Tumingin ang babae sa blonde na lalaki. “Tandaan mo na wag mo siyang pagsamantalahan. Tutal, isa pa rin siya na tulad natin.”“Okay, Big Sis.” Tumawa ng kakaiba ang blonde na lalaki.Umaga na.Umupo sa sala si Wilbur habang nilalaro ang isang token sa kanyang kamay, sinusubukan niyang alamin ang misteryosong energy dito.Pagkatapos, bumaba si Faye. “Good morning, Boss.”“Alam, hindi mo ako kailangan tawagin na ganito,” Ang sabi ni Wilbur, umiling siya.Sumagot si Faye, “May mga hangganan pa rin po kinakailangan pagdating sa trabaho. Oo nga po pala, maayos na po ang kotse niyo.”Binigay niya ang susi ng kotse kay Wilbur.Ang kotse ni Wilbur ay may sira noong nakaharap niya sina Jose at Duran, at umaasa siay sa mga taxi nitong nakaraang mga araw.Tumango si Wilbur. “Salamat.”“Sa susunod po ulit, Boss. Nasa labas po si Master Jose. Tandaan niyo po na kumain.” Umalis ng bahay si Faye pagkatapos nito, ang heels niya ay tumutunog sa sahig.Nagbuntong hininga si Wilbur habang umal
“At ano naman kung higit ako sa batas? Ano ang meron?” Ang sabi ng lalaki, may malupit na ngiti sa kanyang mukha.Agad na nairita si Wilbur sa sagot ng lalaki.Nakikipag “usap” sana siya sa lalaki nang mabilis na lumapit ang may ari ng cafe. “Wag kayong magalit, lahat kayo! Pakiusap, huminahon kayo ng konti.”“Hindi pa siya nagbabayad,” Pinaalala ni Wilbur sa may ari.Ang may ari ay tumingin ng makahulugan ang may ari kay Wilbur, lumingon siya para ngumiti sa tatlo. “Have a nice day, at bumalik po ulit kayo.”Tinaas ni Wilbur ang mga kilay niya. Ngunit ang tatlo ay mainit ang ulo at sinabi nila kay Wilbur, “Kita mo, hindi ako nagbayad at walang problema. May problema ka ba tungkol dito?”Kumunot ang noo ni Wilbur, tumingin siya sa may ari ng cafe.Nagbuntong hininga ang may ari ng cafe, binulong niya kay Wilbur, “Ang lalaking yan ay mula sa food safety department. Siya ang namamahala dito sa parte ng bayan. Hindi dapat siya ginagalit.”So ito pala ang kaso.Ngunit galit pa rin
Tumawa ng mahina si Wilbur. “Maghihintay pala ako. Sige na.”Sasabog na galit si Bernie. Hindi niya matanggap na mawala ang pride niya ng ganito, ngunit kailangan niya maging maingat sa lakas ni Wilbur.Ngunit hindi siya naniniwala na si Wilbur ay makapangyarihan.Nilabas ni Bernie ang phone niya at tumawag siya. Pagkatapos ay umupo siya kasama ang kaibigan niya sa isang mesa at naghintay siya.Ang may ari ng cafe ay nakatayo lang at natataranta nang makita ito, ngunit wala siyang magawa.Makalipas ang sampung minuto, may SUV na huminto sa harap ng cafe. May limang malaking mga lalaki na lumabas ng kotse.Ang leader ng grupo ay nagmamadali na pumunta kay Bernie. “Anong problema, Boss?”Nang makita ang mga lalaking yun, agad na nagkaroon ng kumpiyansa si Bernie.Siya ay dating isang gangster bago siya binigyan ng trabaho ng uncle niya at nagkaroon siya ng maraming kaibigan na may kahina hinalang background. Pagkatapos maging isang hygiene inspector, ginamit niya ang awtoridad ni
Ang may ari ay lumapit kay Wilbur at binulong niya, “Pre, wag mo itong gawin sa sarili mo. May malaking mga koneksyon siya. Hindi mo siya kaya.”“Ah, hindi ako nag aalala tungkol dito. Ako ang bahala sa kanilang lahat at sisiguraduhin kong wala nang ibang gagawa ng gulo sayo sa susunod,” Ang kalmadong sinabi Wilbur.Ang alam lang ng may ari ay hindi niya na kayang kausapin si Wilbur para umatras, kaya naman ay tahimik siyang umatras sa isang tabi.Alam niya na si Wilbur ay hindi isang karaniwang tao lang.Kahit na nangyari ang lahat ng ito sa cafe, wala siyang magagawa tungkol dito.Pagkatapos, narinig ni Wilbur ang lahat ng sinabi ni Bernie sa phone gamit ang malakas na pandinig niya.Hindi siya natakot, at gusto niyang turuan ng leksyon si Bernie at ang uncle nito.Habang iniisip ito, tatawag sana si Wilbur kay Faye at papuntahin ang pinakamahalagang tao sa food safety department para makita nito kung anong klaseng mga tao ang nagtatrabaho para sa kanya.Pagkatapos, tumunog a
Mabilis na lumapit si Bernie sa lalaki. “Uncle…. Ah, Mr. Coop! Ang cafe na ito ay nabigo sa kanilang hygiene inspection, kaya pumunta ako para sabihin sa kanila na tumigil sa pagpapatakbo. Pero, hindi nakinig ang may ari sa akin at pinabugbog niya kami sa mga kaibigan niya! Tingnan niyo! Sira ang mga ngipin ko ngayon.”Gumulong ang mga mata ni Harrod Coop, tumingin siya ng masama sa pamangkin niya. Alam niya kung anong klase ng tao ang pamangkin niya, at na hindi nito sinasabi ang katotohanan.Gayunpaman, hindi niya pwedeng hayaan ang pamangkin niya na bugbugin ng wala siyang ginagawa, kung hindi ay ang malupit na nanay ng pamangkin niya ay pahihirapan siya.Kaya naman, tinaas niya ang boses niya na may puno ng awtoridad. “Sino ang nanakit sayo?”Tumuro si Bernie kay Wilbur. “Siya yun!”Lumapit si Harrod kay Wilbur. “Binugbog mo ba ang mga taong ito?”“Yun ang ginawa ko,” Ang kalmadong sinabi ni Wilbur.Si Harrod ay tumingin sa walang pakialam na ekspresyon ni Wilbur at agad siy
Maliban dito,kapag si Mr. Brigado mismo ang nag inspection kay Harrod.. Ang lahat ng mga ginawa niya nitong mga nakaraang taon ay mabubunyag.Nanginig ang mga binti ni Harrod habang iniisip ito.Hindi alam ng mga tauhan niya kung ano ang gagawin nang makita siya na ganito.Ngunit, wala pa ring alam si Bernie. “Mr. Coop, sige na! Kunin niyo na siya!”Walang ibang gustong gawin si Harrod kundi ang sampalin sa mukha ang tanga na pamangkin niya.Gayunpaman, ang mahalaga ngayon ay ang maligtas ang sarili niya.Makalipas ang ilang sandali, nagkaroon siya ng ideya at sumigaw siya, “Bernie Doebrook, ano ang nangyari dito?”Nabigla si Bernie. Tumingin siya kay Harrod at sinabi niya, “Uncle Harrod, sinabi ko na sa inyo ang lahat sa phone.”“Wala kang sinabi sa akin! Sir, kung pwedeng pumunta ka muna dito saglit,” Tinawag ni Harrod ang may ari ng cafe.Nalito ang may ari ng cafe, nanginginig siya habang naglalakad siya patungo kay Harrod.Sinabi ni Harrod ng may mabait na tono, “Sir, sa
Yun ang taong ito!Si Gordon Grayson, ang anak ng isa sa mga bayani ng bansa na si Benjamin Grayson!Sigurado ang lahat na si Gordon ay magiging isa sa pinakamahalagang tao sa bansa sa darating na panahon.Pagkatapos, handa nang mamatay si Harrod. Ang mga binti niya ay nanginig habang bumagsak siya sa sahig.Hindi alam ni Bernie kung ano ang nangyari at mabilis niyang tinulungan ang uncle niya. “Uncle Harrod! Ano ang problema mo?”Ngumiti si Gordon at kinamayan niya si Chase. “May oras ako ngayong araw at nagkataon na nakita ko na ang isa sa mga tao mo ay inaapi ang may ari ng isang maliit na cafe. Hindi ko ito natiis, kaya tumawag ako sayo.Agad na nagbago ang ekspresyon ni Chase.Ang mga tao na tulad ni Gordon ay may tiyak na paraan sa pakikipag usap tungkol sa mga bagay.Kahit na may malaking bagay na nangyari, madalas ay malabo niya itong sinasabi at hinaharap ito sa pribadong lugar upang ang mga tao ay pwede pang magkaroon ng dignidad.Ang sabihin ni Gordon ang ganitong b
“Opo…” Imposible para itanggi ito ni Harrod at tinanggap niya na lang ang kapalaran niya.Dumilim ang ekspresyon ni Chase. “Suspended ka na mula sa posisyon mo simula sa sandaling ito. Kayo ng pamangkin mo ay sasailalim sa imbestigasyon, at ako ang personal na titingin dito at hindi ako magpapakita ng awa.”Halos mahimatay si Harrod sa mga sinabi ni Chase.Nang maisip na malalaman ni Chase ang mga pakana niya noon at ang mga kahihinatnan nito, sobra na ito para kay Harrod. Dahil dito, bumagsak siya at nawalan ng malay.Napagtanto na ni Bernie na isang malaking pagkakamali ang nagawa niya ngayon, at nanginig ang mga binti niya.Isang tao lang ang dala ni Chase, ngunit ang kapangyarihan ng taong ito ay hindi maitatanggi.Sa paraan ng pagtingin ni Harrod, alam ni Bernie na ang pagdating ng lalaking ito ay nagpapahiwatig na tapos na siya ngayon.Pagkatapos, ang secretary sa likod ni Chase ay tumingin sa mga officer na kasama ni Harrod. “Ano pa ang hinihintay niyo? Dalhin niyo na ang