawin at hindi ko na rin alam kung paano aakto sa kaniyang harapan.Putragis! Nalimutan ko na tuloy ang plano kong mambabae, sa halip ay magdamag na nagpabalik-balik sa isip ko ang pigura nilang dalawa ng kaniyang lalaki habang magkayakapan.“Miss Masien, ang haggard mo ngayong umaga. May tinda akong facial mask, baka gusto mo. Murang-mura lang,” puna ni Eva, isang excecutive staff na kilalang nagbebenta ng kung ano-anong produkto dito sa kompanya kahit na bawal.Nginitian ko lang naman siya at nagtuloy-tuloy lang ako sa pagpasok sa loob ng pantry room para magtimpla ng gatas ko.My head is aching because of Yevhen. Binigyan niya kasi ako ng malinamnam na tsismis na hindi ko naman pwedeng ipagkalat.Naninikip tuloy ang dibdib ko!“Uy, Miss Masien, ha. Plano ka na yatang ibahay ni Sir Yevhen dito sa opisina,” salaysay ng isa sa dalawang
“STOP following me, Maria,” seryoso ngunit naiinis na niyang saway nang magpang-abot kaming dalawa sa labas ng opisina ng Chief Financial Officer.Buong umaga at hapon na kasi akong bumubuntot sa kaniya at alam niya na rin siguro na hindi ko talaga siya titigilan kaya sinabihan niya na ako kanina na umuwi ng maaga.Pero hindi iyon mangyayari. Buhay ko ang nakataya rito kaya hindi pwedeng basta ko na lang siyang hayaan.“Umuwi ka na,” pagtataboy niyang muli bago niya ako iniwan. Napairap naman ako saka ako muling sumunod sa kaniya.“Hindi ako titigil hangga't hindi ka bumibigay,” walang sawa kong pangungulit pero hindi niya ako pinansin, sa halip ay huminga lang siya nang malalim at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.Putragis! Pakipot talaga ang bakla!“Sir, sagutin mo na kasi ako!” pikon kong sigaw kaya siya napatigil. Nang harapin niya ako ay magkasalubong na ang kaniyang mga kilay.Nginitian ko naman siya at humingi agad ng paumanhin sa aking inakto. Ang problema nga lang ay huli na nang
“PUTRAGIS! Sino ba 'yong lalaki na iyon?” tanong ko sa aking sarili bago ko kinuha ang isang lapis na ipinangkamot ko lang naman sa aking ulo.Nakanguso ako sa tapat ng computer habang umiiling at malalim na nag-iisip. Lumipas man ang ilang araw mula noong tangkain niyang manghalik ay tumitindig pa rin ang lahat ng mga balahibo ko sa katawan.Putang ina!Hindi na ako sigurado kung bakla nga siya o hindi. Basta isa lang ang natitiyak ko. May something talaga sa kanila ng Hero na iyon.Instead of doing work-related stuff, I searched for the name Hero on all of social media platforms. Tiningnan ko rin kung internet friends sila ni Yevhen, pero dahil sobrang private ng hinayupak ay wala tuloy akong nakita.“Maria.” Mabilis at awtomatiko akong napatayo nang marinig ko ang boses na iyon pagkatapos ay agad ko ring in-exit ang tabs ng lahat ng social media platform na binuksan ko sa computer.“S-Sir,” nauutal at nakangiti kong bati sa kaniya matapos kong bumaling ng tingin sa kaniya.Hindi ak
NAPUNO ako ng pag-aalala matapos kong lumabas ng conference room. Dahil doon ay hindi ko na naimis ang mga folder na ginamit namin kanina.Hindi siya galit. Mukhang hindi niya rin ako sinisisi. Pero kasi, binabagabag pa rin ako at nakokonsensiya dahil may parte ako roon sa pagkapahiya niya sa harap ng board members.“Matatanggal kaya siya sa posisyon?” Wala sa sariling nasabunutan ko ang aking wig. Mabuti na lang ay hindi iyon natanggal sa pagkakabit sa ulo ko.Putragis!Gusto ko sana siyang sundan para humingi ulit ng tawad o 'di kaya ay paganin na lang ang kaniyang loob pero hindi ko naman alam kung saan siya nagpunta.Dumiretso ba siya sa office niya o sumunod sa lolo at pinsan niya?Nagpabalik-balik ako sa harap ng conference room. Punyeta. Pinag-o-overthink ako ni Yevhen!“Kung kausapin ko na lang kaya si Chairman?” suhestiyon ko sa aking sarili pero agad din naman akong napailing. “Baka masisante ako. Nakakapangilabot pa naman ang tingin ng matandang iyon,” pagpapatuloy ko bago
LINGGO ng umaga. Nagising ako at naalimpungatan sa pag-ri-ring ng aking cellphone. Wala na sana akong balak na sagutin ang tawag pero paulit-ulit iyon at hindi na ako makatulog. Putragis! Wala nga akong pasok ngayon pero ang aga-aga namang mambulabog ng mga kaibigan ko. Pero kagagawan ko rin naman. Every week kasi ay may conference call kami, alinsunod na rin sa kagustuhan ko dahil nag-aalala ako para kina Adeena at Zemira. Sa pangambang baka may nangyari nang masama sa kanila ay pipikit-pikit kong kinuha sa ilalim ng aking unan ang cellphone, saka ko sinagot ang kanilang tawag nang hindi binasa kung sino ang gumawa ng conference call. “Adi, ano? Gusto mo na akong ampunin diyan sa Micora?” salubong kong tanong sa kabilang linya na hindi naman sumagot kaya naisip kong baka wala pa sa tawag si Adeena. “Oh, Zemira, pare, may problema ba kay Hera o kay Onion?” nakapikit ko pa ring pag-uusisa bago ko minura nang malakas 'yong putang inang lalaking nang-iwan sa kaniya. Pero wala na n
“TAKE this as an opportunity, Sir. Minsan lang ako tumulong,” pagbibida ko kahit na kaninang-kanina pa namumula ang kaniyang mukha sa galit.“I-I don’t need these toys!” he answered, blurting out as he forcefully gave back the box to me. Napaatras tuloy ako nang maramdaman ko ang impact.“Iuwi mo na iyan!” mariin niya pang utos habang nakaturo sa malaking kahon na ngayon ay yakap-yakap ko.Umiling naman ako upang umapela. Putragis!“Isang buwan kong sahod ang isinakripsiyo ko rito, tapos ayaw mong gamitin,” mahina kong sumbat kasunod ng paghinga ko nang malalim. Nakakadismaya. Ngayon lang ako nakita ng taong niregaluhan na, hindi pa natuwa.“Did I tell you to buy those things for me?” Sinamaan niya ako ng tingin bago umigting ang kaniyang panga. Isang matalim na irap naman ang nakuha niya mula sa akin.“Hindi mo sinabi, pero hindi ba pwedeng tanggapin mo na lang at mag-thank you ka sa'kin, Sir?” Pinagdiinan ko ang pagtawag ko sa kaniya, ngunit lalo lang tumindi ang galit niya sa aki
PUTRAGIS! Hiyang-hiya akong tumakbo papalabas ng kaniyang bahay matapos kong ma-realize ang katangahang ginawa ko.Putang ina. Bakit ko isinubo?!Huminga ako nang malalim na malalim. Hindi na sana ako magpapakita sa kaniya ngayong araw na 'to dahil sigurado akong wala na naman akong babalikang trabaho.Iyon nga lang ay bigla siyang tumawag kagabi. Hindi niya ako sinesante, pero ramdam kong mas pinahirapan niya naman ako sa trabaho.“Did you really change my coffee?” he asked after he took a sip on the cup of coffee. Lihim namang napuno ng inis ang aking dibdib dahil parang ipauulit niya naman yata sa akin ang kaniyang kape.Putragis!Hinihingal na ako sa kapapabalik-balik sa pantry room at sa kaniyang opisina, pero wala pa rin yata siyang balak na pagpahingahin ako.“Sir, sinunod ko na 'yong gusto mo kanina. Nilagyan ko na ng asukal iyan,” imporma ko habang nagtitiis na ngumiti. Nang marinig ang aking tinuran ay mabilis niyang ibinaba ang baso sa kaniyang mesa. Lantaran na tuloy akong
SHE and our baby became my inspiration to work harder and to create jewelry designs better.Simula noong nakuha namin ang kontrata sa Miss Universe Organization, nagsunod-sunod na kaming kinuha ng iba pang beauty pageant organization.That was just a dream before, but damn, it came true.May bonus pa akong magandang asawa at mga magiging anak pa namin.“YEVHEN, uwi ka na, please. Nandito si Chairman sa bahay,” she said over the phone, making me rush to go home.She’s in her sixth month.Nagkaayos na naman sila bago kami ikinasal pero inamin niya sa akin na hindi pa rin siya sanay kaya hindi ko mapigilang mag-alala.Sumobra kasi ang bait ni Lolo lalo na simula noong nagbitiw na siya sa posisyon niya sa MARIA Corporation. Kahit nga kay Daddy na hindi niya matanggap-tanggap noon ay gustong-gusto niya nang kasama ngayon.I hurriedly went out of the office to get in to my car. Mabuti na lang ay hindi pa traffic hours kaya nakauwi agad ako sa bahay.“Lolo, what brings you here? Akala ko na
*Love Magnet*Yevhen Thyne Mercado VillamayorI’M always ready since the day I fixed the company, so when I got the chance to ask her, I immediately proposed right away.We married each other again on our birthday. Hindi na sa papel lang, sa totoong simbahan na.“Yevhen!” My body tensed and I jolted in the kitchen right away when I heard her shout. Baka kasi kung ano na ang nangyayari.“Yes, love? What happened?” may pag-aalala kong tanong sinuri ang kaniyang kabuuan.Gumaan lang ang pakiramdam ko nang makita kong walang masamang nangyari sa kaniya.“Ang sabi ko sa’yo, bilhin mo lang 'yong mga kailangan natin sa bahay. Saan natin ilalagay ’tong mga labis na chicken, pork, and beef? Hindi na kasya sa ref,” sermon niya kaya nakagat ko ang aking pang-ibabang labi.Ayaw ko lang naman na lalabas pa siya ng bahay namin kapag wala nang stocks. Ayaw niya rin naman kasing maghanap kami ng kasambahay dahil kaya niya naman daw.“I’ll just order a new freezer,” panlalambing ko kasunod ng paglakad
*Banana Needs Help!* Yevhen Thyne Mercado Villamayor AFTER all those months that we were apart, she was still scared to take me back. Fuck. Has she forgotten me already? Oh, God. I would not allow that. Kung nakalimutan niya na ako, paiibigin ko ulit siya. ’Yong mas malalim para wala na talaga siyang kawala pa. “You can’t escape me, Maria. Hindi kita hihiwalayan kahit kailan.” I sighed out loud before I looked at the evening sky. Nandoon siya sa pool area kasama ng mga kaibigan niya, samantalang nandito naman ako sa dalampasigan, nag-iisa. Maliwanag pa rin ang paligid dahil maraming poste ng mga ilaw sa tabong-dagat, pero parang ang lungkot-lungkot pa rin. Maybe because my heart was breaking. Damn it. “Humanda ka sa akin, love. Hindi ka talaga makakalakad kapag nagkaayos na tayo,” salaysay ko sa hangin kasunod ng pagsipa ko sa mga inosenteng bato sa buhanginan. Kaunting tiis pa. Naayos ko na naman ang lahat sa kompanya kaya libre ko na siyang masusundan kahit na saan. “
*Lonely Kimchi and Sad Banana* Yevhen Thyne Mercado Villamayor I thanked Ama a million times after his daughter and I got married. Hindi man kami kinasal sa simbahan, pero at least may papel na akong panlaban kay Maria. I already imagined a happy ever after with her, but our marriage was immediately tested when I discovered her past relationship with her brother. Naging sila pala noong iniwan ko siya. “Y-Yevhen, please magpapaliwanag ako.” She hugged me as she panicked while I was trying really hard to digest her brother’s revelation. I couldn’t feel anything as I couldn’t believe it. H-how could he fucking do that?! Kahit ampon lang siya, hindi niya dapat ginawa iyon kay Maria. Siya ang mas nakatatanda kaya siya dapat ang may alam ng tama at mali. “Sorry na. Gulong-gulo ako noong oras na iyon. Pinipilit akong magpakasal ni Mark tapos iniwan mo ako tapos. . .” Bigla akong natigilan at hindi makahinga ng maayos. Right. That was my fault. Kung hindi ko siya iniwa
*By hook or by crook* Yevhen Thyne Mercado Villamayor The following days were the fucking happiest days of my life. Damn it. I would always sleep and wake up with a smile. Wala nga yatang kayang magpasimangot sa akin simula noong naging kami. Yeah. Yeah. I know. Malala na ako, pero ano’ng magagawa ko? Binabaliw ako ni Maria araw-araw. “Sir, excuse po.” My heart automatically hammered when I heard her voice. Nang sulyapan ko siya habang nasa meeting kami with the board of directors ay hindi ko na napigilang mapangiti. Fuck. “Sir, ito po 'yong mga scheduled events ng kompanya. Nag-email na po ako sa mga secretary nila, pero mas maganda na sabihin niyo pa rin para hindi kayo mahirapan sa huli,” pormal na pormal niyang salaysay kaya napatikhim na lang ako para pigilan ang pagtawa. Damn it. Hindi ko alam na nakakabading pala ma-inlove kay Maria. I cleared my throat again. “May email ang secretary ko sa mga secretary niyo. Kindly check it, and the meeting is adjourned,” I anno
*Falling Slowly In Love with You* Yevhen Thyne Mercado Villamayor “SIR, Sir, Sir.” Napapikit ako sa inis nang marinig ko ang boses na iyon na kapapasok lang sa loob ng office ko. She’s here. Wala na akong nagawa noong si mommy mismo ang nagsabi na si Maria ang magiging bago kong sekretarya. That time, I agreed because my plan is to just use her. Kung siya ang makakasama ko ay hindi na kami pagdududahan ulit ni Clementine ng board of directors. Pero sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay umaayaw na ako at parang gusto ko na siyang sisantehin. “Sir, nakikinig ka po ba? Putragis! Dangal mo ang iniingatan natin dito kaya makinig kang mabuti,” maangas niyang pahayag bago siya pumadyak-padyak na tila nagdadabog. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala siya sa aking mesa. Hinilot ko na lang tuloy ang aking sentido. I really fucking hate this woman—lesbian, everyday. “Not now, please. Sumasakit ang ulo ko, Maria,” pagsisinungaling ko para matakasan ko lang ang tsimis na ibibida niya. “
*Enemies at first sight* Yevhen Thyne Mercado Villamayor “I’m already here, Kuya Blade. Ano’ng room number ni Ate?” I asked over the phone while I was walking inside the hospital. Nang mabalitaan ni mommy kanina na kapapanganak lang ng pinsan ko ay pinagmadali niya na agad akong pumunta rito. Mas excited pa kasi siyang makita ang baby kaysa kay Ate Zemira. “Fourth floor, Yevhen. Room 407. Lumabas lang ako sandali, nandoon si Hera Leigh sa tabi ng ate mo,” sagot niya bago kami nagpaalam sa isa’t isa. At dahil alam ko na kung saan matatagpuan si Ate ay dumiretso na agad ako papunta sa elevator at hindi na nagtanong sa nurse’s station. I just need to take pictures of the baby then I’m done. Nautusan lang talaga ako ni mommy. “Room 407,” I murmured after the elevator opened on the fourth floor. Nang lumabas ako ay nagpatingin-tingin ako sa bawat nakasaradong pinto hanggang sa matunton ko ang aking hinahanap. “Ate,” I called her as I knocked on the door, twice. Pinihit ko na rin an
“H-HINDI pwede. Hindi pa kami nagkakaayos.” Lalo kong binilisan ang aking pagtakbo habang dala-dala ang mabigat na damdamin. Nagdarasal akong hindi sana totoo ang sinabi ni Ryu, ngunit nang makarating ako sa dalampasigan ay unti-unti nang gumuho ang aking mundo. Halos masiraan ako ng bait nang makita ko si Yevhen na nakahiga sa buhangin habang pinagkakaguluhan siya ng kaniyang mga kasama. Na-estatwa ako. Ni hindi ko magawang humakbang at lumapit sa kaniya dahil samu't saring emosyon na bumalot sa aking pagkatao. “Ayun sila,” may pagmamadaling pahayag ni Ryu nang maabutan nila akong nakatitig lamang sa dati kong asawa na wala ng malay. “Masien, Masien, makinig ka sa akin.” Naramdaman ko ang pagtapik-tapik ni Cyllene sa aking pisngi kasunod ng isa-isa nilang pagyakap sa akin habang umiiyak. Hindi ito totoo! Tang ina. Buhay pa siya. Magkausap lang kami kanina. “B-buhay pa siya, 'di ba? Hindi pa kami nagkakabalikan.” Ngumiti ako, ngunit hindi ko na napigil ang aking damdamin. “I’
HINDI ko tinanggap ang alok niyang trabaho, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil sa tuwing nakikita ko siya ay kinakain ako ng konsensiya ko. Tang ina naman kasi, e. Bakit ba gusto niya pa akong makatrabaho ulit sa kabila ng lahat ng hindi magagandang ginawa ko sa kaniya? M-mahal niya pa ba ako? “Imposible,” umiiling-iling kong bulong bago ko ginulo ang aking maiksing buhok. Hindi na ako mahal niyon. Tanga na lang ang taong may mararamdaman pa rin sa taong nananakit at nang-iwan sa kaniya. “Bes, kasama ka ba namin? Kanina mo pa kinakausap ang sarili mo,” pagpansin sa akin ni Elle na sinamahan niya pa ng pagkalbit kaya bigla akong matauhan. Sa buong araw naming magkakasama na magkakaibigan ay mabibilang lamang sa daliri kung ilang beses akong nakipagkwentuhan sa kanila. Ewan ko ba. Nawawalan talaga ako ng gana sa tuwing naiisip ko si Yevhen. Putragis. “Kaninang umaga niya pa kasi pinoproblema ’yong pagtanggi niya kay ex-husband. Madilim na at lahat ang paligid, hin