Pagkatapos kumain, sinabi ni Wilbur kela Ethan at Wendy, “Tapos na ako sa trabaho ko dito. Dapat na akong umalis.”“Hindi ka ba pwedeng manatili ng ilang araw?” Halata na nagdadalawang isip si Ethan, at sumunod si Wendy para kumbinsihin si Wilbur na manatili.Sinabi ni Wilbur ng nakangiti, “Marami pa akong kailangan asikasuhin sa Seechertown. May tinayo ako na kumpanya doon, at malaki ito.’Nang marinig ito nila Ethan at Wendy, nahiya sila para kumbinsihin si Wilbur na manatili.Nanood sa tabi si Rupert na puno ng inggit. Maganda siguro magkaroon ng isang kaibigan na tulad ni Wilbur.Pagkatapos ipaliwanag ang lahat, umalis si WIlbur at bumalik siya sa kanyang hotel. HIndi niya makontrol kung ano ang mangyayari sa pagitan nila Ethan at Wendy, ngunit sinubukan niya ang lahat para gumawa ng pagkakataon para sa kanila. Ito lang ang tanging bagay na pwede niyang gawin.Pagkatapos umupo ng matagal sa hotel, handa na siyang umalis. Busy siguro sina Nicholas at Faron ngayon, kaya hindi m
“Grabe, hindi ko inaasahan na makuha ito.” Hindi mapigilan ni Wilbur na tumawa habang tumitig siya sa bloodstone.Bayolente ang paglabas ng spiritual energy sa bloodstone. Ito ang kailangan ni Wilbur, kaya tuwang tuwa siya sa swerte niya.Noong nilapit niya ang kamay niya, lumabas ang spiritual power mula sa mga palad niya, tinakpan nito ang bloodstone. Pagkatapos ay kinaway niya ang kamay niya at ang bloodstone ay milagrong naglaho.Tumingin si Wilbur sa basement at nakita niya na wala nang ibang nandoon.Medyo nagsisisi si Wilbur. Hindi niya alam na may ganitong bagay sa bahay ni Milton. Sayang at patay na si Milton. Kung hindi, baka makapag tanong pa siya.Gayunpaman, hindi na ito mahalaga. Kahit na anuman ang pinanggalingan nito o anumang spiritual energy ang nasa loob nito, magagamit pa rin niya ito.Pagkatapos umalis ng basement, tumingin si Wilbur kela Nicholas at Faron, na parehong medyo kabado, at sinabi niya, “Inalis ko na ang kung anumang nandoon. Pwede niyo na suriin
“Ano ang ginagawa ng kumpanya niyo?” Halatang isang masiglang babae si Indra dahil nakikipag usap siya kay Remy.Sinabi ni Remy, “Sa personal media kami. Alam niyo ngayon na nasa panahon tayo ng personal media. Sa kagandahan niyo at sa management team namin, mabilis kayong makakakuha ng atensyon sa internet. Hindi magtatagal, makakapagbenta kayo ng merchandise sa mga live stream niyo. Sa oras na yun, ang sahod at commission niyo ay aabot ng one million dollarsa sa isang taon.”“Huh?”Halatang nabigla ang dalawa. Ang kumita ng one million dollars sa isang taon ay isang malaking tukso para sa kahit sino.Si Wilbur, na siyang nakapikit ang mga mata at nagpapahinga, ay natuwa nang marinig niya ang pag uusap. Mukhang ang Cape Consortium ay pumasok na sa bawat industriya na meron. Gayunpaman, hindi niya kinwestyon ang management ng Cape Consortium, at hindi niya rin balak hamunin ito.Halatang natuwa ang dalawang babae, ngunit ang babaeng may mahabang buhok, si Madison, ay halatang medy
Nang makuha ni Wilbur ang Godly Training Form, alam niya na ito ang pinakamalakas na physical technique sa mundo.Kahit na may ilang dosenang mga simpleng galaw lang, ang kombinasyon ng mga galaw na ito ay magiging walang hanggan na mga galaw.Hindi pa na-master ni Wilbur ang kahit maliit na parte ng buong kakayahan nito, ngunit ang martial arts skills niya ay walang kapantay na.Hindi niya maisip kung gaano na siya kalakas kapang na-master niya na ng buo ang Godly Training Form.Ang Dragon’s Chant at Godly Training Form ay parehong galing sa Dragon’s Altar, pero ang altar ay mas maraming naibibigay maliban doon.Pagkatapos mag isip ng ilang sandali, kinuha ni Wilbur ang bloodstone at token sa harap ng mga paa niya, pagkatapos ay umabante siya ng ilang hakbang at inagis niya ang mga gamit sa apoy ng altar.Ang maputlang apoy ay biglang lumakas, at ang ancient at vast aura, na para bang ilang milyong taon ng time and space, ay dumating sa harap ni Wilbur.Sumikip ang puso ni Wilb
Isa itong altar sa isang demiplane, kung saan pwede itago ang kahit ano.Kapag kinakailangan, gagamit lang siya ng spiritual power niya para buksan ang altar, at ang laman nito ay pupunta sa kanya. Maganda ng gamit nito.Gayunpaman, sa oras na aalis na siya, nagsalita ulit ang matandang boses.“Ang aking sacrificer, masyadong maliit lang ang sinakripisyo mo nitong nakaraan. Wag mo kalimutan na ang katawan mo ay umabot na sa hangganan nito. Mag ingat ka, kung hindi ay sasabog ang katawan mo at mamamatay ka.”Nang matapos na magsalita ang boses, naglaho ito.Tumayo lang si Wilbur ng tulala at bigla siyang nagmura. “Lintik! Ang tanging binabanggit niyo lang ng buong araw ay tungkol sa mga sakripisyo. Paano ako hahanap ng sobrang daming sakripisyo? Kung madali lang ito mahanap, matagal ko nang nakuha ang buong kalawakan. Hindi ko kailangan na sabihan ako ng paulit ulit.”Biglang yumuko si Wilbur at naghintay siya ng matagal.Nang makita na walang sagot, tumingala siya at suminghal n
“Hindi,” Ang sabi ni Faye ng hindi nag aatubili.Binaba ni Wilbur Wilbur ang bowl, malalim ang kanyang iniisip.“Anong problema?” Ang tanong ni Faye, nalilito.Kumunot ang noo ni Wilbur. “Nakita ko ang lalaking ito na si Remy Hudson noong pauwi ako ngayong araw. Sinabi niya na mula siya sa Glory Media, isa sa mga kumpanya ng Cape. Sigurado ka ba na wala tayong kumpanya na may ganung pangalan?”“Wala.” Umiling si Faye. “Isang scammer siguro siya na ginagamit ang pangalan natin.”Sinabi ni Wilbur, “Dapat pala tayong mag ingat. Ang mga scammer na ito ay maaaring sumira ng reputasyon ng Cape.”“Wag kayong mag alala, Boss. Sisiguraduhin ko na ang legal team natin ay asikasuhin ito sa oras na may mapansin tayo na kahit ano,” Ang sabi ni Faye.Nag aalala pa rin si Wilbur.Sinabi ni Faye, “Sa totoo lang, hindi bihira ang ganitong mga bagay. Ang mga taong ito ay sinasabi na nasa ilalim sila ng Cape, pero hindi sila pwedeng gumawa ng kumpanya gamit ang pangalan natin.”“Oo, pero ang pag
Hindi nagtagal, dumating silang dalawa sa top floor. Ang babae ay ipinakita si Madison sa secretary ni Faye, pagkatapos ay umalis na siya.Tumingin ang secretary kay Madison. “Ikaw ba si Madison Snyder?”“Ako nga po.” Mas lalo nang kinakabahan si Madison.Tumayo ang secretary at binuksan nito ang pinto sa opisina. “Pwede ka nang pumasok. Hinihintay ka ni Ms. Yves.”Kabadong pumasok ng opisina si Madison.Ang opisina ay konti lang ang dekorasyon, ngunit ang lahat ng furniture at dekorasyon doon ay maganda talaga at pinakita nito na maganda ang panlasa ng taong may ari ng lugar na ito.Sa likod ng malaking office desk ay ang isang babae na may suot na blue power suit. Nakasandal ang babae sa upuan, inoobserbahan ng masusi si Madison.Mabilis na tumibok nag puso ni Madison.Ang babae sa likod ng mesa ay mukhang nasa kanyang thirties. Ang itsura niya ay nakakabighani, isang classic beauty.Ang mahaba at itim na buhok niya ay nakatali ng pusod, mukha siyang matalino at elegante.H
Sa huli, ngumiti si Faye. “Kahanga-hanga ito. Pumunta ka ulit sa human resources department bukas. May kontrata na maghihintay sayo.”“Ah.”Kumurap si Madison, matagal bago niya napagtanto na tinanggap na siya.Ang sorpresa ay tumama na parang isang kidlat, at hindi niya alam kung paano ito haharapin. Hindi niya inaasahan na makukuha niya talaga ang trabaho. Hirap siyang tumayo, at paulit ulit siyang yumuko kay Faye.Kalmadong sinabi ni Faye, “Lagi kaming bukas na bigyan ang mga bata ng isang pagkakataon. Sana ay magsikap ka sa binigay na pagkakataon sayo.”“Salamat po, Ms. Yves. Pangako na gagawin ko po ang lahat ng makakaya ko.”Yumuko ulit si Madison at umalis siya.Naghintay si Faye hanggang sa mawala si Madison bago siya sumandal sa upuan niya at huminga ng malalim. “Mukhang ang mga lalaki ay gusto talaga ang mga mas bata, pati na rin si Boss. Diyos ko, matanda na ba talaga ako?”Samantala, dumating si Indra sa Glory Media Company nang sundan ang address na binigay ni Remy
Nagulat si Joel at ang iba.Hindi mapigilan ang pwersa ng mga estatwa ng apat na diyos, at ang kapangyarihan nila ay ginagamit para patayin ang isang tao. Iniisip nila kung may kahit sinong mortal na makakaligtas sa ganitong sitwasyon.‘Nakontra nga ni Wilbur ang Quicksand of Death kanina, pero hindi niya kakayanin ang The Rage of the Four. Ang kapangyarihan ng dalawang spell ay napakalaki ang agwat.’Naisip ng lahat na hindi makakatakas si Wilbur sa atake na ito.Parang baliw na si Chance sa pagsasalita niya.“Wilbur Penn, makapangyarihan ka talaga. Higit sa inaasahan ko ang kapangyarihan mo. Matatawag kita na pinakamahusay na cultivator sa ibaba ng Saint level, pero hindi ka pa rin isang Saint level cultivator!”Tumawa si Wilbur sa mga insulto ni Chance.Sumagot siya ng simple lang, “Sa tingin mo ba ay mabubuhay ka pa rin kung hindi ako interesado na makita kung ano ang espesyal sa Domain mo?”“Ano? Ano ang sinabi mo?” Nagalit si Chance. Ang iba ay mukhang para bang hindi sil
Biglang naging malambot ang lupa sa ilalim ni Wilbur sa isang iglap. Ito ay para bang nakatayo siya sa quicksand.Lumubog agad siya. Natural, hindi tumama ang atake niya kay Chance.Ang apat na earth dragon ang lumabas sa lupa ng sabay-sabay. Sumugod ang mga ito kay Wilbur.Si Wilbur ay kalahating nasa lupa, kaya hindi siya makakilos. Agad siyang pinalibutan ng mga earth dragon. Ang mga earth dragon ay lumubog sa lupa at naglaho kasama ni Wilbur.Tumawa ng malakas si Chance, tuwang tuwa sa sarili niya. Si Joel at ang iba ay may malaking respeto sa kanya, at naghiyawan sila.“Ang galing, Mr. Taft. Kayo po ay isang Saint level cultivator na walang makakatalo.”Tila tuwang tuwa si Chance na marinig na pinupuri siya. Abala siya sa paghanga sa sarili.Samantala, nararamdaman ni Wilbur ang pressure ng pagiging nasa ilalim ng lupa kasama ang mga earth dragon.Ang katawan ng mga dragon ay magkakadikit. Pinalibutan nila si Wilbur ng mahigpit, at humihigpit lang ang mga ito. Patuloy ang
Nasa gitna ng umiikot na buhangin ang mga madla.Ang mga earthen spear, higanteng bato, earth giant, at mga bomba na bato ay may dalang malakas na kapangyarihan, at ang lahat ng mga ito ay patungo kay Wilbur.Si Chance ay para namg isang diyos na kinokontrol ang lahat habang lumulutang siya. Siya ay may hawak ng nakakatakot na kapangyarihan, kaya takot at nirerespeto siya ng mga tao dahil dito.Si Maniac, Joel at ang iba na nasa Domain ay napaluhod dahil masyadong makapangyarihan si Chance. Kailangan nilang ipakita ang respeto nila.Masaya si Chance habang sumigaw siya kay Wilbur, “Nararamdaman mo ba? Ito ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator. Isa akong dakilang nilalang. Lahat kayo ay mga mabababang nilalang!”Sorbang mayabang na talaga si Chance sa sandaling ito. Tumitig siya ng mababa kay Wilbur na para bang nakatingin siya sa isang insekto.Suminghal si Wilbur, at sa isang kilos lang ng braso, ang thunder cleaver niya ay agad na nagliyab na may spiritual flames. P
Nagbago bigla ang venue. Napunta silang lahat sa gitna ng isang walang hanggan na lugar.Nakatayo sila sa walang hanggang lupa habang puno ng buhangin sa ere.May apat na estatwa na may sandaang metro ang tangkad sa apat na cardinal direction. May layo sila na sandaang metro mula sa isa’t isa.Ito ay apat na mga beige statue na may armor at axe, may engrande na presensya ang mga ito.Pakiramdam ng lahat na parang nasa lumang digmaan sila. Ang nakakasakal na pressure ay nakakatakot para sa lahat.‘I-Ito ba ay isang Domain?”Natakot ang mga tao.Alam nila na ang kapangyarihan ng isang Saint level cultivator ay lubos-lubos. Ngunit, hindi sila makapaniwala na ang Domain ng isang Saint level cultivator ay nakakatakot talaga. Agad silang napunta sa ibang mundo.May makapangyarihan na spiritual pressure. Pakiramdam nila na maliit at mahina sila dahil dito.Pakiramdam nila na hindi nila kakayanin kapag nanatili sila ng matagal. Kahit na hindi sila atakihin ni Chance, baka mawala sila
Nabigla agad ang lahat.Seryoso din ang tingin ni Zachary. Mabilis siyang nag cast ng spell gamit ang mga kamay niya at sinigaw niya, “Earth Shield!”Ang matigas na lupa sa harap niya ay umangat. May spiritual radiance sa shield, at marami itong mga rune.Isang intermediate spell ang Earth Shield. Nagamit na ito noon ni Wilbur.Ngunit, sinira ni Wilbur ang shield gamit ang isang suntok habang sumigaw siya. Pagkatapos, tumuloy ang suntok at tumama ito kay Zachary.Walang magawa si Zachary upang pigilan ito. Pinanood niya lang habang tumama ang suntok sa dibdib niya.Sa isang malakas na tunog, tumalsik paatras si Zachary habang tumulo ang dugo sa bibig niya.Huminto si Wilbur at tumayo siya habang nasa likod ang kanyang mga kamay, tumigil siya sa pag atake kay Zachary.Nalilito si Zachary sa sandaling yun, pagkatapos ay mabagal niyang pinunasan ang dugo sa bibig niya. Yumuko siya kay Wilbur at sinabi niya, “Salamat sa hindi pagpatay sa akin.”Tumango ng konti si Wilbur, ngunit a
Ngunit, may isang earth giant na dalawang metro ang tangkad na lumitaw mula sa lupa nang sumigaw si Zachary. Sumugod ito kay Wilbur.Ang earth giant ay tila makapangyarihan. Ang mga kamao nito ay kasing laki ng mga basketball, at meron itong yellow na spiritual radiance, para banng hindi ito mapipigilan.Ang mga tao ay nabigla nang makita ito.Si Zachary ay nagcast ng sunod-sunod na mga spell at kahanga-hanga ito. Hindi pa sila nakakita ng ganitong klaseng ng spell noon.Lalo na sa earth giant na lumitaw. Imposible na kaya itong talunin ni Maniac, hindi ba?Napatingin ang lahat kay Maniac, na siyang naiinis at naging tahimik lang.Nang makita ito ng lahat, tumawa sila.Tama, ang isang mahusay na mentor ay gumagawa ng malakas na mga estudyante. Ang estudyante ng isang Saint level cultivator ay makapangyarihan talaga. Ibig sabihin ay si Chance Taft ay lubos talaga na makapangyarihan. Hindi alam ni Wilbur Penn ang lugar niya.Tumawa lang si Wilbur at sumugod siya sa earth giant ga
Malakas na tumawa si Wilbur bago niya sinabi ,”Alam mo talaga kung paano pagsamantalahan ang sitwasyon, pero isang malaking pagkakamali ang desisyon mo kung sa tingin mo ay kaya ni Chance Taft na protektahan kayong lahat.”“Pambihira. Masyado siyang mayabang.”“Lintik ka! Walang hiya ka para maging mayabang sa harap ni Mr. Taft! Gusto mo talagang mamatay!”“Talunin niyo po siya, Mr. Taft. Para sa pangalan ng mga makapangyarihang Saint level cultivator.”Ang mga madla ay nainis sa pag uugali ni Wilbur, at nagsalita sila upang parusahan ni Chance si Wilbur.Hindi magkasundo sina Maniac at Joel, ngunit may iisang kalaban sila sa oras na yun. Pareho silang tumingin ng masama kay Wilbur.Tumawa si Chance at umiling siya. Sinabi niya, “Hindi alam ng mga bata ang lugar nila sa panahong ito. Nabalitaan ko na mula ka sa Seechertown, kaya sisimulan ko na gawin kang halimbawa, pero hindi kita papatayin. Hahayaan kitang mabuhay, upang bumalik ka at sabihin sa mga tao Seechertown na yumuko at
Tumayo si Maniac, sumagot siya ng mabagal, “Totoo ito, Mr. Taft.”“Bakit?” Malamig na nagtanong si Chance.Lumapit si Maniac kay Chance, pagkatapos ay yumuko siya. Sinabi niya, “Wala itong kunsento ko, Mr. Taft. May taong pinilit akong gawin ito.”Nabigla ang mga tao na hindi alam ang katotohanan. ‘Ganun ba?’Napabuntong hininga si Wilbur.“Siya po.” Tumuro si Maniac kay Wilbur at sinabi niya ng malakas, “Noong nakaraang araw, itong lalaki na may pangalan na Wilbur Penn ay hinanap ako. Muntik niya na akong patayin dahil isa siyang Ambience level cultivator. Tinakot niya ako para atakihin namin si Joel. Wala akong magawa kundi ang sumunod. Mabuti na lang, bumalik kayo, Mr. Taft. Pakiusap, bigyan niyo po ako ng hustisya, at papayag din po ako na maging inaanak niyo.”Pagkatapos, lumuhod siya sa sahig ng hindi nagpapakita ng intensyon na tatayo siya.Nabigla ang lahat. Hindi nila inaasahan na ito ang gagawin ni Maniac.‘Totoo kaya ito?’ Ang naisip nila.Tumingin ang lahat kay Wi
‘Wala nang lugar para sa kanya sa Anya City ngayon at may kinalaman na si Mr. Taft, hindi ba?’ Iniisip ni Joel.Naisip ni Joel na lamang siya. Baka kaya niya pang patayin si Maniac.Hindi pinansin ng lahat ang lalaking nasa likod ni Maniac, at akala nila ay sidekick niya lang ito.Agad na naging malamig ang tingin ni Joel nang makita si Maniac.Patay na ng maraming beses si Maniac kung kayang pumatay ng tingin.Ngunit, matapang si Maniac. Pumasok siya at tumingin sa paligid bago siya umupo kasama ang sidekick niya. Hindi sila makapaniwala na hindi natatakot si Maniac.Ngumisi ang lahat at naisip nila, ‘Pinipilit ni Maniac na magmukhang mahinahon.’Si Maniac ang nasa tuktok ng Anya City, at may laban sila ni Joel, kaya hindi papayagan ni Mr. Taft na magpatuloy siya sa ginagawa niya sa Anya City. Iniisip nila na matapang si Maniac para magpakita.Tumayo si Zachary sa oras na yun. Tumingin siya sa lahat at sinabi niya, “Mukhang nandito na ang lahat, kaya i-welcome natin si Mr. Taf