Thank you po ate Aldicen sa gem. Sana po nag enjoy kayo.
Natuloy ang kasal namin ni Cassandra. For past 2 months, wala akong ginawa kung hindi ang sungitan siya at itaboy siya. May mga masasakit din akong salita na sinabi sa kaniya. All I did is to hurt her kahit na wala naman siyang kasalanan. Pero kahit na ganoon ay hindi ko siya nakitaan na nagalit sa ‘kin. Inaalagaan niya pa rin ako. In fact, she’s really perfect. Pang wife material at sobrang maalaga na kada uwi ko ay wala na akong ibang gagawin kung hindi ang kumain at magpahinga. Sa sobrang perfect niya, sa sobrang maalaga niya kaya naitutulak ko siya palayo. Natatakot kasi ako na baka tuluyan ko ng makalimutan si Lianne. “You know what bro, everyone here envy you.” Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Brandon. Why would they envy me? “Why?” “Your wife prepared your lunch. Ang sarap pa ng mga luto niya. Sayang at wala kang tinitikman,” partly true dahil ang mga pinapabaon ni Cassandra sa ‘kin ay binibigay ko sa iba. “Bakit ko naman titikman ang luto niya? I’m sure hindi naman masarap,
Nahihibang na yata ako. Nasa L.A na nga ako pero ‘yong utak ko naiwan yata sa Pinas. Siya lang mag-isa sa bahay, paano kung isinugod ulit siya sa hospital? Paano kung may nangyaring hindi maganda sa kaniya? “Li, just call her already. Para ka nang baliw diyan kakatingin sa number ng asawa mo.” Ani ni Ashtid habang humihithit ng sigarilyo. Napabuntong hininga ako at tinawagan si Cassandra but nangunot ang noo ko nang hindi ko ito ma contact. “Bakit hindi ko siya ma contact?” napuno ako sa pag-aalala habang sinusubukan ko pa ring tawagan si Cassandra but hindi ko pa rin siya ma contact. Tumayo ako at umupo rin agad nang may mapagtanto ako. “Hindi mo naman siguro naiisip na bumalik ng Pinas dahil lang hindi mo siya matawagan?” Tumingin ako kay Ashtid, nakita ko siyang bored na nakatingin sa ‘kin. Ano bang ginawa ni Cassandra? Lumayo na ko’t lahat pero bakit hindi pa rin ako nilulubayan ni Cassandra? “You seemed so confused Li, don’t tell me uuwi ka? Decide now hangga’t hindi pa natin
“Liro, sa ‘yo ako sasabay mamaya pagpunta sa shrine.” Kasalukuyan kong tinutupi ang polo na soot ko nang biglang pumasok sa kwarto namin ni Cassandra."Bakit ka pumasok sa kwarto namin?" gulat na tanong ko sa kaniya?"Bakit Liro? Bawal na ba akong pumasok sa kwarto niyo?""Lianne, we already talked,""Yeah, and babawiin nga kita sa kaniya. Sinabi mo na naguguluhan ka sa nararamdaman mo para sa kaniya, so here am I to help you para ipa realize sa 'yo na ako pa rin ang mahal mo at hindi siya.""Stop this Lianne. Bibigyan ko ng chance ang relationship namin ni Cassandra. I'm sorry kung nagulo ko ang pananahimik mo." After I said those, umalis ako sa kwarto at sinundan si Cassandra na nasa labas na at hinihintay ako.I know na iniisip niya na si Lianne ang sasabay sa 'kin, kaya inunahan ko na siya at kinuha ang kamay niya saka dinala sa kotse ko.Sa akin siya sasabay dahil ako ang asawa niya.Sa shrine, hindi ako tinantanan ni Lianne. I have no choice kun'di ang kausapin siya ulit nang ma
I've been monitoring sa mga galaw ng asawa ko. Ang sabi ng private investigator, wala siyang ibang lalaki but iba ang nararamdaman ko. I know, may iba siyang kinikita. That's what I felt."Ito lang ba lahat?" tanong ko sa P.I na hindi makatingin sa 'kin."Yes sir," ibinaba ko ang envelope na bigay niya dahil wala naman akong mapapala doon. Walang laman ang mga ibinibigay niya since then. Ako ba niloloko nito?"Magkano ang loyalty mo?" nakita ko ang panlalaki ng mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. Hindi ba sapat ang binabayad ko para pati ang loyalty niya ay para sa ‘kin lang?"Who pay you para bigyan ako ng mga maling impormasyon?" Hindi siya makatingin nang maayos. Tama nga ang hinala ko na may nagbabayad sa kaniya nang malaking halaga para bigyan ako ng mga maling impormasyon."Wala po sir, wala pong nagbayad sa 'kin,""Private investigator ka, kilala mo naman siguro kung sino ang nagpalaki sa 'kin 'di ba?" hindi siya sumagot. Alam na niya ang ibig kong sabihin.“It was the Acu
“Uuwi ka na, Li?” tanong ni Brandon. I nodded at him habang papunta sa sasakyan ko.“Pasabay ako,” aniya but bago pa man ako makasagot ay sumulpot bigla si Lihiro sa likuran ko. “Sorry, ako isasabay ni kuya.” Hindi pa man ako naka-oo ay sumakay na siya agad sa loob ng sasakyan ko.“Sino siya Li? Kapatid mo?” hindi ako sumagot. Kunot noo akong pumasok sa loob ng sasakyan at nakitang prenteng nakaupo si Lihiro sa tabi.“What are you doing here?”“Don’t be so mean kuya. Hinintay pa naman talaga kita na lumabas sa office mo.”“Ano na namang pakay mo this time? Baka nakakalimutan mo kung ano ginawa mo last time? You told me na may sasabihin ka about my wife but all you did ay magpa libre nang magpa libre sa ‘kin.”“Ang sama ng ugali mo kuya.”“Labas,”“Ayaw ko! Bahala ka diyan.”"Bakit ka ba sunod nang sunod sa 'kin? Wala ka bang pasok? And what are you wearing? Namumulubi ka ba kaya kailangan mong magtrabaho?""It's not my fault! Inutusan ako ng baliw kong kapatid." Aniya at sumimangot."
Making efforts to my brother seems the nicest thing to do. I always tried contact him. Sa mga araw na nagdaan, inaalam ko ang kinaroroonan nila.Gusto kong malaman kung nasaan sila. And I can achieve this if mapalapit ako kay Lihiro ng husto.I invited him to go with me sa isang resort na pagmamay-ari ng isang kaibigan ko."Kuya, mapapatay ako nito kung hindi ako umuwi sa bahay e.""C'mon. Don't be a pvssy." Pang e-engganyo ko sa kaniya. Napakamot siya sa batok niya na inilingan ko lang.Kumuha ako ng isang slice ng pizza. Kakatapos ko lang sa trabaho at dumiretso agad dito to bond him.Hindi pa alam ni Mom ang tungkol kay Lihiro. Ayaw ko munang sabihin hangga't hindi ko pa nakikita sina mama at Hiro."Fine. I'll pack my clothes later. Basta bilhan mo 'ko ng new phone." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Where's his phone?"Bakit? Nawawala ba ang phone mo?""Nope. Tinapon ng baliw kong kapatid ang cellphone na kakabili ko lang last month. Now, I'm using the old phone of my cousin." Na
Tahimik lang kaming dalawa ni Lihiro habang nakaupo sa dalampasigan at nakatingin kami sa dagat. Gabi na kaya mangilan ngilan nalang ang nandito sa labas na naliligo.“Beer pa kuya,” inabot niya sa ‘kin ang isang lata ng beer na tahimik ko lang kinuha at ininom."Alam mo?" tanong ko. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon."Yes,"I see. So it makes sense. Kaya kilala niya si Cassandra at kilala niya 'ko dahil si Hiro pala ang lalaki niya ng asawa ko.Tumawa ako. Nagmumukha akong tanga sa lagay ko ngayon.Marami akong gustong itanong. Alam ba ni Cassandra ang ugnayan namin ni Hiro? Malamang. We have the same face."Why you didn't tell me?""Cause I'm not in the position, kuya."Ito pala. Ito pala ang pakiramdam nang masaya at the same time ay galit. Gusto kong manapak dahil pakiramdam ko ay naloko ako pero bakit pakiramdam ko, wala ako sa lugar para gawin iyon?Pumasok sila sa hotel. Nakita ko si sir Roberto yakap si Cassandra. Pumasok silang tatlo sa loob at nandito ako sa la
Nasa store La Mia ako. Hinihintay ko si mama. Hiro texted me to wait Mom here. Kasama ko ngayon si Mommy, ang nagpalaki sa ‘kin. Nang kinausap ko siya no’ng umuwi ako, hindi rin siya makapaniwala na buhay ang kakambal ko at si mama. Pareho kami ng reaction nang malaman ang katotohanan. She wants to come with me so sinama ko siya. Noon pa man, matalik na silang magkaibigan ni mama kaya hindi siya nag atubili na tanggapin ako at alagaan. “Anak, kamusta na ang itsura ko? Ayos lang ba?” natawa ako dahil hindi ko na alam kung pang ilang beses na niya itong sinabi sa ‘kin today. “Yes Mom. You look great!” I kissed her forehead dahil kitang-kita ko na kinakabahan siya. I told her many times na hindi dapat siya kabahan but I guess hindi niya talaga kayang pigilan. “Mom, it’s alright. Breathe,” wala pa si mama pero naiiyak na siya. She’s really emotional. Nasabi niya sa ‘kin na maiintindihan niya kung sasama ako kay mama this day but I promise her na kahit anong mangyari, hindi ko sila iiwa
Nakasakay si hiro at Cassandra sa isang truck habang binabaybay nila ang daan palayo sa ancestral house ng Acuesa. Nakatulog si Eve sa bisig ni Cassandra habang tahmik silang dalawa ni Hiro na nakaupo sa likuran ng truck. Hawak ni Hiro ang kamay ni Cassandra. Napatingin siya kay Hiro at nakita ang lungkot sa mga mata nito. Ngumiti si Hiro sa kaniya at hinalikan niya si Cassandra sa noo. “I’m sorry,” sabi ni Cassandra. Ngumiti si Hiro sa kaniya at umiling. “It’s not your fault. I keep in touch with Agui so I know everything.” “But, ang pagdating namin ang siyang dahilan kung bakit tayo umaalis ngayon.” Nakokonsensyang sabi ni Cassandra. Hinalikan siya ni Hiro sa mga labi kasabay ng pagtulo ng luha ni Cassandra. “Mamamatay na ako kung hindi ka pa dumating. Kayo ng anak ko,” sabi ni Hiro at pinunasan nito ang luha sa mga mata ni Cassandra. “But Hiro-“ “It’s fine, love. I trust my brothers. I dedicate my years for the family, this time, I choose you and our daughter.” Natigilan si C
Nasa labas ako sa kwarto ni Eve. Tinawag ko siya para lumapit sa akin. Ayaw niyang lumabas ng kwarto dahil nagtatampo pa siya sa papa niya."Halika na Eve. Samahan mo sa garden si mama." Sinabi ko sa kanya."Mama!" Nagmamaktol na aniya dahil ayaw niyang sumama. Kumunot ang noo ko dahil magkukulong lang naman ulit siya sa kwarto magdamag at maglalaro ng mobile games. Hindi ito maganda sa kaniyang kalusugan."Tama na ‘yan. Tara na. Makinig ka kay mama." Sabi ko at pinilit siya. Hindi ko alam kung bakit pero isa-isang nagsialisan ng bahay ang mga tao to the point na ako na lang, ang anak ko at si Hiro ang naiwan. Kahit si Lianne at ang kaniyang anak ay wala dito.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis.I chose not to mind it at pinilit ko nalang si Eve na sumama sa akin. Dahil ako na lang ang naiwan dito, ako na rin ang bahala sa mga gawain dito sa loob ng bahay.Pagdating namin sa garden, nakita ko ang mukha ng anak ko na nagulat habang nakatingin sa mga butterflies sa isang malak
Maya-maya pa, nang matapos ko na ang lahat ay umakyat ako sa itaas para kunin si Eve.Nakita ko siyang natutulog sa paa ng papa niya habang si Hiro naman ay payapang nakatingin sa anak niyang nakatulog.Nang makita niya ako, agad akong lumapit sa kaniya aora kunin si Eve."Pasensya na," sabi ko. Ngumiti lang siya sa 'kin. Iyong ngiting matiwasay. Nandito na naman ang bigat sa dibdib ko habang nakatingin sa kaniya. Gusto kong bumalik na siya sa dati."Mama," nagising ang anak ko. Nang makita na karga ko siya ay agad siyang lumingon sa papa niya."I'm sorry po, nakatulog ako." Sabi ni Eve."It's fine, princess." He's still the same. Kahit nawala na naman ang ala-ala niya, he sti treating our daughter like a princess.Magpagaling ka na Hiro. We are waiting for you.Magpapaalam na sana ako na aalis na, nang biglang may batang tumakbo papalapit kay Hiro."Daddy!" Sigaw ng batang babae. Nakatingin kaming dalawa ni Eve kung paano umakyat ang bata sa kama para yakapin si Hiro."Daddy, I misse
After a month, nasa ancestral house kami ni Hiro kasama ang anak ko. Maraming nangyari noon. Naging posible ang lahat ng ito dahil kay Luca. Kung wala ang tulong niya, tiyak na mahihirapan kami dito.------Habang naghahanda kami, inayos ni Agui ang mga kailangan kong dalhin para sa pagpunta ko sa ancestral house ng Acuesa.Inaayos ko na rin ang mga gamit ko para ready na ang lahat pagdating ko. Iiwan ko si Eve kasama ni Shia sa Hacienda Seya dahil masyadong delikado na dalhin ko siya sa Ancestral house kung nasaan ang papa niya."Handa ka na ba?" Tanong ni Liro habang nakaharap sa akin. Tumango ako. Sa mga nakaraang linggo ay inihanda ko na ang aking sarili para sa araw na ito."Alam mo na ang gagawin, Cassandra." Sabi niya.Alam ko ‘yan. Matagal ko na itong pinaghandaan. Kailangan ko lang malaman ang kalagayan ni Hiro, kung okay lang siya at kung maaari, doon ko siya ilalabas. Sabay tayong tatakas."Cas," napatingin ako kay Lihiro. Nag-aalala siya habang nakatingin sa akin.Lumapit
Alam kong sinusundan kami nina Lihiro at Stallion. Natahimik siya kanina no’ng sinabi ko ‘yon sa harap niya.Ang nakakapagtaka, tahimik din ang dalawang bata ngayon. Hindi naman sila nagtanong tanong. Hindi na ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa bahay namin. Nakaabang na sina Sam at Liro. Bakit kaya. Anong nangyari? Akala ko magtatagal sila sa ospital. Nakaparada ang sasakyan malapit sa bahay.Bumaba sina Eve at Atlas sa tricycle. Nagbayad ako at binuhat ang mga bag nila."Mommy, okay ka lang?" Napatingin ako kay Atlas. Ngumiti ako sa kaniya at hinalikan siya sa pisngi."Yes, love. Okay naman si Mommy." Sagot ako. Halata sa mukha niya na hindi siya kumbinsido sa sinabi ko. Niyakap niya ako ng mahigpit."I love you, Mommy. Huwag kang malungkot.""Thank you, baby. I love you too." Ngumiti si Atlas sa ‘kin ka naunang pumasok sa bahay. Pagtingin ko kay Eve, nakita kong seryoso siyang nakatingin sa akin."Mama, hindi ka okay." Aniya."Iniisip mo ba ‘yong sinabi nung lalaking yun?
"Andrea, salamat ah."Ngumiti lang ako at tinali na ang buhok niya. Kailangan niyang pumunta ng hospital para sa check up niya."Ano ka ba. It's fine. Oh ayan, ayos na." Sabi ko nang makitang ayos na."Thank you.""Welcome," sagot ko. Tamang tama na pumasok si Liro. Nang magtama ang paningin namin ay nakita kong nakakunot ang noo niya."Anong problema?" tanong ni Sam.Hinintay kong sumagot si Liro. May problema ba?"Mom called me. Nandito daw si Lihiro at Stallion." Oh, I forgot to tell him about them. Nawala sa isipan ko. Nang dumating sila nong isang araw ay agad kong inisikaso ang damit na dadalhin ni Eve dahil isinama nga siya nina Shia at Agui. Tapus nakatulog ang silang tatlo ni Atlas pagkatapos kaya hindi ko siya nakausap."Sorry Liro, I forgot to tell you. Nakita ko sila noong nag camping kayo. I was about to tell you yesterday butyou have your walk din." "No. It's okay. But I was confused. What are they doing here?"Naalala ko iyong pinag-usapan ni Stallion at Lihiro."I ov
"Well, I'm not sure. But I think, Luca is also wooing Gege. Or mali ako ng akala?" Sabi ni Shia. She looked so worried. Hindi ko naman aawayin si Gege. Haha.If Luca really likes Gege then it's fine with me. Basta ba, kailangan niyang mag explain sa 'kin kung bakit niya ako niligawan kung iba pala ang gusto niya."May sinabi ba si Gege sa'yo about Luca?" umiling siya. Wala ring sinabi si Gege sa'kin. "I asked Agui about Luca but wala naman siyang sinasabi."Tumango ako. I see. Mukhang tama nga ang hinala ko."I saw them kahapon sa Coffeteria." "Anong ginagawa nila?" curious na tanong ni Shia. Nagkibit balikat ako. Hindi ko alam pinag usapan nila but enough na ang mga nakita ko para hulaan kung anong mayroon sa kanila. "Date ba iyon?" curious na tanong ni Shia. "Parang," ikling sagot ko. Napasinghap siya. "Go, answer your phone." Binitawan ko ang mga kubyertos at sinasagot ang tawag. "Luca?""Hi," kinalabit ako ni Shia kaya napatingin ako sa kaniya. 'loud speaker mo' aniya sa wala
Pagdating ko sa mall ay bumili agad ako ng wallpaper. Eve wants everything in our room looks like universe. Ewan ko ba sa batang iyon at saan niya nakukuha ang ideyang iyon. Plano kong bilisan lang ang pamimili dahil malapit ng gumabi. Pumunta ako ng school supplies para bumili ng tape, gunting at glue gun. Palapit na ako sa school supplies store nang tumunog ang cellphone ko. Nakita ko ang pangalan ni Shia kaya sinagot ko ito. "Where are you?" tumambad sa 'kin ang boses ni Agui na hinuha ko ay nakakunot na naman ang noo. "Nasa mall. Bakit?" takang tanong ko. Gumilid muna ako dahil maraming tao ang nandito. "Anong oras na oh?" aniya. "Ano ka? Tatay ko?" natatawang sabi ko at mukhang narinig iyon ni Shia dahil narinig ko ang halakhak niya sa kabilang linya. "Umuwi ka na Andrea. Gabi na. Huwag matigas ang ulo." Iyon lang at pinatay na niya ang tawag. Siraulo talaga ito minsan. Tumuloy ako sa school supplies store at namili na ng mga gagamitin ko. Punuan rin dito. Maraming studya
"Mama," tawag sa 'kin ni Eve. Kasama ko siya sa sala dahil kasalukuyan kong kinukuha ang mga buto sa green peas na lulutuin ko mamaya."Yes, love?" tanong ko. Habang ang paningin ay nasa TV. Ka text ko si Shia kanina at nagsabing hihiramin niya si Eve bukas dahil isasama nila ito ni Agui bukas. "Can I go with Mommy Sam?" tanong niya. Nasabi ni Sam sa 'kin na aalis sila tatlo ni Liro at Atlas dahil balak niyang paglapitin ang mag ama."Anak, bonding kasi nila iyon e."Nakita ko siyang nalungkot bigla sa sinabi ko. Bumuntong hininga ako."Eve,""Mama, good girl naman po ako. Hindi po ako magpapasaway kina Mommy Sam e."I know nak, but"It's okay, Andrea-I mean, Cas." Napakamot si Sam sa ulo niya. Nang malaman niya ang totoo kong pangalan, nalilito na siya sa kung ano ang itatawag niya sa 'kin. Buong akala ko magtatampo siya na inilihim ko sa kaniya ang buong pagkatao ko but, tahimik lang siya.Hindi nagbago ang pakikitungo niya sa'kin. Kung paano niya ako pakisamahan noon ay same pa ri