Tila ba may tumamang matalim na kutsilyo sa dibdib ni Daemon. Bawat salitang binibitawan ni Lyndon ay natatamaan siya. Kung tutuusin tama ang sinabi ng lalaki, isa ng dyamante si Maddox at handa pa nga itong tulongan at tanggapin siya ngunit nanatiling matigas ang ulo niya, binitawan niya pa rin it
“Rain, anong nangyari sa inyo? Bakit nagkagan’yan ang mga mukha niyo?” nag-aalalang tanong ni Sapphire sa dalawang binatang puno ng galos. “At bakit pinakawalan niyo ang lalaking kalandian ng Ate Maddox, palalampasin niyo lang ba ito?” dismayang dagdag pa ni Sapphire kung kaya’t napatingin ng masam
Hindi naman makapaniwala sina Lance at Rain dahil sa nangyari. Marami ang naganap na rebelasyon at hindi nila alam kung paano iyon uumpisahang i-kwento. Nang makalabas sila ng bar ay agad nilang nakita sina Butler John at Mr. Smith na nakatunga-tunga sa labas at nasa malayo ang tingin. Nilapitan ni
“Ano nga ba ang nangyari sa Mommy mo, Sapphire? Bakit nahulog siya sa hagdan?” tanong ni Sebastian sa anak. Hindi makapagsalita si Sapphire at nanatili lamang na tahimik. Gusto niyang mag-isip ng palusot ngunit wala siyang maisip. Tila ba nawalan siya ng kapasidad na mag-isip dahil sa sobrang pag-a
Ilang sandali ay lumabas si Lance sa likuran ng sofa at nakataas pa ang dalawang kamay na para bang sumusuko ito. “Wait lang, ‘Lo. Maghunus-dili nga kayo, pakinggan niyo muna ang sasabihin ko.”Segundo ring nag-isip ang heneral, ibinaba nito ang baril at napahinga ng malalim. “Magpaliwanag ka.” Tu
“Hindi ko na kayang makipag-usap sa’yo. Ngayon lang ako nakakita ng isang ama na walang alam sa isa niyang anak. Naaawa ako kay Dr. Corpus, kung ako ang ama niya ay ipagmamalaki ko siya at mamahalin ng sobra-sobra. Mabait si Dr. Corpus at magalang. Sana’y buksan mo ang mga mata mo, Mr. Corpus, huwag
Bumalik sa realidad si Sebastian nang may marinig siyang tunog ng cellphone na nanggagaling sa ilalim ng kama ni Carmina. Mabilis niyang sinilip iyon at nakitang naroon ang cellphone ng kan'yang anak na si Sapphire. Agad na kinuha naman ni Sebastian ang telepono saka tiningnan ang notification. Nap
Nang makalabas si Maddox sa Xander’s Hotel ay agad na sinalubong siya ni Daemon katabi nito si Butler John na prenteng nakatayo’t naghihintay. Napangiti si Maddox nang makita si Daemon na prenteng nakaupo sa wheelchair nito. Seryoso itong nakatingin sa kan’ya kung kaya’t medyo nakaramdam siya ng pa
Napapailing na lamang si Maddox dahil sa sinabi ni Alejandro Monteverde, 50,000 pesos is too much for a cab fare, iba talaga ang isang mayaman, nagwawaldas ng pera kahit ilan man ang gustuhin nito. Xander's Hotel, ilang metro lamang ang layo nito sa Manila Airport kung kaya't hindi naman big deal
"Ano ba ang kailangan mo?" tanong ng lalaki sa kabilang linya. "Si Mr. Alejandro Garcia Monteverde, isa ka sa pinakamayaman sa buong Espanya, ang pinakasikat na prinsipe noon at nagmamay-ari ng iba't-ibang ari-arian at malalaking building sa iba't-ibang mundo. Sino ba naman ang taong hindi matatak
Malakas ang buhosng ulan, kasabay ng malakas na pagkulog at pagkidlat. Sobrang dilim ng kalangitan habang ang ihip ng hangin ay umuugong sa tahimik na kapaligiran. Sa loob ng silid ay mayroong malamlam na ilaw at naroon ang isang lalaki na kanina pa umiigting ang panga dahil sa sobrang galit. Pun
Nang marinig ni Maddox ang sinabi ni Daemon sa kan'ya ay hindi niya maiwasan ang maguluhan. "Ngunit lahat ng empleyado namin ay ni-background check nila Logan. Mayroon din akong initial interview na ni-conduct pati na rin ang final interview. Nasa akin din ang resume ng lalaki, lahat naman iyon ay
Galit na galit na nakatingin si Kevyn kay Kai Daemon, natawa rin siya habang nanunuyang tiningnan ang lalaki. Ha! Nananaginip na naman ng gising ang pilay na iyon. Si Maddox ay pagmamay-ari niya lang at sila ang magkakatuluyan in the future, and he will make that happened! Kahit itaga pa niya sa
Naroon na sa loob ng office si Daemon at tinitingnan ang labas, naroon ang tatlong sina Rain, Lance at Gideon. Tuwang-tuwa ang mga ito at alam niya kung bakit, malamang mag-ce-celebrate ito dahil matagumpay ang plano nila. Kinuha niya ang telepono saka nagtipa ng numero at tinawagan ang kan'yang a
"Kuya Kai, si Gideon ang magpapaliwanag ng lahat sa'yo..." Napatango naman si Gideon at kinwento ang naging karanasan niya kanina kay Dr. Kevyn. "Boss Daemon, hindi niyo alam kung gaano niya ako kinamumuhian kanina. Nang binunggo niya ako at um-acting akong natapilkok, tinulungan niya nga ako nguni
Sina Rain at Lance naman na nakapwesto sa malayo ay nakatingin kay Gideon na kasalukuyang nakakunot ang noo habang nakaupo sa isang wheelchair. Nang marinig ng dalawa ang sinabi ni Gideon ay mas nanlaki ang mga mata nila. Kitang-kita rin nila kung paano tingnan ni Kevyn si Gideon at kung paano
Ang planong "Operation: Seducing Mr. Bad Guy" ay agad na ginawa ng tatlo sa ospital nina Daemon at Maddox. Ngayon ay kasalukuyang inaabangan ng tatlo na lumabas si Kevyn Greenshore. Maghahapon na kung kaya't alam nilang out na ngayon ng doktor dahil binigay sa kanila ni Daemon ang schedule ng lalak