Ngumisi ng malamig si Wilbur sa pag uugali ni Roane. Ang mga tao na tulad ng tita niya ay nakatuon lang ang atensyon sa social status. Matatalo lang si Nancy sa huli kapag nanatili ang relasyon na ganito sa tita niya.Nagpanggap si Roanne na maging mabait para kay Nancy at pinakilala ang isang potensyal na manliligaw. Gayunpaman, ang tunay na layunin ni Roanne ay isang arrangement para sa anak na lalaki niya. Kinulit niya ng maraming beses si Nancy dahil dito.Noong napansin ni Roanne na bumaliktad ang sitwasyon, kumilos ulit siya ng mabait. Gusto niya lang gamitin si WilburAgad na sinabi ni Wilbur, “Madam Drew, hindi tayo magkamag anak, kaya wag kayong maging mabait sa akin. Goodbye.”Sinira ni Wilbur ang mga delusyon ni Roanne sa isang pangungusap lang. Sinabi niya rin upang marinig ito ng lahat, kung sakali na mali ang pagka intindi nila. Hindi niya hahayaan si Roanne na gamitin ang pangalan niya ng hindi niya nalalaman.Agad na napahinto si Roanne. Hindi siya natutuwa.Nabig
“Hindi mo ako kailangan asarin ng ganun, classmate,” Ang sabi ni Wilbur ng nakangiti.Dumila si Nancy kay Wilbur. Pagkatapos ay tumalikod siya at umalis, ngunit ang mga luha ay palihim na tumulo sa mga pisngi niya.Nagbuntong hininga si Wilbur at nag drive siya patungo sa Sealake Island.…Gabing gabi na sa Owens Manor.Tapos na si Jeremy sa kanyang cultivation training. Naligo siya at handa na siyang bumalik sa kwarto niya para matulog.Kinagawian niya ang uminom ng dalawang ounce ng aged wine bago matulog. Ito ang tanging paraan para makatulog siya ng mahimbing.Umupo siya sa sofa ng sala. Ang mga katulong ay naglagay ng aged wine sa mesa.Sumandal siya sa sofa at kinuha niya ang wine at uminom siya, pagkatapos ay huminga siya ng malalim na parang nakuntento.Pinag-isa niya ang impluwensya ng pamilya simula noong natalo siya ni Wilbur. Umatras siya sa mga mata ng publiko at nagpokus siya sa kanyang cultivation. Hindi na siya nag aalala sa mga bagay sa mortal na mundo.Gayun
Pakiramdam ni Wilbur na parang may mali sa buong event.Madalas ay dapat magiimbita lang sila ng mahalagang miyembro ng clan para sa isang party, na may sandaang tao mula sa three major clans. Ito ay maituturing na isang malaking pagtitipon. Sa ngayon, may apat o limandaang tao sa manor. Hindi ba’t sobra ito?Pinag isipan niya ito at nagdesisyon siya na lumusot muna papunta sa loob. Uuwi siya kapag masyado maraming tao o may mga tao na hindi parte ng clan. Ayaw niyang magpakita sa harap ng sobrang daming tao.Nag transfor siya para maging kamukha niya si Trevor bago siya lumabas ng kotse at naglakad siya papunta sa manor.May mga kotse pa rin na pumapasok. May mga tao na naglakad ng magkakasama sa grupo, nag uusap at nagtatawanan habang papunta sa manor.Dumating na si Wilbur sa pinto. Hindi niya nakilala ang kahit sino sa mga taong nalampasan siya.Naisip niya na kakaiba na walang tao sa pinto. Ito ay para bang kahit sino ay pwedeng pumasok.Ang manor ay ang bahay ng mga Owens.
Ang middle-aged na lalaki ay tumingin kay Wilbur at nagdalawang isip. Sumaludo siya kay Wilbur at sinabi niya, “Mula ako sa Walker clan ng Greensun County. Ikaw ba?”“Ako si Mr. Penn,” Ang sagot ni Wilbur ng nakangiti. Malapit ang Greensun County sa Seechertown. Tila may impluwensya ang three major clans dito.“Hindi ko maintindihan kung bakit nila tayo inimbita. Maraming tao dito. Ano ba ang binabalak nila?” Ang tanong ni Wilbur.Kumunot ang noo ng middle-aged na lalaki at sumagot, “Hindi ako sigurado. Sinabi nila sa akin na dumating sa oras ng hindi sinasabi ang kahit ano.”“Wow, ito ba ang rason kung bakit nandito kayo?” Ang tanong ni Wilbur habang umiiling.Agad na hindi natuwa ang babae. Tumingin siya kay Wilbur at sinabi niya, “Nandito ka rin naman, hindi ba? Wag ka na pala magpakita.”Mabilis na nagpaliwanag si Wilbur, “Hindi yun ang ibig kong sabihin. Naisip ko lang na kailangan nila magbigay sa atin ng rason para dumalo. Sinabi nila na pumunta tayo kahit na wala silang b
Nabigla si Wilbur. “Pre, seryoso ka ba? Hindi ito worth it, ang isugal ang buhay mo ng ganito!”“Iho, ang three major clans ang leader ng lahat ng mga clan sa Kardon Province. Mataas ang tingin namin sa kanila, at iniinsulto mo ako kapag ininsulot mo sila!”“Bro, hindi mo ito kailangan gawin. Huminahon ka,” Ang galit na sinabi ni Wilbur.Hindi niya inaasahan na may malaking impluwensya ang three major clans.Ang three major clans ay may mahabang kasaysayan na umaabot ng daan-daang taon, at si Jeremy ay isang peak Aura level cultivator.Kahit na ito ay wala lang para kay Wilbur, ang Aura level ay isang pangarap lamang para sa maraming mga cultivator.Ito ay maituturing na isang malaking bagay para sa mga cultivator kapag umabot sila sa maagang stage ng Aura level. Ang umabot ng higit dito ay halos imposible.Oo, isang malaking achievement ang umabot sa peak Aura level.Maiintindihan na ang ilan sa mga maliit na clan ay may malaking respeto sa three major clans.Ngunit sobra na
Ang madla ay lumingon para makita ang pulang mukha ng lalaki sa magkapatid.Tumingin din si Wilbur. May problema ba sa lalaking ito? Sinasamba niya si Jeremy na parang isang diyos na walang ginawang kahit anong masama.May isang tao pa na sumingit, “Tama, Mr. Owens! Sabihin niyo sa amin kung sino siya! Tuturuan natin siya ng leksyon.”Halatang sinabi ito para makuha ang pabor ni Jeremy. Ang lalaki kanina ay bata pa at immature, ngunit ang lalaking ito ay matanda na.Sinabi mismo ni Jeremy na natalo siya. Naisip ba ng mga taong ito na mananalo sila?Bukod pa dito, mas maraming tao sa madla ang nag aalala. Ang balitang ito ay kadalasang itinatago. Bakit ito sinasabi ni Jeremy sa harap ng publiko ng ganito?Ang mga bagay ba sa Kardon Province ay magbabago, at ito bang misteryosong expert ay mamumuno sa three major clans?Hindi ito imposible. Kapag nag aannounce si Jeremy ng ganitong bagay, malamang ay balak niyang magretiro sa posisyon niya.Ganito ang takbo ng mundo. Ikaw ang bos
Nagpatuloy si Jeremy na tumawa na parang isang baliw, pinagdikit niya ang mga palad niya. “Territory! Sea of Blood!”Biglang may lumabas na malaking halaga ng spirit energy mula kay Jeremy at napalibutan ang buong lugar. Nagkaroon ng bloody red spirit barrier, hinarangan ang hall mula sa labas.Ang mga tao na umabot sa pinto ay tumama sa barrier at tumalsik sila paatras habang tumalsik ang dugo mula sa bibig nila.Nabigla sina Matt at Gerard. Lumayo agad sila mula kay Jeremy, hinintay nila ng susunod na kilos nito.Ang kapangyarihan ni Jeremy ay higit pa sa pagkakaintindi nila.Alam nila Matt at Gerard na hindi ito ang Jeremy mula noon.Kahit na sinasabi ni Jeremy na si Wilbur ang target niya, nasa panganib din sina Matt at Gerard katulad ng lahat ng nasa hall.Sa oras na yun, malakas na sinabi ni Wilbur, “Sanctuary level? Kaya pala mayabang ka. Umabot ka sa Sanctuary level cultivation!”Sanctuary.Isang level ito na higit sa Ambience.Ang kahit sino na naging isang Sanctuary
May makapal na lightning bolt na lumabas sa pagitan ng mga palad ni Wilbur, lumipad ito papunta sa direksyon ni Jeremy.Humigpit ang dibdib ng lahat sa kanilang nakita.Iba talaga ang lalaking ito. Anong klaseng spell yun?Kasabay nito, tumatawa pa rin si Jeremy na parang isang baliw. Tinaas niya lang ang kanyang kamay, at may shield na gawa sa dugo na lumabas sa harap niya.Maraming mga bungo na kumikilos ng mabagal sa blood shield, na parang isang ilog ng kamatayan sa impyerno.Ang Way of Thunder ay tumama sa shield, ngunit ang dugo sa shield ay naabsorb ang atake bago ito naglaho.Namutla ang ekspresyon ni Wilbur, ngunit tumawa lang si Jeremy. “Ang kahit anong atake ay walang kwenta sa harap ng blood shield ko, iho! May ibang bagay ka pa ba? Hindi pa sapat ang kasiyahan ko.”“Hahayaan pala kitang magsaya hanggang sa makuntento ka.”Tumawa ng malakas si Wilbur, at ang mga seal sa kamay niya ay dumami habang lumabas sa kanya ang spirit energy.Habang sumigaw siya, may dragon