Tumitig si Wilbur kay Getridge, na siyang magaan na ang loob. “Hindi mo naisip na pinatay ko si Wolf of Venom dahil sayo, tama ba?”“Alam ko. Masyado lang siyang mayabang,” Ang sabi ni Getridge ng nakangiti.“Ano ang ibig mong sabihin?”“Dati pa mayabang ng sobra ang lalaking yun dahil lang sa tingin niya ay isa siyang mahusay na cultivator at wala siyang nirerespeto na kahit sino maliban sa leader namin. Sigurado ako na pababagsakin mo siya sa pagkilos niya ng ganun sa lugar mo,” Ang sabi ni Getridge.Ngumiti si Wilbur. “Paano ka nakakasiguro na papatayin mo siya?”“Hindi ako sigurado. Pero tulad ng sinabi ko, wala na akong matatakbuhan. Hinayaan ko na lang ang tadhana ko na magdesisyon,” Ang sabi ni Getridge, nagkibit balikat siya.Suminghal si Wilbur. “Umalis ka na sa lugar na ito ngayon, at wag mo na ulit hayaan na makita kita. Kuha mo?”Pagkatapos ay tumingin siya sa paligid niya.Nakahiga pa rin si Harry sa lupa, nakahiga sa sarili niyang ihi. Ang mga kaibigan niya ay nan
Palakaibigan ang babae, nakikipag usap siya ng mabait mula sa likod. “Ang pangalan ko ay Eilen Fall. Ano ang itatawag ko sa inyong dalawa?”“Ako si Wilbur. At ito naman si Ryder,” Ang sagot ni Wilbur.Ngumiti si Eileen. “Nice to meet you.”“Ano ang ginagawa niyo dito ng mag isa?” Ang tanong ni Wilbur.Huminga ng malalim si Eileen. “Naiinip ako at walang magawa.”“Bakit kayo naglakad sa halip na mag drive paakyat? Mula ba kayo sa laban ng lungsod?”“Hindi ko kaya magmaneho.”Tumaas ang mga kilay ni Wilbur. May mga tao pala na hindi kaya magmaneho sa panahong ito?Ngumiti si Eileen. “Hindi ko talaga kaya magmaneho. Ang mga kamay at paa ko ay hindi nakikinig sa akin sa oras na sumakay ako sa driver’s seat.”“Ah, ganun ba. Ayus lang yun,” Ang sagot ni Wilbur ng tumatawa.Dalawa silang nag patuloy na magkwentuhan habang umandar ang kotse. Pagsapit ng tanghali, ang kalsada ay huminto sa tuktok at pinatay ni Wilbur ang makina ng kotse. “Hindi na pwede mag drive mula dito. Pwede na l
Huminto si Wilbur sa paglalakad, tahimik siyang nakatingin sa kweba sa malalim na kanyon.Ang buwan ay kakalabas lang, inilawan nito ang tuktok ng bundok.May dalawang hugis ng tao na dumating sa ibabaw ng kanyon, isa sa magkabilang dulo.Kumunot ang noo ni WIlbur sa kaliwa niya. Sigurado siya, ito ay si Eileen.Ngunit sa kabilang panig, nakita niya ang isang lalaki na mula sa ibang bansa. May suot itong pulang robe, tila mukhang may isang pares ng silver na shackle sa kanyang mga braso.Kahit na may ilang daan ang layo, klaro silang nakita ni Wilbur.Tila nakita nilang tatlo ang isa’t isa ng sabay sabay.Huminto sila ng ilang sandali bago bumaba ng sabay si Eileen at ang lalaking may shackles papunta sa lambak.Pareho sila, pati si Wilbur, ay nakatayo sa isang triangular formation, inoobserbahat ang isa’t isa mula sa malayo.Si WIlbur ang unang nagsalita. “Para iklaro ang maling pagkakaunawa sa isa’t isa, dapat ba tayong magpakilala kung sino tayo at kung bakit tayo nandito?”
“Paano naman ang mga cult member? Sigurado na hindi lang siya ang member at founder ng Skull Cult, hindi ba?” Hindi maintindihan ni Wilbur.Sinabi ni Eileen, “Sa tingin ko ay ang lahat ng mga miyembro ay nasa lawa na yun.”Tumingin si Wilbur sa duguan na lawa at tumango siya nang mapagtanto ito.Ang halimaw na ito ay nakagawa ng isang kulto at pagkatapos ay ang lahat ng cult members ay naging dugo. Talaga ngang bloody hell.“Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng mga taong ito, sumama sa Skull Cult,” Ang sabi ni Wilbur ng nagkibit balikat.“Ipapaliwanag ko.”Tumawa ng kakaiba si Suelyn, kumilos siya ng malapit sa tatlo habang nagsasalita siya.“Gusto nilang mabuhay ng habang buhay, tulad ko. Binigyan ko sila ng pag asa, at sumama sila sa akin ng hindi nagdududa. Pero ang mga taong ito ay mga mababang nilalang, malayo sila para piliin ng Blood God! Ang maging sakripisyo ang pinakamagandang kapalaran nila.”Sumagot si Wilbur, “Ganun ba? Gusto ko malaman kung bakit mo pinagtaksilan
Pinakita nilang tatlo ang kapangyarihan nila ng sabay sabay. Sumigaw si Constantine, “Isang karangalan na makasama kayong dalawa sa pakikipaglaban! Ako ang mauuna!”Lumipad siya sa ere pagkatapos nito, tinaas niya ang mga braso niya. May umaapoy na holy flame na lumipad papunta sa direksyon ni Suelyn ng may pambihirang lakas.Kasabay nito, sumigaw si Eileen habang hawak ang dalawang espada niya, yumuko siya bago siya sumugod papunta kay Suelyn.Ito ang special move ni Eileen, ang Armor of Blades.Hinawakan ni Wilbur ang thunder cleaver niya at naghanda na siyang sumama sa laban. Gayunpaman, biglang nanginig ang Sea of Blood at may limampung mga halimaw ang lumabas mula sa kawalan, sumugod sila sa direksyon nila.Ang mga halimaw na ito ay pareho sa mga lobo, ngunit kasing laki sila ng mga baka. Ang mga katawan nila ay gawa sa dugo at laman, inangilan nila ang tatlo.Ang Blood Wolves ay sumugod, dumiretso sila sa likod ng tatlong cultivator.“Mag ingat kayo!” Ang sigaw ni Eileen,
Nangutya si Eileen. Hinagis niya ang mga espada niya, at lumipad ito sa ere papunta kay Suelyn.Tumawa ng mahina si Suelyn. Ang blood sword sa kamay niya ay umikot ng pabilog, gumawa ito ng isang energy shield na nagpatalsik agad sa mga espada ni Eileen.Agad na sumabog ang spirit energy ni Eileen, at pinagdikit niya ang mga palad niya. “Soaring Double!”Ang mga espada ay tila kumilos sa utos ni Eileen, inatake nito si Suelyn mula sa iba’t ibang anggulo ng may pambihirang bilis.Sumigaw ng malakas si Suelyn, hindi niya pinansin ang atake habang umatake siya sa direksyon ni Eileen.Hindi makakilos si Eileen dahil gamit niya ang Soaring Double, at ang atake ni Suelyn ay tatama na sa kanya.Sa sandaling yun, sumigaw si Eileen, “Shield!”Lumaki ang spirit armor sa katawan niya, gumawa ito ng malaking katawan ng armor na may tatlong metro ang tangkad para protektahan siya sa gitna.Ang atake ni Suelyn ay nagkaroon ng nakakanginging tunog habang tumama ito sa armor.Umilaw ang spiri
Ginamit ni Wilbur ang spirit energy at ginawa niya itong lightning bolt, nilagay niya ito sa blade ng kanyang thunder cleaver.Pagkatapos, ang thunder cleaver ay umilaw ng may nakakasilaw na kidlat.Tumingin si Wilbur sa mga Blood Wolf na tatalon papunta sa kanya. Ang lightning strike ay sumabog at lumabas ang maraming mga lightning bolt, tinamaan ang mga Blood Wolf.Sumigaw ang mga lobo, naging abo sila.Ang mga Blood Wolf na namatay sa lightning strike ay walang paraan para bumalik sa pagigign dugo at bumalik sa lawa ng dugo. Sa ganung paraan, mapapabagal ni Wilbur ang paggamit ni Suelyn ng energy.Kasabay nito, ang laban ni Suelyn kay Constantine at Eileen ay umabot na sa kilmaktiko na punto.Ang halo ni Constantine ay umilaw habang may mga anghel na lumipad sa ere, napuno ng prayer. Sunod na sunod na ray ng holy light ang pumunta kay Suelyn sa pagitan ng mga kamay ni Constantine na may shackle.Nagsimula din si Constantine sa pag chant sa pagitan ng mga atake niya. May isang
“Ganun pala.” Ngumisi si Wilbur. Nalaman niya na ang sikreto ng lawa ng dugo sa tulong ng Iris Veritas.Sumigaw si Wilbur at ang thunder cleaver ay lumipas mula sa kamay niya habang ginamit niya ang spirit energy niya para paliparin ang cleaver upang maging isang makapangyarihang atake ito laban sa mga Blood Wolf.Ang mga seal sa kanyang mga palad ay kumilos at nagbago ng anyo. Sa huli, nilagay niya ang mga palad niya sa dibdib niya at nag chant siya, “Holy Wave of Thunder!”Ang tanging makikita ay ang malaki at madilim na ulam na namumuo sa ibabaw ng lawa ng dugo at pinaulanan nito ang lawa ng dugo ng mga kidlat.Gayunpaman, sa pressure ng Sea of Blood territory ni Suelyn, ang Holy Wave of Thunder ay hindi makapangyarihan.Suminghal si Wilbur. Ang Dragon’s Crystal ay umikot ng mas mabilis, at mas maraming spirit energy ang lumabas sa kanya.Sa suporta ng Dragon’s Crystal, ang Holy Wave of Thunder ay lumaki, nasa ibabaw ito ng lawa ng dugo.Ang makapal na mga kidlat ay tumama sa