Galit na galit si Maddox dahil sa nakita. Alam niyang si Bryan Abonne ay may kagagawan ng lahat ng pagka-aksidente ng asawa niya. Talagang nagngangalit at nanginginig siya sa mga oras na iyon. Dahan-dahan siyang tumayo hanggang sa nilamon siya ng pagka-guilty. Alam niyang dahil sa kan’ya ay ginawa
Gustong tanungin sana ni Maddox kung bakit nasa apartment ito ni Cloud ngunit hindi niya iyon matanong nang sandaling magtama ang kanilang mga mata. Hindi napigilan ni Maddox ang sarili kung kaya’t mabilis niyang itinapon ang sarili sa bisig ng asawa. Niyakap niya si Daemon ng sobrang higpit at isin
Kinabukasan. Naalimpungatan si Maddox dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kan’yang mukha. Napapikit siya ng mariin at unti-unting iminulat ang mga mata. Sa sandaling iyon ay napansin niyang may humihimas sa kan’yang buhok, inangat niya ang kan’yang mga mata kung kaya’t nagkatingin sila. Kitang-ki
It was ten o’clock in the morning nang bumaba sina Maddox at Kai Daemon upang mag-almusal. Matapos ang mainit na pinagsaluhan nila kanina ay hindi na nagsalita pa si Daemon tungkol sa nangyari kagabi. Naging normal na rin ang ekspresyon ng lalaki hindi kagaya kanina na sobrang nandidilim ito’t malal
Nang matapos sa pag-aayos si Maddox ay agad niyang tinext si Kevyn. [Dr. Kevyn, change of venue. Meet me at Star Hotel & Restaurant.] Napangisi si Maddox dahil sa text niya, sinadya niya talaga iyon, una niyang sinabi sa lalaki na mag-me-meet sila sa cafe malapit sa ospital at kapag nag-text itong
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Kevyn, kumunot ang noo nito saka naestatuwa habang nakatitig kay Maddox. Hindi makapaniwala si Kevyn sa narinig. Kinuyom nito ang kamao na nakatago sa ilalim ng mesa. Kinalma ni Kevyn ang sarili at nilunok ang nakabarang laway saka ngumiti ulit, “Ako si Dr.
“Baliw ka na, Bryan!” inis na bulong niya sa lalaki ngunit humalakhak lamang ito. “Baliw na baliw sa’yo, Angel.” Hindi naman mapigilan ni Maddox ang gulat na kan’yang nararamdaman. Napaawang pa ang kan’yang labi’t unti-unting dumaloy sa kan’yang puso ang galit na nag-aapoy sa kan’ya. Ang lalaking
Napaupo si Maddox sa upuan at napahawak sa kan’yang tiyan. Nang marinig ang humahangos na si Alejandro sa kan’yang harapan ay napamulat siya ng kan’yang mga mata. Kita niya ang sakit sa ekspresyon ni Alejandro, nanlalaki ang mga mata ni Maddox nang makita ang nakatusok na kutsilyo sa tagiliran nito
“Kilala mo rin ba kung sino ako?” tanong ni Daemon habang nakatingin ng malamig sa lalaki. Marahas na napatango ang lalaki habang ang mukha nito ay putlang-putla dahil sa sobrang kabang nararamdaman. Si Kai Daemon ay isa sa makapangyarihang negosyante sa lahat kung kaya’t paano ng lalaki hindi maki
Habang binabagtas nila Maddox ang daan papunta sa mansyon, nakasunod naman si Mr. Smith kasama nito ang tatlong tauhan na pinagkakatiwalaan niya sa kanyang kotse. Mayroon pa ring distansya ang pagitan ng kotse ng madam Maddox nila sa kanila. Ang utos kasi ng kanilang among si Daemon ay huwag ipaala
Ilang araw ang nakalipas nang tuluyang ma-discharge si Maddox sa ospital samantala ang kanilang anak na si Baby Aemond ay nanatili pa rin doon ng ilang linggo. Mahirap man na iwan ang anak ngunit iyon ang pinaka mahalagang gagawin upang mapabuti ang anak nila. Napahinga ng maluwag si Maddox habang
Nang makalabas sina Maddox at Demon sa NICU ay parehong nanlalaki ang mga mata nilang dalawa nang makitang nakaabang ang pamilya nila sa labas. Maging sina Mrs. Xander din ay nanlalaki ang mga mata nang makita si Daemon na usually nakaupo sa wheelchair ay ngayon nakakalakad na. Nakatulala lamang ang
Hindi alam ni Daemon kung gaano siya katagal na naghintay sa labas ng emergency room pero nakita niya na lang ang sarili na kausap ang doktor. Napaawang ang labi niya, handa na sanang magsalita ngunit dahil sa sobrang kaba ay hindi siya makapagsalita. Huminga siya ng malalim at pinilit ang sariling
Sa gitna ng madilim at tahimik na paligid, nakahiga si Maddox at Daemon sa malaki at malambot na kama habang yakap-yakap ang isa’t-isa. Mahimbing na natutulog si Daemon samantalang si Maddox ay naalimpungatan dahil sa kumirot ang kanyang tiyan. Napakunot ang kanyang noo dahil doon, hinawakan niya a
Kinagabihan, nakaupo si Maddox sa usual spot na tinatambayan niya sa harap ng garden mismo ng mansyon nila. Nasa harapan niya ang nakapatong na gatas sa mesa, hinihimas niya ang kanyang tiyan habang nakatingin sa maganda at kumikinang na mga bituin sa kalangitan. Katatapos lamang niyang mag-organiz
Dahan-dahang sinuyod ni Maddox ang paningin sa buong screen ng kanyang laptop na para bang may hinahanap. Kita niya sa screen ang nakausling panot na ulo sa camera na para bang nagtatago ito sa kanya. Napangisi siya nang makita ang pangalan ng taong iyon. Ang makintab na ulo nito ay kitang-kita sa
Wait lang po sa updates mga mhii, Birthday po ngayon ng iyong lingkod hahaha Super busy po kaya ganoon. Huwag po kayong mag-alala babawi po ako sa inyo after nitong celebration. Maraming salamat po 🫶🥰 Thank you po pala sa gifters ngayong month of February, sina Sis Delma na nagbigay ng pen grabe