Happy Halloween, readers!! Thank you pa rin po sa pag-aabang at pagsuporta ng story na ito. Shout out pa rin kay Ms. Honeylyn, thank you sa pag-pray mo sa akin na gumaling ako sakit. Ms. Mayfe na palaging naga comment every chapters hihi, kay Ms. Nela na hindi lang comment, pati gems ang binabagsak hahaha. Si Ms. Sharon na sobrang galante dahil may pa-gems at gift pa. Si Ms. Melani na sobrang galanteng mamigay ng gems. hahaha Sobrang na-appreciate ko ang lahat ng pag-support niyo sa 1st story ko. Ms. Miley, Ms. Ana, Ms. Ling, Ms. Allen, Ms. Lyka, Ms. Maryjoy, Ms. Larraine, Ms. Irene, Ms. Jinky, Ms. Mary Ann, Ms. Cyclops, Ms. Eileen, Ms. Sheryl, Ms. Monina, Ms. Zyle, Ms. Adelaida, Ms. Norma, Ms. Jocelyn, Ms. Ellen, and many more! Super Thank you pooo!
Nang matapos ang special treatment ni Maddox kay Kai Daemon ay agad na nagpalit na ng damit ang binata. Si Maddox naman ay lumabas muna ng veranda upang masilayan ang naggagandahan at nagkikislapang bituin sa kalangitan. Napangiti si Maddox at napahinga ng malalim. Patuloy pa ring bumabagag sa isip
Kinabukasan… Maaga na namang pumasok si Kai Daemon kung kaya’t mag-isa na naman si Maddox sa kan’yang opisina. Hindi siya ngayon nag-ensayo bagkus kinuha niya ang kan’yang telepono upang tawagan ang kaibigan niyang si Heart. Ilang ring lamang ay agad na sumagot ang dalaga. “Maddy? Napatawag ka?”
Kabanata 158| Napakapit si Nicole sa manibela ng kan’yang koste habang nananalangin na sana’y may sumagip sa kan’ya. Biglang bumalik sa kan’yang isipan ang mga panahong naaksidente sila ni Kai na kagagawan niya rin naman, ngunit iba itong nangyayari sa kan’ya. May gustong magtangkang kunin ang buh
Labis naman ang pag-aalala ni Mrs. Xander dahil sa nangyari kay Dr. Angel, rinig na rinig pa rin niya ang iyak ng dalaga kung kaya’t sobrang natatakot siya para sa kalagayan nito. Pipi siyang nanalangin na sana maging okay ang dalaga dahil kung hindi, baka hindi na nito magamot ang kan’yang anak na
Nang makauwi si Mrs. Xander ay paulit-ulit na rumehistro sa kan’yang isipan ang sinabi ni Dr. Angel sa kapulisan. Hindi niya talaga kayang maniwala sa dalaga dahil kilalang-kilala niya si Maddox, ang batang iyon ay sobrang bait at talino, paanong magagawa nitong mag-utos ng tao upang kitilin ang buh
Sa isang private na villa. Ang mga armadong mga lalaki ay agad na nagsitayuan sa harap ng isang lalaking nakaupo sa harap ng malaking mesa. Madilim ang mukha nitong nakatingin sa hanay-hanay na nakatayong mga tauhan. Ang mga armadong lalaki ay nakayuko at walang nangahas na magsalita upang sabihin
Kahit na ayaw ni Rain na pumunta upang samahan ang kan’yang ina upang bumisita sa doktor Angel kuno na iyon, hindi pa rin siya maka-hindi dahil ina niya ang nagpumilit sa kan’ya, isa pa, iniiwasan ni Rain na ma-stress ng malala ang kan’yang ina. Alam niyang na-s-stress ang ina niya at dapat lang na
Sa mansyon nina Kai at Maddox. Dali-daling tumakbo si Greta upang pumunta sa silid ni Maddox, tatlong malalakas na katok ang pinakawalan niya at litaw na litaw ang pag-aalala niya sa mukha. “Ate Maddox! Ate Maddox!” sigaw ni Greta habang kumakatok sa labas ng silid. Narinig naman iyon ni Maddox na
Halatang-halata ang pangangambang nararamdaman ni Don Facundo. “Don Facundo, kahit na mahirap puksain ang liver cancer, huwag kayong mag-alala, gagawin ko ang lahat gumaling lang kayo…” Nang marinig ni Don Facundo ang sinabi ni Maddox ay napahinga ng maluwag ang matanda. Nawala ang pangambang nara
Nakatanggap ng tawag si Maddox mula kay Don Facundo, naalala niyang kinuha ni Don Facundo ang kan’yang cellphone noong nasa party sula. Agad niyang sinagot ang tawag ng matanda at magalang na binati ito. “Don Facundo, magandang umaga po.” Narinig naman ni Maddox ang malambing na boses ng matanda
Nang marinig ni Don Facundo ang tanong ng anak ay napasandal ang matanda sa upuan nito. “Candy, palagi mong tatandaan na sa mundo ng negosyo ay isang larangan ng digmaan. Ang kompetisyon sa pagitan ng dalawang kompanya ay hinding-hindi maiiwasan. Alam mong hindi rin mawawala ang kompetisyon dito. Ku
“Siguro hindi napansin ng kuya mo ito dahil malaki ang respeto niya kay Don Facundo. Kung kaya’t ikaw ang tanging paraan upang mamulat ang Kuya mo, dapat ay mapagmatyag din tayo sa kinikilos nitong si Don Facundo at Candy, kailangan nating malaman kung ano talaga ang tunay nilang pakay sa inyo at sa
Natapos ang grand party na idineklara ni Alejandro ng matiwasay. Lahat ng social media ay punong-puno na ng mukha nila. Nakaabot din ito sa iba’t-ibang panig ng mundo. Si Maddox at Kai Daemon ay kasalukuyang nasa loob ng kanilang kwarto upang magpahinga. Ilang oras din silang nakipag-socialize kung
Nang mapalingon si Maddox sa direksyon ni Alejandro ay mag-isa na lamang ito kung kaya’t mabilis siyang lumapit sa pinsan, tinapik niya ang balikat nito at inilahad ang cellphone niya sa lalaki. “Kuya, gusto ka raw kausapin ni Divine.” Si Candy na kasalukuyang nakatayo ‘di kalayuan sa kinatatayuan
Labis naman ang tuwang nararamdaman ni Don Facundo nang marinig ang sinabi ni Maddox na gagamutin ito ng babae. Nahagip ng mga mata nito ang lalaking katabi ni Maddox na si Kai Daemon. Alam ng matanda na mahirap kalabanin ang lalaking nasa harapan, hindi basta-bastang negosyante lamang ang lalaki, m
Nang makababa sina Maddox at Alejandro ay pumunta agad sila sa mesa upang umupo. Binigyan siya ni Daemon ng tubig na maiinom kung kaya’t mabilis niya itong ininom. Nakaramdam siya ng pagkauhaw pa kung kaya’t isinauli niya ang baso kay Daemon, “Water pa, Hubby, please…” Agad siyang sinunod ni Daemon
Ang mga tao ay nagkakagulo, halos napuno ng bulong-bulongan ang loob ng hall. Nakuha rin ng mga tao roon ang ibig sabihin ni Maddox. Alam nilang wina-warning-an sila ng babaeng nasa harapan lalo na ang mga taong gusto itong kalabanin. At dahil bago lamang sa business industry si Maddox ay mainit-ini