Share

chapter 2

Author: bon bernardo
last update Last Updated: 2022-08-31 07:35:16

Nang matapos ito sa mga gawaing bahay agad naman itong umalis at tumungo sa merkado gamit ang kanyang lumang motorsiklo na parati niyang ginagamit sa tuwing umaalis ng bahay.Habang kasalukuyang nagmamaneho patungo sa merkado may isang itim na mercedes benz ang tumigil sa kanyang harapan at mabilis na ibinaba ang tinted sa likurang bintana at isang matandang lalaki na nasa edad na 60's ang kasalukuyang nakatingin sa kanya habang dumadaan siya sa harap nito.Agad naman siyang napatigil ng mapagtanto nitong parang pamilyar sa kanya ang matandang ito.

Nagkasalubong ang kanilang tingin at ang lalaki sa loob ng sasakyan ay agad namang bumaba at tumungo sa kanya.Yumuko ito sa harap nya at sinabing,"Young Master! Sa wakas nahanap ka na rin namin!Sa loob ng tatlong taon hindi kami tumigil sa paglilibot upang makita ka! Umaasang darating ang araw na masusumpungan din namin ang ganitong pagkakataon na ikaw ay masasalubong namin!Ang tagal nang panahon mula ng huli kitang makita!"

Napakunot ang noo ni Lester at tila ba ay iniisip ang salitang kanyang narinig mula sa matandang lalaki na kanyang kaharap. "Bogart ikaw ba yan?" Agad namang binawi ng matandang lalaki mula sa pagkakayuko ang kanyang ulo at humarap kay Lester. "Opo Young master ako nga at nalulugod ako na ako ay iyo pang naaalala sa ilang taon nating hindi pagkikita."

"Makakalimutan ko ba naman ang isang tulad mo na inialay ang buong buhay at taos pusong naglilingkod ng may buong katapatan sa pamilya ng Madrigal." Saad ni Lester at agad na hinawakan ang kaliwang balikat ni bogart habang sinabing,"kamusta kayo? at ano naman ang inyong dahilan upang hanapin ako? Hindi ba't itinakwil na ako ng aking tiyuhin na kasalukuyang namumuno sa pamilya Madrigal?"

Sumagot si Bogart at nagwika, "Mahabang kuwento Young master,halika at ihahayag ko sa iyo ang buong pangyayari.Humanap tayo ng isang lugar na tahimik upang mapag usapan natin ang sitwasyon." Dali daling pumasok ng sasakyan si Bogart at isinara ng bodyguard na naka itim suit ang likurang pinto ng kotse at nagmaneho nang sumusunod sa naka motorsiklo na si Lester.

Huminto sa isang Coffee shop di kalayuan sa merkado si Lester at sumenyas sa kotseng nasa kanyang likuran na iparada sa gilid.Bumaba si Lester at nagtungo sa likurang bahagi ng coffee shop kasunod si Bogart at umupo sa magkatapat na dalawang sofa sa gitna ang parisukat na babasaging lesita. Ang paligid ay puno ng mga halaman,samyo ang sariwang hangin na mahinang dumadampi sa kanilang mukha.Ang itaas na bahagi ay lanai,gumagapang dito ang halaman at nakabagsak ang mga ugat nito na kulay rosas.Maaaninag sa lugar na ito ang sariwang mga halaman at kapayapaan ng lugar.

Lumapit ang isang serbidora na may ngiti,bakas dito ang maamong mukha,mapupungay na mga mata at balingkinitan na pangangatawan.Inabot ang menu at agad naman kinuha ito ni Bogart,bahagyang tumingin sa menu at ngumiti sa serbidora at sinabing "dalawang cafe americano." Agad na tumalikod ang serbidora at nagtungo sa counter upang gawin ang order.

Related chapters

  • Lihim na pagkatao   chapter 3

    Napangisi si Lester at nagwika,"Alam na alam mo pa rin ang paborito kong kape" sabay tawa naman ni Bogart at nagwika ng, "Makakalimutan ko ba naman ang bagay na madalas nating inumin sa tuwing may mga mahahalagang bagay tayong pinaguusapan lalo na kapag tungkol ito sa kumpanya na dati mong pinamamahalaan.Tatlong taon na ang nakalipas matapos ang iyong pamumuno sa naghaharing kumpanya sa buong bansa.Natatakot lang ako sa kasalukuyan nitong kalagayan sa ngayon,unti unti itong bumabagsak sa pamumuno ng iyong tiyuhin na si Romeo.Natuklasan ng iyong lolo na si Don Arsenio na lihim itong pinagnanakawan ng iyong tiyo.At ang malala ay may hinala kami na unti unting pinapahina ang iyong lolo sa pamamagitan ng gamot na hinahalo sa kanyang pagkain at inumin upang tuluyang mapasakamay ng iyong tito Romeo ang kumpanya bago pa man mabunyag ang pagnanakaw nito sa inyong kumpanya."Napatulala na lang si Lester ng hindi namamalayan,at hindi makapaniwala sa mga narinig mula kay Bogart.

    Last Updated : 2022-08-31
  • Lihim na pagkatao   chapter4

    Napayuko na lang si Lester nang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang lolo at ng kumpanyang pinagsikapang itatag ng kanyang lolo Arsenio.Labis na kalungkutan ang kanyang nadarama at namumutawi sa kanyang puso.Bagamat siya ay napatalsik alam niya sa kanyang sarili na kailangan niyang kumilos upang tulungan ang kanyang lolo,sapagkat ito ay pinagtutulungan ng kanyang ikalawang anak at pamilya nito.Itinaas niya ang kanyang ulo at tumitig ng diretso sa mga mata ni Bogart at malumanay na sinabi,"Ano ang magagawa ko?,sa kasalukuyan kong katayuan wala akong kakayahan upang panghawakan ang ganitong suliranin.""Young master kaya ka minamadaling ipahanap ng Old master Arsenio upang makipagtulungan sa mga hakbang na kailangang gawin habang hindi pa huli ang lahat.Ipinaparating niya rin ang kanyang pagsisisi at paghingi ng tawad sa kanyang mga naging desisyon.Inaamin niya na nalason lamang ang kanyang isipan ng ikalawang Master at bawat miyembro ng pamilya nito upang

    Last Updated : 2022-09-02
  • Lihim na pagkatao   chapter 5

    Lumipas ang maghapon at natapos ni Lester ang kanyang mga nakatakdang gawain. Kasalukuyan namang kumakain ng hapunan ang buong pamilya. Sa parihaba na habang kainan,sa kabisera nakaupo ang padre de pamilya na si Dan,ang ama nina Jasmine at Ella. At sa kabilang dulo ay ang ina nilang si Liza,magkatabi naman sa gilid ng lamesa ang mag-asawang sina Lester at Jasmine.At sa tapat nila ay si Ella. Hindi na nag aksaya pa ng oras si Lester upang samantalahin ang pagkakataon na simulan ang usapan. "Mayroon po akong nais ipagbigay alam sa inyo, kanina habang ako ay patungo sa merkado isang matalik na kaibigan ang aking nakasalubong. Nais niya akong makasama sa kanyang kasalukuyang proyekto bilang kanyang katiwala sa kanyang pinangangasiwaang proyekto hindi kalayuan. Naisip ko na siguro ay panahon na upang ako ay magtrabaho. Hinihingi ko ang inyong tugon at pahintulot ukol sa nasabing bagay." Napakunot naman ng noo ang kanyang biyenan na babae na si Liza at marahas na sinabi," Aba'y dapat lang

    Last Updated : 2022-09-02
  • Lihim na pagkatao   chapter 6

    4:00 pm nang dumating sila sa Bulacan sa Ruiz Mansion. Sa malawak na parking area makikita ang mga iba't ibang uri ng sasakyan na nakaparada dito. Kung titignan ang mga magagarang sasakyan na ito,malalaman mo kaagad ang mga katauyan sa buhay ng mga nagmamay ari nito. Halos mapuno ang malawak na paradahan na animo'y isa itong bentahan ng mga high end at dekalidad na kotse. Nakabukas ang pangunahing entrada ng mansiyon,sa magkabilang gilid magarang ilaw na nagsisikinagan ang maliliit na bumbilya na parang mga bituin sa kalangitan. Sa ibabang bahagi namumukadkad ang mga sariwang bulaklak na may kulay puti at at pulang rosas. Pagkababa nila ng sasakyan agad naman silang naglakad papasok sa pangunahing entrada patungo sa malawak nitong hardin na napuno ng mga bilog na lamesa na may eleganteng dekurasyon sa bawat isa dito. At sa dulong bahagi makikita ang isang mahabang lamesa,sa gitna nito ang isang magara at may kalakihan na upuan na animo'y isang trono ng hari na makikita mo sa mga pelik

    Last Updated : 2022-09-03
  • Lihim na pagkatao   chapter 7

    Ilang sandali pa ang nakalipas,tumayong muli si Senior Travis at muling hinawakan ang mikropono at nagsalita. "Ngayong gabi pormal kong itininatalaga bilang susunod na mamumuno sa Skylark corporation ang aking panganay na apo na si Dominic. Muli namang nagbigay ng palakpak ang mga panauhin kabilang na ang kanilang pamilya sa pahayag ni Senior Travis. Tulad ng inaasahan,matagal na nilang alam ang plano na ito ng matanda. Alam ng karamihan na sa kabila ng katigasan ng ulo at may pagka suwail itong si Dominic,siya pa rin ang pavoritong apo ni Senior Travis. Madalas itong pinapanigan sa lahat ng oras at laging ipinagtatanggol sa kabila ng mga kamalian nito. Agad namang tumayo sa kanyang kinauupuan si Dominic at lumapit sa kanyang lolo at taos pusong nagpasalamat,kahit na matagal na niya alam ito,mas mainanam pa rin ang pormal na ipahayag ito ng kanyang lolo sa harap ng nakararami. "Maraming sa iyong buong pagtitiwala sa aking kakayahan na mapatakbo ng mahusay ang ating iniingatang kumpan

    Last Updated : 2022-09-12
  • Lihim na pagkatao   chapter 8

    Sa tahanan nila Jasmine,balisa siyang umupo at sumandal sa sofa habang nakapikit ang mga mata na tila ba malalim ang iniisip. Lumapit si Liza at tumayo sa kanyang harapan.Nagsimula na itong magtatalak, "Ayan ang matagal ko nang sinasabi sayo,kung ikaw ba naman ay nag asawa ng lalaking may kakayahan sa buhay,may pakinabang at may maayos na pagkatao hindi natin sasapitin ang ganitong sitwasyon. Kita mo ang asawa mong walang pakinabang,tatlong taon nang palamunin,walang hanapbuhay at walang kakayahan. Sa palagay mo may maitutulong ba sa atin yan?may magagawa ba yang bastardo na yan?ewan ko sayo Jasmine." Si Lester na nakaupo sa kabilang bahagi ng sofa ay walang imik na nakatingin sa kanyang biyenan na babe na tila ba isang tuod. Agad naman umakyat ng kanyang silid si Liza at nagpahinga. Binalingan ng tingin ni Lester si Jasmine at mahinahong sinabi, "Hon huwag mong isipin ang mga bagay na yun,kaya mo malagpasan lahay ng yan dahil sa taglay mong talino at husay sa trabaho. Hindi kita paba

    Last Updated : 2022-09-12
  • Lihim na pagkatao   chapter 9

    Kinabukasan maagang gumising si Lester upang maghanda ng agahan ng kanyang pamilya at naglinis ng ilang parte ng bahay bago umalis at tumungo sa Batangas,kung saan kasalukuyang namamalagi ang kanyang lolo na si Don Arsenio. Tinawagan niya si Bogart upang magkita na lang sila sa isang lugar.At ganoon nga ang naganap ayon sa kanilang plano,habang sila ay nasa biyahe sa lalawigan ng Cavite kung saan makikita ang ilang mga realty properties ng mga Madrigal. Malungkot niyang pinagmamasdan ang mga proyekto na kanyang nagawa sa ilalim ng kanyang pamamahala sa El Grande.Hindi niya lubos maisip na mawawala lamang ito na parang bula at mapapasakamay ng mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan ang lahat ng kanyang pinaghirapang maitatag. Gayundin naman sa Batangas dahil madaraanan din nila ang ilan sa kanilang mga Resort. Nagbalik sa kanyang isipan ang mga nakaraan niyang plano na mai-develop ang lalawigan na ito kasunod ng kanyang mga proyekto sa Cavite na tila ba hindi na rin nalalayo sa

    Last Updated : 2022-09-12
  • Lihim na pagkatao   chapter 10

    Dali dali naman siya pinaupo ni Lester at sinabihang wag na alalahanin ang mga nakaraang hidwaan at hindi pagkakaunawaan. Naparito siya upang personal na madalaw ang matanda at dumako sa ilang mahalagang talakayin. Pinangunahan na ng matandang Arsenio ang usapin, "Apo,ikaw na lang ang maaasahan ko sa mga bagay na ito.Sa Manila hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko. Ngayon kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat.Ayaw kong masayang at mapunta lang sa karumal dumal na tao ang akin at iyong pinaghirapan. ikaw lang ang natatanging benepisyaryo ng buong deposito at may karapatan sa World bank at wala nang iba.Kung dati ay kung sino ang CEO ng kupanya ay siyang may kapangyarihan para dito,ngayon ay hindi na.Lihin akong nakipag ugnayan sa tulong ni Bogart upang maipabago at maiwasto lahat ng nakalahad sa testamento. Simula noong magkaroon na kami ng hinala sa pagpapainom nila sa akin ng lason upang manghina ang aking katawan at tuluyang maging lantang gulay,naisaa

    Last Updated : 2022-09-12

Latest chapter

  • Lihim na pagkatao   chapter 11

    Habang binabagtas ang daan pauwi sa bahay ng pamilya Ruiz,muli niyang pinaliwanag kay Bogart ang mga bagay na kailangan nilang gawin.Kailangan nilang planuhin ng maayos ang kanilang mga hakbang sa pagbawi ng El grande sa mga sakim at gahaman sa kapangyarihan lalong lalo na sa pera at kayamaman ng Madrigal.Hinatid siya ni Bogart hanggang sa bahay ng pamilya Ruiz at agad namang bumaba si Lester at naglakad papasok ng kanilang bahay. Walang tao sa bahay,kaya naman payapa ang kanyang paguwi dahil walang bunganga at matatalim na salita ang sumalubong sa kanya.Naisip niyang umakyat at dumerecho sa silid nila ni Jasmine upang makapag shower at makapagpahinga.Alam niya sa kanyang sarili na sa oras na dumating ang kanyang bungangerang biyenan na babae ay katakot takot na sermon nanaman ang aabutin niya.Humiga siya sa kama kung saan natutulog ang kanyang asawa na si Jasmine upang makapagrelax ng sandali at magisip ng kanyang mga plano. Napapikit siya at tuluyang nakatulog dahil sa bahagyang pag

  • Lihim na pagkatao   chapter 10

    Dali dali naman siya pinaupo ni Lester at sinabihang wag na alalahanin ang mga nakaraang hidwaan at hindi pagkakaunawaan. Naparito siya upang personal na madalaw ang matanda at dumako sa ilang mahalagang talakayin. Pinangunahan na ng matandang Arsenio ang usapin, "Apo,ikaw na lang ang maaasahan ko sa mga bagay na ito.Sa Manila hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko. Ngayon kailangan na nating kumilos bago pa mahuli ang lahat.Ayaw kong masayang at mapunta lang sa karumal dumal na tao ang akin at iyong pinaghirapan. ikaw lang ang natatanging benepisyaryo ng buong deposito at may karapatan sa World bank at wala nang iba.Kung dati ay kung sino ang CEO ng kupanya ay siyang may kapangyarihan para dito,ngayon ay hindi na.Lihin akong nakipag ugnayan sa tulong ni Bogart upang maipabago at maiwasto lahat ng nakalahad sa testamento. Simula noong magkaroon na kami ng hinala sa pagpapainom nila sa akin ng lason upang manghina ang aking katawan at tuluyang maging lantang gulay,naisaa

  • Lihim na pagkatao   chapter 9

    Kinabukasan maagang gumising si Lester upang maghanda ng agahan ng kanyang pamilya at naglinis ng ilang parte ng bahay bago umalis at tumungo sa Batangas,kung saan kasalukuyang namamalagi ang kanyang lolo na si Don Arsenio. Tinawagan niya si Bogart upang magkita na lang sila sa isang lugar.At ganoon nga ang naganap ayon sa kanilang plano,habang sila ay nasa biyahe sa lalawigan ng Cavite kung saan makikita ang ilang mga realty properties ng mga Madrigal. Malungkot niyang pinagmamasdan ang mga proyekto na kanyang nagawa sa ilalim ng kanyang pamamahala sa El Grande.Hindi niya lubos maisip na mawawala lamang ito na parang bula at mapapasakamay ng mga taong sakim sa kayamanan at kapangyarihan ang lahat ng kanyang pinaghirapang maitatag. Gayundin naman sa Batangas dahil madaraanan din nila ang ilan sa kanilang mga Resort. Nagbalik sa kanyang isipan ang mga nakaraan niyang plano na mai-develop ang lalawigan na ito kasunod ng kanyang mga proyekto sa Cavite na tila ba hindi na rin nalalayo sa

  • Lihim na pagkatao   chapter 8

    Sa tahanan nila Jasmine,balisa siyang umupo at sumandal sa sofa habang nakapikit ang mga mata na tila ba malalim ang iniisip. Lumapit si Liza at tumayo sa kanyang harapan.Nagsimula na itong magtatalak, "Ayan ang matagal ko nang sinasabi sayo,kung ikaw ba naman ay nag asawa ng lalaking may kakayahan sa buhay,may pakinabang at may maayos na pagkatao hindi natin sasapitin ang ganitong sitwasyon. Kita mo ang asawa mong walang pakinabang,tatlong taon nang palamunin,walang hanapbuhay at walang kakayahan. Sa palagay mo may maitutulong ba sa atin yan?may magagawa ba yang bastardo na yan?ewan ko sayo Jasmine." Si Lester na nakaupo sa kabilang bahagi ng sofa ay walang imik na nakatingin sa kanyang biyenan na babe na tila ba isang tuod. Agad naman umakyat ng kanyang silid si Liza at nagpahinga. Binalingan ng tingin ni Lester si Jasmine at mahinahong sinabi, "Hon huwag mong isipin ang mga bagay na yun,kaya mo malagpasan lahay ng yan dahil sa taglay mong talino at husay sa trabaho. Hindi kita paba

  • Lihim na pagkatao   chapter 7

    Ilang sandali pa ang nakalipas,tumayong muli si Senior Travis at muling hinawakan ang mikropono at nagsalita. "Ngayong gabi pormal kong itininatalaga bilang susunod na mamumuno sa Skylark corporation ang aking panganay na apo na si Dominic. Muli namang nagbigay ng palakpak ang mga panauhin kabilang na ang kanilang pamilya sa pahayag ni Senior Travis. Tulad ng inaasahan,matagal na nilang alam ang plano na ito ng matanda. Alam ng karamihan na sa kabila ng katigasan ng ulo at may pagka suwail itong si Dominic,siya pa rin ang pavoritong apo ni Senior Travis. Madalas itong pinapanigan sa lahat ng oras at laging ipinagtatanggol sa kabila ng mga kamalian nito. Agad namang tumayo sa kanyang kinauupuan si Dominic at lumapit sa kanyang lolo at taos pusong nagpasalamat,kahit na matagal na niya alam ito,mas mainanam pa rin ang pormal na ipahayag ito ng kanyang lolo sa harap ng nakararami. "Maraming sa iyong buong pagtitiwala sa aking kakayahan na mapatakbo ng mahusay ang ating iniingatang kumpan

  • Lihim na pagkatao   chapter 6

    4:00 pm nang dumating sila sa Bulacan sa Ruiz Mansion. Sa malawak na parking area makikita ang mga iba't ibang uri ng sasakyan na nakaparada dito. Kung titignan ang mga magagarang sasakyan na ito,malalaman mo kaagad ang mga katauyan sa buhay ng mga nagmamay ari nito. Halos mapuno ang malawak na paradahan na animo'y isa itong bentahan ng mga high end at dekalidad na kotse. Nakabukas ang pangunahing entrada ng mansiyon,sa magkabilang gilid magarang ilaw na nagsisikinagan ang maliliit na bumbilya na parang mga bituin sa kalangitan. Sa ibabang bahagi namumukadkad ang mga sariwang bulaklak na may kulay puti at at pulang rosas. Pagkababa nila ng sasakyan agad naman silang naglakad papasok sa pangunahing entrada patungo sa malawak nitong hardin na napuno ng mga bilog na lamesa na may eleganteng dekurasyon sa bawat isa dito. At sa dulong bahagi makikita ang isang mahabang lamesa,sa gitna nito ang isang magara at may kalakihan na upuan na animo'y isang trono ng hari na makikita mo sa mga pelik

  • Lihim na pagkatao   chapter 5

    Lumipas ang maghapon at natapos ni Lester ang kanyang mga nakatakdang gawain. Kasalukuyan namang kumakain ng hapunan ang buong pamilya. Sa parihaba na habang kainan,sa kabisera nakaupo ang padre de pamilya na si Dan,ang ama nina Jasmine at Ella. At sa kabilang dulo ay ang ina nilang si Liza,magkatabi naman sa gilid ng lamesa ang mag-asawang sina Lester at Jasmine.At sa tapat nila ay si Ella. Hindi na nag aksaya pa ng oras si Lester upang samantalahin ang pagkakataon na simulan ang usapan. "Mayroon po akong nais ipagbigay alam sa inyo, kanina habang ako ay patungo sa merkado isang matalik na kaibigan ang aking nakasalubong. Nais niya akong makasama sa kanyang kasalukuyang proyekto bilang kanyang katiwala sa kanyang pinangangasiwaang proyekto hindi kalayuan. Naisip ko na siguro ay panahon na upang ako ay magtrabaho. Hinihingi ko ang inyong tugon at pahintulot ukol sa nasabing bagay." Napakunot naman ng noo ang kanyang biyenan na babae na si Liza at marahas na sinabi," Aba'y dapat lang

  • Lihim na pagkatao   chapter4

    Napayuko na lang si Lester nang malaman ang kasalukuyang kalagayan ng kanyang lolo at ng kumpanyang pinagsikapang itatag ng kanyang lolo Arsenio.Labis na kalungkutan ang kanyang nadarama at namumutawi sa kanyang puso.Bagamat siya ay napatalsik alam niya sa kanyang sarili na kailangan niyang kumilos upang tulungan ang kanyang lolo,sapagkat ito ay pinagtutulungan ng kanyang ikalawang anak at pamilya nito.Itinaas niya ang kanyang ulo at tumitig ng diretso sa mga mata ni Bogart at malumanay na sinabi,"Ano ang magagawa ko?,sa kasalukuyan kong katayuan wala akong kakayahan upang panghawakan ang ganitong suliranin.""Young master kaya ka minamadaling ipahanap ng Old master Arsenio upang makipagtulungan sa mga hakbang na kailangang gawin habang hindi pa huli ang lahat.Ipinaparating niya rin ang kanyang pagsisisi at paghingi ng tawad sa kanyang mga naging desisyon.Inaamin niya na nalason lamang ang kanyang isipan ng ikalawang Master at bawat miyembro ng pamilya nito upang

  • Lihim na pagkatao   chapter 3

    Napangisi si Lester at nagwika,"Alam na alam mo pa rin ang paborito kong kape" sabay tawa naman ni Bogart at nagwika ng, "Makakalimutan ko ba naman ang bagay na madalas nating inumin sa tuwing may mga mahahalagang bagay tayong pinaguusapan lalo na kapag tungkol ito sa kumpanya na dati mong pinamamahalaan.Tatlong taon na ang nakalipas matapos ang iyong pamumuno sa naghaharing kumpanya sa buong bansa.Natatakot lang ako sa kasalukuyan nitong kalagayan sa ngayon,unti unti itong bumabagsak sa pamumuno ng iyong tiyuhin na si Romeo.Natuklasan ng iyong lolo na si Don Arsenio na lihim itong pinagnanakawan ng iyong tiyo.At ang malala ay may hinala kami na unti unting pinapahina ang iyong lolo sa pamamagitan ng gamot na hinahalo sa kanyang pagkain at inumin upang tuluyang mapasakamay ng iyong tito Romeo ang kumpanya bago pa man mabunyag ang pagnanakaw nito sa inyong kumpanya."Napatulala na lang si Lester ng hindi namamalayan,at hindi makapaniwala sa mga narinig mula kay Bogart.

DMCA.com Protection Status