Kumpara kay John, mas makapangyarihan at mas mahusay si Jeremy sa anak niya. Ang aura niya pa lang, hindi na ito kayang gayahin ni John.Muling naghiyawan ang tatlong clan nang makita ang kapangyarihan ni Jeremy.Nanatiling walang pagbabago ang ekspresyon ni Wilbur habang tumingin siya ng tahimik kay Jeremy.Ang mga mata ni Jeremy ay puno ng galit. Tumalon siya sa ere, umatake siya kay Wilbur na parang isang hawk.Nang bumagsak siya, maraming mga afterimage ng mga suntok niya ang lumabas sa era, umulan ang mga ito kay Wilbur.Kasabay nito, ang ere ay napuno ng usok at buhangin.Ang isang kamay ni Wilbur ay nasa likod niya, ang isa niya pang kamay ay gumagawa ng iba’t ibang pattern sa ere habang kinontra niya ang bawat atake ni Jeremy, sinangga niya ang bawat atake.Nagalit si Jeremy. Bumagsak siya sa lupa, umatake siya ng sunod sunod kay Wilbur. Ang mga suntok niya ay lumipad patungo kay Wilbur mula sa iba’t ibang direksyon, ngunit nasangga pa rin ni Wilbur ang mga ito gamit lan
Sa oras na tumunog ang mga sinabi ni Jeremy, lumapit si Ian kay Jeremy na may hawas na isang kahoy na box. Lumuhod si Ian, pinasa niya ang box kay Jeremy.Binuksan ni Jeremy ang box. Kinuha niya ang scroll at binuksan niya ito ng isang mabilis na kilos.Ang scroll ay may laman na painting ng isang matanda na may suot na mahabang robe. May espada sa likod ng matanda habang hinipan ng hangin ang robe niya, mukha itong misteryoso.Kasabay nito, may isang makapangyarihan na pressure na lumabas mula sa painting. Ang ere ay biglang napuno ng hindi mawari na pressure.Pagkatapos, tumayo ng gulat si Gerard. “May alamat na ang pamilya Owens ay may portrait ng isang ancient ancestor na may hawak ng kapangyarihan ng isang elite cultivator! Masasabi na ito ay ang clan jewel. Ito ba yun?”Medyo nawala ang pagiging mahinahon ni Gerard.Tutal, ang painting ay isang legendary treasure, at nabighani si Gerard para masaksihan ito.Gulat din si Matt, nanginginig siya habang tumayo siya. Hinimas ni
Pagkatapos, ang mukha ni Jeremy ay naging maputla. Hindi niya mapigilan na umubo ng dugo, ang ekspresyon niya ay puno ng gulat at hindi siya makapaniwala.Makalipas ang ilang sandali, tinaas na nila Gerard at Matt ang kanilang mga ulo.Nakita nila na walang kahit anong galos si Wilbur, at nagulat ang kanilang mga dibdib.Paano nangyari ito?Nakatayo si Wilbur doon, at hindi sila makapaniwala.Sa oras na yun, ang scroll na hawak ni Jeremy ay nagliyab bigla, agad itong naging abo, naglaho na ito.Nabigla si Jeremy, bago niya sinigaw, “Ancient ancestor! Ancient ancestor!”Kumunot ang noo ni Wilbur. “Wag kang sumigaw. Ang malakas na energy na yun ay ang huling energy ng ancestor mo, pero pinilit mo itong ubusin. Ito ang kinalabasan.”Kinagat ni Jeremy ang ngipin niya at sumigaw siya kay Wilbur. “Sinira mo ang clan jewel ko.”Naging malamig ang ekspresyon ni Wilbur. Naglakad siya palapit kay Jeremy ng may malaking mga hakbang. Hinawakan ni Wilbur si Jeremy sa leeg at tinaas niya it
Gayunpaman, yumuko ng malalim si Jeremy kay Wilbur. “Maraming salamat sa kabaitan niyo, Senior, at pinagsisisihan ko na ang mga ginawa ko. Magpapadala ako ng mga regalo sa inyo bilang paghingi ng tawad.”“Oh?” Medyo nabigla si Wilbur.Tumingin si Jeremy sa paligid niya. “Ang pamilya Owens ang may ari ng isla na ito. Minaliit at ginalit ko kayo. Gusto kong ialok ang isla na ito bilang paghingi ko ng tawad.”“Ibibigay mo sa akin ang isla na ito?” Hindi talaga ito inaasahan ni Wilbur, at tumingin siya ng gulat kay Jeremy. “Mahal din ang ginastos sa lugar na ito.”Yumuko ulit si Jeremy. “Sigurado ako na hindi problema sa inyo ang pera, Senior. Isang regalo lang ito mula sa akin, sana ay tanggapin niyo ito.”Tumahimik ng ilang sandali si Wilbur bago niya sinabi ng mabagal, “Dahil nag alok ka, hindi ako tatanggi.”“Salamat sa pagtanggap nito, Senior. Mag hahanda ako na itransfer ang property sa madaling panahon. Mapupunta na ito sa inyo,” Ang sabi ni Jeremy.Tumango si Wilbur, pagkata
Hindi ito binanggit ni Faye dahil hindi rin ito binanggit ni Wilbur.Nang malaman kung ano ang dapat at hindi dapat sabihin ay ang pinakamagandang bagay para sa isang tauhan, kaibigan, o kahit kasintahan.Ngumiti si Faye sa mga sinabi ni Wilbur. “Ang Sealake Island ay may halaga po na at least five hundred million dollars. Isa po itong magandang deal.”“Biglaan lang ito. Hindi ko ito inaasahan,” Ang sabi ni Wilbur ng nakangiti.Sa oras na yun, tumigil na si Faye sa pag aalala. Nag kwentuhan silang dalawa habang inubos nila ang pagkain bago maghugas si Faye ng mga hugasin.Umupo si Wilbur sa sofa at nagsindi siya ng sigarilyo. Tumitig siya kay Faye sa kusina, malalim ang kanyang iniisip.Hindi nagtagal, natapos na si Faye at pumunta siya sa sala.Sa oras na umupo siya, nadulas siya at bumagsak siya papunta sa direksyon ni Wilbur.“Ayy!” Ang sigaw ni Faye, bumagsak siya papunta kay Wilbur.Nabigla ng ilang sandali si Wilbur bago niya inabot ang isa sa mga braso ni Faye upang map
Nakita ni Wilbur na ito ay isang call mula kay Nancy at sinagot niya ang phone.“Wilbur, nasaan ka? Kailangan mo ba magpasundo sa akin?” Tumunog ang boses ni Nancy sa kabilang linya.Agad na sinabi ni Wilbur, “Ah, oo nga pala. Pupunta na ako dyan.”“Ayos! Dumating ka sa oras, okay?” Ang sabi ni Nancy bago niya ibaba ang phone.Tumawa ng mahina si Wilbur. Sa totoo lang, masaya siya para makita ang dating mga classmate niya pagkatapos ng matagal. Wala siyang maraming kaibigan, at mahirap pa rin na kausapin ang mga classmates niya pagkatapos ng mahabang panahon.Nakuha niya ang unang kotse niya at nagmaneho siya papunta sa Winston Entertainment.Ang Winston Entertainment ay isang recreational establishment na may food at entertainment services, ito ay itinuturing na sikat sa Seechertown.Makalipas ang kalahating oras, dumating si Wilbur sa lugar. Pumasok siya sa hall at nakita niya na naghihintay si Nancy sa sofa na para bang hinihintay siya nito.Nakita ni Nancy si Wilbur at tuma
Mayabang ang ekspresyon ni Cindy, nakakapit siya sa braso ni Edward habang umupo silang dalawa. Si Edward ay may mapagmataas at mayabang na ugali.Kumunot ang noo ni Wilbur, napuno ng irita ang kanyang dibdib.Klaro na doma;a mo Cimdu ang boyfriend niya para ipagmayabang lang. Isa itong pagtitipon, hindi isang paligsahan.Pagkatapos, ngumiti si Cindy at sinabi niay, “Guys, wag na kayong tumitig! Mataas ang katayuan ni Edward, pero boyfriend ko siya. Hindi kailangan kumilos ng awkward.”Mabait ang mga salitang ito, ngunit iba ang implikasyon.Walang masabi ang lahat. Sa huli, may tao na tumayo at nagbigay ng isang baso ng wine sa lahat. Ang mga taong hindi umiinom ay binigyan ng tsaa.Pagkatapos nito, si Ryan Swan, ang dating class president, ay nagtaas ng kanyang baso. “Isa itong bihirang okasyon na tayo ay may oras para magtipon tipon. Mag toast tayo para dito. Maaga pa ang gabi.”Tinaas ng lahat ang kanilang mga base, at pati na rin si Wilbur. Si Nancy at ang ilang mga babaeng
Tumayo ng nagmamadali si Nancy. “Wag tayong magalit, guys. Nandito lang tayo para magsaya.”Ngunit sinabi ni Edward, “Sino ka para sabihin ito sa akin? Pumunta ako dito dahil lang kay Cirdy, kung hindi ay hindi niyo ako makakasama sa iisang kwarto!”Medyo malupit ang mga sinabi ni Edward, at halata sa ekspresyon ng lahat na hindi sila natutuwa.Gayunpaman, dahil sa katayuan ni Edward, walang kahit sino ang pwedeng magsalita.Ang lahat ng nagtatrabaho sa Seechertown ay hindi pwedeng galitin ang isang tao na tulad ng anak ng district manager.Itinaas ng isang classmate ang kanyang baso. “Mr. Channing, huminahon kayo. Heto, iinom ako kasama ka.”“Oh? At ikaw ay?” Ang mayabang na sinabi ni Edward.Agad na sinabi ng classmate, “Ang pangalan ko ay Frank Cedar. Kakalipat ko lang sa Weston District para sa trabaho. Ikinagagalak kong makilala ka, Mr. Channing.”Nakangiti si Frank, inubos niya agad ang baso niya.Nagbuntong hininga ang lahat. Syempre, may ganitong tao sa bawat pagtitipo