Share

03

Author: PenOfUncertainty
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

I woke up around 8 AM. Sabado ngayon at ayon sa napag-usapan namin magsho-shopping kami. At plano rin namin na mag sleep over sa condo ni Zyra.

Zyra prefer living on her own not because magkagalit sila ng parents niya. Ang dahilan niya, mas komportable raw siya na mag-isa, gusto niya raw subukan na tumayo sa sarili niyang paa kaya nagulat kami noon no'ng sinabi niya na nagpabili siya ng condo sa parents niya. Sabi nga niya 'I'm strong independent women.'

Pagkatapos ko maligo dumiretso agad ako sa closet para maghanap ng maisusuot.

Mga 30 minutes na yata ako nakatayo sa harap ng damitan ko pero hindi parin ako makapili. At dahil tinatamad na ako maghanap, kinuha ko nalang yung kulay puti na sweatshirt at nagsuot lang ako ng denim short na nabili ko sa Forever 21.

I looked my reflection on the mirror and I realize na sobrang plain ng suot ko. Hinanap ko naman yung package na kakadeliver lang kanina. I actually bought these last week from Tala by Kyla. I happily opened the box and put the necklace, napangiti naman ako. And for my shoes, kinuha ko lang yung white sneakers na palagi kong sinusuot.

Umupo ako sa harap ng vanity table habang tinutuyo ang buhok.

"Bakit ang tagal mo humaba?" sabi ko sa buhok ko habang sinusuklay, hanggang balikat lang kasi ang buhok ko. Siguro mga two months na ang nakakalipas noong pinagupitan ko 'to at hindi parin humahaba. Nagtampo yata.

I put a very light make up on my face. For my cheeks, I use the blush on from Vice Cosmetics in the shade of Aura blush and for my lips—I use the lipstick from Happy Skin Cosmetics in the shade of Bery Red Wonder.

Bumaba na ako after ko mag-ayos, naabutan ko pa sila mommy na kumakain at nagpaalam ako na sa condo kami ni Zyra matutulog. Nag-okay lang sila sa akin at nagpaalala na 'wag masyado magpuyat.

My Mom and Dad is not the strict type of parents. Hinahayaan lang nila ako. Pero syempre dapat alam ko ang limits ko. Hindi naman porket hinahayaan nila ako, aabusin ko.

* * *

"Gaga yung paper bag mo butas! Nalaglag 'yong damit!" sigaw ni Summer sa 'kin.

"Papulot naman please..." Pinulot niya ito at nilagay sa isang paper bag na hawak ko.

Kaliwa't kanan na kasi ang dala ko. Wala ng space. Hindi ko na rin kaya, sana hindi ako pagalitan ni mommy.

Napasarap ang shopping namin. Ang sabi lang talaga mga apat o lima lang na items ang bibilhin kaso pagpasok namin sa H&M nademonyo kami. Ang gaganda kasi ng bagong release this month 'tsaka mura lang, naglalaro sa 350 to 500 pesos ang price kaya pinatos na namin. Wala naman akong gaano nabili sa Zara pero yung apat, sila ang nakadami.

"Guys, let's eat healthy shabu-shabu!" Pumalakpak si Caitlyn.

"Let's go!" sabay-sabay naming sabi.

Healthy shabu-shabu is our favorite restaurant! Suki na kami rito 'no? We always go here after shopping.

After we spot an empty table nag-unahan kami sa upuan.

"Oy tabi diyan! Upuan ko 'yan!"

Here we go again.

"Walang nakalagay na pangalan mo." Umupo si Icia sa tabi ko. Tinarayan nalang siya ni Zyra at umupo sa harap nito, katabi niya si Caitlyn at Summer.

"Anong gusto niyo?" tanong ko sa kanila.

"Kagaya nalang ulit no'ng order natin dati pero mag pa-add ka ng beef terderloin," sabi sa 'kin ni Icia, nag-okay lang ako sa kanila.

Lumapit sa amin si Kuya Mike. Siya palagi ang kumukuha ng order namin kaya kilala namin siya.

For the first plate, he served the fresh vegetables with meatballs together with nappa cabbage, long green onion, tofu, corn and shungiku. Right after that, he placed the Japanese wagyu beef striploin and then the plate full of beef tenderloin and last, the fresh shrimp, yum!

"Thank you, Kuya Mike!" sabi namin lahat. Medyo nakakahiya dahil nagtinginan sa 'min ang mga tao. But who cares? We're just grateful for our food.

Tumayo ako para ilagay ang fresh shrimp sa kumukulong tubig na nasa harapan namin. Naglagay ako ng konting sauce at green onion.

"Guys, picture!" sabi ni Caitlyn, lahat kami tumingin sa camera ng phone niya.

"Gutom na ako, matagal pa ba 'yan?" sabi ni Summer habang nakatingin sa hipon na nilagay ko sa kumukulong tubig.

"Nanunubig na ang bagang ko gusto ko na kainin yung beef tenderloin!" Sabi naman ni Zyra habang kinakagat ang pang-ibabang labi.

After 10 minutes nagsimula na kami kumain.

"Ah, the best talaga!" Sabi ni Zyra habang sarap na sarap sa beef tenderloin na kinakain niya.

Hindi na kami nagsalita lahat at in-enjoy nalang namin ang pagkain.

"Solid walang tapon," sabi ko habang hawak-hawak ang tiyan ko. Nag si-oo naman silang lahat. "Bili tayo snacks 'tsaka beer para mamaya." Pahabol ko.

Inayos muna namin ang sarili bago umalis dito sa mall. Nag-book kami sa grab at dumiretso na sa condo ni Zyra.

"Ang sakit ng paa ko."

"Akin na putulin ko," sabi ni Zyra habang inilalapag ang mga paper bag na nasa kamay niya.

"Manahimik ka 'di kita kailangan!" sabi ko.

"Ay bet! Attitude siya sis! Gusto mo itapon kita palabas ng condo ko?" pananaray nitong sabi.

"Love you!" sabi ko sa kanya at ngumiti 'tsaka dumiretso sa kitchen. "Madami ka palang beer dito Zyra, snacks nalang kulang." Nangialam na ako dito sa ref niya.

"Madami akong chichirya riyan, ubos na ba?"

Kumunot ang noo ko. "Magtatanong ba ako kung may nakita ako?" Pambabara ko.

"Lumapit ka rito, gaga ka! Napakayabang mo!" Natawa ako sa sinabi niya, ang pikon talaga!

"Ambagan," sabi ko. "Pahingi 20 ako na bibili sa baba." Nilahad ko ang kamay ko sa harap nila. Agad silang naglabas ng pera.

"Caity, wag na, sagot na kita." Kinindatan siya ni Zyra. Nagtaka naman kaming lahat.

"Is that because of beef tenderloin sa shabu-shabu? And when mo pa ako tinawag na Caity?" Natatawang sabi ni Caitlyn at hindi parin makapaniwala.

"Pakilala mo nalang ako kay Kuya Jacob mo," sabi nito.

"Wew."

"Jusko!"

"Yawa!"

"Anak ng pota!"

Natawa kami sa malutong na mura ni Icia. Bago pa man sila magkalmutan sa harap ko, lumabas na ako ng condo niya.

"Oy, sakto!" Sabi ko habang nagmamadaling pumasok sa elevator. Pinindot ko ang ground floor.

Bago tuluyang sumara, may humarang na kamay sa pinto ng elevator.

"Hala! Ayos lang po kayo?" Natataranta kong pinindot 'yong button para bumakas ang elevator.

Nang tuluyan itong bumukas, napasinghap ako. Para akong maamong tupa na gumilid at yumuko.

Anong ginagawa niya rito?

Inangat ko ang ulo ko para sumulyap sa kanya. Grabe talaga kapag favorite ni lord 'no? Pati ingrown ko sa paa nahiya!

Sobrang pasasalamat ko ng bumukas ang elevator. Hindi ko na kasi kaya. Napaka-awkward lalo pa't kami lang na dalawa kanina sa loob. Or was it just me?

Aligaga akong kumuha ng chips. Hindi ko na rin tiningnan kung ano ang mga nilalagay ko basta kuha lang ako ng kuha. Paano ba naman kasi nandito rin siya! Si Hans!

Why am I feeling this way? Ano naman kung nandito siya? But why do I feel so excited and nervous at the same time?

Agad ako dumiretso sa counter para magbayad. And to my surprise, nakapila na rin siya sa likod ko. Wala sa sariling kinagat ko ang lower lip ko. Feeling ko tuloy sinusundan niya ako. Iniling ko naman ang ulo ko. For sure Zyra will laugh her ass out if she saw me like this.

"Thank you, Ma'am! Come again po!" Ngitian ko lang ito bago nagmamadaling umalis.

Pinindot ko ang button sa tatlong elevator na nandidito sa ground floor.

Ang bagal naman!

Pinapadyak ko na ang paa ko. Ayoko na makasama sa loob ng elevator 'yon. Napaka-awkward! Feeling ko na so-suffocate ako!

Nakikita ko sa peripheral vision ko na papalapit na siya.

"Yes," mahina kong sabi ng tumunog ang elevator.

Dumiretso na ako loob at pinindot ang button para sumara ang elevator.

"Miss!"

Agad ko binawi 'yon sa pamamagitan ng pagpindot ng button kung saan bubukas ulit 'to.

"Yes?" Gaga, Zoe, ang rupok mo!

"Nahulog mo." Inabot niya sa akin ang V-cut na chichirya 'tsaka pumasok ito sa loob ng elevator.

"T-Thank you." I said and smiled awkwardly.

Napansin ko na parang sobrang seryoso siyang tao. Hindi man lang marunong ngumiti, napakatipid lang din sumagot. Pinasadahan ko ulit siya ng tingin ngunit mabilis lang ito... baka sabihin niya minamanyak ko siya sa isip ko!

He is wearing a white V-neck t-shirt and black adidas sweatpants. Ang lakas ng dating niya! Ang ganda rin ng build ng katawan niya. Nag g-gym kaya siya? Napatingin ako sa taas.

Bakit ba napakabagal ng elevator na 'to?!

Nasa 13th floor palang kami. E, ang unit ni Zyra ay nasa 25th floor pa! Na fi-feel ko na naman yung awkwardness ng atmosphere sa loob elevator.

Nilabas ko ang phone ko, I secretly took a picture of my shoes at sinama ko rin 'yong sa kaniya, naka slides lang siya. I share it on my I* story with a caption 'awkward'.

Zyra replied on my story says:

'Oy sino yan! Gaga ang sabi mo bibili kalang ng chichirya bakit may paglandi?'

Hindi ko nalang pinansin iyon at tinago sa bulsa ang phone ko. Tiningnan ko kung anong floor na kami.

Dalawa nalang.

"Dito ka rin ba nakatira?" I said out of the blue.

Hindi ko rin alam kung bakit, paano at saan nanggaling ang lakas ng loob ko para makipag-usap sa kanya.

"Are we close enough for you to ask me that?" Kalmado nitong sabi pero hindi ito nakatingin sa akin. Kumunot ang noo ko. Grabe nakaka-offend naman siya! Nagtatanong lang naman!

"Sungit." Pagpaparinig ko bago ako lumabas.

Tinungo ko ang pintuan ng unit ni Zyra at pinindot ang 0000 niyang password pero hindi ito bumukas. Pinindot ko ulit pero ganoon parin.

"Hoy, Zyra! Buksan niyo 'to! Ang lalakas ng tama niyo!" Malakas kong hinampas ang pinto.

Lumingon ako sa gilid ko. I saw Hans looking at me.

"Ano na naman? Pagkatapos mo ako sungitan susuyuin mo ‘ko? 'Di na, oy! Nadala na ako," tinarayan ko ito. "Hoy! Buksan niyo 'to! Hindi na nakakatawa!" Sigaw ko habang hinahampas parin ng malakas ang pinto.

"Uh, I believe that's my condo unit." sabi niya.

"What?!" Naiirita akong tumingin sa kanya.

"That unit is mine, Miss." Sabi nito habang naglakad papalapit sa akin. Napaurong ako ako dahil masyado siyang malapit. Pinanuod ko siya habang pinipindot ang code. Bumukas iyon!

Napanganga ako at tiningnan ang number sa taas ng pinto 136 inikot ko ang mata ko at hinanap ang 138. Binalingan ko ulit siya ng tingin bago hinarang ang paper bag sa mukha ko dahil sa sobrang hiya. Kumaripas ako ng takbo at pabagsak na isinarado ang pinto ng unit ni Zyra.

"I think that's the most embarrassing moment in my whole fucking life!" I said as I covered my whole face using my hands and running towards the bathroom.

Related chapters

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   04

    "Zoe, ano nangyayari sa 'yo?!" sabi ni Summer habang kinakatok ang pinto."Buhusan mo 'yan, ah! Kakalinis ko palang ng banyo ko baka mamaya may tira-tira ka pa riyan!" si Zyra.Summer keeps on knocking the door. It makes me feel irritated but I just ignored her. Naghilamos ako ng mukha, sobrang namumula ito. Buti nalang mabilis akong tumakbo kanina kaya 'di nila ako nakita."Nakakahiya ka Zoe," I whispered while jumping and screaming without a sound."Hoy, Zoe Essence, buksan mo 'to o gusto mo sirain ko pa 'tong pinto?" pagbabantang sabi ni Summer."Subukan mo lang at itatapon kita palabas ng condo ko!" narinig kong buwelta ni Zyra.

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   05

    "Isang kunot noo kalang pala ni Hans eh!" pang-aasar ni Zyra habang malakas na tumatawa. "Tama na, hoy! Mukhang naaasar na siya." Saway ni Summer habang nilalagyan ng design ang cartolina. "Asarin pa natin!" Binato ko si Zyra ng glue. "Baka gusto mo makaladkad palabas ng bahay ko?" panakot ko. Tinaas niya ang dalawang kamay animu'y sumusuko. Nakakainis naman! Simula no’ng araw na 'yon hindi na nila ako tinantanan. Madalas na rin namin makasama sila Hans. Hindi tuloy ako makapag-ingay kapag magkakasama kami kasi nahihiya ako. "Paluto tayo pancit canton kay Manang Ester, ako na magsasabi." sabi sa ‘kin ni Icia, tumango ako. "Ang blooming ni Icia, pansin niyo rin ba?" pabulong kong sabi habang sinusundan ito ng tingin papuntang kusina. "Akala ko ako lang nakapansin." Nakangiting sabi ni Caitlyn habang si Summer naman nani

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   06

    "Ah! Masakit wag mo diinan." sabi ko kay Summer. Nandito kami ngayon sa clinic."Damang-dama niya, e! Pang-UAAP ang game play ni bakla!" Patawa-tawang sabi ni Zyra imbes na maasar natawa rin ako.Nagka pasa kasi ang tuhod ko dahil sa laro namin kanina. Dikit kasi ang laban, siguro kung hindi ko hinabol 'yung bola baka natalo kami. Hindi ako makakapayag do'n. Damang-dama kong sinet ang bola papunta sa direksyon ni Caitlyn at Icia hanggang sa ito na nangyari, nagkamali ako ng bagsak, nauna tuhod pero worth it dahil nanalo kami."Zoe, makakapag laro ka pa ba sa lagay na 'yan? Nakakatakot 'yung kulay ng pasa mo. Sayang, finals na bukas nangyari pa 'yan sa'yo." nag-aalalang sabi ni Caitlyn."Hmm, tolerable naman siya." Nakangiti ko na sabi sakanila."Gaga wag mo pilitin pag hindi mo kaya," si Zyra."Oo nga! Baka mas lalo pa 'yang lumala." sabi naman ni Icia.

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   07

    "Defense! Defense!"At exactly 7 am in the morning we're gathered here at the main court, loudly cheering the section Isaiah at the top of our lungs."Go Rivera! Numero labing tatlo lang malakas! Pulpol kayong lahat!" Malakas na sigaw ni Zyra.Tawang-tawa kami nila Icia sakanya. Ako na ang naaawa para sa lalamunan niya.Malapit na matapos ang fourth quarter ngunit hindi nalalayo ang lamang ng Isaiah sa Corinthians. Kalaban nila ay mga grade 9. Kung ikukumpara sila sa isat-isa pag dating sa heights walang-wala ang mga ito kila Hans, pero pag pabilisan gumalaw panalo ang Corinthians.Nakakalamang lang sila Hans kapag pumapasok ang tres ni Sebastian ngunit mabilis din ito nababawi dahil do'n sa player ng grade nine na naka jersey number two, halos lahat yata ng points nila siya ang tumatrabaho."CO-RIN-THIANS! CO-RIN-THIANS!" sigaw nang mga naka pula sa kabilang

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   08

    Mag-aalas sais na nang makaalis kami sa school. Nag 7/11 kami bago dumiretso sa condo ni Hans. Bumili kami ng pagkain at sumaglit sa BBQ-han ni aling Pasing para mag take out. Natatawa ako sa itsura niya, halatang napipilitan siya. Hindi na siya naka angal kanina dahil mabilis kaming naglakad palayo sakanya."Doon nalang tayo sa condo ni Zyra." naiiritang sabi ni Hans habang nakahinto sa harap ng pintuan."Dito na boi, pindutin mo na yung password." Pangasar na udyok ni Basti na nagtatago sa likod ni Kuya Jacob. Hindi siya makalapit kay Hans dahil alam niyang irita ito sakanya. Bumuntong hininga nalang si Hans tsaka binuksan ang pintuan ng kaniyang unit."Wow! Bongga ng unit mo Hans!" Tumakbo agad papasok si Zyra at ibinagsak ang sarili sa kulay grey na sofa.Nanatili sa may pintuan si Hans habang hawak ang door knob. Isa-isa kaming pumasok tsaka isinara ang pinto nang tuluyan akong makapasok, sa hul

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   09

    "Psst! Wag niyo tatakpan test paper niyo mamaya." Pabulong na sabi ni Zyra."Gaga ka talaga! Bakit kasi hindi ka nag review." Rinig kong sabi ni Summer sa unahan ko.Nag bibigay ngayon ng test paper ang teacher na naka assign sa 'min na mag bantay. Last day na ngayon ng exam. Imbes na matuwa kami ay hindi namin magawa dahil mahihirap na subject ang mga nakalatag sa table niya. Pinag sabay-sabay ba naman ang math, science at english. Buti nalang may na review ako kahit papaano dahil kung hindi baka maligwak na ako sa honor.Maliban kay Zyra lahat kami ay nasa honors. Hindi talaga namin siya maintindihan, alam ko marunong siya pero pag dating palagi ng exam halos wala siyang masagot. Ang palagi niya sa aming sinasabi nag re-review naman daw siya pero hindi daw pumapasok sa utak niya tsaka nakakalimutan agad.Naalala ko nung pinagalitan siya last year ni Icia dahil nagpapabaya daw siya sa pag aaral. Par

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   10

    Time flies so fast when you really enjoy every moment with your family and friends. Ngayon ko lang na realize na matatapos na ang taon pag sapit ng alas dose mamaya.We celebrated our christmas together with my Grand Ma and Grand Pa in Canada. Matanda na kasi sila para bumyahe pa ng malayo kaya kami na ang pumunta sakanila. Ngayong New Year ay dito na kami nag celebrate sa bahay. Ang saya dahil parang nagkaroon ng reunion sa side ng Mom and Dad ko. Ang ingay ng bahay dahil sa mga pinsan ko na maliliit. Napansin ko rin na sobrang tahimik sa side ng Dad ko. Lahat sila ay pormal lang na naka upo sa sofa. Samantalang sa side ng Mom ko sobrang energetic nilang lahat.Sana palagi nalang ganito.Natigil ako sa pagmamasid sa mga kapamilya ko mula dito sa second floor nang may kumalabit sa balikat ko."Ate Zoe, sabi daw po ni Nanay kain—""Boboy nahanap mo na ba?" napalingon sa amin

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   11

    "Thank you nga pala." Sabi ko kay Hans na nasa tabi ko. Papunta kaming dalawa sa SeGa nandoon na kasi ang mga kaibigan namin. Kaming dalawa nalang ang nahuhuli dahil nagpasama siya bumili ng shake sa cafeteria."For what?""Kasi binigyan mo ako ng Stitch though hindi sila mag kamukha dahil kulay pink siya at mukhang baboy tsaka hindi ko naman alam na seseryosohin mo, biro ko lang talaga 'yon." Natatawa kong sabi."No prob." Maikli niyang sabi. Hinampas ko siya ng marahan sa kaniyang braso kaya tinapunan niya ako ng tingin habang naka kunot ang noo."Nakakaasar ka talaga! feeling ko ang boring ko kausap." Tumigil ako sa paglalakad dahilan para mapatigil rin siya."No you're not." Nag simula na ulit siyang maglakad pero hindi ako sumunod. Nanatili lang akong nakatayo. Lumingon siya nang maramdaman niya 'atang hindi ako sumusunod."Naasar ako. Ang ikli mo sumago

Latest chapter

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   Adios

    ADIOSHer wish when she was in Manaog Church ...Lord naalala ko bigla yung hiniling ko sainyo nung nakapunta ako sa isang simbahan.Sabi nila mag kakatotoo 'yon.Ikaw lang po ang nakakaalam sa lahat. At gabi-gabi ko parin po 'yon pinag dadasal at alam kong hindi mo ako bibiguin.Meron akong dalawang hiling at isang sana.Unang hiling para sa aking pamilya. Good health and more blessings for them.Pangalawang hiling ay para sakanya.At ang kaisa-isang sana na para sa aming dalawa.Panginoon yung sana na 'yon na para sa aming dalawa gagawin ko nalang din pong isa pang hiling para sakanya.Hiling na mawala na lahat ng sakit na nararamdaman niya at maging masaya na siya.Saka mo na nalang po alisin sa 'kin yung sakit. Dahil hindi ko pa po kaya limutin ang lahat.Hindi ko pa po kayang limutin ang isang napaka gandang ala-ala na binuo naming dalawa.Itinataas ko na po ang lah

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   Epilogue

    “Sup, dude!” Jacob tapped my back and sat beside me.Tumango lang ako sakanya. “The fuck are you doing here? Go home and babysit that little softie.”“He’s fine,” he said. “He’s out with his yaya.” He laughed.Ngayon nalang siya dumalaw rito sa condo. He’s always with Zyra, which is good for him.“Bakit ka nandito?” Tanong ko.“The fuck, dude! Am I not allowed to visit you? Come on!”“Hey! Hey! Hey! What’s up my homies!” Napa hilot ako sa sintido ng biglang pumasok si Sebastian.Nilapag ko ang controller na hawak ko. “You mother fucker! Stop coming here every day!”Akala mo walang bahay kung palagi tumambay rito sa condo ko. Walang ibang ginawa kundi mag kalat tapos ako taga linis.Tinur

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   46

    Para akong ‘di makahinga sa tuwing makakasalubong ko siya o di kaya makita siya sa malayuan. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang habulin, gustong-gusto ko na siya makasama.Kung ipipilit ko pa kaya, gusto niya pa? Kung mag mamakaawa kaya ako sa harap niya, maaawa siya?Hindi ko na alam.Para akong mababaliw.Ang sakit. Gusto ko na umalis rito.“Hi, bhie!” Agad ako napalingon kay Basti na may hawak na dalawang chocolate milktea. Inabot niya sa akin yung isa.“Thank you,” sabi ko. “Anong ginagawa mo rito?” I asked while smiling. Ayoko mag mukhang kawawa sa paningin ng kaibigan niya, ayoko lang sabihin nila na misirable ako tingnan tapos sabihin sakanya.“Alis na ako?” kumunot ang noo ko. “Salamat nalang sa lahat.” Natawa ako.“Baliw! Bakit nga

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   45

    "Ano ba 'yan bakla, cheer up! Nakaka sira ng beauty ang pag e-emote."I showed my half smile to Cody. He just sighed and shook his head. How am I supposed to smile whole heartedly when my heart is bleeding in so much pain!It's been a week since we broke up. And I am not going to lie that it wasn’t hurt because it really does hurt. It's like my heart shattered into pieces. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Hindi ako makapaniwala na gano'n niya lang ako kabilis pakawalan dahil lang sa sinabi ko na okay lang sa akin na umalis na siya. Pumayag naman siya? Tumawa ako ng mapakla."Oh, nabaliw na tumatawa na mag isa," narinig kong sabi ni Summer. Sinita naman siya ni Parker.Nakapila kami ngayon papasok sa bukana nang gate ng school. Kailangan daw kasi organize tsaka nagtatatak sila sa kamay, kaso nakakairta dahil ang bagal ng usad."Oy, pasingit kami!" Sigaw ni Zyra, kasama niya

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   44

    "Hey, Cody! What's up!" I said on the other line."Ito dyosa parin!" he chuckled. "Bakit ka tumawag, bakla?""Punta ka! BOB after midterm!" Masayang sabi ko habang pinaglalaruan ang gunting sa kamay ko."Hoy! Cardo Dalisay!" Summer yelled. "Punta ka, ha? Para naman madagdagan ang dyosa sa Hagrid!""G ako! Rarampa talaga ako dyan!""White shirt lang daw ang pwede." I told him. Hindi ko alam kung bakit kami pinapasuot ng white na damit. Mas lalo tuloy kami na excite. Mukhang pinag handaan talaga 'to ng student council. Nag tanong pa si Cody kung magkano ang entrance pero sabi ko wag na dahil libre ko nalang ang ticket niya. Pagkatapos non ay binaba ko na ang tawag."Maganda ba?" I showed Summer the little box I made. Dumapa siya galing sa pagkakahiga bago bahagyang iniling ang ulo."Masyadong pang babae. Para kay Hans yan 'di ba?" I nod. "Bakit nam

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   43

    "Hala! Saan mo 'to nakita? Oh my god! Thank you, Parker!" Niyakap ko siya sa sobrang saya."U-Uh, wala 'yon." Bumitaw ako sa pag kakayakap sakanya at tinitigan ang promise ring na nasa palad ko. Shems! Akala ko nawala na talaga 'to! Buti hindi alam ni Hans na nawala. Nag bati na kasi kami ayaw ko naman na makipag away ulit."Libre kita ano gusto mo?" I asked."Hoy, ako din! Kasama niya akong nag hanap niyan!" Ang bilis naman makatunog nito. Kakalabas niya palang ng cr. Narinig niya usapan namin? Ibang klase talaga."Oo na." Sabi ko habang naiiling.We went straight to the canteen and I paid for their orders. Summer is really shameless! Parang pang meryenda at gabihan na ang inorder! Si Parker naman ay adobo rice lang at chuckie. I encourage him to order more but he refuse. Buti pa siya marunong mahiya."Excited na ako sa BOB! Balita ko pupunta daw si Jroa!" S

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   42

    "Where do you want to celebrate our anniversary?" I said to Hans who were lying on my lap, while playing at his hair he opened his eyes and smiled at me. Nandito kami ngayon sa condo niya."Kahit saan. Saan mo ba gusto?"Ngumuso ako. "Hay nako, bakit ba palagi mo ako tinatanong nang ganyan? Ikaw wala ka ba gusto puntahan?"Pag tinatanong ko siya ibabalik niya na naman 'yung tanong. Gusto ko siya naman 'yung mag suggest palagi nalang ako. Baka kasi may gusto siya puntahan ayaw niya sabihin sa 'kin. Sasamahan ko naman siya kahit saan.He pinched my cheek. "Stop pouting. I might kiss you," he laughed a bit then sit up. "Wala naman ako gusto puntahan. I'm good as long as you were around.""Ano ba 'yan! Dapat meron. Palagi nalang ako nag su-suggest. Saan mo ba gusto sa Tagaytay? Laguna? La Union?"He shook his head. "You? Where do you want to go?"

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   41

    I got a text from my sister that my dog is in the hospital after I received her message I rushed and make my way to the parking lot. Unfortunately, as soon as I step out of our building the heavy rain poured down. Shit, why now?Hindi ako pwede lumusong sa ulan dahil kakagaling ko palang sa sakit. My mom might scold me. I was hoping that my dog is fine. Palingon-lingon ako sa kaliwa at kanan, hoping to see someone who has an umbrella, makikisabay nalang ako. I badly need to go. Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ng bag ko bago pa man ako makapag type sa cellphone ko. It was as if I was enlightened when suddenly someone stopped in front of me and opened the umbrella. Before she could step her foot I immediately sheltered myself in her umbrella."Pwede pasabay?" I politely asked. I felt her stiffened. She looked up to me but that was only for a second because she also averted her eyes. She just nod at me before we make our way to parking lot.

  • Lost In Love Under The Midnight Sky   40

    As soon as I hit the send button, I left the classroom and immediately went to the bathroom. Kailangan ko ayusin ang sarili ko. Ayoko naman humarap sakanya na mukha akong musmusin. I fixed my hair and tied up to bun, I let a few strands of my hair down. Nag lagay din ako ng lip tint at nag powder.I am not even sure kung pupunta siya, wala na naman kasi siyang reply. Pero kahit na gano'n nag desisyon parin ako na pumunta baka sakaling sumipot siya.When I went to garden I halted when I saw him. Nakatalikod siyang nakatayo habang nakatingin sa fountain. His hands was in his pocket. Tiningnan ko ang relo ko. Shit! Dapat ako ang nauna! Sana pala hindi nalang ako nag paganda.I fake cough to get his attention. God, I miss him! Gusto ko siyang yakapin!"Hi," I barely smiled at him."How are you?" He said, sounds so concerned.I bit my lower lip. Get yourself toget

DMCA.com Protection Status