Adam...
HETO na naman po kami ngayon. Nakakabwisit na, nakakasawa na talaga, hindi man lang naawa 'to sa akin. Siya kaya ang dahilan kaya halos mag 50-50 na ako noong isang araw tapos ngayon binato ako ng kutsara, syempre masakit tinamaan ako sa panga, may pasa pa yun.
"Sumusobra ka na talagang babae ka, pasalamat ka hindi kita pinapatulan diyan!"
"Hindi nga pinapatulan, pinapahiya at binabastos mo naman," nakasimangot siya sa akin.
"Hindi mangyayari yun kung hindi ganyan ang trato mo sa akin."
"Bakit? Hindi ba kasama iyon sa kasunduan na kung anong gusto kong gawin sa'yo magagawa ko since slave kita."
"Hindi mo ako slave asawa mo ako."
"Parehas na rin iyon."
"Pag asawa alila agad? Edi dapat maid ang kinuha mo."
"Sino bang unang humingi ng tulong?"
Naikuyom ko ang kamao. P*****a nga naman, ako nga pala yung unang lumapit sa kanya.
Nasa isang library siya noon at may hinahanap na libro ng lapitan ko siya, "Are you Chrisanya Evangelista?" Tumingin siya sa akin at parang natulala.
"Y-Yes?" tumingin siya sa paligid "...ako bang kinakausap mo?"
"Meron pa bang ibang tao dito sa part na 'to?" balik tanong ko, tumawa siya.
"And what do you need?" she crossed her arms and stared at me.
"Uhmm, Ah--" paano ko ba 'to sasabihin sa kanya
"You know what your just wasting my time?" mukhang nakita niya na yung librong hinahanap niya pero hindi niya maabot kaya inabot ko yun para sa kanya. Sobrang taas kasi ng part na yun kaya kailangan akyatin mo pero walang hagdan kaya ang ginamit kong hagdan ay yung mismong book shelves kaso nalaglag yung mga libro, nagtakbuhan yung mga usyusero't usyuserang estudyante at pinagpi-picturan kami.
Wala man lamang tumulong, ako nakaibabaw sa kanya siya napahiga, may mga libro at yung labi niya, hindi sinasadya n*******n ko yun at nanlaki ang mga mata niya. Pagtayo namin tumakbo siya palayo, hindi man lang ako naka-sorry at hindi ko nasabi talaga yung gusto kong sabihin, hinintay ko siya nung uwian, sa may parking lot nung school, naabutan ko siya at bago pa siya makapasok sa kotse niya ay hinawakan ko siya sa braso.
"Ms. Evangelista, sorry kanina pero I really need to say this to you," napatingin siya sa kamay ko na hawak-hawak yung braso niya kaya inalis ko yun doon.
"Sorry, I'm really sorry para kanina."
"Sabihin mo nang sasabihin mo because I don't have all day to waste my precious time with you."
"Okay, I'm Adam Zhymian, if you've heard all about the Z corporation na pagmamay-ari ng parents ko."
"Ahh, ikaw pala yung taga pag-mana, hindi halata sa itsura mo, ngayon ko nga lang nalaman na dito rin pala nag-aaral ang unico hijo nila Mr. and Mrs. Zhymian," sabi niya na tinignan ako mula ulo hanggang paa.
"So ano ngang kailangan mo sa akin?" tanong ulit niya.
"I need you to be my wife."
"Your what?" sumigaw na siya buti na lang wala masyadong tao dun sa lugar na yun.
"My wife," mahinang sagot ko.
"Look, I don't know if your aware na nalulugi na ang Evanglista Inc. at ang Z Corporation at ang tanging paraan lang ay ang mag-merge ang dalawang kumpanya pero alam kong kahit magkanda hirap-hirap na ang parents ko ay hindi nila ako ipakakasal sa kahit sino dahil iniisip lang nila yung kaligayahan ko," tumango-tango lang siya, parang gulat siya sa mga sinabi ko.
"Narinig ko na nakikipagka-sundo na ang mga magulang mo sa mga magulang ko para doon pero ayaw ng mga magulang ko dahil baka ikagalit ko, kaya ngayon nandito ako, gusto kong pakasalan ka para matapos na lahat ng gulong ito, papalabasin na lang natin sa kanila na nagkagustuhan ta'yo."
"Sige dahil hindi ko rin naman kayang magbuhay mahirap at isa pa hindi rin naman ako naniniwala sa kasal pero may kondisyon."
"Ano iyon?"
"Walang makakaalam sa buong school ng tungkol sa atin, kahit ikasal man ta'yo."
Ngumiti na ako at tumango-tango.
Akala ko pagkatapos noon okay na ang lahat, na maayos na ang problema namin. Hindi pala mas lalong lumala dahil sa babaeng ito.
"So ano? Naaalala mo na ba?" tinaasan niya ako ng kilay. "Ikaw ang unang lumapit, unang nagtanong, kaya ako ang boss and you are my slave" Sabi niya at lumapit sa akin, kinuha ang baso ng tubig at tinapon sa damit ko at tumawa-tawa, aalis na sana siya ng bigla kong hilahin ang braso niya.
"Slave ba? Bakit hindi mo na lang dagdagan ng sex slave or boy toy?" mapait kong sabi pero ngumiti lang siya ng mapakla sa akin at pinadaan ang hintuturo sa mukha ko pababa sa leeg at d****b ko, bumaba pa yon sa puson ko pero huminto.
"Sorry, but not my type," sabi niya at tinabig ako.
"Oo nga naman kasi ang type mo yung mga lalaking pinagnanasaan mo at ng mga kaibigan mo sa basketball court," bumalik siya.
"Don't you dare speak to me that way!" sabi niyang nanlilisik ang mga mata.
"If I'm not your type don't worry the feeling is mutual, mas nagsisisi pa nga ako dahil ginawa kong lumapit sa'yo at i-offer ang isang bagay na dapat hindi ko ginawa dahil mas lalong lumala ang mga bagay-bagay," natahimik siya. "Huwag kang mag-alala hindi ko rin pinangarap makasama ka habambuhay at mas lalong-lalo ng hindi ko pinangarap ang magpakasal sa isang babaeng walang puso na kagaya mo."
Nilayasan at pumasok sa kwarto ko. Wala akong pakialam sa kung anong magiging reaksyon niya, masaktan man siya patas lang kami.
Adam...HALOSisang linggo na rin ang lumipas simula nung araw na yun na nag-away kami pero hindi na naulit pa iyon dahil umiiwas na ako.Minsan nagkukulong na lang ako sa kwarto o sa labas kumakain, pag nandito naman ako sa school pag nakikita ko silang paparating na ay umiiwas na ako, sila ng mga barkada niya, ayaw kong mapahiya na naman ako.Nandito ako ngayon sa english class namin, nagsasalita ang professor pero hindi ako nakikinig, nagulat na lang ako ng may umupo sa tabi ko at nagpakilala."Selena Tora, so paanong gagawin natin dito?" tanong niya napatanga lang ako, sa looks niya mukha siyang nerd pero napatanga ako sa kanya dahil wala akong alam sa mga pinagsasabi niya, umirap siya sa akin."Hindi ka nakinig, ikaw ang partner ko sabi ng professor, kailangan natin gumawa ng isang presentation na parang nasa isa tayong talk show, kailangan magpalitan tayo ng mga questions pero walang script habang nandun tayo, m
Sanya...BUMABAako ng hagdan at nakita kong palabas na yung kaklase daw nung gago kong asawa-asawahan. Nakakainis lang talaga dahil sa mokong na ito kaya may isa ng nakakaalam sa school na asawa ko yung ungas na ito, nakalimutan ko bang sabihing gago siya?Totoo naman kasi. Kundi ba namang nuknukan ng tanga itong bwisit na ito, maraming pwedeng pagdalhan dun sa babae, meron namang library para mag-aral eh dito pa talaga naisipang dalhin."Hoy! I-check mo nga sa banyo baka naiwan mo dun yung utak mo!" sigaw ko sa kanya kaya tumingin siya ng matalim sa akin. "Oh ano? Ako pa titignan mo ng masama diyan?"Huminga siyang malalim at dumiretso sa kusina sabay kain ng tinapay na naroroon.Aba't hindi man lang ako pinansin at sumagot, naningkit ang mata ko at agad sumunod sabay pitik sa tenga niya. "Aray! Ano bang problema mo?""Gusto mong mabugbog ulit?""Ano bang problema mo?""Hindi ba tinatanong kita
Adam...NAPATULALAako habang kitang kita kong naglalakad sila Sanya papasok ng campus.Hindi nakakagulat na nandito sila, ang nakakapagtaka ay kasama nila yung kagrupo ko sa klase na si Lena na parang kaisa sa kanila.'Di ko alam kung lumilipad bang isip ko sa pagkalito kaya nagulat ako pagpitik ng daliri ni Sanya sa harapan ko."Bulag?" sabi niya habang nasa harap ko. "Bakit nakaharang ka pa sa dadaanan namin?"Tinararayan na naman niya ako, napatingin ako kay Lena. "Lena bakit kasama mo sila?""At bakit hindi?" napatingin na ako kay Sanya na tinaasan ako ng kilay. "Ikaw ba ang dapat magsabi sa kanya kung sinong dapat niyang samahan?"Umakbay siya kay Lena. "She is one of us now, ano pang ginagawa mong bugok ka? Tabi!"Hinawi niya ako sa daan at sunod-sunod akong tinabig nung mga dalawang kaibigan niya, nakita kong nilingon ako ni Lena at yumuko na lang.PAGKATAPOSn
Adam..."SINALIniyo pa talaga si Lena sa inyo," pagkapasok pa lang ni Sanya ay ito na agad ang salubong ko sa kanya. Bakit naman hindi? Nadamay na pati yung bago kong kaibigan dahil sa kanya at pati si Lena ay tinuturuan na nilang maging kagaya nila.She smirked and crossed her arms. "Ano bang pakialam mo? In the first place yung kasama mo kanina ang sumagot sa amin, dapat kasi alam niyo ang lugar niyo."Naningkit ang mga mata ko. "Sumosobra ka na," lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa braso."What the fuck! Don't you dare touch me!" inalis niya yung kamay ko at nagulat din ako sa naging reaksyon niya."Sumusobra ka na Sanya
Sanya...AYOKONGpatuloy na makulong dito kasama ang bwisit na ito. Tinakot niya pa ako kanina, akala naman niya tatalaban ako nun, I am Chrissanya Evangelista, never akong matatakot sa isang lalaki lalo na kung sa isang katulad lang ni Adam Zhymian.Siguro iisipin ng iba na sobrang sama ko nga talagang tao, na bakit nga ba galit na galit ako sa kanya? Sa totoo lang hindi lang naman ako sa kanya galit eh, sa lahat ng lalaki, man hater nga hindi ba?Gusto ko lang idistansya ang sarili ko lalo na sa lalaking nasa harap ko ngayon dahil nga sa sitwasyon namin, kasal ako sa kanya at siya, sa lahat ng lalaki, ang pinakanaging malapit sa akin. Hindi yung naging kaibigan o ka-close, don't get me wrong wala akong nararamdaman para sa taong ito, ayok
Sanya..."WHATwere the two of you doing inside the chef's stockroom again?" nagpalit-palit ng tingin yung guidance counselor na kaharap namin sa aming dalawa ni Adam."Ilang beses ko na pong pinaliwanag, may nagkulong sa amin doon," sagot ko, nakakairita na kinukwestiyon kami ngayon dahil sa nangyari eh kami naman ang biktima dito. Malalagot talaga sa akin yung may kagagawan nito, kung sino man siyang bwisit siya!"May nagkulong or kayo mismo ang nagkulong sa sarili niyo.""What?!" tumingin ako kay Adam na tahimik lang. Bakit hindi niya ako tulungan magpaliwanag? Bullshit naman kalalaking tao pero parang pipi, eh kung hilain ko kaya palabas yung dila niya.
Adam...NARINIGko yung tawanan ng mga estudyante sa campus at napatingin ako kung saan ba nakatutok yung atensyon nila, may mga lalaking hubad na tumatakbo at tinatakpan yung ano nila.Biglang may naghagis sa kanila ng mga putik at basura na yung iba ay dumikit pa talaga sa katawan nila, napatakip kami ng ilong at umiwas sa kanila dahil baka madaanan kami."Anong meron?" tanong sa akin ni Lee."Malay ko.""Adam!" napatingin ako sa tumawag sa pangalan ko, si Sanya na nakatingin sa akin. Tumingin yung iba sa akin, alam ko ng iniisip nila, alam na kasi sa buong campus yung tungkol sa relasyon namin, napapailing na lumapit ako sa kan
Adam...IBINAGSAK ni Sanya pasara yung pinto ng kotse ko pagkalabas niya pero hindi ko na lang siya sinita, iba yung pinapakita niya ngayon, ito na ba yung mas madilim na side ng pagkatao niya?"Oh andito na pala kayo," bati sa amin ng Mommy niya pagkapasok namin ng pintuan, ni hindi man lang humalik si Sanya sa pisngi ng Mommy niya at nagtuloy-tuloy lang siya sa pagpasok. Dati ko pa napapansin na malamig ang pakikitungo niya sa mga magulang niya lalong-lalo na sa Daddy niya pero iniisip ko na lang noon na baka tungkol sa pagpapakasal namin yun pero hanggang ngayon ganun pa rin siya sa kanila kaya ano bang problema?"Hi Mom," bati ko sabay halik sa pisngi ng Mommy ni Sanya. "Si Dad po?"Ngumiti siya sa akin. "Nasa taas, kagagaling lang din kasi noon sa trabaho at sinabihan ko lang na maaga umuwi para mag-dinner kasama kayo.""Trabaho? Seriously Mom?" tumaas ang kilay ni Sanya sa Mommy niya."Sanya," may tono ng pagbabanta yung boses ng Mommy niya nung tawagin yung pangalan niya, umirap
Adam...NAKATITIGako kay Sanya habang mahimbing siyang natutulog sa tabi ko.I like it when she's asleep because she looks so peaceful. She's beautiful with her eyes close and especially when she opens it and looks at me like I'm blessed to have her in my life. I could just stare at her like this for a lifetime, admiring everything about her while she is unaware of it.This is my Sanya. My C. The woman I love and the woman I'd spend my whole life with."Stop staring at me."Napangiti ako, "How did you know?""I can feel it."Hinapit ko siya sa beywang at yumakap ako ng
Adam..."Iknow where Sanya is." Was the first thing Alexa told me over the phone when the plane where I boarded landed in Paris."You sure about that?""Sinundoko siya kanina sa airport at nandito na kami sa isang hotel. I'll text you where, ang alam ko magpapahinga siya, iniwan ko na muna siya at sinabi kong may trabaho ako. I'll wait for you here."When I got to the hotel lobby I saw her waiting for me."She had been crying since this morning. Anong nangyari? Anong ginawa mo sa kaibigan ko? Alam mo namang buntis siya hindi ba? At isa pa, anak niyo yung&nbs
Sanya..."C.Hey, wake up." Nagising ako sa masarap na amoy ng mainit na tinapay at sa boses ni Adam, naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa akin, "God! I missed your lips. Wake up."Bumangon ako at agad na nagsalubong ang kilay ko pagkakita sa kanya."Bakit umagang-umaga nakasimangot ka?"Lalapit sana siya sakin ng bigla akong umalis sa kama. Nakita ko ang cellphone ko sa bedside table kaya agad kong kinuha iyon kasama ng susi ng kotse.Naayos ko na ang lahat kagabi pa lang. Umiiyak akong nag-empake ng mga gamit ko kaya naisip ko na ipagpabukas na lang ang pag-alis. I need to go back to France, dun ko na lang din siguro isisi
Sanya...DAYSpassed at hindi ko na kinausap si Adam simula ng araw na iyon, but he doesn't seem to care. Pakiramdam ko okay lang sa kanya ang lahat at dahil dun ay nasasaktan ako.Hindi niya ako sinuyo o kung ano man lang, ni sorry wala akong narinig sa kanya.Bakit parang bigla siyang nag-iba sakin?Was it because of that woman?"Sanya, the first thing you have to do is to be honest with him, hindi naman siya manghuhula hindi ba?"Napabuntong-hininga ako habang hawak ang cellphone sa tenga ko, "But Tora--""Ano? Nahihi
Sanya...SINAMAHANako ni Adam sa check-up at naging maayos naman ang lahat. The Doctor said everything is normal. Niresetahan na lang niya ako ng mga vitamins na dapat kong i-take, sinabihan din ako na dapat ay mag-gatas ako palagi para mas maging healthy ang paglaki ng baby namin ni Adam sa loob ng tiyan ko.Pumapasok pa rin ako sa opisina, sabi nga ni Adam, hanggang sa matapos lang ang ZEN, naipakita ko na naman lahat ng designs sa kanya at pagpipilian na lang iyon, malapit na rin ang released date ng gadget nila kaya mas lalong naging busy ang mga tao."Who's the girl who came into Mr. Z's office this morning?" Narinig kong usap-usapan ng mga tsismosang employee.N
Sanya..."MAAYOSbang naging pagtulog niyo?" Ngumiti ako at napatango ng magtanong si Aling Lydia sa amin, inilapag niya ang almusal sa harapan namin.Mayroong itlog, sinangag at gulay na lumpia."Gelo, tumulong ka nga dun mamaya." Narinig kong utos ni Angel kay Adam mula sa labas ng bahay.Napalingon kami ng pumasok si Angel, "Saan?""Magbuhat ng buko doon sa may malapit sa paanan ng bundok.""Gelai, ano ka ba? Nagbabakasyon dito ang kapatid mo."Tumingin si Angel sa Mama "Ma, magpapatulong lang naman, hindi ko naman aa
Sanya...INALALAYANako ni Adam pagkalabas ng kotse. Tumingin ako sa paligid at napahingang malalim. All I breathed was fresh air kaya't napangiti na ako."Ma!" Napatingin ako sa direksyon kung saan nakatingin si Angel, "Nandito na kami!"Lumapit siya sa amin at magiliw na ngumiti, "Kanina ko pa kayo hinihintay. Kamusta ang naging byahe niyo? Kamusta ka Sanya? Hindi ka ba napagod sa byahe? Maselan pa man din ang kundisyon mo.""A-ayos lang po ako." Ngumiti na rin ako sa kanya.Tumingin siya kay Adam, "Gelo, anak? Ayos lang ba talaga sa iyo ang dumito ng ilang araw?"
Adam..."C."Tawag ko kay Sanya na nakapatong sa likod ko. Humigpit ang yakap niya at mas isiniksik pa ang hubad na katawan sa akin, "C, wake up, papa-check up ka pa.""Z, mamaya na lang please." Humalik-halik siya sa likod ko, paakyat sa batok at pisngi ko, "I still want to sleep."Humarap na ako sa kanya at yumakap. Pumatong naman siya sakin at inilagay ang dalawang kamay sa ulo ko.Tumitig ako sa kanya, "Sige na, asikaso ka na.""But I don't want to. I'm lazy to move, mamaya na." Reklamo niya."But C--""Mamaya na or
Adam..."WHATare you doing here?!" Napataas ang boses ko ng makita ko ang isang taong hindi ko inaasahan sa loob pa mismo ng pamamahay ko."Adam--""Lumabas ka na. Umalis ka na Zadeim." Napatingin ako kay Sanya ng pisilin niya ang kamay ko. Tinitigan niya ako na parang sinasabing tumigil ako."Anak, I just want to talk to you.""Sinong nagpapasok sayo dito? Si Angel ba? Si Lydia?" Ang Lydia na sinasabi ko ay ang nanay ni Angel na siyang tumatayong caretaker dito sa bahay, "Simula ngayon wala na sa kanilang makakatapak sa pamamahay ko.""Anak, hindi. It was my decision, hinintay ko na makaalis sila bago ako pumasok dito, nalaman ko kasi na dito ka na ulit nakatira. Matapos kasi nung araw na mailipat ko sa pangalan mo ang kumpanya ay hindi ka na nagpakita pa. Gusto ko lang kamustahin ka.""Kamustahin? Maayos na ako. Now, could you please leave?""Z, kausapin mo ng maayos ang Daddy m--""He's