"Nandito na tayo," sabi ni Nate. Medyo malayo rin ang naging biyahe namin. Nasa isang resort kami ngayon. Hindi lang isang resort, kundi isang magarbong resort na sa isang tingin mo lang ay mga big time na mga tao ang dumadayo rito. Sumunod lang ako kay Nate habang si Thomas ay nasa likod ko. Dumaan kami sa garden dito. Hindi ko nga akalain na may garden dito. Pumasok kami sa isang malaki at magarang rest house. Nakita ko si Lorenzo na nakaupo sa couch at kapansin-pansin ang putok nito sa labi. Nagkaroon din ito ng black eye. Bakit dihado ang mukha niya kesa kay Thomas? Lalapitan ko na sana siya ng pinigilan ako ni Nate at umiling siya sa akin."Pero—" hindi natuloy ang sasabihin ko ng napahigpit ang pagkahawak niya sa braso ko."You will only worsen the situation," sabi niya at nilagpasan ako. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng kakaiba sa kanya. Para bang may mapanganib na awra na nagtatago sa pagkatao niya. Hindi lang sa kanya pati sa mga tao rito. Nabalik ako sa tamang huwisyo n
Sa unang araw ng aking pagliban sa trabaho, ang gaan ng pakiramdam ko. Sa tingin ko ay may magandang mangyayari sa araw na ito. Alas dyes na ng umaga at tirik na tirik na ang sinag ng araw. Maagang umalis si Leo para sa misyon niya. Kagabi rin ay tumawag si papa sa akin dahil nag-alala siya sa akin.Ikinuwento pala ni Nate ang nangyari kahapon kay papa kaya labis ang pag-alala ni papa sa akin. Nag text ako kay papa kahapon pero hindi ko sinabi ang lahat ng mga detalye. Nang sabihin ko sa kanya na mamalagi ako sa bahay ni commander Leo ay napanatag naman siya at pinayagan ako. Sinabi ko rin kay papa na lumiban ako sa trabaho ko ng dalawang linggo pero hindi ko sinabi ang dahilan.Pupunta ako ngayon sa bar na pinagtatrabahuhan ko at magreresign ako. Ayaw ko makita ngayon si tanda at paniguradong magkikita kami doon kung mananatili pa ako doon. Ngayon ay nasa harap ako ng bar at naglakad ako papasok. Pinapasok naman ako ng mga bouncer dahil namumukhaan na nila ako. Naalala ko pa noong una
Natapos na rin ang dalawang linggo na pagliban ko sa trabaho at babalik na ulit ako ngayon sa trabaho kung saan makikita ko ulit si Lorenzo. Sa tuwing maalala ko ang mukha niya ay naiinis ako. Wala rin akong balak na bumalik sa bahay ko dahil na iinis pa rin ako kay Thomas. Alam ko na ginawa niya lang iyon para sa akin pero sobra na siya.Ngayon nasa harap ako ng pinto ng Special A office at napabuntong-hininga na lang ako. Nagdadalawang isip ako kung papasok ba ako o hindi. Medyo matagal na rin ang dalawang linggo kaya parang pakiramdam ko kapag papasok na ako sa loob ay iba na ang atmosphere na mararamdaman ko.Pilit na pumasok ako sa office at lahat ng myembro ng departmento na ito ay nandito na lahat pati si tanda. Napatingin sila sa akin lalapit na sana ang ibang membro sa akin na parang gusto ako i-welcome pero sinita sila ni Lorenzo. Naglakad na lang ako ng diretso papunta sa office ni chief. Naramdaman ko na nakasunod siya sa likod ko pero binaliwala ko ito. Binati agad ako ni
Mga madaling araw pa ay gising na ako. Ito ang pangatlong araw ko rito sa barko at ang araw na pagdating ko sa Siargao. Inaabangan ko talaga ang paglitaw ng araw. Sa wakas ay masisimulan ko na rin ang mission ko at para matapos ko na agad ito. Nang nakarating kami sa Siargao ay una ako bumaba sa barko. Sumunod lang sa akin si Lorenzo. Hindi ko alam kung ano ang gagawin.Sa tuwing naglalakad kami papunta sa hotel na malapit sa dako ng mission namin maraming babae ang napapatingin kay Lorenzo. Naparolyo na lang ang aking mga mata at parang ang sarap kunin ng mga mata nila at pagbabarilin. May iba pa na lumapit kay tanda at nakipag-usap pa na pinansin naman niya. Magsama kayong lahat. Binilisan ko ang paglalakad at iniwan siya doon na lapain ng mga babaeng papansin sa kanya.Magkasalubong ang mga kilay ko dahil nagawa pa niya talaga makipagtawanan doon sa mga babae. Nakakainis talaga siya. Eh kung misyon ang unahin niya para matapos na ito? Hindi nagtagal ay nasa front desk na ako ng hote
Pagdating namin sa entrance ng resto bar ay sinalubong agad kami ni Johnson. Napangiti naman ako habang si Lorenzo ay parang galit sa mundo dahil sa nakakunot ang noo niya na kanina pa nakadisplay sa mukha niya. Pumunta kami sa table ni Johnson at nakita ko rin na may mga kasama rin siya."Is this your new found friend John? I thought friend not friends?" sabi ng isang lalaki."He's my friend's friend-stranger," sabi naman ni John kaya napa hagikhik ako."By the way this is Jay. The girl I met earlier," pagpapakilala niya sa akin sa dalawa niyang kaibigan."Nice to meet you Jay. I'm Terence and the girl beside me is Oprea," pagpapakilala ni Terence sa akin. Si Oprea naman ay ngumiti lang. Kapansin-pansin ang pagiging mahiyain niya.Umupo ako sa tabi ni Johnson."By the way this is Lorenzo," pagpapakilala ko kay Lorenzo sa kanila. Para kasing wala siyang balak magpakilala kina Johnson. Narinig ko naman siya napa tsk kaya pasimple na inapakan ko ang sapatos niya."Hey the music now is go
Napahikab ako dahil sa antok. Kasalukuyan nag-iimpake ako ng mga damit ngayon. Wala na akong balak pa matulog dito sa hotel na kasama si Lorenzo. Tumawag din si papa sa akin na susunduin daw ako ni Commander Leo para pumunta sa kampo. Nang marinig ko iyon mula kay papa ay labis ang Kasiyahan na nadarama ko dahil muli ko na naman makikita ang mga dati kong mga kasamahan at ang kampo."Don't worry anak. I already told Franco about this. And also it was written in the contract that I can call you whenever the camp needs you," iyan ang sabi ni papa sa akin kanina. Nasa sala na rin si commander Leo habang ine-entertain ni Lorenzo.Pagkatapos ko mag-impake ay lumabas ako ng kwarto ko. Nadatnan ko sila sa sala na tahimik. Si commander Leo ay parang feel at home habang si Lorenzo ay parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang mukha.Ano kaya ang problema niya? Tumayo si commander Leo ng makita ako."I'll take your bag." Kinuha niya sa akin ang backpack ko habang may ngiti sa labi."Alis na kami
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si papa. Bumalik ako sa upuan ko at pinagmasdan si papa na umupo sa kanyang upuan."Naka alis na po ba si Lorenzo pa?" tanong ko."Sasabay daw siya sayo anak sa pag-alis," seryosong sabi ni papa sa akin."Po? Pero paano kung malaman niya na isa akong sniper? Baka malaman ng mga terorista ang pagkatao ko at madamay pa kayo?" nag-alala na tanong ko. Ipinatong ni papa ang dalawang siko niya sa lamesa at pinagsaklop ang dalawa niyang kamay habang nakatingin sa akin ng seryoso."I told him about you," sabi ni papa na ikanagulat ko."Why?" naguguluhan ko na tanong kay papa."He will not told anyone about you. Don't worry. He didn't know about the whole thing of you in this kind of job," sabi ni papa at nginitian ako. Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti naman kung ganon."By the way pa, bakit niyo po ba ako tinatawag dito?" tanong ko at seryoso ang mukha ni papa."After three months you need to go back here." Napatingin ako kay papa na may ngiti sa labi
Ngayon ang araw na uuwi na ako sa Manila para gampanan ang pagiging special cop. Ngayon pa lang ay namimiss ko na ang kasamahan ko rito. Napatingin naman ako kay senior Belly na nagiging emotional na naman. Ganyan talaga siya kapag may umaalis sa camp. Hindi ko masasabi na bading siya dahil matikas ang katawan niya at malapit sa mga babae. Ang iba ko pang mga kasamahan ay pinalibutan ako."Ano ba kayo? Huwag nga kayo maging oa diyan. Magkikita pa naman tayo," sabi ko at kinindatan sila. I may be the heartless person but I'm also the most jamming person when it comes to my comrades."Can you stay here?" tanong ni Vilko. Binatukan ko naman siya kaya napatawa ang iba."Sige na aalis na kami," sabi ko. Aalis na sana ako ng lumapit si commander at niyakap ako ng mahigpit. Tinapik ko ang balikat niya ng kumalas na siya sa pagkakayakap."I need to go. Tell papa that I'm going now," sabi ko sa kanya kaya tumango siya. Sa huling pagkakataon ay kinawayan ko silang lahat at binigyan ng matamis na
Niyakap ni Lorenzo si Jay na nagpangiti kay Jay.“Salamat Jay. Salamat sa pagkonsidera. Kakausapin ko muna siya pagkatapos na mahatid kita sa inyo,” sabi ni Lorenzo na nagpabura sa ngiti ni Jay. Kumalas si Jay sa pagkakayakap ni Lorenzo at humarap kay Stacy na nakatingin sa kanya ng masama.Nagbago ang ekspresyon ni Stacy ng lumingon si Lorenzo sa kanya.“Stacy, pwede ba maghintay ka rito?” tanong ni Lorenzo kay Stacy. Tumango lang si Stacy at ngumiti kay Lorenzo.Humarap ulit si Lorenzo kay Jay at hinawakan ang kamay paalis sa mall. Nang nakarating sila sa parking lot bubuksan na sana ni Lorenzo ang pinto ng ng kanyang sasakyan ng humarang si Jay sa kanyang harap.“Lorenzo, sasakay na lang ako ng taxi,” sabi ni Jay at pilit na ngumiti kay Lorenzo. Naramdaman naman ni Lorenzo ang pagka dismaya sa boses ni Jay kaya hinawakan niya ang kamay ni Jay.“Jay, alam ko na nasaktan kita ngayon. Patawarin mo ako kung umabot man sa ganito ang sitwasyon natin. Ipapangako ko na walang magbabago. Ik
Kinilig naman si Jay sa ginawa ni Lorenzo. Naramdaman niya na lumuwag ang kanyang pakiramdam dahil sa wakas ay nasabi na niya kay Lorenzo ang kanyang naging desisyon.“Alam na ba ni chief Franco ang tungkol sa naging desisyon mo?” tanong ni Lorenzo kay Jay. Umiling naman si jay.“Hindi pa. Si Dad, Peter, Rose, ikaw pa ang nakakaalam tungkol sa naging desisyon ko,” sagot ni Jay kay Lorenzo.“Talaga? Kailan ang plano mo mag resign?” tanong ni Lorenzo.“Sa biernes,” sagot ni Jay.“Kung ganun, tatlong araw simula ngayon,” sabi ni Lorenzo.“Oo,” sagot ni Jay.“Salamat Jay dahil pumayag ka sa inalok ko sa iyo. Sobrang masaya ako sa desisyon mo. Alam ko na mahirap para sa iyo na tumigil sa pinapangarap mo na trabaho. Ngayon ay na-g-guilty ako dahil bibitawan mo ang pangarap mo dahil sa akin,” sabi ni Lorenzo. Umiling naman si Jay.“Huwag kang ma-guilty Lorenzo. Desisyon ko na bitawan ko ang trabahong ito. Alam ko mismo na delikado ang trabahong ito. May pagkakataon na baka ito pa ang magigin
Jay POVPagkatapos ng aming pagkikita nila Peter at Rose sa mall ay dumiretso ka agad ako sa opisina upang magtrabaho. Buo na ang desisyon ko na mag resign sa trabaho kaya ngayon araw ay itutuon ko ang buong atensyon ko sa trabaho.Hindi ko aakalain na aabot ako sa sitwasyon na ito na iiwan ko ang trabaho ko para sa kaligayahan na dumating sa aking buhay.Nang makarating ako sa opisina ay binati ako ng mga co-workers ko. Masaya ako na makasama ko sila kaya gusto ko na makasama ko sila sa huling pagkakataon.Nais ko mag-resign sa trabaho kapag nasabi ko na kay Lorenzo tungkol sa desisyon ko. Kaya sana ay matapos na siya sa kanyang misyon at makauwi ng ligtas.Alas siete na ng gabi ng matapos kami sa trabaho. Mabuti na lang ay sinundo ako ngayon ni Nate kaya hindi ko na kailangan sumakay ng public vehicle.“Ngayon araw ay wala tayong klase,” sabi ni Nate habang nag d-drive ng kotse.“Talaga? Bakit daw?” tanong ko sa kanya.“Sinamahan ni Simon si lolo sa importanteng lakad ni lolo,” sago
Pagkatapos nila magbabad sa hotspring ay umahon sila mula sa tubig at bumalik sa kwarto. Nagbihis sila at inaya si Jay na pumunta ulit sa restaurant. Sumama naman si Jay kay Marinette.Mula sa harap ng restaurant ay kita mula dito ang swimming pool. Nakita nila si Lizzy na may kausap na lalaki habang tumatawa. Hinanap nila si Risley pero hindi nila makita si Risley sa swimming pool kaya napagdesisyonan nila na pumasok na sa loob ng restaurant.Pagpasok nila ay nakita nila si Risley na nakailang ulit na ng pagkain. Nang makita sila ni Risley ay kumaway si Risley sa kanila.Lumingon naman si Marinette kay Jay.“Kilala mo ba ‘yan?” tanong ni Marinette.“Hindi eh. Kilala mo ba iyan?” tanong ni Jay.“Hindi rin eh. Tara umalis na tayo rito,” sabi ni Marinette at aktong aalis na sa loob ng restaurant.“Oi! Ang sama niyo,” sigaw ni Risley. Napatawa na lang si Marinette at lumapit sila sa lamesa ni Risley at umupo.“Naka ilang ulit ka na ba?” tanong ni Marinette kay Risley.“Pang limang beses
Dalawang araw na ang nakalipas simula ng inimbitahan ni Lorenzo si Jay sa kaniyang tinitirahan. Dalawang araw na rin ang nakalipas na hindi na nakakatawag si Lorenzo sa kanya. Ang huling tawag ni Lorenzo sa kanya ay may emergency misyon siya na kailangan ng aksyon. Tinanong ni Jay kung kailan ito matatapos ngunit hindi nagbigay ng sagot si Lorenzo.Ngayon ay nasa loob siya ng office habang ginagawa ang trabaho niya. Habang tinitignan niya isa-isa ang mga dokyumento na nasa harap niya ay napapatingin siya sa kanyang cellphone na nasa ibabaw ng mesa.Umaasa si Jay na tatawag o mag t-text si Lorenzo sa kanya. Napansin naman ito ng mga kasamahan niya na palagi siya tumitingin sa cellphone niya.Biglang bumukas ang pinto at napalingon si Jay at umaasa na si Lorenzo ang pumasok sa office pero ang ngiti sa mukha niya ay nawala ng hindi si Lorenzo ang pumasok sa office.“Jay!” tawag ni Marinette ng makita niya si Jay. Siya ang pumasok sa office. Lumapit si Marinette sa kanya ay niyakap ng mah
Alas unsi na ng umaga at hindi pa nakarating sila Jay sa kanilang pupuntahan. Napansin naman ni Jay na dumaan sila sa isang patag na lugar. Kitang-kita ni Jay ang kagandahan ng kalangitan ngayon. Ang gilid ng daan ay sobrang patag na halos ang makikita rito ay ang kulay berde na mga damo na hindi gaano kataas.Namangha si Jay sa kagandahan ng paligid. Pagkatapos madaanan nila ang patag na daan ay biglang may dalawang daan ang natatanaw niya. Sa kanang daan patag pa rin ang daan habang sa kaliwang daan ay parang paakyat sa bundok.Dumaan sila sa kaliwang daan kung saan papaakyat ang takbo ng kotse nila.Hindi kalayuan ay natatanaw ni Jay ang isang malaking gate. Nang makalapit sila sa gate ay may mga gwardiya na nagbukas ng gate. Nagpatuloy sa pagmaneho si Lorenzo at nadaanan nila ang isang malawak at di gaano kalaki na harden. Nagandahan naman si Jay sa harden at pinagmasdan ang ito.Napansin naman ni Jay na may hardenero na nag-aalaga sa harden. Mga ilang sandali ay huminto sila sa h
Pagkatapos patayin ni Jay ang tawag ay nagpagulong-gulong siya s kanyang kama dahil sa kilig na naramdaman niya. Ang lakas ng tibok ng puso niya na parang gusto na kumawala sa kanyang dibdib.Pakiramdam ni Jay na sobrang init ng kanyang mga pisnge kaya napagdesisyonan niya na maligo ngayon. Pagkatapos niyang maligo ay nagbihis siya. Pinatuyo niya ng abuti ang kanyang buhok para hindi siya makatulog na basa ang kanyang buhok at sumakit ang kanyang ulo.Pagkatapos magpatuyo ng buhok si Jay umupo siya sa kanyang kama at kinuha niya ang kanyang cellphone at nakita niya na may mensahe si Lorenzo para sa kanya. Napangiti na lang siya ng mabasa ito.“Good night, darling,” pagbasa niya sa mensahe at may heart emoji pa ito.Inilagay ulit niya ang kanyang cellphone sa lamesa at humiga sa kanyang kama habang nakapikit ang kanyang mata at yakap-yakap ang isa niyang unan.Dahil sa pagod at saya ay may ngiti sa labi si Jay na nakatulog ng mahimbing.Kinabukasan ay sinuot ni Jay ang damit na binili
Nagising si Jay mula sa pagkakatulog ng gisingin siya ni Lorenzo sa loob ng kotse. Nang naimulat ni Jay ang kanyang mga mata ay nakita niya na nasa harap na pala siya ng gate na tinutuluyan niya.“Nandito na tayo sa inyo,” sabi ni Lorenzo. Hindi pa sila nakapasok sa loob dahil hindi alam ng mga gwardya kung sino ang nasa loob.“Ihahatid na kita sa inyo sa loob,” pag-alok ni Lorenzo sa kanyang nobya ngunit umiling lang si Jay.“Okay lang. Dito mo na lang ako ibaba,” sabi ni Jay. Gustuhin man ni Jay na makasama si Lorenzo ng matagal pero nais niya na hindi na ito makauwi na si Lorenzo at makapagpahinga.“Pero sino ang magdadala ng mga maleta mo? Sa liit mo-” hindi natuloy ang sasabihin ni Lorenzo ng sinimangutan siya ni Jay.“Ganun? Hindi ko kaya madala ang maleta ko dahil sa liit ko?” inis na sabi ni Jay kay Lorenzo.“Ang ibig kong sabihin ay-” hindi ulit natuloy ang sasabihin ni Lorenzo ng itaas ni Jay ang kanyang kanang kamay sa harap ni Lorenzo.“See you tomorrow, Lorenzo,” sabi ni
Okyupado ang pag-iisip ni Jay tungkol sa kalagayan ng kanyang ama at sa magiging desisyon niya. Ayaw niya mabigo ang pag-asa at paniniwala ng mga dating kasamahan niya sa kanya pero dahil ang pinag-uusapan ang tungkol sa nangyayaring gulo. Kung saan kung sasabak siya sa ganun klaseng gulo ay walang kasiguraduhan na makakauwi siya sa piling ni Lorenzo ng buhay.Dahil dito ay ngayon lang siya nakaranas ng takot na mamatay dahil sa kadahilanan na takot siya na baka hindi na niya makapiling muli ang mga mahal niya sa buhay lalo na si Lorenzo.Pagkatapos makababa ni Jay sa eroplano, okyupado pa rin ang kanyang pag-iisip at hindi niya namalayan na nasa harap na pala niya si Lorenzo.“Jay!” Tawag ni Lorenzo sa kanya. Saka lamang napansin ni Jay si Lorenzo ng madinig niya ang boses ni Lorenzo malapit sa kanyang kanang tenga kaya ay nagulat siya at napalingon kay Lorenzo. Nakatingin sa kanyang mata na may pag-alala.“Lorenzo!” Tawag ni Jay at niyakap si Lorenzo ng mahigpit. Niyakap nila ang i