Protect herZaprine Pov Hindi ako umalis sa tabi ng kasintahan ko hangga't hindi ito nagigising pa. Inihatid ng mga kaibigan ko ang gamit ni Aria dito sa hospital. Dalawang araw na wala pa rin malay. Sobra-sobra ang pag-aalala ko sa kasintahan ko. Hindi ko na rin nagawang sabihin sa kapatid nito ang nangyari sa Ate nito. Kaya nag-utos na lang ako ng nurse na ibalita ito sa kapatid ni Aria. Nasa exclusive room ito nagbabantay sa kasintahan nito. Ito pala ang dahilan kung bakit tinanggap ni Aria ang offer sa kanya na magtrabaho dito sa abroad. In-grab na niya ang opportunity na malayo sa gagong ex-boyfriend nito, pero parang mas napapahamak pa ito lalo dito sa ibang bansa. Inalam ko ang dahilan kung bakit hindi nilulubayan ng gagong ex-boyfriend ni Aria. Utos pala iyon ng boss niyang may gusto kay Aria. Malaki ang makukuha nitong pera kapag nakuha at nadala niya sa boss nito ang kasintahan ko. Mga gago! Siraulo kayo! Nagngingitngit sa galit ang kalooban ko.Nawala ang pagmuni-muni k
Parents visit Aria PovKinaumagahan pinilit ko si Zaprine na umuwi na muna para makapagbihis na at makapagpahinga kahit saglit lang. Sira din ang ulo nito, e. Hindi umuwi ng bahay niya, nanatili lang ito sa hospital hanggang sa magising ako. Pero ang bango pa rin naman niya ng yakapin niya ako. Pero kanina halos ayaw na niya lumapit sa akin dahil mabaho na daw siya at wala pa ligo. Kaya do'n ko nalaman na hindi pa pala ito umuwi para magbihis.Sa kamay ko siya humalik kanina dahil baka daw maamoy ko ang mabaho niyang katawan. Tinawanan ko lang siya. Tanghali na nang may kumatok sa pinto. Excited ako na akala ko si Zaprine na iyon dahil kanina ko pa siya hinihintay. Pero nagulat ako ng makita ko ang parents ko at ang bunso kong kapatid. Tumakbong lumapit sa akin si Razelia. "Ate!" malakas pa niyang sambit. Napangiwi ako ng agad niya akong niyakap. Hindi ba niya nakikita ang medical arm sling sa braso ko. "Bunso masakit," daing ko. Inipit ba naman nito ang brasong may sugat.Napat
Colleagues Aria PovMagaling na ako pero may gamit pa rin akong arm sling dahil kailangan pa ng proteksyon ang braso ko. Naka duty na rin ako. Nang maging okay na ako ay umuwi na ang pamilya ko sa Pilipinas. Dumadalaw rin sila sa dalagang nakaratay pa rin sa exclusive room dito. Lumalakas na ang respond ng dalaga at sinabi ko na sooner or later magigising na ito. Tuwang tuwa naman ang kapatid ko sa binalita ko sa kanya. Lumalaban pa rin ito sa kamatayan. Nasa lobby ako sa nurse station nakipagchikahan saglit. "You know, Ma'am Aria, I'm sorry for saying this, but since Sir Zaprine became your boyfriend, your life has always been in danger," nagyuko agad ito ng ulo pagkatapos niya itong sabihin sa akin."She's right, ma'am, he's not good for you, you might get hurt even more," segunda pa ng isang kakilala kong nurse na naging close ko na rin ang mga ito."I hope you don't get hurt by what we say to you, ma'am. We are just worried about you. We are just concerned because that is what
Confrontation Aria PovIlang araw ng bumabagabag sa aking isipan ang mga napag-usapan namin ng mga katrabaho ko about sa boyfriend kong si Zaprine. Tapos kanina lang nakausap ko rin ang matalik kong kaibigan na si Blessa. Nagkwento siya about sa nalaman niya kay Zaprine. Sabi niya na I should be more careful, dahil hindi basta bastang tao si Zaprine. Mas lalo akong naguluhan sa sinasabi nito. Pinagbintangan ko pa na sinisiraan lang niya si Zaprine sa akin para hiwalayan ko ang kasintahan ko. Tumawa lang ito at nagpaliwanag na nasa gitna lang siya sa hidwaan namin ni Greene. Na-touch ako ng sabihin niyang wala siyang kinakampihan sa aming dalawa ni Greene, dahil best friend niya kaming dalawa. Labas na daw ito sa alitan naming dalawa.Sabay sabi niya na mas bagay kami ni Zaprine. Perfect combination daw kami, perfect couple. Kinikilig pa rin daw ito noong hinalikan ako ni Zaprine sa harapan nila. Tumawa na lang din ako. Ilang buwan na ang nakalipas hindi pa rin nito nakakalimutan an
Deep thinking Zaprine Pov Para bang sasabog na ang dibdib ni Zaprine sa sobrang bilis ng tibok ng kanyang puso, bawat pagtibok ay nagpapaalala sa kaguluhan at takot na bumabalot sa kanyang isipan.Pinagmasdan niya si Aria, ang mukha nito'y nababalot ng pag-aalala at pagdududa, para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng dahil sa pagsisisi na bumalot sa kanya. Nasasaktan siya sa nakikitang pagluha ng kasintahan ng dahil sa kanya.Alam niyang dapat sana'y sinabi na niya ang totoo kay Aria, dapat sana'y naging tapat siya mula pa sa simula. Ang sakit ng kanyang dibdib dahil sa kanyang pagkakamali ay parang kutsilyo na tumutusok sa kanyang puso.Ngunit ang takot, tulad ng isang nakakamatay na ahas, ay nakapulupot na sa kanyang puso, bumubulong ng mga pag-aalinlangan at pangamba. Ang lason ng takot ay unti-unting kumakalat sa kanyang sistema, nagpapahirap sa kanyang isipan.He'd always known his family was different. The Eclipse Elites, na binubulong na may halong takot at paggalang, ay
Unexpected newsAria Pov Hindi ako makapagpukos sa meeting namin. Lumilipad ang isip ko at kadalasan ay napapatulala ako. Napapansin siguro ng head of department namin hindi lang ito nagkomento. Idagdag pa na masama ang pakiramdam ko at masakit ang ulo. I want to rest, gusto ko na munang ipahinga ang katawan ko, ang utak ko at ang puso ko. Gusto ko na naman na umiyak. Bumuntong hininga ako ng malalim. Napatingin pa ang katabi ko sa ginawa ko pero hindi ako umimik.Dahil maaga na natapos ang meeting dumaan na muna ako sa kaibigan ko na ob-gyn. Gusto daw niya akong makausap at may sasabihin ito sa akin. Baka importante kaya dumaan na muna ako bago ako magtungo sa opisina ko. Bigla kong na miss si Zaprine, ang weird ko naman yata ngayon.Kumatok na muna ako bago ko pinihit pabukas ang pinto. Ngumiti ako sa assistant ng kaibigan ko. Bago pa ako magsalita ay tinuro na niya ang pinto ng opisina ng boss niya. Ngumiti naman akong nagpasalamat sa kanya. Fil-Am ang kaibigan ko at marunong di
Pregnant Hinatid ako ng assistant ng kaibigan ko sa opisina ko dahil sa nangyari noong mga nakaraang linggo. Kahit umayaw ako ay mapilit ito kaya wala na akong nagawa pa.Nagpasalamat na muna ako sa assistant ng kaibigan ko bago pumasok na sa loob ng opisina ko.Nakita kong nakasandal sa upuan si Zaprine at nakapikit. Mukhang problemado ang mukha kaya agad ko itong nilapitan. Napamulat agad ito ng mata at umayos ng pagkakaupo ng makita niya ako. Tipid itong ngumiti sa akin bago niya sinara ang laptop nito.Lumapit agad ako sa kanya at umupo sa kandungan nito. Hindi pa ako nakontento yumakap ako ng mahigpit na ikinagulat nito. Ramdam ko na natigilan ito sa ginawa ko. Pero I want to hug him."Hug me back, idiot!" inis kong sambit. Mahina naman itong napatawa sa akin.Gumaan lalo ang pakiramdam ko ng maramdaman ko na ang masuyo nitong pagyakap sa akin. Ang kaninang nararamdaman ko na sakit ng ulo ay nawala. Pati ang sama ng pakiramdam ko ay napawi dahil sa mainit nitong katawan na nakad
Worried Aria Pov "Oh my god!" malakas kong bulalas. "Bakit Ate?" mabilis na lumapit sa akin ang kapatid ko. Tumingin din ito kay Serenity na nakaratay pa rin hanggang ngayon sa hospital. Isang taon mahigit na wala pa rin malay. "Nakita kong gumalaw ang kamay niya. Oh wait." Lumapit ako sa button para pindutin ito. Maya't maya ay nagmadali ng pumasok ang personal doctor ng dalaga at ang isang nurse. "What happen?" agad nitong tanong. Nakita ko ang kapatid ko na may tinatawagan. Baka ang kapatid ng dalaga ang tinawagan nito. "I saw her hand moved, doc," pagbabalita ko. Agad naman niya itong tinignan. Pati ang monitor at kung ano-ano pa na aparato na naka-connect sa dalaga. Hindi rin nagtagal ay dumating ang mag-asawa na sina Sir Samuel at Ma'am Rosanna. "How's my sister doc?" agad na tanong nito sa doctor. "She's getting stronger, she's fighting. The movement of her hand indicated that she was about to wake up sooner or later. Her boyfriend's tireless concern and care
Love Amidst the Danger Napatingin ako kay Zaprine na natatawa dahil sa sabay naming tanong ni Axeros sa kanila ni Serenity."Yeah, I know her, ever since we were young. Ninong ko ang Papa niya at palagi sila namamasyal dati sa Spain na mag-Papa. Kaya natoto na rin si Serenity magsalita ng Spanish," paliwanag ni Zaprine."Siya ang nagturo sa akin Ate na magsalita ng Spanish na lengguwahe para daw hindi ako ma-out of place. Siya rin po ang isa sa nagligtas sa akin noon sa nangyari na pagkidnap sa akin. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Kuya Zaprine at Kuya Gadong ko," kwento naman ni Serenity. Tumango tango naman ako."Bakit wala kang sinasabi?""Wala kang sinasabi sa'kin?"Sabay ulit kami ng kapatid ko na nagsalita. Tumawa na ng tuluyan si Serenity at Zaprine. Umakbay sa'kin si Zaprine at ngumiti."Ayoko kasing makialam dahil kapatid mo si Ate Aria, sweetie. Alam ko kung paano mo siya pinoprotektahan na kagaya sa pagprotekta mo sa akin. Naiintindihan naman kita kung bakit galit ka ka
Love Amidst the Danger One week kami mahigit sa bahay. Nag-enjoy na ang kambal at ayaw na nilang bumalik sa Sevenity. Lagi kasing ipinapasyal nila Mommy at Daddy ang kambal sa labas. May bodyguards naman sila pero nagtawag rin si Zaprine sa iba pang bodyguard para sa safety ng mga bata. Nag-iyakan na silang dalawa. Ayaw talaga nilang bumalik na at dito na lang daw kami titira. Kahit sinabi ko nang babalik pa kami dito. Nakayakap pa sila sa mga Lolo at Lola nila. Pero binuhat na sila ng ama nila. "Ayaw Mommy, I want to stay here po," iyak ni Zaria. Tuwang tuwa kasi sila sa mga aso na alaga namin. Kalaro nila sa labas kada hapon. Nagpapagulong gulong sila sa bermuda sa labas. Para silang nakalaya sa matagal na pagkakakulong. Tuwang tuwa sila sa mga nakikita nila. Halos meron din naman sa Sevenity. "Magba-bye na kayo kay Lolo at Lola. Babalik rin tayo dito mga anak. May school pa kasi kayo, kapag wala na dito tayo magbabakasyon. Lalaruin n'yo ulit si Tote at Toto, okay," mal
Aria Pov Maya't maya ay nagsidatingan na rin ang mga ibang bisita ni Zaprine. Dumating rin sila Mommy at Daddy, kasabay nila si bunso at ang fiance nito.Pinakilala ko naman sila sa opisyal ng barangay. May dalawang truck na naka parada sa tabi. Ang isa ay mga pagkain na at ang isa naman ay mga pamimigay namin sa lahat.Sobrang dami ng tao ang pumunta. Halos wala ng madaanan kaya nasa tent lang ang pamilya ko ang kambal para hindi sila masagi sa labas. Ako naman at si Zaprine ay nag-aassist rin sa mga tao.Masaya lalo ang mga tao dahil kahit ang mga matatanda ay may palaro na rin. Cash ang premyo sponsor ng mga kaibigan ni Zaprine. Si Tremonte at Josh ang emcee na ngayon inagawan nila ang emcee ko.Hiyawan at tawanan ang mga tao dahil sa mga naglalaro. Masaya rin ang mga tao dahil sa kalukuhan ng mga emcee. Si Neptune, at Gardo ay nasa tabi lang din nakikitawa. Mabuti na lang malawak ang basketball court nila dito. Organize rin ang pagkakaayos ng venue, salamat sa mga opisyalis ng ba
Love Amidst the Danger Aria Pov Maaga kaming nagtungo sa clinic ko para hindi kami maipit mamaya sa mga taong pupunta mamaya sa party. Buong barangay ang invited baka may mga ibang taga barangay pa nga ang dadayo kapag may nag-abiso sa kanila. Ayos lang ang mahalaga naman ay ma-check up sila at mabigyan ng vitamins."Welcome back Ma'am Aria," malakas na sigaw ng mga tauhan ko. Nagulat pa ang kambal napayakap agad sa Daddy nila. "Wow Ma'am, anak mo sila?" Tanong ng isang staff ko."Nako, Ma'am ang gwapo naman po ng asawa n'yo po," segunda pa ng isa."Magsitigil nga kayo diyan, hindi na kayo nahiya sa Boss natin," suway ng assistant ko. "Pagpasensyahan mo na ang mga empleyado mo Ma'am, excited lang silang makita kang muli," paumanhin ng assistant ko. "Ayos lang Myra," ngiti ko. "Kumusta kayo dito?" tanong ko. "Maayos naman po kami dito Ma'am, na miss ka po namin," sagot ng isa ko pang staff. Lima silang lahat pang-anim ang security guard dito."Na miss ko rin kayong lahat, siya nga
Aria Pov "We are here na mga anak, welcome to the grandparents house, twins," masaya kong bulalas.Napanganga naman sila at excited na silang bumaba. Papasok pa lang kami sa bakuran namin ay hindi na magkandamayaw sa tuwa ang kambal."Lolo!" "Lola!" Sabay pa na sigaw ng kambal. Kumakaway na sila kahit hindi naman sila nakikita pa nila Daddy. "Wow, ganda dito," tuwang tuwa ang sila sa nakikita. "Ganda bahay nila Lolo at Lola. Laki-laki may play-play pa. Mommy, pede kami lalaro diyan?" tanong agad ni Zaria.Nagpapalakpak pa sila sa tuwa para silang mga palaka na nagsasaya dahil nabasa na sila ng tubig ulan. Hinahayaan lang namin sila dahil first time nga nilang lumabas ng exclusive Sevenity club. Private place sa Tagaytay.Pagkatigil ng sasakyan ay agad silang nagpababa sa amin. Pagkababa nila ay agad silang tumakbo ng makita nila ang grandparents nila sa harapan ng bahay."Lolo, Lola!" masayang sigaw ng kambal. Nakataas pa ang mga kamay nila habang tumatakbo palapit sa grandparent
Aria Pov Birthday na ni Zaprine sa makalawa, at nag-suggest ito na sa Manila kami uuwi para mag-celebrate ng kaarawan nito. Gusto niya ma-experience daw 'yung magbigay ng tulong na siya mismo ang nagbibigay. Marami naman daw itong mga charity foundation ang tinutulungan, pero ang secretary nito ang madalas na nagpapadala sa mga donations.Gusto rin daw n'ya ma-experience nang mga anak namin ang makisalamuha sa ibang tao. Lalo na ang ma-expose daw sa pagtulong sa kapwa. Sumang-ayon naman ako at isa talaga iyon sa plano ko. Pero dahil ito rin pala ang naisip niya kaya agad akong pumayag.Nasabi ko kay Mommy na luluwas kaming Manila bukas ayon at sobrang excited sila. Sa wakas daw makakabisita na kami sa bahay. Kaya ipapalinis daw niya ang kwarto ko at magpapa-party. Pang welcome home daw niya sa amin ng mga kambal ko.Hindi na umangal si Zaprine ng sinabi kong sa bahay kami di-diretso. Ang balak daw sana nito ay sa penthouse nito kami uuwi. Ayaw niya sa mansion nila dahil ang gusto ni
Zaprine/Aria Pov "Ang OA, mo naman para 'yon lang, e," natatawa kong sabi. "You don't know how much I prayed that you would call me the way I call you. Masaya sa pakiramdam at kinikilig ako. Lumaki pa yata ang tainga ko pagkarinig sa sinabi mo, sweetheart," masayang masaya na ang mukha nito. Natawa naman ako sa reaksyon niya. "Please say it again. Gusto ko ulit marinig, at sana dalas-dalasin mo na para araw-araw akong kikiligin," masaya pa nitong turan. Ang lalaking misteryoso at seryoso masyado sa buhay kikiligin? Really? Napapantastikuhan akong tumingin kay Zaprine. Mabilis naman n'ya akong sinunggaban ng halik sa labi. Ito talaga pasulpot sulpot sa biglaang paghalik sa akin. Dahil na miss ko ang halik nito ay tumugon agad ako sa masarap nitong halik sa akin. Ang mga halik nito ay may kakaibang kiliti sa katawan ko, na dulot ng masarap nitong pag-angkin sa labi ko. Yumakap na ako sa kanya ng pailalimin nito ang paghalik sa akin. Mapagmahal ko naman na tinugon ang paghalik
Back to normal Tatlong araw lang ng matalik kong kaibigan dito. Babalik daw pagkatapos ng fashion show na gaganapin sa exclusive na hotel sa manila. Isa daw sila ni Greene ang magmamanage with their co-designer. Nag-good luck na lang ako sa kanya. Hindi na nakapagpaalam sa kambal dahil may pasok na ang mga ito sa school. Maaga rin ang alis nito dahil marami pa daw sila aasikasuhin sa venue. Nagbigay pa siya ng calling card bago ito umalis. Aasahan daw nito ang pagtawag ko sa kanya. One week akong leave sa trabaho kaya nandito lang ako sa bahay. Si Zaprine na ang lahat ng nag-aasikaso sa aming tatlo. Busy na ito sa pagluluto sa kusina ako naman nasa Sala kausap ang assistant ko sa clinic. Kunti lang ang nakakaalam sa mga nakakakilala sa akin, na ako ang may-ari ng clinic na nasa malapit sa lugar ng mga kapos palad na mga mamamayan. Alam ng mga nasa lugar na iyon na ako ang may-ari kaya kapag nakita nila ako ay masaya nila akong binabati. Naging safe ang lugar na iyon para sa a
Zaprine/Aria Pov "Okay ka na Mommy?" tanong naman ni Zamia. Tumango ako."Nandito naman kami Mommy, stop crying like a cat again Mommy," sabi naman ni Zaria na ikina-react ng kambal nito."You always so mean to Mommy, haynako!" simangot ni Zamia. "Don't worry Mommy, I'm here I understand you. It's okay to cry sometimes," ngiti ni Zamia. "It's just a expression to make Mommy smile, halleeerr! Ang seryoso mo naman Maya," nguso ni Zaria yumakap na ito sa binti ng ama.Kaya binuhat na ni Zaprine ang dalawa at lumapit sila sa kama kung saan ako nakaupo. Pwede na akong umuwi dahil okay naman na ako. Okay na lahat ng test nila sa akin. Hindi rin nabagok ang ulo ko kaya pwede na akong umuwi siguro mamaya.Pagkababa ni Zaprine sa kambal ay agad silang yumakap sa akin. Sabay pa silang humalik sa pisngi ko. Matamis naman akong ngumiti sa kanila. Natawa ako ng akmang hahalik rin si Zaprine sa akin. Sabay na tinakpan ng kambal ang labi ko. Kaya sa noo na lang ito humalik. "You guys are so mean