Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Kevyn, kumunot ang noo nito saka naestatuwa habang nakatitig kay Maddox. Hindi makapaniwala si Kevyn sa narinig. Kinuyom nito ang kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. Kinalma ni Kevyn ang sarili at nilunok ang nakabarang laway saka ngumiti ulit, “Ako si Dr.
“Baliw ka na, Bryan!” inis na bulong niya sa lalaki ngunit humalakhak lamang ito. “Baliw na baliw sa’yo, Angel.” Hindi naman mapigilan ni Maddox ang gulat na kan’yang nararamdaman. Napaawang pa ang kan’yang labi’t unti-unting dumaloy sa kan’yang puso ang galit na nag-aapoy sa kan’ya. Ang lalaking
Napaupo si Maddox sa upuan at napahawak sa kan’yang tiyan. Nang marinig ang humahangos na si Alejandro sa kan’yang harapan ay napamulat siya ng kan’yang mga mata. Kita niya ang sakit sa ekspresyon ni Alejandro, nanlalaki ang mga mata ni Maddox nang makita ang nakatusok na kutsilyo sa tagiliran nito
Naririnig ni Bryan ang mga hiyawan ng mga tao sa loob ng bar. Malabo na rin ang paningin niya dahil sa natamong saksak kanina, mayroon kasing isang gang ang pumasok sa loob at nakipag rambulan doon kung kaya’t marami ang nadamay na civilian, isa na siya roon. Nakatamo siya ng saksak sa tagiliran pa
Ang problema ni Maddox tungkol kay Bryan Abonne ay naresolba na, so ano na ang susunod? Sasabihin na ba niya ang nangyari kay Kai Daemon? Ang tungkol sa aksidente nito? Napahinga ng malalim si Maddox habang pagod na naglakad palabas ng Star Hotel Restaurant. Naputol lamang ang malalim na isip ni
“Dok, kumusta po ang pasyente?” nag-aalalang tanong ni Maddox nang makalabas ang doktor sa emergency room kung nasaan si Cloud. “Ang pasyente ay nagkaroon ng mga sugat sa kan’yang braso pati na sa kan’yang mga hita. Fortunately, hindi naman seryoso ang mga sugat ng pasyente.” Napahinga ng maluwag
Habang nasa byahe si Daemon ay hindi siya mapakali, marami siyang naiisip na hindi maganda kung kaya’t agad siyang nagsalita, “Jacob, pakibilisan ang pag-drive.” Kailangan niyang makita ang kan’yang asawa para mawala itong masasamang naiisip niya. Ayaw niyang maisip ang lahat ng ito at ayaw na ayaw
Nang mawala ang doktor ay biglang natahimik ang silid. Agad na kumawala si Maddox sa yakap ng asawa saka hinawakan ang magkabilang pisngi nito. “Okay ka lang ba? May masakit ba sa’yo? Anong nangyari?” sunod-sunod na tanong ni Maddox sa asawa. Rinig niya ang paghinga ng malalim ni Daemon saka napah
Habang binabagtas nila Maddox ang daan papunta sa mansyon, nakasunod naman si Mr. Smith kasama nito ang tatlong tauhan na pinagkakatiwalaan niya sa kanyang kotse. Mayroon pa ring distansya ang pagitan ng kotse ng madam Maddox nila sa kanila. Ang utos kasi ng kanilang among si Daemon ay huwag ipaala
Ilang araw ang nakalipas nang tuluyang ma-discharge si Maddox sa ospital samantala ang kanilang anak na si Baby Aemond ay nanatili pa rin doon ng ilang linggo. Mahirap man na iwan ang anak ngunit iyon ang pinaka mahalagang gagawin upang mapabuti ang anak nila. Napahinga ng maluwag si Maddox habang
Nang makalabas sina Maddox at Demon sa NICU ay parehong nanlalaki ang mga mata nilang dalawa nang makitang nakaabang ang pamilya nila sa labas. Maging sina Mrs. Xander din ay nanlalaki ang mga mata nang makita si Daemon na usually nakaupo sa wheelchair ay ngayon nakakalakad na. Nakatulala lamang ang
Hindi alam ni Daemon kung gaano siya katagal na naghintay sa labas ng emergency room pero nakita niya na lang ang sarili na kausap ang doktor. Napaawang ang labi niya, handa na sanang magsalita ngunit dahil sa sobrang kaba ay hindi siya makapagsalita. Huminga siya ng malalim at pinilit ang sariling
Sa gitna ng madilim at tahimik na paligid, nakahiga si Maddox at Daemon sa malaki at malambot na kama habang yakap-yakap ang isa’t-isa. Mahimbing na natutulog si Daemon samantalang si Maddox ay naalimpungatan dahil sa kumirot ang kanyang tiyan. Napakunot ang kanyang noo dahil doon, hinawakan niya a
Kinagabihan, nakaupo si Maddox sa usual spot na tinatambayan niya sa harap ng garden mismo ng mansyon nila. Nasa harapan niya ang nakapatong na gatas sa mesa, hinihimas niya ang kanyang tiyan habang nakatingin sa maganda at kumikinang na mga bituin sa kalangitan. Katatapos lamang niyang mag-organiz
Dahan-dahang sinuyod ni Maddox ang paningin sa buong screen ng kanyang laptop na para bang may hinahanap. Kita niya sa screen ang nakausling panot na ulo sa camera na para bang nagtatago ito sa kanya. Napangisi siya nang makita ang pangalan ng taong iyon. Ang makintab na ulo nito ay kitang-kita sa
Wait lang po sa updates mga mhii, Birthday po ngayon ng iyong lingkod hahaha Super busy po kaya ganoon. Huwag po kayong mag-alala babawi po ako sa inyo after nitong celebration. Maraming salamat po 🫶🥰 Thank you po pala sa gifters ngayong month of February, sina Sis Delma na nagbigay ng pen grabe
Hindi pinansin ni Maddox ang nagbubulong-bulongang empleyado habang naguguluhan sa mga sinasabi niya. Madiin niyang tinikom ang bibig at matalim niyang tinitigan ang mga tao sa screen. Mayamaya ay inilipat niya ang matalim niyang titig sa Assistant supervisor ng kumpanya na si Kyla. Si Kyla na ngay