“Ano ang ginagawa ng kumpanya niyo?” Halatang isang masiglang babae si Indra dahil nakikipag usap siya kay Remy.Sinabi ni Remy, “Sa personal media kami. Alam niyo ngayon na nasa panahon tayo ng personal media. Sa kagandahan niyo at sa management team namin, mabilis kayong makakakuha ng atensyon sa internet. Hindi magtatagal, makakapagbenta kayo ng merchandise sa mga live stream niyo. Sa oras na yun, ang sahod at commission niyo ay aabot ng one million dollarsa sa isang taon.”“Huh?”Halatang nabigla ang dalawa. Ang kumita ng one million dollars sa isang taon ay isang malaking tukso para sa kahit sino.Si Wilbur, na siyang nakapikit ang mga mata at nagpapahinga, ay natuwa nang marinig niya ang pag uusap. Mukhang ang Cape Consortium ay pumasok na sa bawat industriya na meron. Gayunpaman, hindi niya kinwestyon ang management ng Cape Consortium, at hindi niya rin balak hamunin ito.Halatang natuwa ang dalawang babae, ngunit ang babaeng may mahabang buhok, si Madison, ay halatang medy
Nang makuha ni Wilbur ang Godly Training Form, alam niya na ito ang pinakamalakas na physical technique sa mundo.Kahit na may ilang dosenang mga simpleng galaw lang, ang kombinasyon ng mga galaw na ito ay magiging walang hanggan na mga galaw.Hindi pa na-master ni Wilbur ang kahit maliit na parte ng buong kakayahan nito, ngunit ang martial arts skills niya ay walang kapantay na.Hindi niya maisip kung gaano na siya kalakas kapang na-master niya na ng buo ang Godly Training Form.Ang Dragon’s Chant at Godly Training Form ay parehong galing sa Dragon’s Altar, pero ang altar ay mas maraming naibibigay maliban doon.Pagkatapos mag isip ng ilang sandali, kinuha ni Wilbur ang bloodstone at token sa harap ng mga paa niya, pagkatapos ay umabante siya ng ilang hakbang at inagis niya ang mga gamit sa apoy ng altar.Ang maputlang apoy ay biglang lumakas, at ang ancient at vast aura, na para bang ilang milyong taon ng time and space, ay dumating sa harap ni Wilbur.Sumikip ang puso ni Wilb
Isa itong altar sa isang demiplane, kung saan pwede itago ang kahit ano.Kapag kinakailangan, gagamit lang siya ng spiritual power niya para buksan ang altar, at ang laman nito ay pupunta sa kanya. Maganda ng gamit nito.Gayunpaman, sa oras na aalis na siya, nagsalita ulit ang matandang boses.“Ang aking sacrificer, masyadong maliit lang ang sinakripisyo mo nitong nakaraan. Wag mo kalimutan na ang katawan mo ay umabot na sa hangganan nito. Mag ingat ka, kung hindi ay sasabog ang katawan mo at mamamatay ka.”Nang matapos na magsalita ang boses, naglaho ito.Tumayo lang si Wilbur ng tulala at bigla siyang nagmura. “Lintik! Ang tanging binabanggit niyo lang ng buong araw ay tungkol sa mga sakripisyo. Paano ako hahanap ng sobrang daming sakripisyo? Kung madali lang ito mahanap, matagal ko nang nakuha ang buong kalawakan. Hindi ko kailangan na sabihan ako ng paulit ulit.”Biglang yumuko si Wilbur at naghintay siya ng matagal.Nang makita na walang sagot, tumingala siya at suminghal n
“Hindi,” Ang sabi ni Faye ng hindi nag aatubili.Binaba ni Wilbur Wilbur ang bowl, malalim ang kanyang iniisip.“Anong problema?” Ang tanong ni Faye, nalilito.Kumunot ang noo ni Wilbur. “Nakita ko ang lalaking ito na si Remy Hudson noong pauwi ako ngayong araw. Sinabi niya na mula siya sa Glory Media, isa sa mga kumpanya ng Cape. Sigurado ka ba na wala tayong kumpanya na may ganung pangalan?”“Wala.” Umiling si Faye. “Isang scammer siguro siya na ginagamit ang pangalan natin.”Sinabi ni Wilbur, “Dapat pala tayong mag ingat. Ang mga scammer na ito ay maaaring sumira ng reputasyon ng Cape.”“Wag kayong mag alala, Boss. Sisiguraduhin ko na ang legal team natin ay asikasuhin ito sa oras na may mapansin tayo na kahit ano,” Ang sabi ni Faye.Nag aalala pa rin si Wilbur.Sinabi ni Faye, “Sa totoo lang, hindi bihira ang ganitong mga bagay. Ang mga taong ito ay sinasabi na nasa ilalim sila ng Cape, pero hindi sila pwedeng gumawa ng kumpanya gamit ang pangalan natin.”“Oo, pero ang pag
Hindi nagtagal, dumating silang dalawa sa top floor. Ang babae ay ipinakita si Madison sa secretary ni Faye, pagkatapos ay umalis na siya.Tumingin ang secretary kay Madison. “Ikaw ba si Madison Snyder?”“Ako nga po.” Mas lalo nang kinakabahan si Madison.Tumayo ang secretary at binuksan nito ang pinto sa opisina. “Pwede ka nang pumasok. Hinihintay ka ni Ms. Yves.”Kabadong pumasok ng opisina si Madison.Ang opisina ay konti lang ang dekorasyon, ngunit ang lahat ng furniture at dekorasyon doon ay maganda talaga at pinakita nito na maganda ang panlasa ng taong may ari ng lugar na ito.Sa likod ng malaking office desk ay ang isang babae na may suot na blue power suit. Nakasandal ang babae sa upuan, inoobserbahan ng masusi si Madison.Mabilis na tumibok nag puso ni Madison.Ang babae sa likod ng mesa ay mukhang nasa kanyang thirties. Ang itsura niya ay nakakabighani, isang classic beauty.Ang mahaba at itim na buhok niya ay nakatali ng pusod, mukha siyang matalino at elegante.H
Sa huli, ngumiti si Faye. “Kahanga-hanga ito. Pumunta ka ulit sa human resources department bukas. May kontrata na maghihintay sayo.”“Ah.”Kumurap si Madison, matagal bago niya napagtanto na tinanggap na siya.Ang sorpresa ay tumama na parang isang kidlat, at hindi niya alam kung paano ito haharapin. Hindi niya inaasahan na makukuha niya talaga ang trabaho. Hirap siyang tumayo, at paulit ulit siyang yumuko kay Faye.Kalmadong sinabi ni Faye, “Lagi kaming bukas na bigyan ang mga bata ng isang pagkakataon. Sana ay magsikap ka sa binigay na pagkakataon sayo.”“Salamat po, Ms. Yves. Pangako na gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko.”Yumuko ulit si Madison at umalis siya.Naghintay si Faye hanggang sa mawala si Madison bago siya sumandal sa upuan niya at huminga ng malalim. “Mukhang ang mga lalaki ay gusto talaga ang mga mas bata, pati na rin si Boss. Diyos ko, matanda na ba talaga ako?”Samantala, dumating si Indra sa Glory Media Company nang sundan ang address na binigay ni Remy
“Mr. Hudson, saan tayo pupunta? Mukhang malayo ang lokasyon,” Ang tanong ni Indra.Ngumiti si Remy. “Wag kang mag alala. Sa isang factory ang base natin. Malayo ito sa bayan pero maganda dito! Magtiwala ka sa akin, magugustuhan mo ito.”“Okay.” Tumango si Indra.Makalipas ang higit sa isang oras, ang kotse ay nag drive papunta sa isang abandonadong factory at huminto ito a harap ng isa sa mga factory building sa loob.Lumabas ng kotse si Remy. Tumingin siya sa paligid at kumunot ang noo niya.“Wag kang mag alala. Makikita mo kapag pumasok ka,” Ang sagot ni Remy ng nakangiti.Tumango si Indra, pagkatapos ay sumunod siya kay Remy sa loob.Maraming mga kwarto sa loob ng building, at ang ilan sa mga ito ay nagpapatugtog ng music.Kumunot lalo ang noo ni Indra habang napansin niya na may mali.Sa oras na yun, may dalawang lalaki na may camera sa leeg nila ang binati si Remy, “Mr. Hudson.”Tumango si Remy, at sinabi niya sa dalawang lalaki, “Siya ang bagong kuha ko. Kumuha kayo ng
Kumapit si Indra sa mga damit niya, ngunit walang kwenta ang lakas niya kumpara sa mga pinaghalong lakas ng maraming lalaki. Pinunit nila ang mga damit niya at binugbog nila si Indra.“Ano na po ngayon, Mr. Hudson?” ng tanong ng isa sa mga lalaki.Suminghal si Remy. “Ikulong niyo siya at hayaan niyo siya na walang pagkain ng tatlong araw. Kapag hindi siya nakinig, pwede niyo siyang gamitin para magsaya.”“Salamat po, Mr. Hudson,” Ang sagot ng grupo ng mga lalaki, tumawa sila.Nawalan na talaga ng pag asa si Indra, nanginginig siya ng pisikal at emosyonal.Sa sumunod na sandali, kumaway si Remy at ang ilang mga lalaki ay hinila papunta sa isa pang kwarto, naiwan siya doon at nilock ang pinto.Ang lugar na ito ay nasa gitna ng kawalan, at walang paraan para humingi ng tulong si Indra.Bumalik si Remy sa opisina niya. Sa mesa niya ay isang computer, ang screen ay nahahati sa maraming mga box na ipinapakita ang iba’t ibang mga footage.Marami sa mga streamer na mga lalaki at babae