Kabanata 25 “Pao, please, stop this nonsense now. Alam kong hindi mo ito kayang gawin ng mag-isa at mas lalong alam kong hindi ka masamang tao. Stop taking responsibilities o–” “Arya, nasabi ko na ang mga dapat kong sabihin. I did this alone. I did this for my daughter and I am not a coward to run from the consequences of my actions.” Bumagsak nang sunod-sunod ang mga luha ni Paola, ang first best friend ni Arya, ang pumasok sa mansyon ng nga Walton para magnakaw at ang nag deposito ng eksaktong perang ninakaw niya sa mismong bank account ni Arya. Pinahid niya ang mga luha niya at ngumiti. “I'm so relieved.” Ngumiti siya. “You haven't changed at all. Ikaw pa rin ang Arya na minahal at nakilala ko noon. Down to earth, gentle but also a fighter, smart and kind-hearted. Masaya akong naging successful ka, hindi dahil sa family background mo kung hindi dahil sa skills at talents mo. Masaya rin akong makita kang malaya. Tatlong taon din ang tiniis mo sa puder ng mga Walton.” “Paano mo nal
Kabanata 26 Kasalukuyang nagmamaneho si Greta patungo sa presinto kung saan naroroon sina Arya at Damon. Mas mabilis ang kaniyang pagpapatakbo ngayon kumpara sa normal speed niya kapag nag-da-drive. “Hija, p'wede bang bagalan mo ng kaunti? Baka maaksidente tayo,” takot na wika ni Divina habang yakap-yakap ang kaniyang mamahaling bag. “Tita, you have put your seatbelt on. Wala kang dapat ipangamba. Isa pa, don't you trust me?” Napasabay sa musika si Greta nang biglang nagpalit ang tugtog. Naka-airpods siya ngayon at konektado iyon sa kaniyang cell phone. Ayaw kasi ni Divina na magpatugtog siya habang nasa byahe. Naliliyo raw ito at sumasakit ang ulo. “Of course, I trust you, hija.” Ngumiti ng peke si Divina. Mukhang sa sasakyan pa ni Greta siya aabutin ng atake sa puso. Hindi kasi siya sanay sumakay sa napakabilis na sasakyan. Napalunok siya ng sunod-sunod. “Tita, do you really like me for your only son?” Greta asked out the blue. “Tinatanong pa ba dapat ‘yan, hija? Isn't it obvio
Good day! Pasensya na po kayo kung nahinto ang update nito. Bukod po sa nagpapagamot ako ay isa rin po akong full time mom at business woman.Pakisama po ako sa prayers niyo. Kapag naging maayos na po ang health ko, asahan niyong babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko bilang manunulat.Basta kapag kaya ko po at kaya ng time, maglalapag po ako ng update rito.Please read my other stories. Completed - One Night Love (Tagalog - Gray Series 1), Suddenly Married to a Billionaire, The Heiress Revenge (Tagalog).On-Going - One Night Darker (Tagalog- Gray Series 2), Hidden Mafia Don at Longing for my Ex-Wife's ReturnMARAMING MARAMING SALAMAT PO.GOOD HEALTH FOR EVERYONE.GOD BLESS.Nagmamahal,Docky
Kabanata 27 “Senyorita.” Ngumiti si Arya kay Mariz bago tuluyang pumasok sa opisina nito. Marahan siyang naglakad patungo sa direksyon ng couch habang pinagmamasdan ang bagong ayos na opisina. “Senyorita,” muling sabi ni Mariz. “I'm here to give you applause.” Arya winked at Mariz. Nagtatakbo si Mariz patungo sa may pintuan. Tumingin muna siya sa may corridor bago niya mabilis na ikinandado ang pinto. Humakbang siya nang malalaki palapit kay Arya. “Senyorita, hindi po ba kayo hinahanap ni patron?” pabulong na tanong ni Mariz. “Nagpaalam ako kay daddylo. Don't worry.” Sumandal sa couch si Arya. Huminga siya nang malalim. “Kumusta po ang interrogation? Na-confirm niyo po ba kung talagang walang alam si Paola kung sino ang nag-utos sa kaniya?” Nilaro ni Mariz ang kaniyang mga daliri sa kamay. Ngumiti si Arya. “You don't have to worry. Walang alam si Pao. I did my best to make her confessed pero wala siyang pangalang mabitiwan. It's obvious na may nag-utos talaga sa kaniya pero sh
Kabanata 28 “Love, bitiwan mo ako. Nasasaktan ako!” Tiningnan ni Greta ang kaniyang braso. Mahigpit na hinahawakan ito ngayon ng kaniyang kasintahan. “Did I hear it right? Gusto mong palabasin na si Arya ang mastermind ng lahat ng ito?” Hinila ni Damon si Greta palapit sa kaniya. Hindi niya namalayan na mas lalong humihigpit ang pagkakakahawak niya sa braso nito. “Hinaan mo nga ang boses mo. Baka may makarinig sa mga sinasabi mo. Nasa police station tayo.” Halos mamilipit na sa sakit si Greta. Muli niyang tiningnan ang kaniyang braso. “Nasasaktan na ako. Hindi mo ba ako naririnig?” Lumakas nang bahagya ang boses niya. “May problema po ba, ma’am?” tanong ng pulis. Lumapit siya dahil narinig niya ang sinabi ni Greta. Tumingin siya sa braso nito pagkatapos ay tumingin siya kay Damon. “Sir, mukhang nasasaktan niyo na po si ma’am. Mag-asawa po ba kayo?” “It's none of your business. You're being nosy.” Damon pulled Greta over his car. “I'm sorry, sir. Okay lang po ako. May misunderstan
Kabanata 29 “Holy shít! Love, please be care…ful.” Nanlaki ang mga mata ni Greta nang makita niya ang sasakyang sinasakyan ni Arya kanina sa harapan nila. “How the hell did she…” Bumusina nang ubod ng lakas si Damon. Nang walang bumababang driver mula sa sasakyang nakaharang sa daan, ay sumilip na siya sa bintana ng kaniyang sasakyan. “I'm giving you two minutes to move out of my way!” he shouted. “Love, hayaan na lang natin. Let's find other route. Nag-aaksaya lang tayo ng panahon. Maybe, the driver is drunk and tip–” Nilingon ni Damon si Greta. “Muntik na tayong maaksidente. Anong hayaan? Hindi p'wede. Paano kung may nangyari sa'yo? Paano kung a–” “Love, wala namang nangyari, ‘di ba? Calm yourself. Umupo ka na ng ayos at bumalik sa pag-da-drive. Hindi ba't sabi mo, babawi ka sa akin? Then, listen to me.” Ayaw ni Greta na magkaharap-harap na naman silang tatlo nina Arya. Pakiramdam niya, mayroong hindi magandang mangyayari kaya gano'n na lamang ang pagpilit niya kay Damon na bale
Kabanata 30 “Anong ibig sabihin nito, Greta? You're bribing a man in uniform just to get what you want? Gan'yan ka na ba ka-desperadang pabagsakin si Arya? Gan'yan ka ba ka-insecure sa kaniya?” sunod-sunod na tanong ni Damon habang ipinapakita ang hawak niyang mga papel kay Greta. Naka-park ang kaniyang sasakyan sa may gilid ng kalsada. “Pinaniniwalaan mo ang mga papel na ‘yan kaysa sa akin?” natatawang tanong ni Greta. Inihagis ni Damon kay Greta ang mga papel. “Hindi ako p’wedeng magkamali. That's your number. Officer Lauron had been calling you since they caught the suspect.” “Of course, he would! He's a family friend. What do you expect? I just want to help you and tita. As badly as you want to solve this case, so am I!” Greta exclaimed while rolling her eyes. “I'm giving you a chance to admit your mistake, love. You're not a liar, right?” Damon asked calmly. “You want me to admit that I'm a criminal? Bribing people isn't my thing, Damon. Bakit ba nagpapaniwala ka sa mga kapi
Kabanata 31 “Get your hands off of me.” Nakataas ang isang kilay ni Arya habang nakatingin kay Divina. “Magkano ang ibinayad mo para saluhin ng dati mong best friend ang kasalanan mo?” matapang na tanong ni Divina habang hawak-hawak ang braso ni Arya. “You really think na ako ang nagnakaw sa mansyon mo? Tatlong taon akong nanirahan sa inyo. May nawala ba sa inyo noong mga panahong namamalagi ako sa pamamahay niyo? Wala, ‘di ba?” Marahas na inalis ni Arya ang kamay ni Divina sa kaniyang braso. “Baluktot ang katwiran mo, babae. People change. Alam kong alam mo na hindi naging maganda ang pagtrato namin sa iyo inside your marriage with my son. Imposibleng hindi ka nagtanim ng sama ng loob sa pamilya ko.” Tiningnan ni Divina si Arya mula ulo hanggang paa. “Look at yourself. Napakalaki na ng ipinagbago mo mula sa pananamit hanggang sa kaibuturan ng kaluluwa mo. No wonder, you can do such crimes now.” Ngumiti si Arya. “Baka nakakalimutan niyo kung nasaan tayo. P'wede ko kayong kasuhan n
Kabanata 98“Ano na kayang nangyari kay Jett?” nag-aalalang sambit ni Jacob habang patuloy sa paglalakad.“Huwag mong alalahanin ‘yon. Tuso at mautak rin ang isang ‘yon kaya malabong mapahamak ‘yon. Na manipulate na niya ang mga guards sa entrance. Na hacked na rin niya ang security system kaya sigurado akong nakapasok na siya sa lungga ng kalaban,” ani Jackson. Kunot na ang kaniyang noo dahil kanina pa silang paikot-ikot sa likod ng lumang gusali pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang makitang back door.“Oras na malaman ng mastermind na may aberya sa security system nila, sigurado akong magiging alerto na sila kaya kailangan nating mag doble ingat. Baka nagpaplano na sila ngayon kung paano tayo ididispatsa.” Huminto sa paglalakad si Tamahome. Nangangati na ang kaniyang ilong sa sobrang daming tanim na bulaklak sa likuran ng lumang gusali. Napabahing siya nang sunod-sunod.Sabay na napalingon sina Jacob at Jackson sa kaibigan nilang pulis.“Allergy ka pala sa bulaklak.” Umupo si
Kabanata 97“Sige na. Baka may kaunti kayong labis na pagkain at tubig diyan. dalawang oras na kasi akong naliligaw rito," pakikiusap ni Jett habang pasimpleng sumisilip sa loob.“Ang kulit mo! Sinabi ng wala kaming ekstrang pagkain at tubig. Umalis ka na!" "Oo nga! Umalis ka na bago pa magalit ang boss namin! Nakakatakot pa namang magalit ‘yon. Kaya no’ng pumatay ng tao.”Nagkunwaring natatakot si Jett. Niyakap niya ang kaniyang sarili. Umatras siya ng dalawang hakbang. “T-talaga ba? Kung gano’n…”“Kung gano’n ano?"Lahat ng dalawang bantay ay nakaabang sa sunod na sasabihin ni Jett.“P’wede niyo ba akong dalhin sa kaniya?" seryosong tanong ni Jett.Nagtawanan ang mga bantay.“Nasisiraan ka na ba ng bait? Para mo na ring inihain ang sarili mo sa demonyita.”“Oo nga! Seryoso ka ba? Mukhang nalipasan na nga ito ng gutom. Hindi na siya makapag-isip nang maayos.”“May tubig ba kayo riyan? Bigyan niyo nga itong lalaking ‘to at baka mahihimasmasan sa mga pinagsasasabi niya!"Natigilan sa
Kabanata 96“Dra. Santos…”"Sige na po. Payagan niyo na akong makita ko ang aking asawa. Pangako, mag-iingat ako nang husto,” nagmamakaawang sambit ni Dra. Santos.Bumuntong hininga ang babae. "Hindi mo pa rin ba naiintindihan ang sinabi ko? Nakailang ulit na ako sa'yo ah! Gusto mo bang mahuli ka ng mga pulis? Alam mo namang wanted ka na! Hindi mo ikamamatay kung hindi mo masilayan ang pagmumukha ng tarantad0 mong asawa pero maaari mong ikamatay ‘yang katang@han at pagiging padalos-dalos mo! Mabuti na lamang at nakabalik ako agad at nakita ka ng isa sa mga tauhan ko na paalis dito sa hideout dahil kung hindi, baka humihimas ka na rin ng rehas tulad ng ulaga mong asawa!”Natahimik si Dra. Santos. Naalala na naman niya ang paulit-ulit na pagtataksil sa kaniya ng kaniyang pinakamamahal na asawa."We need to move. Malakas ang pakiramdam kong hindi na tayo ligtas sa lugar na ito lalo na ngayon," ani ng babae.“Pagod na akong magpauli-uli. Pagod na akong magtago! Gusto ko nang sumuko!" mahi
Kabanata 95“Hindi ba masyado tayong naging OA sa mga dala nating armas?" kunot-noong tanong ni Jett sa kaniyang dalawang nakatatandang kapatid.“Mas mainam na ang sobra kaysa sa kulang. Isa pa, hindi ba’t naulit mo sa amin kanina na parang may pumoprotekta kay Dra. Santos kaya hindi siya matagpuan ni Miss Armani hanggang ngayon?" Tiningnan ni Jackson sa rear view mirror si Jett na ngayon ay nakatingin sa may bintana ng sasakyan. Siya ang nagprisintang magmaneho sa kanilang lakad ngayon.“Jett, sigurado ka bang hindi ito isang patibong? I mean, bakit bigla mo na lamang na hacked ang personal mobile phone ng asawa ni Dra. Santos? You spent almost a month doing it, hindi ba? Isa pa, bakit parang timing na timing naman yata sa gaganaping banquet bukas? Hindi ba kayo nagtataka? Paano kung isa itong patibong para hindi ka makapunta sa banquet, Jett?” tulalang sambit ni Jacob habang kinakamot ang kaniyang ilong. “Mukhang namiss na agad ako ng aking asawa. Nanggigil na naman siguro sa aking
Kabanata 94 “Finally! We caught this jérk!" Jackson yelled while smiling. He sat on the couch as he stared at Jett. “What's up, Jett? Abalang-abala ka yata lately at hindi ka namin maabutan ni kuya rito sa opisina mo? Si Arya pa rin ba?” mapang-asar na bungad ni Jacob. Umupo siya sa couch, sa tabi ni Jackson at saka itinaas ang kaniyang paa sa mesa matapos niyang alisin ang kaniyang medyas. Huminto sa pagtitipa si Jett at saka bumuntong hininga. “Anong kailangan niyo sa akin? Balita ko nga ay nakailang balik na kayo rito eh.” Kumunot bigla ang noo niya nang mabasa niya ang nasa monitor ng kaniyang laptop. "Do we need some reasons to visit you?" nakataas ang kilay na tanong ni Jackson. Lumun0k siya ng isang beses. “Wala akong makulit at madaldal na makasamang manood ng basketball. Ang bored kasama nina Set.” “Oo nga. Walang maingay sa mansyon. Kinukumusta ka rin ni papa. Dalawin mo raw siya habang humihinga pa siya. Huwag ka raw dadalaw kapag utas na siya. Oh ‘di ba? Loko-loko
Kabanata 93Sabay-sabay na napatingin sa direksyon ng pintuan sina Arya, Mariz at Marissa nang sinira ito ng isa sa mga securities ng mga Armani.“Senyorita, ayos lang po ba kayo?" tanong ng tauhan sabay tut0k ng mga bariL na hawak niya kina Mariz at Marissa.“Yes, I'm fine." Sumenyas si Arya para ibaba ng security ang baril na hawak nito. “Mariz, get out of my chair. Will you?" nakangiti niyang tanong.Umikot ang mga mata ni Mariz. Inalis niya ang kaniyang mga paa sa mesa at saka tumayo. Naglakad siya palapit kay Arya at nang nasa tapat na siya nito ay sinagi niya ang balikat nito. “Enjoyin mo na ang mga natitirang araw mo bilang nag-iisang apo ng matandang Armani, bilang isang spoiled brat. Whether you like it or not, we will become sisters.”Arya smirked. "Talaga lang ha? Mukhang kailangan mo nang mag-impake ng mga gamit mo, Mariz. Sayang. Sinayang mo ang respeto at pagmamahal na binigay namin sa'yo ni lolo. Sayang at nagpabulag ka sa kasinungalingan at kasibaan ng iyong ina. Kung
Kabanata 92“Panindigan mo kami ng anak mo, Xavier!”"Hindi ako naniniwalang anak ko ang dinadala mo. Walang nangyari sa atin, Marissa!”Tumawa nang malakas si Marissa. “Walang nangyari? We woke up nakéd next to each other. Anong ginawa natin no’ng gabing ‘yon, Xavier? Nagpatintero? Nag jack en poy?" sarkastikong sambit niya.Umiling si Xavier. “Hindi kita gusto at mas lalong hindi kita mahal kaya imposible ang sinasabi mong pinatulan kita. I don't even remember anything! Sigurado akong ni set-up mo lang ako. Alam naman ng lahat kung gaano ka kabaliw sa akin, Marissa.”Muling umalingawngaw ang mga tawa ni Marissa sa silid. “Fúck you, Xavier! Magaling ka lang pumatong sa ibabaw pero duwag ka! Magaling ka lang sa pagpapasok niyang alaga mo sa lagusan ng may lagusan! Natatakot ka ba kaya ayaw mong aminin sa sarili mo na nagkamali ka? Natatakot kang itakwil ka ng mga Armani at pulutin sa kalsada? Natatakot kang mawala sa iyo ang karangyaan, limpak-limpak na salapi at kasikatan dahil nabun
Kabanata 91“Ma’am Arya, mabuti po at dumating na kayo." Malalaki ang mga hakbang ni Arya habang binabaybay niya ang daan patungo sa kaniyang opisina. "Nando’n pa ba sila?” tanong niya sa isa sa mga mata niya sa loob ng kaniyang kumpanya.“Opo, ma’am. Pinag-aalis po nila ang mga gamit niyo sa mesa. Maging ang kaisa-isang litrato niyo kasama ang inyong mga magulang."Napahinto si Arya sa paglalakad. Nilingon niya ang kaniyang empleyado. “Tama ba ang narinig ko? Pinakialaman nila ang family photo namin?" Bakas na bakas na ang matinding galit sa kaniyang mukha.Marahang tumango ang babaeng empleyado.Mariing ikinuyom ni Arya ang kaniyang mga kamay.“May mga bagong hired din pong mga staffs na nag-resign dahil po sa ipinakitang kamalditahan ni Miss Mariz."Kasabay ng pagkunot ng noo ni Arya ang pagtaas ng dalawang kilay niya. ‘What happened to Mariz? She's not that kind of person. Ang kasama niya bang babae ang naging dahilan kung bakit bigla na lamang siyang nagbago? Hindi ko maintindih
Kabanata 90 “Lianne, did you send it already?” Jett asked as he entered his office. "Yes, sir. I already did. In fact, may reply na po agad ang mga Walton. Sure na po ang attendance nila tomorrow night because Denver won the bidding of our project in L.A. They also want to meet you in person para raw po makapagpasalamat sila,” mabilis na tugon ni Lianne. Hinubad ni Jett ang kaniyang coat bago umupo sa kaniyang trono. Napatawa siya nang mahina. “At talaga palang paniwalang-paniwala sila na ibibigay ko sa kanila ang biggest project natin sa L.A. Hindi ba sila nahihiya sa kanilang mga sarili? Denver submitted a trash. Mas magaling pa ngang gumawa ng business proposal ang pamangkin kong si Yael sa kaniya!” Muli siyang natawa. "Masyado nga pala talagang mataas ang tingin nila sa mga sarili nila. Well, excited na akong makita ang mga hitsura nila kapag nalaman nilang hindi talaga sila ang nanalo sa bidding. At mas lalo akong nasasabik sa magiging reaksyon nila kapag nalaman nilang ako ang