Kabanata 2
Nang maialis ko na sa pagkakaumpog sa locker ang aking noo ay mabilis akong nakaramdam ng pagkahilo. Parang umiikot ang buong paligid at parang gusto kong masuka. Sinubukan kong tumayo ng maayos ngunit natutumba-tumba ako kaya naman mabilis akong kumapa ng mahahawakan at doon ibinalanse ko ang aking sarili. Ramdam na ramdam ko ang sakit ng aking noo dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Madam Baby sa akin. Dumagundong din ang tunog ng pagtama ko sa locker sa buong silid.
Noong hinawakan ko ang aking noo ay kaagad akong nakaramdam ng basa. Mabilis kumabog ang aking puso dahil sa kaba at dahil na rin sa biglang pumasok sa aking isipan na posibilidad kung ano ang basang iyon. Dahan-dahan kong ibinaba ang aking kamay at nang mapapantay ito sa aking mata ay nakita ko kung ano ang basang 'yon, walang iba kung hindi sarili kong dugo. Nanlaki ang aking mga mata at mabilis akong nilukob ng takot ngunit unti-unti ring nawala ang takot na 'yon nang maisip kong kaya ko pa naman ang nangyayari.
Nandoon pa rin sa aking magkabilang palad ang mga nakabaong bubog at sa tuwing ginagalaw ko ang aking mga kamay ay mabilis akong nakakaramdam ng pagkirot.
Mas lalo pang hindi nagpaawat ang aking mga luha nang tingnan ko na ang aking sarili sa salaming nandoon na nakadikit sa puting pader.
Gulong-gulo na ang aking buhok. Mapula na rin ang aking mga mata at ilong pati na rin ang aking mukha dahil sa sobrang pag-iyak. Mayroon din akong ilang galos sa aking mukha na hindi ko na alam kung kailan at kung saan nanggaling.
Ang aking suot na kulay puting polo kanina ay mukhang kulay kahoy na ngayon dahil sa mga nagdikitang pagkain, idagdag pa ang dumi ng sahig na dumikit din habang kinakaladkad ako. May iilan ding bahid ng dugo nagmula sa dugo na nasa aming kamay.
Dahil sa ayos ko ngayon ay halos hindi ko na makilala kung sino ako.
Pinagmamasdan ko lang ang aking sarili sa salamin habang walang habas pa rin sa pagtulo ang aking mga luha at habang parang sinasaksak ang aking puso dahil sa sakit na aking nararamdaman.
Do I deserve this kind of treatment? Gusto ko lang namang magtrabaho para may pantustos ako sa pag-aaral ko pero bakit kailangan pa nilang gawin 'to sa'kin?
Bago pa bumalik si Madam Baby ay nagsimula na akong mag-ayos ng mga gamit ko kahit na hindi ko pa rin natatanggal ang mga bubog na nakabaon sa aking palad.
Mamaya ko na lang tatanggalin ang mga 'yon pagkauwi ko dahil baka kapag ginawa ko iyon ngayon ay maabutan pa ako ni Madam Baby at magpatawag pa nga ng pulis.
Patuloy lang ako sa pagpasok ng aking mga gamit sa loob ng bag ko at mabilis ko 'yong ginagawa.
Gustong-gusto kong sumubok ulit. Gustong-gusto kong magmakaawa kay Madam Baby na huwag na akong sesantihin dahil itong trabaho lang na 'to ang bumubuhay sa'kin at nagtutustos sa aking pag-aaral ngunit natatakot ako na baka mas malala pa ang magawa niya sa akin kaya huwag na lang, hindi ko na lang susubukan.
Ita-try ko na lang na maghanap muli ng trabaho kahit alam na alam kong mahihirapan ako dahil halos lahat ng mga establishments dito ay ang mga tinatanggap ay nasa legal na edad na.
Mabuti na lang at matapos kong ayusin ang mga gamit ko ay walang nakakita sa aking pag-alis dahil mukhang naging abala sila sa pag-iintindi sa mga customers namin dahil sa nagawa kong kaguluhan.
Malapit lang sa karinderya ang tinitirhan namin ni Tita Cecille kaya naman nakarating kaagad ako sa aming tahanan gamit ang pagtakbo ko dahil sa mga tingin na ibinibigay ng mga kalapitbahay namin sa akin. Ngunit nang malapit na ako sa mismong bahay namin ay napabagal ako ng paglalakad at ilang sandali lang ay napatigil din ako nang makita ko si Tita na tinatapon ang aking mga gamit sa labas ng aming bahay.
Nanlaki ang aking mga mata at napatakbo ako ng mabilis papalapit sa kanya nang akmang ihahagis niya ang iniregalo sa aking laptop ni Nanay Myrna na pinakainiingat-ingatan ko. At halos mawasak naman ang aking puso nang makita ko ang mabilis nitong pagbagsak at pagkalat ng mga parte nito sa lupa kasama ang iba ko pang mga gamit.
Wala na... Sira na... Wasak na ang kauna-unahang kong laptop...
"T-Tita, bakit niyo po 'yon g-ginawa? R-regalo po 'yon sa akin ni Nanay Myrna," magalang ko pa ring tanong sa kanya habang tumutulo na naman ang aking mga luha kahit sobra-sobrang galit na ang nararamdaman ko para sa kanya.
Nakapameywang siyang nakangisi sa akin at mukhang tuwang-tuwa pa sa kanyang ginawa.
"Dapat lang sa'yo 'yan dahil sa katangahan mo! Akala mo ba ay hindi makakarating sa akin ang katangahang ginawa mo kanina sa karinderya ni Baby ha?! Nakakahiya kang bata ka! Nang dahil sa'yo ay baka masira pa ang pagkakaibigan naming dalawa! Napakamalas mo talaga noon pa man kaya umalis ka na dito sa pamamahay ko!" nanggagalaiting pahayag nito habang pinagsisisipa ang mga damit at ibang gamit ko na nasa lupa.
Mabilis akong lumuhod at dinampot ang mga pinagsisipa niya habang humahagulhol na.
Halos panghinaan ako ng loob nang makita kong sirang-sira na ang iba kong gamit katulad ng libro at mga notebook ko. Maging ang ilan sa mga ballpen ko ay hindi rin pinaligtas ni Tita dahil basag na ang iba sa mga 'yon.
"T-Tita tama na p-po. T-tama na p-po. H-Hindi ko na po uulitin. M-Maghahanap na lang po ako ng bagong trabaho. A-Ayusin ko na po huwag niyo lang po akong paalisin dito sa bahay. Wala po akong mapupuntahan parang awa niyo na po," pagmamakaawa ko na sa kanya ngunit hindi man lang siya natinag at mabilis akong hinablot sa aking buhok.
"Wala akong pakialam sa'yo! Wala akong pakialam kung wala kang mapupuntahan! At wala akong pakialam kahit mamatay ka pa ngayon!" tiim-bagang nitong pahayag sa akin.
"T-Tita huwag niyo naman po 'tong g-gawin sa'kin. P-pamilya niyo po ako. Pamangkin niyo po a-ako,"
Halos hindi ko na makilala ang aking boses dahil sa sobra-sobrang pag-iyak at paghikbi.
Mula sa pagkakaluhod ko at sa pagsabunot sa akin ni Tita Cecille ay rinig na rinig ko ang bulungan ng mga kapitbahay namin, at kagaya kanina sa karinderya ay wala man lang tumulong sa akin nang bigyan ako ng mag-asawang sampal ni Tita na kaagad nakapagpabagsak sa akin sa lupa.
"Wala akong pamangkin na katulad mo! Hindi kita pamilya! Malas ka! Sinira mo ang buhay ko! Sinira mo ang buhay namin! Nang dahil sa'yo, namatay ang kapatid ko! Siya na lang..." pagpiyok na ng kanyang boses at kitang-kita ko ang pagsimula ng pangingilid ng kanyang mg luha, "Siya na lang ang tanging kasama ko sa buhay pero ng dahil sa'yo ay nawala siya! Sana ikaw na lang! Sana ikaw na lang ang namatay at hindi ang Kuya ko! Napag-aral pa sana niya ako at natupad ko pa sana ang mga pangarap niya para sa akin!" mas lalong galit na galit na pahayag pa nito.
Napatakip ako ng aking bibig at mas lalo pang napahagulhol habang tinitingan ko ang sunod-sunod na pagbuhos ng mga luha niya.
Ito ang unang beses... Ito ang unang beses na marinig ko ang mga 'to mula sa kanya dahil hindi naman talaga niya ako iniimikan noon pa man at ito rin ang unang beses na nakita ko siyang umiiyak.
Napag-aral sana siya ni tatay at natupad niya sana ang mga pangarap sa kanya nito kung hindi ako nilagnat ng gabing iyon?
"S-Sorry po, T-Tita Cecille. S-Sorry po kung nasira ko ang buhay niyo. Hindi ko po sinasadya." Pagkontrol ko na sa aking paghikbi habang titig na titig kami sa isa't-isa.
Nahihirapan na akong huminga at nanlalabo na rin ang aking mga mata dahil sa sobra-sobrang pag-iyak.
Mabilis akong binalot ng takot nang mabilis siyang lumapit sa akin at doon ay tumuwa ng malakas habang umiiyak pa rin katulad ko.
"Sorry?! Nagpapatawa ka ba, Deandra?! Sa tingin mo ba mababalik niyang sorry mo ang kapatid ko ha?! Hindi! Kahit mamatay ka ngayon ay hinding-hindi na babalik ang kapatid ko! Hindi na! Ikaw ang dahilan kung bakit sila namatay kaya lumayas ka na sa pamamahay ko at huwag na huwag ka nang magpapakita pa sa akin!" Panlalaki na ng mga mata nito. At dahil sa takot kong masampal ulit niya ako ay mabilis akong napaunok.
"At ito!" Paghigit niya sa kwelyuhan ko. "Hubarin mo 'to dahil ibabalik ko pa 'yan kay Baby! Hubarin mo!" Pamimilit niyang paghubad sa suot-suot kong polo.
Mabilis akong umiling at tumingin ng may pagmamakaawa sa kanya.
"H-Huwag po, T-Tita. M-Mmaya na lang po. Sa loob na lang po ako m-magbibihis,"
Nakatingin siya sa akin na mukhang hindi makapaniwala sa aking sinabi.
"Sobrang kapal naman ng mukha mo para tumapak pa sa pamamahay ko! Hala sige, h***d! Magkukusa kang hubarin 'yan dito o sasaktan pa kita?! Mamili ka, Deandra!"
Dahan-dahan pa muna akong tumingin sa paligid at nakita ko doong nanunuod ang mga kalapitbahay namin na mukhang siyang-siya sa nakikita nila.
Muli akong tumingin kay Tita Cecille at nandoon pa rin sa kanyang mga mukha ang sobrang galit na galit na expression.
Dahan-dahan akong gumalaw at inabot ang laylayan ng aking polo. Mabagal ko 'yong itinataas habang umiiyak at mas lalo pa akong naiyak at nasaktan nang si Tita na mismo ang nag-alis niyon mula sa akin kahit hanggang sa tiyan ko pa lang naitataas.
Mabilis kong dinampot ang sako bag na may lamang mga damit ko at 'yon ang ginawa kong pantabon sa aking d****b.
Tanging bra na lang ang aking suot-suot at rinig ko mula sa aking likuran ang pagsipol ng ilang mga tambay na nandoon.
"Iyan ang nababagay sa'yo dahil sa pagiging malas mo! Umalis ka na sa harapan ko bago pa kita maipalapa kay Coby!" Pananakot niya sa akin.
Kaagad akong napatayo matapos niyang sabihin iyon. Si Coby ay isang dogger man at kagaya ni Tita Cecille ay galit na galit din ito kapag nakikita ako.
Mabilis akong tumakbo paalis doon habang bitbit ang ilan sa mga gamit ko. Narinig ko pa ang mga tawanan at hiyawan ng nga tao doon nang madaanan ko sila.
Mas lalong tumindi ang sakit na nararamdaman ko habang tumatakbo ako paalis doon.
Malas ba talaga ako? Ako ba talaga ang dahilan kung bakit namatay sina nanay at tatay? Kasalanan ko ba talaga?
Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo habang yaka-yakap ko ang sako bag na tumatakip sa aking d****b hanggang sa mapatigil ako nang maramdaman ko ang unti-unting pagbuhos ng malakas na ulan.
Dahan-dahan akong napatingala sa langit at doon ay mas lalo kong naramdaman ang pagpatak ng ulan sa aking mukha.
"N-Nanay at tatay, masaya po ba diyan? Pwede na po ba akong p-pumunta diyan? Nahihirapan na po kasi ako dito eh. Pwede po bang kunin niyo na po ako? P-Promise po magpapakabait po ako. Please p-po," malakas kong pagsigaw habang nakatingala kasabay na naman ang pagbasag ng aking boses.
Matapos niyon ay ibinaba ko na ang aking ulo at doon ko pa lang napansin na nasa gitna pala ako ng kalsada.
Kitang-kita ko kaagad ang paparating na isang mabilis na sasakyan mula sa aking direksyon. Nanatili akong nakatayo at nakatitig sa paparating na sasakyang 'yon habang hindi na nakakaramdam ng takot.
Handa na ako... Handa na po akong makasama kayo nanay at tatay. Hintayin niyo po ako...
At ilang sandali nga lang ay kasabay ng patuloy na pagbagsak ng patak ng mga ulan ay ang pagbagsak ko rin sa kalsada ng masaya dahil sa wakas ay makakasama ko na rin ang mga taong totoong nagmamahal sa akin.
Kabanata 3Unti-unting nagmulat ang aking mga mata nang makaramdam ako ng matinding sakit sa aking ulo. Para akong pinupukpok doon kaya halos hindi ako makamulat ng maayos.Mabilis ko ring naramdaman ang panunuyo ng aking lalamunan, ang mainit kong paghinga, ang bara sa aking ilong at maging ang aking napakabigat na pakiramdam.Pinilit kong buksan ng maayos ang aking mga mata at nang magawa ko iyon ay kaagad bumungad sa aking paningin ang isang malaki at mahabang salamin na ang nasa baba ay isang fireplace.Katapat iyon ng malambot at mukhang mamahaling hinihigaan ko ngayon kaya iyon kaagad ang aking nakita.Ikinalat ko kaagad ang aking paningin sa buong piligid. Nap
Kabanata4Katatapos ko lang kumain ng umagahan at busog na busog na ako dahil sa sarap ng mga pagkaing kinain ko kaya naman pagkatapos ay tumayo na rin ako mula sa kama para naman maghintay sa muling pagbalik nina Nanay Nineth at Doña Amanda rito.Medyo maganda na ang aking pakiramdam ngayon dahil nakainom na ako ng gamot at sa tingin ko ay dahil din sa iniluto at inihandang masasarap na pagkain sa akin ni Nanay Nineth kaya ganito na kaginhawa ang aking pakiramdam.Nang tumayo ako mula sa harapan ng kama ay mabilis akong na-mesmerized nang makita ko mula sa malaki at malinis na salamin ang kulay dark green silk pajamas na suot-suot ko ngayon.Habang sinusuri at pinagm
Kabanata 5 Nang matapos na si Nanay Nineth sa pagpapatuyo at pagsusuklay ng aking buhok ay agad na rin kaming nagpasyang bumaba. Habang pababa na kami ng hagdanan ay hindi ko napigilan ang aking sarili na hindi makaramdam ng kaba dahil hindi ko alam kung sino ang mga taong makikita at mga makikilala ko kapag nasa baba na kami. "Kinakabahan ka na naman, Andra. Huwag kang kabahan," mahinahong saad ni Nanay Nineth na nasa tabi ko lang habang sabay kaming bumababa mula sa mga baitang ng hagdan. Sa tingin ko ay naramdaman at napansin niya na kinakabahan na naman ako kaya naman hinawakan niya agad ang aking kanang kamay at pinisil pa niya iyon para lang mabawasan ang kaba na aking nararamdaman habang papalapit na kami ng papalapit sa pinakadulo ng hagdanan. "Pasensya na po, Nanay Nineth. Hindi ko lang po talaga mapigilan," kinakabahang sagot ko habang pinipisil-pisil ko ang kaliwang kamay ko pabalik. "Huwag kang matakot, Andra. Ang mga taong makikita at makikilala mo sa ibaba ay mga ma
Kabanata 6Agad na napuno ng katahimikan ang buong silid pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon. Lalo akong kinabahan ng mabingi ako sa biglang katahimikan.Ramdam ko ang titig ni Doña Amanda sa akin mula sa kinauupuan ko habang ang sarili kong tingin ay nasa kanyang tasa ng tsaa sa mesang nakaposisyon sa kanyang harapan at habang nilalaro ko ang aking mga daliri na nakapatong din sa mesa.Ang tanong na iyon na ngayon ko lang itinanong sa kanya ay tumatakbo na sa isip ko pagkagising ko ulit kanina pa.God knows how thankful and grateful I am because of their kindness to me but . . . Ayokong maging pabigat sa kanila. Pakiramdam ko anytime, magiging malas na lang ako sa buhay nila gaya ng laging sinasabi sa akin nina Auntie Cecille at Madam Baby."Andra." She was calling my attention pero nanatili lang ang mata ko sa cup dahil kinakabahan pa rin ako. "Look at me, Andra, please," matamis niyang sabi kaya unti-unti kong ibinalik ang tingin ko sa kanya.Nakangiti siya at bakas din s
Kabanata 7After that crying session with them, nagsimula na rin kaming magluto at maghanda ng mga kakainin namin mamaya habang nanunuod na kami ng movie.Mayroon nang anim na medium sizes ng stainless trays sa marble countertop na gagamitin namin pagkatapos naming magluto at maghanda ng popcorn, french fries, nachos, besuto prawn crackers, at homemade pork siomai at pizza.May iisang gawain na nakatalaga sa bawat isa sa amin dito sa kusina. Si Marie ang bahala sa popcorn, si Anne na ang bahala sa french fries, si Mary na ang bahala sa nachos, si Grace na ang bahala sa homemade pizza, si Anna ang bahala sa besuto prawn crackers, habang ako at si Angel ang kukuha. pag-aalaga ng homemade pork siomai.Napakalaki ng kusinang ito at marami pang glass built-in hobs kaya naman sabay kaming nagluluto ngayon para lang matapos ang pagluluto ng mabilis.Pareho kaming gumagawa at nagbabalot ng siomai ni Angel. Siya ang gumagabay sa akin kung ano ang kailangan kong gawin. Marami kaming trabaho dito
Kabanata 8 Iyak ako ng iyak habang naglalakad palayo sa Mansion ni Del Mundo habang bitbit ko ang sa tingin ko ay isang mamahaling bag na ang loob nito ay ang mga damit na dala ko lang noong umalis ako sa bahay ni Auntie Cecille. Bago ako umalis, alam ko lang na ang naglaba ng damit ko ay si Angel at ang grupo niya at nagpasalamat na ako sa kanilang lahat dahil doon. Sa totoo lang, hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Wala akong planong balikan si Auntie Cecille dahil baka masaktan na naman niya ako physically and with her words, or worse, baka mapatay niya ako dahil sa tindi ng galit niya sa akin. Habang naglalakad ako palabas ng kalye, hinahanap ko ang maliit kong pink na wallet sa bag at nang makita ko na ito ay agad ko itong binuksan at mabilis akong nalungkot nang makita ko na kung ano ang nasa loob nito. Eksaktong limang daang piso na lang ang nasa loob ng wallet ko at hindi ko alam kung paano pigilin ang paggastos hanggang sa makahanap na ako ng trabaho dito. Ramdam
Kabanata 9 Nagising ako bigla nang makarinig ako ng maliit na boses na tila nagsasalita sa kabilang side ng kinaroroonan ko ngayon. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at nang magawa ko iyon ng buo ay narinig ko na rin ang mga boses na malabo ko lang narinig kanina. "Kamusta po siya, Doc?" Tanong ng boses na nanggaling sa isang babae "She is doing good but she still need a lot rest right now, Doña Amanda. If ever na hindi pa rin bumaba ang lagnat niya mamayang gabi, I advise you na dalhin mo siya kaagad sa ospital." Narinig ko ang mga salitang iyon mula sa boses ng isang lalaki. "Okay, Doc. Maraming salamat." Ito ay mula sa boses ni Doña Amanda! Ano ang! Naku! Nandito na naman ako sa Mansion ni Del Mundo?! Pero paano?! "No problem, Doña Amanda. Tawagan mo lang ako kung may kailangan ka pa o kung may nangyari na." Sumagot ulit ang lalaki at ilang sandali pa ay narinig ko na lang ang biglang pagsara ng pinto at may narinig din akong yabag na sa tingin ko ay papunta sa direksy
Kabanata 10 Nabato lang ako sa kinauupuan kong kama habang nakatitig pa rin sa gwapong lalaki. Kahit naka side view siya kung saan ko siya nakikita, masasabi ko pa rin na ang gwapo niya talaga. Nanatili lang akong nakatitig sa kanya at hindi agad ako babalik sa aking katinuan kung hindi pa nagsalita si Doña Amanda na nagpagising sa akin mula sa pagkatulala sa kagwapuhan ng lalaki. "Franco, ang gwapo kong apo, dito ka muna, please. May gustong makakita at makausap ka," masayang sabi ni Doña Amanda na halos marinig ko na ang paghagikgik niya. Tila narinig kaagad ng lalaking tinawag ni Doña Amanda na "Franco" ang sinabi ni Doña Amanda dahil agad itong umusog sa kanyang upuan sa dahan-dahang pagsasara ng librong binabasa at hawak niya kanina. Nang tuluyang maisara ng lalaki ang libro ay dali-dali niya itong nilagay sa ibabaw ng sofa at sabay dahan-dahang tumayo sa kinauupuan niya, at ngayon ko lang namalayan dahil natulala pa rin ako na ang gwapo niya ngayon ay naglalakad patungo sa d
Espesyal na Kabanata"Mommy!" Awtomatikong lumawak ang ngiti sa labi ko, nang makita ko kung sino ang kakapasok lang mula sa pintuan ng kwartong kinaroroonan ko.Ibinaba ko agad ang bag na hawak ko at mabilis na lumuhod sa sahig at ibinuka ng husto ang mga kamay ko para tanggapin ang yakap niya. At nang maramdaman ko na ang yakap niya ay biglang nawala na parang bula ang pagod ko sa buong araw na pagtuturo."Kamusta ang araw mo, baby ko?" Marahan at nakangiting tanong ko sa kanya nang maghiwalay na kami sa aming mahigpit at mainit na yakap."It was very fine, Mommy! I enjoyed everything that happened today!" Pa-cute at masaya niyang sagot at humagikgik pa siya na medyo na-curious ako dahil parang may kakaiba sa kanya, lalo na ang pagngiti niya ngayon sa harapan ko pati na rin ang kakaibang kislap ng mga mata niya."Why do you look so extra happy right now, baby? What happened, hmm? Can you tell it to Mommy?" matamis na tanong ko habang tinatanggal ko na ang ilang hibla ng buhok niya n
Wakas"Congratulations again, Franco, apo ko. Hindi pa rin talaga ako makapaniwala na kasal na kayo... na sa wakas ay kasal na kayo ni Deandra. I am so happy for the both of you..." emosyonal na sabi ni Lola Amanda habang tumutulo ang luha. to pool in her eyes and right after she said those words, nagsimula na namang tumulo ang luha sa gilid ng mata ko dahil tulad ni Lola, hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na kami ni Deandra... that Deandra finally have my last pangalan na sisiguraduhin kong dadalhin niya magpakailanman.Hindi ko alam kung bakit naging emosyonal ako buong araw, lalo na kanina sa simbahan habang nagaganap ang seremonya.Si Andra ang buntis at hindi ako pero ako ang mas emosyonal sa aming dalawa siguro dahil hindi ko na akalain na mapapatawad ako ni Andra at bibigyan ako ng pagkakataon mula sa mga panahong hindi kami magkasama pagkatapos kong magdesisyon na. umalis ng mansyon dahil sa sinabi niya, na ayaw niya akong makasama o makita man lang.Aaminin ko muntik na
Kabanata 90Gusto ko ring ipagsigawan na ayaw kong sumama sa kanya dahil baka mabulnerable lang ako sa kanya dahil aminin ko man o hindi, alam ko sa sarili ko na mahal ko pa rin siya ng buong puso, sa kabila ng lahat ng ginawa niya. ako na nanakit sa akin.Hindi ibig sabihin na kahit mahal ko pa siya at kahit magkaanak na kami, babalikan ko siya agad. Hindi naman sa ganun, lalo na't gusto ko nang protektahan ang puso ko sa kanya.Nakatitig lang ako sa mga mata ni Franco habang nakakunot ang noo ko at nagngangalit din ang ngipin ko.Sisigawan ko na sana ulit siya nang bigla na lang akong nabato mula sa kinauupuan ko nang kitang-kita ko ang pagpatak ng luha sa mga mata ni Franco pababa sa pisngi niya pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon.Sinubukan niyang mabilis na punasan ang mga iyon gamit ang kanyang mga daliri ngunit patuloy lang ito sa pag-agos pababa.Duguan na ang mga mata niya at habang pinagmamasdan ko siya ngayon, kitang-kita ko ang sakit sa puso ko pati na rin ang bu
Kabanata 89Akala ko babagsak na ako sa hagdan ng madulas ako pero hindi pala ito nangyari dahil bigla ko na lang naramdaman na may kamay na mabilis na pumulupot sa bewang ko para pigilan akong mahulog at kahit nakaharap ang nagmamay-ari ng kamay na iyon. sa likod ko, alam na alam kong si Franco iyon, lalo na't mabilis ko ring narinig ang sunod-sunod niyang pagmumura mula sa likuran."Fuck! Fuck! Fuck!" bulalas niya habang marahang iginiya ako paupo sa hagdan habang ang kanang kamay niya ay mahigpit na nakahawak sa akin na para bang wala na siyang balak na pakawalan pa ako dahil baka may mangyaring masama sa akin.Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na para bang gustong lumabas ng puso ko sa dibdib ko habang dahan-dahan at mahina akong napaupo. Halos manginig ang buong katawan ko sa pinaghalong takot at kaba habang patuloy pa rin ang tunog ng putok ng baril sa ibaba."Are you okay, baby? May masakit ba? May nararamdaman ka bang sakit sa tiyan mo?" Nag-aalalang tanong ni Franco habang na
Kabanata 88Anong kalokohan ang sinabi niya?!Nakatitig na kami ngayon sa mata ng isa't isa. Kahit nanlaki ang mata ko sa harapan niya, sinigurado ko pa rin na makikita niya rin ang galit sa mga mata ko habang kitang kita ko ang kaba at takot sa mga mata niya. Nakita ko pa siyang sunod-sunod na napalunok bago ako tumawa ng sarcasm, hindi makapaniwala sa sinabi niya."At sinong nagsabi sayo na papakasalan kita, ha?! Pagkatapos mo akong gawing tanga, iniisip mo pa rin ba na pakakasalan kita? Mangarap ka, Franco! Mangarap ka! At huwag kang mag-alala dahil hindi ka Kailangan mo akong pakasalan dahil nabuntis mo ako!" Inis na sabi ko habang umaakyat-baba na ang dibdib ko. Nakakunot na ang noo ko habang nakatingin din sa kanya ng masama.Alam kong pinaglalaruan lang ako ng mga mata ko nang makita ko na lang ang sakit sa mga mata niya pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon."Okay, baby... Calm down now. Let's just talk about this some other time. I'm sorry..." kinakabahan at natatakot
Kabanata 87Nabato ako sa kinauupuan ko habang nakatitig sa daliri ko na may bahid ng sarili kong dugo. Bahagyang nakabuka ang bibig ko habang iniisip kung saan galing ang dugong iyon.Bumalik na lang ako sa katinuan ko ng maramdaman ko ang panibagong hapdi mula sa kanang balakang ko at aabot na sana ako sa parteng iyon para haplusin ito, umaasang makakatulong ito para mabawasan ang sakit nang bigla na lang, naunahan ako ng isang malakas na kamay. ginagawa iyon at nang dumilat ako para tingnan kung sino iyon, nakita ko si Franco na may pag-aalala at galit sa mukha.May kaba at takot parin sa puso ko kahit nandito na siya ngayon sa harapan ko para tulungan ako kaya naman kahit hindi pa kami okay, hindi ko na napigilan ang sarili ko na sabihin sa kanya ang tumatakbo sa isip ko. at ang nararamdaman ko ngayon dulot ng ginawa sa akin ng aking katrabaho."M-Masakit, F-Franco. Masakit ang kanang balakang ko s-sobra a-at may bahid ng b-dugo f-mula sa d-baba ko doon at hindi ko alam kung saan
Kabanata 86Napakabilis ng mga pangyayari dahil ngayon ko lang napagtanto na pareho na pala kaming nakahubad ni Franco habang ang mga paa ko ay nakapatong na sa magkabilang balikat niya dahil sa sobrang bilis at lakas ng pagkakatulak niya sa akin.Kinakain lang niya ako kanina sa baba, pero ngayon, nakapatong na siya sa akin habang nasa loob ko na ang naninigas niyang pagkalalaki, lalong lumalala ang pagnanasang nararamdaman ko.Nagkalat na ang mga damit namin sa iba't ibang sulok ng unit ko. Hindi ko inaasahan na mangyayari ulit ito ngayon sa aming dalawa. Akala ko gagamutin at linisin ko lang yung mga sugat niya tapos aalis na siya agad pero hindi yun ang nangyari. Nandito kami ngayon sa loob ng unit ko habang ninanamnam ang katawan at init ng isa't isa."You are still so damn tight, baby! Ugh! It feels so fucking hot inside of you! Ohhhhh, fuck, yeah!" aniya sa pagitan ng kanyang mga ungol habang hinahabol ang kanyang hininga habang pinagmamasdan din ang kanyang baras na papasok-la
Kabanata 85Dahan-dahang umalis ang ulo ko sa balikat niya kasabay ng mga kamay ko na nakapulupot sa leeg niya nang matapos na ang sarap na nararamdaman ko dulot ng sobrang orgasm ko.Napatingin ako sa mukha niya at kinakagat niya ang pang-ibabang labi niya na para bang apektadong-apektado siya sa itsura ko ngayon pagkatapos ng matinding sensasyon na iyon habang nasa loob ko pa rin ang dalawang daliri niya, nagpapahinga doon.Magulo na ang buhok ko at pareho kaming pawisan ni Franco kahit nakatutok na ang electric fan sa direksyon namin. Mas matindi pa rin ang init sa aming mga katawan kaya naman hindi gumagana ang hangin na nagmula sa electric fan para kahit papaano ay kumalma ang apoy sa aming mga katawan.Ramdam na ramdam ko ang pagkabasa ko doon pati na rin ang lalong pagtigas ng kanyang pagkalalaki na kitang-kita ko mula sa aking pwetan, tinutusok ako doon.Pareho kaming naghahabol ng hininga habang may pagnanasa na nakatingin sa mata ng isa't isa at ibubuka ko na sana ang bibig
Kabanata 84"A-Anong ginagawa mo? S-Stop..." mahinang sabi ko habang hawak ko na siya sa mga pulso niya para pigilan ang paghaplos niya sa mga hita ko pero dahil mas malakas siya sa akin at nanghihina na ako sa init niya. touch, hindi ko napigilan ang kamay niya na huminto na sa pag-akyat malapit sa sensitive area ko."F-Franco..." Tawag ko ulit sa kanya habang palapit ng palapit ang mga kamay niya sa gitnang parte ng katawan ko habang dumadaan ang bawat segundo. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang uminit ang buong katawan ko dahil lang sa mainit niyang mga haplos.Nakahawak na ngayon ang mga kamay ko sa magkabilang pulso niya habang hindi ko na siya pinigilan na ipagpatuloy ang ginagawa niya. Bahagyang nakabuka na rin ang bibig ko habang pinagmamasdan ang pagtaas-baba ng mga kamay niya sa mga hita ko. Kitang kita ko na ang itim kong pagbibisikleta at mula sa gitnang bahagi ng aking katawan ay unti-unti na akong nakaramdam ng init at basa na mabilis na namula ang magkabilang pisngi