Xzyra's (Margaux) Point of View
"Okay ganito, unang papasok ang kotse ni Harvey sa loob ng University, at pupunta sa parking lot at ipa-park yun. Ilang sandali pa ikaw naman Xzyra ang susunod na papasok! Alam niyo na ang mga lines niyo 'diba? So, alam niyo na ang gagawin matapos niyong i-park ang mga kotse niyo."
"Opo, Direk," sabi namin. Naghanda na kami, hinihintay na lang namin ang signal.
"Take 1! 1...2...3!"
Yun na ang signal. Pumasok na sa loob ng University si Harvey kasama ang kapatid niya kuno.
Maya-maya pa nakita ko na ang signal, na ako na ang magd-drive papasok sa University, kasama ang kapatid ko 'kuno'
Pumasok na ang kotse namin sa loob ng University, at ipinark ito sa parking lot. Bumaba na kami ni Liam sa kotse.
"Tara na, Liam!" ako.
"Uy, ah. Wag kang magka-cutting! Malaman ko lang na nag-cutting ka! Isusumbong kita kila mom!"
"Syempre naman, ate! Goodboy ata to!" siya sabay lagay ng hintuturo at hinlalaki niya sa ilalim ng baba.
Nginitian ko siya at ginulo ko ang buhok niya.
"Tara na," ako, nagsimula na kaming maglakad. Siya tumungo sa Highschool Building, at ako naman ay tumungo sa College Department.
Habang naglalakad ako sa hallway, may bumangga sa akin mula sa likuran. Dahilan para masubsob ako sa sahig, at maglaglagan ang dala kong mga gamit.
Putek! Sino ba yang bumangga sa akin?!
Tiningnan ko ito, at nastar-struck ako nang makita ang mukha nito.
A-Ang gwapo!
Napatulala ako sa mukha nito. Hindi ko alam na may gantong nilalang na nabubuhay sa Earth!
*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*TUG*DUG*
Na-love-at-first-sight pa 'ata ako. Eh, kasi naman ang gwapo niya! At mukhang mabait din naman siya.
"Ah, Miss?" napabalik ako sa reyalidad, nang magsalita ito. Ang ganda ng boses niya!
Hindi ko na siya tiningnan pa ulit, dahil baka matulala na naman ako. Pinulot ko na lang ang mga naglaglagang mga gamit ko.
"Tulungan na kita, Miss," siya. Hmm, mabait nga.
Tinulungan nga niya ako sa pagpulot ng mga gamit ko.
Nang mapulot na namin lahat, agad akong tumayo at pinagpagan ang palda ko.
"Sorry nga pala, Miss. May pinagtataguan kasi ako, eh," siya. Sino naman kaya ang pinagtataguan niya? Hindi naman siguro siya kriminal?
"Ah, hindi ako kriminal, ah!" Nabasa niya siguro ang isip ko, kaya niya sinabi yun.
"Hatid na kita sa class mo," siya.
"Hindi na, nakakahiya naman sa'yo," ako.
"Sige na, for sorry ko na rin," siya.
"Ay, hindi na okay na sa akin yun," ako.
"Sige na," siya at nginitian ako. Ano ba yan, wag mo 'kong ngitian ng ganyan. Baka malaglag ang panty ko, este baka matunaw ako.
"Sige na nga!" ako at nginitian rin siya. Tinanong niya ako kung anong class ko. Sinabi ko naman kung saan ang class ko. Sa Class 2-1.
"Magkaklase lang pala tayo, eh," siya. Ayieee! Buti magkaklase kami.
Habang naglalakad kami papuntang Class 2-1, ay nagsimula na siyang magsalita.
"Ano nga palang pangalan mo?" tanong niya.
"Margaux Braid," ako.
"Ang ganda naman ng pangalan mo! Ako nga pala si Vince Dione," siya. Ang ganda rin naman ng pangalan niya, ah.
"Ang ganda rin naman ng pangalan mo, ah!" ako.
"Ahm, thanks," siya.
Tumigil na kami sa paguusap, nang nasa tapat na kami ng classroom namin.
Agad akong umupo sa pinakadulo, well, may dalawa pang bakante, sa tabi ko, at sa unahan.
Nagulat ako nang tumabi siya sa akin.
"Do you mind if I sit next to you?" siya. Habang nakangiti na naman. Oh, please don't smile at me like that.
"Hindi naman sige upo ka lang diyan," ako at nginitian din siya.
Biglang dumating ang prof. namin.
"Good morning, students. I'm your Proffesor in Math. I'm Prof. Jianna Marquez, please introduce yourselves" sabi ni Prof. Jianna.
Nagsimula ang pagpapakilala sa harap. Hanggang sa sunod-sunod na ito at umabot na kay Vince. Pumunta siya sa harap.
"I'm Vince Dione Bedingfield, 19 years old. Please be nice!"
Siya. At ngumiti na naman, at syempre ang mga babae ay tumili at parang uod na binudbudan ng asin.Well, except me.
Wait! Balik-balik-balik.
Did he say, BEDINGFIELD ang apelyido niya?!
Oh nos, kung angkan siya ng Bedingfield dapat magkaaway kami! Pero, hindi ko kaya parang like ko na siya eh.
"Ah, miss?" tawag-pansin sa akin ni Prof.
Nakatingin na pala sa akin ang lahat.
Napatayo ako.
"I'm sorry, Prof." ako, habang nakatungong pumunta sa harap.
"A-Ako si M-Margaux Braid H-Hu-Hutchin-son, 19. Nice to meet you all." ako at tiningnan ang reaksyon ni Vince. Halata ang gulat sa mukha niya.
Nakatungo akong bumalik sa upuan ko.
Buong klase lang kaming walang pansinan.
Hanggang sa uwian na, wala pa rin kaming pansinan.
Palabas pa lang ako ng classroom, kami na lang ni Vince ang natitira sa loob, nang bigla niya akong tinawag. Kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Margaux, pwede ba tayong mag-usap?" nakalapit na pala siya sa akin.
"Sige," ako.
Humarap ako sa kanya.
"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" siya. Magka-ibigan, oo....
Tumahimik ka nga diyan, Margaux!
"Pero, magkaaway ang mga pamilya natin,"
"Wag na lang natin isipin na galing tayo sa magkaaway na pamilya, ang mahalaga ay magkaibigan tayo," siya. Nginitian ko siya.
"Sige! BUKAS SABAY TAYONG KUMAIN, AH!" hyper na saad ko. Ganto naman ako. Sobrang masiyahin ako.
Kita ang gulat sa mukha niya. Well, nakilala niya akong hindi hyper, but since magkaibigan na kami, ipapakita ko na sa kanya ang ugali ko, hehe.
"Tara na, uwi na tayo!" ako at naunang maglakad papuntang parking lot.
"Oh sige na, bukas na lang, ah" siya. Tumango ako.
Tumungo na ako sa sasakyan ko. Wala pa si Liam, kaya hihintayin ko pa siya.
Nauna na nga pala si Vince, kasama yung kapatid niyang babae.
Maya-maya pa dumating na si Liam at sumakay sa front seat.
"Parang ang saya mo ngayon, ate, ah," puna niya sa'kin.
"Oo, syempre! May bago akong kaibigan eh," ako.
"Siguro lalaki 'yang kaibigan mo noh! Hula ko, higit pa sa kaibigan ang turing mo sa kanya, noh?" siya.
Namula ako.
"Manahimik ka nga diyan, Liam!" Ako. He chuckled.
In-start ko na ang makina ng kotse ko, at umalis na kami sa University.
Nang nasa labas na ang kotse ay...
"Cut!" sabi ni Direk.
"Good! Magaling kayong lahat! Bukas naman natin ito itutuloy. You must all here at 8:00 A.M," sabi ni Direk.
Hooh! Buti naman!
It's almost 5:00 P.M. Dumeretso na ako sa bahay para makapagpahinga na rin.
***
EDITED.
Xzyra's Point of ViewMaaga akong gumising para na rin makapagpraktis ng boxing. Matapos kong kumain, agad akong dumeretso sa gym. Hindi naman ito nalalayo sa tinitirhan kong bahay. Oo, bahay lang. Para saan pa ang malaking mansion, kung ako lang naman ang nakatira? Hindi ako kumuha ng kasambahay kasi kaya ko namang linisan ang bahay ko. Hindi naman ito sobrang dumi dahil mas matagal ang itinatagal ko sa labas kaysa sa loob. You know kung walang project, buong araw ako sa gym.Time check: 6:55 A.MMay mga tao na sa gym ng ganitong oras. Hindi rin ako magtatagal dahil may shooting nga kami ngayon at kailangang nasa set na ng 8:00 A.M.Pumunta ako dito para makapagpapawis at makapagpraktis ng boxing with bonus exercise pa.Agad akong nagsuot ng sports bra at nagsit-ups, matapos ang 100 sit-ups ay sinuot ko ang boxing gloves
Xzyra's (Margaux) Point of ViewNang makarating ako sa University, agad kong pinark ang ang kotse ko sa parking lot.Nang mai-park ko na ito agad akong lumabas sa kotse ko at tinext ko si Vince.To: Vince Maprend{Uy, Vince! I'm here na. Where na you?}Maya-maya pa at nag text siya.From: Vince Maprend{Nandito na ko. Kita na nga kita eh. Nasa kaliwa mo ako.}Kaya napatingin nga ako sa kaliwa ko at nakita ko nga si Vince na kumakaway.
Xzyra's Point of ViewOkay naman kami habang kumakain ngayon sa Jollibee. Gusto ko sa mga ganto lang kumain. Ayaw ko sa mga high-class restaurants. Hindi naman sa wala akong pera. Ayoko lang talaga dun. Ang mamahal ng mga pagkain."So...bakit?" Ako. Nakakapagtaka naman kasi na gusto niyang maging magkaibigan kami. Eh, diba nga, nag-aaway pa kami kahapon. "Anong bakit?" Siya habang may nagtatakang tingin."Bakit mo gustong makipagkaibigan sa akin? Anong pakay mo?" "May pakay agad? Di pwedeng nakikipagkaibigan lang?""As much as I know, magkaaway tayo
Xzyra's Point of ViewI get it! Yes!!!!Nakuha ko na ngayon yung Rilakkuma teddy bear!!!"Nakakuha na ako!" Halos sabay naming saad ni Harvey. Yung nakuha niya, si pororo, yung penguin."Sabay lang tayong nakakuha" siya."Bakit hindi tayo magpalitan ng nakuha?" Siya ulit."Iihh! Ako nakakuha nito, eh! Tsaka favorite ko si Rilakkuma noh! Ayoko, pororo!" Parang bata kong saad. Ganito naman talaga ako pagKAIBIGAN ko na ang isang tao, kung tao ba tong kasama ko o hayop, pero hindi naman ako masyadong showy. Medyo
Xzyra's Point of ViewAt napili ko ang kantang 'Silent Scream' ni Anna Blue. Ito ang gusto kong sabihin sa kanila noon. Hanggang ngayon....Silent ScreamBy: Anna Blue"I'm caught up in your expectationsYou try'na make me live your dreamBut I'm causing you so much frustrationAnd you only want the best for me"Masyado silang nag-expect sa akin. Sa sobrang expectations nila, konting pagkakamali ko nafru-frustrate na agad sila. Pinipilit nila ako sa pangarap nila. Tapos sasab
Harvey's Point of ViewHinding-hindi ko makakalimutan ang itsura ng mga mata ni Xzy kanina. Oo, walang reaksyon ang mukha niya pero, in that time, parang maraming gustong sabihin ang mga mata niya.Tingin ko may malaki siyang hinanakit sa kung sino. Pero base sa mga linya ng kanta like: 'but I'm causing you so much frustration' at 'but I'm not that type of child.'It means may hinanakit siya sa mga magulang niya. Baka lang naman, pwede rin naman sa iba pang kasapi ng pamilya niya. Pero, malakas ang kutob kong, sa magulang niya siya may hinanakit.Simula nang maging artista siya, never niyang nababanggit ang mga magulang niya, sa showbiz. At yun ang ikinapagtataka ng lahat. Ni hindi alam kung anong pangalan o kung buhay pa ba ang mga ito.Walang nagtatangkang magtanong na reporter. Kung mer
Xzyra's Point of ViewAt kung bakit puro 'daw' ako. Like matalino daw siya at bobo daw ako. Well, you know later tinatamad ako i-kwento.Pa-suspense ba ako? Well, wala kang magagawa. Story ko 'to, kaya maghintay kayi! Haha. Matapos ang ilang mga minutong pagjo-jogging ay bumalik na ako sa bahay ko at naligo at nagbihis. Pagkatapos ay pinatuyo ang ko buhok ko at nagsuklay saka ko tinali ko ang buhok ko papony-tail.Time Check: 9:13 A.M.Medyo malayo pa naman ang oras at malapit lang naman rito ang DSU. Kaya nag-drive muna ako papunta sa malapit na coffee shop. "Happy Gale Coffee Shop" yung pangalan ng coffee shop na'to.Pumunta ako sa counter. Trip ko ngayong mag-espresso. Kaya..."1 espresso nga" ako."132 pesos
Harvey's(Vince) Point of ViewHabang papunta kami ng cafe ay hindi ako mapakali, pero hindi ko ito ipinaparamdam sa kanila.Bakit nga ba? E-Ex-girlfriend ko kasi si Quaine, at kung bakit sa dinami-rami rin namang kaibigan ni Mar, eh si Quaine pa!Pano na'to ngayon! Ngayong may gusto na ako kay Mar! Baka isipin ng kaibigan niya o siya mismo na tinutuhog ko silang magkaibigan!? Pero, mukhang hindi naman ganun si Mar, ewan ko na lang kay Quaine, pero mabait din naman siya! At siya rin naman ang nakipaghiwalay sa akin nun! Dahil may iba na siyang boyfriend at hindi ko kilala yun. Ipinilig ko ang ulo ko.Wala naman akong pakialam na! Hindi ko naman na siya mahal. Pero nakapagtataka namang bigla na lang umalis ng bansa si Nale! Na kaibigan ko.Nakarating na kami sa cafe, maingay ito ng nadatnan namin. Ano pa nga ba. Pero, mas umingay ng makita
Chariz's Point of View"Gaya ng sabi ko isang milagrong muling nagbalik ang heartbeat ng pasyente." Sabi ng doktor.Masaya ang lahat! Lalo na ako! Itinuring ko na kasing kapatid si Xzy,eh. Buti at nagbalik ang heartbeat niya!"Pero, maraming kailangang operahan sa kanya. May bali ang kanan niyang paa, pati na rin ang kaliwa niyang kamay. Marami rin siyang sugat na natamo. Nalagyan ng bubog ang mukha niya, mabuti
Chariz's Point of ViewNang makapasok na ako sa hospital, nakita ko sila ni Angel kasama ang mga mommy and daddy nila. Umiiyak si Angel at ang mommy nila habang ang daddy naman nila ay walang imik.Lumapit ako sa kanila.Nang makita ako ni Angel bigla niya akong niyakap.Yinakap ko siya pabalik at hinaplos-haplos ang likod niya.Parehas kaming humahagulgol."K-Kasalanan ko to, Cha-Chariz, kung sana hindi ako p-pumayag sa gusto ni D-Dem, h-hindi s-sana mangyayari 'to, huhuhu" saad niya.Umiling ako."W-Wala kang k-kasalanan, A-Angel. K-Kasalanan ko '
Harvey's Point of View"AT NANIWALA KA NAMAN!?" Sigaw sa akin ni Hilarryie dahilan para mapatahimik ako."Gusto mo bang malaman?! Sige, ik-kwento ko sa'yo LAHAT ng kwinento niya sa akin. Nang ma-guilty ka sa ginawa mo!" Pagtataray niya sa akin.Gaya ng sinabi niya, ikwinento niya nga sa'kin yun.Napatulala ako matapos niya ikwento lahat yun. Sinabi niya rin sa akin na muntik nang magpakamatay si Xzy kagabi.Bakit parang nasasaktan din ako? Bakit parang nakokonsensya ako?"Kita mo kung anong sinayang mo
Hilarryie's Point of ViewWalang hiya ka kuya! Sinasabi ko na nga ba lolokohin mo lang si Ate Xzy! Humanda ka sa akin makauwi lang ako sa atin.Sinasabi ko sa'yo kuya, manloloko ka! Nasisiguro kong tungkol na naman sa walang hiyang Deity na yun! Siguro inutos niya sa'yo na saktan si Ate Xzy! Walang hiya ka kuya! Isa ka pa rin palang isang desperado!Sumasaludo ang gitna kong daliri sa'yo, kuya! Magsama kayo ng walang hiyang yun! Parehas kayong may sira sa utak!Dito nga pala kami natulog sa bahay ni Ate Xzy. Masyado na rin kasing gabi, tinawagan ko na rin naman si mommy na dito na ako kila Ate Xzy muna matutulog, pumayag naman sila.Ngayon nandito kami sa hapag at tahimik na kumakain.Hindi na umiiyak si Ate Xzy pero medyo natutulala siya minsan. Hindi parin siguro siya makapaniwala.Hayop kasi yung kuya kong yun, eh! Isa pa siyang dumagdag s
Xzyrile's Point of ViewAgad-agad akong pumunta sa bahay ni Dem dahil na rin sa sabi ni Chariz.Hindi ko alam, pero kinakabahan talaga ako. Bakit ganun ang tono ng boses ni Chariz kanina? May nangyari kaya kay Dem?Nang makarating ako sa bahay ni Dem, nakita kong bukas ang gate at pintuan ng bahay ni Dem kaya pumasok na ako, isinara ko na rin ito.Pagpasok ko ay nakita ko namang ayos, pumunta ako sa sala at nagulat ako sa nakita.Maraming mga kalat na bubog, galing sa glass table at pati na rin sa vase. Nakatumba rin ang sofa na ngayon ay itinatayo na ni Chariz.Habang si Dem nakatulala lang at lumuluha.Agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya."O-Okay ka lang ba, Dem?" Tanong ko kay Dem.Tumango lang siya at hindi nagsalita.Tiningnan
Xzyra's Point of ViewUmuwi agad ako sa bahay ko.At doon ako umiyak ng umiyak sa sala.Sunod-sunod na tumunog ang cellphone ko.Tiningnan ko ito. Mga naka-post ito sa Facebook at nakatag ako.Post 1: Kunwari pang inosente, malandi rin pala.Post 2: Mag-break sana kayo ni Harvey! Manloloko ka!Post 3: What a slut, hindi pa nakuntento kay Harvey nakipag-s*x pa sa iba!Post 4: Hindi mo deserve si Harvey, manloloko ka!Hindi ko na binasa ang iba pa. Nasasaktan ako. Kahit hindi naman ako ang gumawa nun, nasasaktan ako sa mga sinasabi
Xzyrile's Point of View*TOK!*TOK*TOK*Nagising ako nang marinig ang pagkatok ng nasa labas ng pinto ko.Nakatulog pala ako habang umiiyak nang hindi ko namamalayan.Umunat muna ako bago tumungo sa pintuan at binuksan ang pinto. Bumungad sa akin si mommy na nakangiti, pilit ko lang itong nginitian at pinapasok sa kwarto ko.Umupo kami sa kama ko."Anak, Xzyrile, nagawan na namin ng paraan ang issue na yun" nakangiting saad ni mommy."Talaga po?!" nabubuhayan ng loob na saad ko."Oo anak, ayos na ang lahat. Wala ka
Xzyra's Point of View"You were everything, everything that I wantedWe were meant to beSupposed to be but we lost itAll of the memories so closed to me just fade awayAll this time you were pretending, so much for my happy ending"Sana hindi na lang ako pumunta sa bar. Sana kinausap ko siya agad nung makita ko siyang nasa likod ko lang.Hindi sana ako nasasaktan ngayon ng sobra. Handa naman akong tanggapin yun, kahit hindi agad-agad, pero bakit ngayon pa!?"You were everything, everything that I wantedWe were meant to be Supposed to be but we lost itAll of the memories so closed to me just fade away
Xzyra's Point of View"Ikaw ba yung babae sa video.""Bakit ibang lalaki ang nasa video?""Gusto ko lang linawin na....oo ako yung babae sa video"Sunod-sunod na nag-react lahat."Okay na ba yun?! Can I go now?!" Nagbigay daan ang mga reporters sa akin.Agad akong pumasok sa kotse.Gusto ko mag-bar ngayon! Gusto kong uminom! Gusto kong iiyak lahat ng sakit na nadarama ko!Agad akong nag-drive papunta sa Achilles Bar kung saan ko noon sinundo si Xzyrile.Namukhaan ako ng bartender dito but he remained silent. Hindi n