Worried Zaprine Pov Nandito kami ng mga bata sa Falls, enjoy na enjoy silang maligo dito. May swimming pool naman dito pero maraming tao doon. Mas okay dito sila maligo dahil umaagos ang tubig pababa. Patingin-tingin ako sa relo ko dahil alas kwatro na wala pa rin si Aria. Sabi niya susunod ito dito.. Hanggang sa nagsawa na lang kami at naisipan na umuwi na. "Maybe mommy is tired," sagot ko na lang sa tanong ng kambal. "Baka hinayaan ni Mommy na tayo lang muna ang magbond like what I've said earlier," sabi naman ni Zamia. May mga golf car na nagkalat kaya sumakay na kami sa isang golf car doon na nakahimpil sa gilid. "Baka tampo si mommy," singit ni Zaria ng nakaupo na kami sa sasakyan. Nakakandong pa rin ang mga ito at yakap sa akin kahit maluwag naman ang space sa upuan. Pero masaya ang pakiramdam ko sa palaging pagyakap nila sa'kin. Halata na sabik na sabik sila sa presensya ng isang ama. Mas naging masiyahin pa sila at naging madaldal ng makasama ko na silan
Control Room Zaprine Pov "Daddy, saan tayo punta?" usisa ni Zaria. "Sa control room anak. Titignan natin kung saan nagpunta ang mommy dahil hindi sinasagot ang tawag natin sa kanya. Mag-behave kayo sa loob okay?" bilin ko pa. "Yes po daddy," sagot naman nilang dalawa. Lumabas na kami ng apartment ng makarinig kami ng busena sa labas. Inakay ko na ang dalawa para lumabas na. Ni-lock ko na muna ang pinto bago ko hinawakan sa magkabila kong kamay ang kambal ko. "Pasok na sa loob mga anak," sabi ko. Sasakyan nito ang dalawa kaya sa likod kaming tatlo umupo. Kumandong na naman ang dalawa kahit kasya naman kami sa upuan. "Hello po," bati pa nilang dalawa kay Gray. "Hello kids," bati rin nito pabalik sabay ngiti sa kambal. "Ikaw po ang papa ng kambal na lalaki di ba po, Kuya?" tanong ni Zaria. May pagkachismosa talaga ito minsan. "Yes baby," "Saan po sila? Pede po namin sila kalaro?" tanong rin ni Zamia. "Nasa manila sila baby," sagot naman nito. "Manila po? An
Phone call Zaprine Pov "Hello, I--" "Anong gusto mong sabihin? Kung ako lang ang masusunod ipapaban kita diyan sa Sevenity!" may galit pa rin talaga ito sa akin. Hindi pa nga ako nakakapagsalita ito na agad ang bungad nito sa akin. Bumuntong hininga ako bago kinalma ang sarili. Alam ko na madadagdagan na naman ang galit niya sa akin kapag nalaman n'ya ang nangyari sa kapatid nito. Alam ko na ako pa rin ang sisisihin nito dahil sa nangyari. Ako pa rin kasi ang dahilan kung bakit ginawa ito ni Greene na saktan si Aria. Ako pa rin ang may kasalanan ang lahat. Kung hindi ko nakita ang mag-ina ko wala sanang ganitong nangyari kay Aria. Wala naman ibang sisisihin kundi ako lang. "Alam ko na galit ka pero can you civil just one, kahit pakitang tao lang," mahinahon kong sabi. "Ano pa nga ba ang magagawa ko kung 'yan ay nakakabuti sa kapatid ko at sa mga pamangkin ko," sabi nito na parang hindi talaga sang-ayon sa sinabi. "Napatawag ka anong sasabihin mo?" tanong pa nito. M
Zaprine Pov "Daddy ko, 'wag na ikaw galit-galit, a, tatakot po ako," mahina pero rinig na rinig ko ang pagkakasabi ng isa kong anak. Nahabag ako sa sinabi nito."I'm so sorry, baby ko, hindi lang maiwasan ni Daddy ang magalit dahil sa nangyari. I'm sorry if I scared you," malumanay kong sabi.Ang isa naman ay tulog na sa balikat ko. Habang ang Isa naman ay nakahilig sa dibdib ko. Ang sarap sa pakiramdam ang ganitong yakap ang mga anak ko. Masaya na sana kaming nagbibiruan ngayon kasama ang ina nila. Kung wala lang nangyari na ganito kay Aria.Alam kong hindi sanay ang kambal na wala ang ina nila. Kita ko ang lungkot sa kanilang mukha. "You okay?" nag-alala ko pang tanong sa Isa kong anak. Tinignan ko pa ang nakasandig sa dibdib ko. Ito pala ang tulog at ang nasa balikat ko ang nagsalita si baby Zamia."Si Mommy po?" malungkot na tanong nito."Makikita natin s'ya mamaya, anak. Sleep kana rin muna," malumanay kong sabi.Umiling iling ito sabay angat ng ulo nito. Tumingin ito sa aking
Staying at the clinic Zaprine Pov May binigay si Axeros na higaan ng mga bata dahil ayaw nila umuwi sa apartment. Gusto nila sa tabi lang sila ng Mommy nila. Nag early dinner kami kanina kaya nagpabili na lang ako ng snacks nila at tubig. Tulog na ang kambal at ako na lang ang gising. Hindi ko maiwasan na titigan ang mukha ni Aria na puno ng pasa may sugat pa sa gilid ng labi niya. May mga gasgas dahil siguro iyon sa pagkakahulog n'ya sa bangin. Pero ang mga pasa nitong natamo ay alam kong galing sa pananakit ng babaeng iyon. Wait for your turn b!tch! Pinapakisamahan kita dahil kapatid ka ng asawa ng pinsan ko. Kaso you cross the line and I don't like what you did to my girlfriend. Wala siyang kasalanan sa'yo para gano'n na lang kung saktan mo siya. 'Alam mo sa sarili mo na kaibigan lang turing ko sa'yo. Hindi ko sinabi na mahalin mo ako pero hinayaan mo ang sarili mo na mahalin ako. Kahit alam mo naman sa sarili mo na wala kang mapapala sa akin,' inis na inis siya sa bab
Aria Pov Nagising siya na masakit ang ulo at katawan. Napatigil siya ng maisip na nahulog siya sa bangin. Bigla siyang napabalikwas ng bangon pero napadaing siya sa sakit ng katawan. Kaya napabalik siya agad ng higa sa kama. Mariin siyang nakapikit dahil sa sakit na nararamdaman niya sa katawan, at ulo, lalo na ang mukha niya. "Ang s-sakit, tama naa!" daing kong sambit. Pakiramdam ko may nananakit na naman sa akin. Double sakit na naman kapag gumanti ako. Pero napatigil siya ng makapa niya ang kanyang higaan. Hmmm... malambot ang higaan ko. Parang nasa kama ako, a? Ibig sabihin may nagligtas sa'kin sa kamatayan. Ibubuka ko pa lang sana ang mga mata ko ng marinig ko ang pagbukas ng pinto. Pumikit na muna ako para pakalmahin ang sarili. Dahil masakit pa ang ulo at katawan ko. "Daddy, kelan gigising si Mommy po?" tanong ng isa naming anak. "Tagal po niya mag-wake up po, Daddy. Baka gugutom na po siya, wala pa kain si Mommy," sabi naman ng isa pa. "Let's Mommy rest for awhile. Ma
Aria Pov Tapos na kaming kumain nang dumating ang mga magulang ko. Naaawang nakatingin sa akin si Mommy, hindi na rin nito mapigilan ang maiyak."Dios ko, namang bata ka bakit hindi ka nag-iingat!" kunwari'y galit pero umiiyak naman at agad akong niyakap. "What happen to her?" tanong ni Daddy na kay Zaprine nakatingin."Lolo---" "Shhhh... baby don't talk when the adults are not talking to you, hmm. Please, listen to daddy. Magsalita ka lang kapag kinausap kana ha? Interrupting the conversation of elders is bad, anak," malumanay na suway ni Zaprine sa anak naming si Zaria."Okay po Daddy, mamaya na lang po ako mag-talk kay Lolo at Lola, namiss ko kasi sila," sagot naman ng anak ko. Lumapit na silang dalawa sa Grandpa nila at nag-kiss at nagmano, sunod sa Grandma nila."Nasa bahay ang mga pinsan n'yo kids, baka gusto n'yo makipaglaro na muna sa kanila?" singit ni Axeros sa mga bata."Talaga po, Mommy mag-play lang po kami sa mga cousins namin po, a?" excited na tanong pa ni Zamia. "
Aria Pov Nalungkot ako nang hindi na pumunta pa dito sila Mommy at Daddy. Nagtampo yata sila sa pagsuway ko sa kanila. Matanda na ako kailangan ko na rin na tumayo sa sarili kong mga paa. Magdisisyon sa lahat para sa sarili ko. Ang tanda ko na para diktahan pa nila ako sa mga gusto ko. Sarili ko naman ngayon ang pagtuunan ko ng pansin. Naging masunurin naman ako simula noong bata pa ako. Hayaan na sana nila akong magdisisyon naman para sa sarili ko. I already don't care about the recognition of my grandpa. I really don't care anymore. Ang priority ko na lang ngayon ay ang sarili kong pamilya. Kahit ayawan pa kami ng buong mundo basta kasama ko ang mag-aama ko masaya na ako doon. "You okay, sweetheart?" masuyong tanong ni Zaprine sa akin. Magaan naman akong ngumiti sa kanya at marahan na tumango. "Walang sinuman ang makakapaghiwalay sa ating dalawa. I love you sweetheart, hindi ko kaya na mawala ka pa ng tuluyan sa akin, kayo ng mga anak natin," lambing na yakap sa akin.
Love Amidst the Danger AriaKinabukasan ay hindi ako nakaalis ng bahay dahil inaapoy ng lagnat ang isa sa kambal. Imbes na kanina pa ako aalis na-cancel tuloy dahil mas tumaas pa ang lagnat ni baby Zamia.Nalaman ko kasing nilipat nila sa Parker hospital si Zaprine. At ako ang gusto ni Lolo Francisco na mag-monitor at mag-alaga sa apo nito. Kaso lang sinabi ko na hindi na muna ako makaka-duty dahil may lagnat si baby Zamia. Nag-aalala naman sila para sa bata. Tumawag pa sila makita lang ang apo nila.Si baby Zaria na ang nakikipag-usap sa mga Lolo nito. Maraming tanong ang bata, at magiliw naman nila itong sinasagot ng maayos. Nagagawa na rin nilang humalakhak dahil na rin sa pinagsasabi ng batang makulit. One week bago ako pumasok sa trabaho at si Zaprine agad ang inuna kong binisita pagkapasok ko sa trabaho. Nagulat pa ako ng madatnan ko ang parents ni Zaprine sa loob. Dalawa lang sila na nagbabantay kay Zaprine ngayon.Bumati na muna ako sa kanila bago ako lumapit kay Zaprine na
Love Amidst the Danger Aria Inakay ko si Axeros sa labas ng kwarto ko. Para hindi kami marinig ng mga anak ko. "Sino ang nagbigay ng larawan na iyon sa media para ibalita sa madla ang nangyari kay Zaprine? Ni-record mo ba ang balita? Napanood mo ba?" sunod-sunod kong tanong sa kanya. "I have no idea, Ate. Tumawag ako agad kay Kuya Lucas nang napanood ko ang balita. Galit na galit siya sa nalaman dahil wala daw silang consent na kuhanan ng picture si Zaprine at ipublish sa media ang nangyari sa kanya," sagot naman nito agad. "Kahit kailan talaga ang hospital ni Lolo hindi sila sumusunod sa protocol! Lalo na ang mga pinsan mong nagmamagaling at magagaling magpasipsîp kay Lolo!" galit kong sambit. "Mag-imbestiga ako sa hospital, Ate. Marami naman akong kakilala doon. Baka may makasagot sa tanong ko, at makakuha ako ng impormasyon," "Damn them! Hindi ko pa rin makakalimutan na hindi sila nag-effort na gamutin si Zaprine. Kung hindi tayo agad nakarating sa hospital sure akong pin
Love Amidst the Danger AriaUmuwi ako sa bahay namin na halos hindi na makahinga dahil pa rin sa pag-iyak ko at pagod. Nagulat ako ng sumalubong sa akin ang kambal ko. Hindi ko alam na inuwi pala nila dito ang kambal. Mabuti na rin iyon ng may sandalan ako sa kalungkutan.Agad ko silang niyakap at hindi ko na naman mapigilan ang mapahagulhol ng iyak. Ramdam ko na nagulat ang kambal sa malakas kong pag-iyak pero hindi sila nagkomento. Mahigpit lang nila akong niyakap na parang ramdam rin nila ang bigat ng aking nararamdaman."W-why are you crying Mommy?" mahinang tanong ni Zaria na mukhang nag-aalala sa akin. Hinaplos nito ang mukha ko na puno na ng luha sa pisngi ko.Hindi ako makapagsalita dahil parang may bumara sa lalamunan ko. Hirap kong ibuka ang mga labi ko. Nakatitig lang ako sa kanila at bahagyan na ngumiti habang hilam ng luha ang pisngi ko."Tama na iyak Mommy, nasa-sad na rin po kami eh," nalungkot na rin ang baby Zamia ko."Kids hayaan n'yo na muna si Mommy na magpahinga.
Love Amidst the Danger Aria Pawisan na ang noo ko sa ginagawa ko. Natanggal ko na ang lahat ng bala na bumaon sa katawan ni Zaprine. Ang isa ay malapit sa dibdib, sa may bandang tiyan, sa balikat, at hita nito. "May extra blood pa bang nakaimbak dito? We blood asap! Kailangan siyang masalinan ng dugo sa lalong madaling panahon," malakas kong sigaw. Kinalma ko ang sarili ko. 'Pokus Aria, pokus!' pagpapatatag ko sa sarili ko. Pinigilan kong maiyak dahil hindi ako makapukos kapag mas pinairal ko ang emosyon ko. "Blood type Doc?" tanong ng kasama ko dito. "Blood type B-positive. Ask his family, kung sino sa kanila ang may blood B-positive. I need blood as soon as possible!" taranta kong sabi. "Copy!" Tapos ko na siyang operahan pero kailangan niyang masalinan ng dugo dahil maraming dugo ang nawala sa kanya. Lalo na sa ulo niya na nagkaroon rin ng sugat. Kailangan pa namin siyang gawan ng iba't ibang test, para makasiguro ang kaligtasan niya. Dalawa ang doctor na kasa
Love Amidst the Danger AriaSa taas ng building sa hospital nila Lolo kami bumaba. Nagmadali na kaming bumaba sa helicopter at nagtungo agad sa hagdan pababa. Tinungo namin agad ang elevator. "Kelan dinala dito sa hospital si Zaprine? Bakit critical siya ngayon? Anong nangyari sa kanya?" sunod-sunod na tanong ko kay Axeros. Kinakabahan na ako na hindi mawari, natatakot na baka may masamang mangyari sa kanya. Kasasabi ko lang na mag-iingat siya eh.Lakad takbo kaming nagtungo sa emergency room. Habang papalapit nang papalapit kami sa emergency room ay pabilis naman ng pabilis ang kabog ng dibdib ko. Mabigat ang kalooban ko sa balitang ito sa kanya.Malapit na sila doon ng makita niya ang pamilya ni Zaprine sa labas ng hospital mga kamag-anak siguro nila ang iba. Wala si Lolo Francisco dito. Nandito rin ang ibang kaibigan ni Zaprine, si Neptune ang unang nakapansin sa kanya. Wala itong sugat pero si Gardo may mga gasgas at sugat ito sa mukha. "Aria!" sambit agad ni Neptune. Napalin
Love Amidst the Danger AriaMahigit isang linggo nang walang tawag sa amin si Zaprine. Alam ko naman na busy ito. Pero sana kahit tawag o di kaya ay message na lang. Dahil kinukulit ako ng kambal kung bakit hindi tumawag ang Daddy nila. Nakasimangot na naman silang nagising. Bad mood na naman sila. Dahil walang Daddy na naglalambing sa kanila kada paggising nila sa umaga. Walang magbubuhat para samahan na magtungo sa banyo para maghilamos at mumog. Walang magluluto ng favorite nilang pagkain sa umaga. Walang kakulitan at walang nagbabasa ng books for them sa gabi."Mommy!" iyak na naman ni Zamia pagkagising niya. Parang balik ulit kami sa dati na tatlo lang kami. Pero iba na ngayon dahil alam na nilang may Daddy sila at nakakasama na nila. Naninibago na naman sila dahil sanay na silang kasama ang ama nila."I want Daddy," ungot rin na saad ni Zaria. Malalim akong napabuntong-hininga sabay yakap ko na sa dalawa. Hindi ko pinansin ang pag-iyak nila. Inakay ko na sila sa banyo para m
Love Amidst the Danger Zaprine Rinig namin ang sigawan nila sure akong natamaan at napuruhan rin sila. Sumilip kami sa pintuan ang ibang kalaban ay nagsitakbuhan kasama ang pinuno nila. Iniwan ang mga kasamahan nilang napuruhan sa pagsabog. Now kwits! "Sundan natin sila hindi pwedeng makatakas sila," sabi ni agent Clent. Nag-abiso ako sa kanila na palabas ng lumang building ang leader ng sendikato. "Huwag hayaan makatakas ang mahalimaw na taong iyan!" sigaw ko. Paubos na ang bala ng baril ko kaya kinuha ko ang dalawang baril na hawak ng mga patay ng kalaban. Mas maganda 'yung may reserba. "Agent look out!" sigaw ko sabay tulak sa kasama ko. Natumba kaming dalawa sa sahig. Mabilis ang galaw ko kasunod ang pagbaril ko sa mga kalaban. "Sa kaliwa!" sigaw ni agent Clent. Mabilis ang ginawa kong paggulong sa sahig at nagtago sa gilid. Sumilip ako at mabilis kong kinalabit ang gatilyo ng sunod-sunod. Alerto ang bawat galaw ko na halos hindi ko na maramdaman ang mga sugat
Love Amidst the Danger Zaprine Wala nga silang pakialam sa mga kliyente nila, dahil nagpaulan pa rin sila ng putok ng baril sa gawi ko. Hindi ko alam kong ilang bala ang natama sa katawan ng dayuhan na ginawa kong panangga. Natamaan man ako ay hindi ko hinayaan na mapuruhan ako. Mas lalong nagkaroon ng tension ang paligid ng dumating ang mga back up naming iba dito sa basement. Nagkagulo na ang lahat sa paligid nagpalitan na ng putok ng baril sa magkabilang panig. I'm glad dahil on time dumating ang kasamahan namin baka napuruhan na ako kung sakali. Parang naging larangan na ng digmaan ang abandonadong gusali sa sunod-sunod na barilan sa bawat grupo. Naging maliksi ang lahat at walang gustong magpatalo. Dahil ang gusto namin ay mapataob ang grupo ng sendikato na ito. "Malalakas sila, ngunit hindi sila mananalo. Isa isahin natin silang uubusin. Expose natin ang mga lihim nila, mga masasamang gawain, para mabigyan ng hustisya ang mga nabiktima nila," sabi ng kasama niyang agent
Love Amidst the Danger Zaprine I was instructed to go in the other room. Hindi lang pala basta-basta abandona na ugali ang lugar na ito. Maraming pasikot sikot at maraming mga kwarto. Kinailangan pa naming pasukin ng mga kasama ko ang mga kwarto.Ang ilan sa mga kwarto ay walang pinto ang iba ay meron. Kaya double ingat ang ginagawa naming paglusob sa loob. Kada kwarto ay pinapasok namin. Napatigil kami ng may marinig kaming yapak na malapit sa gawi namin. Nagdahan-dahan kaming pumasok sa walang pinto na kwarto. Sa tabing kwarto sila tumigil sumilip ako at gano'n na lang ang gulat ko ng may akay silang dalawang babae na hubo't hubad na basta na lang itinapon sa loob ng kwarto. Napatiimbagang ako sa nakikita ko. Paglabas nila ay may dala na ulit silang dalawang babae na umiiyak at nagmamakaawa. Pero ang mga gago sinaktan lang ang dalawang kawawang babae. Hindi na ako nakatiis at binaril ko na sila sa ulo. Ayon at tumba agad sila. Naka-silencer naman ang baril ko kaya walang tunog