Si Crystal ay ulila na sa mga magulang, bata pa lamang siya ng mamatay ang mga ito dahil sa isang aksidente. Pero kahit gano’n pa man ay hindi siya nakaranas ng hirap dahil nasa pangalan niya naiwan ang mga ari-arian at negosyo ng mga ito, pero dahil bata pa siya at nag aaral pa kaya ang kapatid na muna ng ama niya ang humalili sa mga naiwan ng mga magulang nito at ibibigay na lamang sa kanya pag nakapagtapos na siya at handa ng pamahalaan ang mga negosyo.
Kahit na maagang nawala ang mga magulang nito ay hindi siya nabuhay ng mag isa, do’n na din siya tumira sa bahay ng kanyang Tito na may asawa at anak na din. Halos magkapatid na ang turingan nilang mag pinsan dahil simula ng mga bata pa lang sila ay magkakasama na ang mga ito. Palagi silang naglalaro at hindi mapaghiwalay. Hindi iba ang naging turing nila sa dalaga dahil mahal na mahal nila ito.
Ngunit non’g mag kolehiyo na sila ay nag hiwa-hiwalay ang mga ito. Si William at Crystal ay dito nag aral sa Pilipinas pero magkaiba sila ng pinapasukan samantalang si Kia naman ay sa New York nag aral. Umuuwi lang siya dito sa tuwing bakasyon. Kahit gano’n pa man ang nangyari ay hindi ito naging hadlang sa kanilang magpipinsan. Madalas pa rin silang nag uusap.Masaya sila, masaya ang lahat noon. Pero dahil sa isang kagimbal gimbal na pangyayari nagbago ang lahat. Ang dating masaya at masigla ay napalitan ng lungkot, pangungulila, hinagpis, galit at puot.
Crystal POV
Nandito na ako ngayon sa harap ng pinapasukan ko, minsan ay hinahatid ako ng driver namin pero madalas ay ang pinsan ko ang nakakasama ko dahil isang way lang naman kami sa kanyang pinapasukan.
"Kailangan talaga maging mabagal sa pagbaba ng kotse? Psh!" anas ng pinsan kung si William at itinulak na ako palabas.
Inirapan ko naman siya at ang sira ulo ay tinawanan lang ako sabay sara ng pinto ng sasakyan.
He's William Del Rosario, my cousin. Hindi kami pareho ng pinapasukan dahil siya ay sa St. Vincent Academy at ako naman sa St. Mary's Academy. Madalas kaming magkasabay sa pagpasok. Ang pinsan ko ay napaka seryoso sa lahat ng bagay, cold din ito sa iba pero pag dating sa amin ng kapatid niya mabait at maalalahanin ito.
Ako nga pala si Crystal Pamela Parras, 2nd year college na ako sa kursong Business Management ito ang kinuha kung kurso dahil gustong kung matutunan kung paano mag manage ng kompanya dahil na rin sa mga naiwang negosyo ng aking mga magulang. Laking pasasalamat ko na lang dahil hindi ako naiwan na mag isa ng mawala sila. Pagkatapos kasi ng libing nila ay isinama na ako nila tito sa kanilang bahay. Siya ang kapatid ng papa ko na malapit sa akin. Madalas kasing magkakasama ang pamilya ko at pamilya nila kaya siguro hindi ako nahirapan sa pag adjust kasi kasundo ko na sila at pati na rin ang dalawang anak nito. Thankful ako sa pamilyang Del Rosario dahil hindi nila ako tinuring na iba sa kanila.
Pagpasok ko sa silid namin ay agad akong binati ng mga kaklase ko. Hindi ko nga alam kung bakit ganito trato nila sa akin. Tinagurian pa akong ‘Campus Princess’ ng mga ito. Inaamin ko maganda at matalino ako pero hindi ko naman kailangan ng titulo na ‘yon dahil ang gusto ko lang ay makapagtapos ng pag aaral.
Umabot na ang isang oras pero wala pa rin ang professor namin, hanggang sa nag bell na pero walang dumating at dahil gutom na ako ay inayos ko na ang mga gamit ko at lumabas na para pumunta ng cafeteria.
Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Nathalie kasama ang kanyang kaibigan na sina Sophia at Jane. Hindi ko maintindihan kung bakit abot langit na lang ang galit nitong si Nathalie sa akin, lagi niyang sinasabi na inagaw ko ang lahat sa kanya kahit na wala naman akong ginagawang masama.
Hindi ko na lang sila binigyan ng pansin at akmang lalampasan ko ng biglang hinarang ako ni Nathalie. "May kailangan ka ba? Ayaw ko ng gulo." anas ko."Wala akong panahon para pag aksayahan ng oras ang isang katulad mo, Sophia wants to give you something." wika niya naman sabay baling sa kaibigan.
Lumapit naman si Sophia sa akin at may inabot na invitation. "Birthday ko bukas I want you to be there." aniya sa akin na ikinataka ko.
Ako iimbitahin niya? Eh ang laki ng galit sa akin ng mga ito eh.
Tinanggap ko na lang ‘yon. "Siguro naman pupunta ka di ba? Sophia wants you to be there. Huwag mo sana siyang paasahin." biglang wika ni Nathalie at naglakad na sila paalis.
Nagdadalawang isip ako kung pupunta o hindi. Bukas na pala 'to, pero kung hindi ako pupunta baka mas lalo akong pag initan ng grupo niya.
Kinabukasan dumating na ang araw ng kaarawan ni Sophia.
"Are you sure you're coming there?" my cousin William asked me.
"Ilang beses mo na akong tinatanong niyan kuya, syempre pupunta ako, nakakahiya naman kung hindi.” natatawang sagot ko sa kanya.
"Baka gusto mo samahan na lang kita? I just want to be sure na safe ka do’n." pagpupumilit nito.
Mabilis na pag iling naman ang ginawa ko. Ayaw kung makaistorbo sa kanya dahil alam kung marami siyang ginagawa at saka kaya ko naman ang sarili ko at alam kung ligtas naman ang lugar kung saan ako pupunta.
"You are being strict again my cousin, I will be fine. Alam kung marami ka pang gagawin." saad ko.
Napabuntong hininga naman siya. "Ayoko lang na mapahamak ka. Alam mo naman na kapatid na ang turing namin sa’yo.”Awww he's so sweet. Kahit na suplado at cold siya sa iba.
"I know kuya, don't worry okay lang ako. I will update you time to time. Okay?" ani ko at niyakap siya.
Sa huli ay wala naman itong nagawa at niyakap na lang din ako pabalik. Isa lang ang ibig sabihin no’n pumayag na siya.Sa kabilang dako naman kung saan ginaganap ang party ay halos malukot na ang mukha ni Nathalie dahil wala pa ang dalawang mga kaibigan nito. Nagsisimula na ang party at madami na ang mga tao. Simple lang naman ang party na ginawa ni Sophia just for fun lang. Wala kasi ang mga parents nito at nasa ibang bansa for business. Agad nitong kinuha ang kanyang phone para tawagan ang kaibigan. Habang si Sophia naman ay prenteng nakaupo sa gilid niya habang pinagmamasdan ang kanyang mga bisita na nag eenjoy sa party. "Jane, nasaan ka na? Kanina ka pa namin hinihintay dito. Aba baka matapos na ang party wala ka pa. Ikaw pa ang sisira sa plano natin tonta!" sigaw nito sa kausap. "Malapit na ako, traffic lang kasi." boses ng nasa kabilang linya. "Bilisan mo!" sigaw nito at ibinaba na ang tawag. Sa totoo lang kinakabahan si Jane sa ginawang plano ni Nathalie. How she wish na sana walang mangyaring masama. Noon pa man ay mainit na ang dugo nito kay Crystal d
Crystal POV "Wala akong panahon para sa mga pambatang trip niyo. Kaya pwede ba paalisin niyo na ako?" ani ni Crystal. Lumapit naman si Nathalie sa kanya at agad siyang sinampal ng magkabilaan. "Wla kang karapatan na sigawan kami!" galit na sigaw ni Nathalie at biglang hinampas ito ng hawak na kahoy. Agad namangnapatili si Jane dahill sa nakita. “Damn it! What are you doing Nathalie?" inis na sigaw ni Jane pero tiningnan lang siya ng masama ng dalaga. Magsasalita pa sana siya ulit ng may kamay na humawak sa kanyang braos at ng tingnan niya ay si Kim pala ito. "Please, Jane huwag ka na makialam at baka madamay ka pa at kung ano pa ang magawa sa’yo nina Nathalie at Sophia.” anas niya. "Look at what they are doing Kim! This is wrong, this is not part of the plan." nanginginig na wika ni Jane. "Alam ko Jane pero wala tayong magagawa. Pag sinuway natin sila baka pati tayo pag initan ni Nathalie." bakas sa mukha ng binata ang labis na f
Hindi nila akalain na magagawa ng kaibigan nila ang pumatay ng walang pag alinlangan. Ang plano lang naman nila ay takutin ang dalaga at wala sa usapan na aabot sila sa ganitong bagay. Ang pumatay ng tao, ng kaibigan, ng kaklase nila. "O-oh my God! Ooh my, I-is she died?" bakas sa boses ni Sophia ang pagkabahala at takot."What do you think of Phia?" balewalang saad ni Nathalie. Naglakas loob si Jane na ihakbang ang mga paa niya para tingnan si Crystal sa kung saan ito nalaglag. Ngunit parang hindi niya kaya dahil kinakabahan at natatakot pa rin siya, kaya umatras ulit siya pabalik sa kung saan man siya kanina nakatayo. "What's wrong Jane?" takang tanong ni Nathalie. "H-hindi ko kayang tingnan." pag amin niya. "What the hell! Akala ko kung napano ka na." sigaw nito. Naunang humakbang si Nathalie para tingnan kung saan nahulog si Crystal at sinundan naman ito ni Sophia at Kim. Pinilit naman ni Jane na muling ihakbang ang
Jane POV Ilang oras na ang nakalipas ng makarating ako sa bahay nila ngunit mag uumaga na ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari, parang isang bangungot ito sa akin at sa mismong kaarawan pa ng isang kaibigan ko. Sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari kay Crystal, ang mga mata niyang nagmamakaawa na tulungan ko siya pero wala akong magawa dahil kapag ginawa ko ‘yon ay mapapahamak lang din ako at ang pamilya ko. Nanghihinang napaupo na lang ako sa kama at ilang beses na umiling. “Hindi! Hindi! Wala akong kasalanan. Hindi ako ang may kasalanan! Hindi ako ang pumatay sa kanya.” pagkukumbinsi ko sa sarili. Pilit kung isinisiksik sa utak at sarili ko na wala akong kasalanan sa nangyari, pero kahit anong pilit ko ay hindi pa rin magbabago ang katotohanan na may nagawa akong pagkakamali at naging parte pa ako kung bakit may namatay. Ako ang nagdala kay Crystal sa lugar na 'yon, ako ang nagdala sa kanya sa kapahama
Sa di kalayuan naman ay nakatayo ang babaeng may hawak na laruan na nakangiti. Ng makita niyang nakaalis na ang apat ay saka ito naglakad papunta sa pulang kotse at sumakay. "You did a great job!." aniya ng isang boses pagkasakay niya. "Obcourse! Ako pa ba? Kung nakita mo lang ang mga mukha nila. Halos hindi maipinta sa takot. Ang galing galing kung umakting." sagot naman ng babae. "Kulang pa 'yan sa ginawa nila kay Crystal! Nagsisimula pa lang ako." nakakuyom ang mga kamao nito."Dapat lang magbayad sila. Hindi sila pwede mabuhay ng masaya." segunda din nito. “Ihahatid na kita sa condo mo at ‘yong bayad ay nasa account mo na.” anas ng lalaki. “Ang kulet mo din eh, ang sabi ko huwag mo na akong bayaran dahil tutulungan kita.” pagmamaktol ng babae. “Alam ko naman ‘yon pero hayaan mo na, mas marami pa akong ipapagawa sa’yo.” nakangiting turan ng lalaki at binuhay na nito ang makita ng kotse at saka nag drive paalis. Sa isang c
Napatigil sa pag uusap ang magkapatid dahil sa pagdating ng bagong mga bisita. Agad naikuyom ni William ang kanyang kamao ng makilala ang mga ito. Natatandaan niya ang mga mukha nito, ito yung madalas na pag initan ang pinsan niya. Iyong isa naman ay medyo naging kaibigan ni Crystal at higit sa lahat ang isang lalaking kasama nila na mas nagpapainit ng ulo nito. Ang boyfriend ni Crystal at alam niyang hindi naman talaga nito minahal ang pinsan kung hindi ay ginamit lang para protektahan ang totoong mahal niya. Agad lumapit ang binata sa apat. "Anong ginagawa niyo dito?" mahina pero may diin na tanong nito. "Gusto lang namin bumisita dito. No harm." wika naman no’ng isang babae na sa pagkakatanda niya ay Nathalie ang pangalan, familiar ito sa kanya dahil ito ang madalas na bukambibig ng kanyang pinsan. Akmang magsasalita din si Kim ng bigla itong suntukin ni William. "Wala kang karapatan pumunta dito gago ka! Anong klaseng boyfriend ka? Hindi mo man lang
Francine POV Pagkarating ko sa comfort room ay biglang bumuhos ang masaganang luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang konsensya ang nadarama ko. Sobrang bigat sa pakiramdam! "S-sorry Crys, I'm s-sorry. Hindi kita nailigtas." puno ng hinagpis na anas ko. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle na narito. Baka biglang may pumasok at makita pa akong ganito. Ng nasa loob na ako ng cubicle ay inayos ko ang sarili ko. Habang nag aayos ako ay narinig kung nagbukas ang pinto senyales na may pumasok rito. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may narinig akong kausap niya sa telepono. "Ow hello! Okay lang naman. Ikaw kamusta?" sabi nito sa kausap. "Sigurado ka ba? Syempre! Kailangan talaga nilang magbayad sa nangyari! Hindi maaaring walang may managot, pero mag ingat ka din." bigla akong naguluhan sa sinasabi niya sa kanyang kausap pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito. Mabilis akong lumabas ng cubicle kung
Kim POV Natapos na ang klase ay nasa isip ko pa rin ang bago naming kaklase. Kahit na ngayon na nandito na ulit kami sa canteen ay 'yon pa rin ang iniisip ko. "Ang lalim yata ng iniisip mo Kim?" pansin ni Sophia at napatigil din ang dalawa sa pagkain at tumingin sa akin. "Iniisip ko lang 'yong bago nating kaklase." totoong sagot ko. "Crush mo na agad noh?" kantyaw ni Nathalie sabay tingin kay Jane. "Gago! Hindi ah. Isa lang naman ang gusto ko." mabilis na sagot ko. "Bakit anong meron sa kanya?" takang tanong naman ni Jane. "Siguro naman natatandaan niyo siya hindi ba? Nando’n siya sa lamay ni Crystal." tumango naman ang mga ito.
Halos dalawang oras ang inabot nila sa lugar na ‘yon, mukhang nasarapan ang kasama ni Sophia sa pagkain ng mga st. foods kaya hinayaan niya na lang ito. Kahit papaano ay hindi naman pala maarte ang binata.Kasalukuyan silang nakaupo sa B.park habang bitbit pa ang mga pagkain na binili nila, nakaramdam lang sila ng pagod sa pag iikot kaya nagpahinga na muna silang dalawa,"Why did you do that?" biglang bulalas ni William, kaya mabilis na napatingin sa kanya ang dalagang si Sophia.Hindi agad nakapagsalita si Sophia dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang katabi, mayamaya pa ay mukha napansin ito ni William."What I mean is about my cousin, bakit niyo siya nagawang patayin?" seryosong sabi niya.Agad na
Sophia POVNagkaroon ng isang linggong bakasyon dahil katatapos lang ng exam namin. Nandito Nandito ako ngayon sa isang cafe ng mag isa dahil wala ang mga kaibigan ko. Si Kim at Jane ay madalas busy dahil may mga hinahabol na requirements samantalang si Nathalie naman ay palaging kasama si William.Sa araw araw na ganito ang nangyayari ay nasanay na ako. Minsan si Kia pa ang kasama ko pero alam ko naman na nakamasid lang ito sa akin.Habang kumakain ako ng paboritong kung cheese cake at mocha frappe ay nagulat na lang ako ng biglang may naglapag ng tray sa harap niya. Akmang sisigawan ko na sana ito ngunit hindi ko natuloy ng makita ko ang mukha niya."W-william?" mahinang sambit ko.The guy chuckled.
Nanatiling nakatayo ang dalaga kahit na wala na si William. "Oh bakit nakatayo ka pa rin diyan Sophy?" untag ni Kia na ikinabalik sa wisyo ng dalaga.Mabilis naman itong umupo kung saan ang inuupuan kani-kanina lang ni William ng hindi sinasagot si Kia. Hindi niya kasi alam kung paano ito papakisamahan ngayong alam niya na ang totoo, dahil alam niyang isa sa hinahanap nilang kalaban ay kasama mismo nila."O-M-G! Narinig niyo ba ‘yon guys? He asked me out! He asked me on a date. I can't believe it." halos nag histerikal na si Nathalie."Date agad? Hindi ba pwedeng lumabas lang pero walang ibang meaning! Nag aassume ka na naman. Huwag kang umasa hindi ikaw ang tipo no’n." pang aalaska ni Kim.Inirapan naman siya ng dalaga. "Parang ikaw hindi ka din tipo ni Jane
Tulalang nakauwi sa kanilang bahay ang dalagang si Sophia. Tiningnan niya ang kanyang phone at nakitang puro ito messages na galing sa mga kaibigan, wala siyang nireplyan kahit isa sa mga ito. Para siyang lantang gulay dahil sa nangyari sa kanya buong araw. Mabilis na naligo ito at nagbihis ng damit bago tuluyang humiga para matulog.Sa kabilang banda nagbubunyi naman ang kaloob looban ng magkapatid dahil umaayon sa kanila ang lahat ng gusto nilang mangyari."Are you sure kuya na susunod sa usapan si Sophia?" biglang tanong ni Kia habang iniinom ang wine."She doesn't have any choice. Alam niyang maraming nakamasid sa kanyang paligid isang pagkakamali niya lang at may kahahantungan siya." sagot naman ni William."Pero paano kung bumaliktad siya, nando’n na tayo sa
Makalipas ang ilang oras ay nagising si Sophia, naalala niya na naman ang nangyari. Ang panloloko at panlilinlang sa kanila ni Kia, akmang tatayo sana siya para umalis ng mapansin niyang nakatali ang mga kamay at paa niya. Pinipilit niya itong kalasin para makatakas ngunit masyadong mahigpit ito kaya hindi niya magawang makaalis. "Kahit anong gawin mo hindi mo matatanggal ‘yan." napatingin siya sa nagsalita at nakita niya si Kia na prenteng nakaupo lang sa isang upuan di kalayuan sa kung saan siya naro’n. Tiningnan niya naman ito ng masama. "Oh anong tingin ‘yan? Akala mo ba nasisindak mo ako?" panunuya pa nito. "Walang hiya ka Kia! Paalisin mo ako dito!" sigaw niya sa dalaga. "Bakit ko naman gagawin ‘yon? Para makapag sumbong ka sa kanila? Hindi ako tanga!" balik si
Lumipas pa ang dalawang linggo pero hindi pa rin nawawala ang mainit na isyu tungkol kay Nathalie, madalas pa rin siya tampulan ng usapan sadyang matapang lang talaga ang dalaga at hindi pinapakita na apektado siya. Sabado ngayon kaya wala silang pasok, dahil nakakaramdam ng bored si Sophia ay naisipan niyang lumabas para mag mall, hindi na siya nag atubili pang tawagan at yayain ang mga kaibigan dahil alam niyang may kanya kanya itong ginagawa o lakad. Mabilis siyang naligo at nagbihis para makaalis na agad sa kanilang bahay. Ng matapos na siyang ayusin ang sarili ay tumingin muna siya ulit sa salamin para tingnan ang repleksyon nito, napangiti naman siyang makita na maayos na siya at ready to go na. Agad niyang kinuha ang maliit na sling bag na may lamang wallet at phone niya at lumabas sa kanyang kwarto. Ng makababa na siya ay sumakay siya sa kanyang kotse at nagsimula ng magmaneho, dahil maaga pa naman ay hindi muna siya dumiretso sa mall, dumaan muna siy
Lumipas pa ang mga araw at unti unting nawawala na din ang issue sa dalawa, pero may mangilan ngilan pa ring nag uusap tungkol dito. Naging payapa ang buhay ng apat na magkakaibigan, ngunit hindi pa rin mawala ang pangamba sa kanila, iniisip nila kung kailan o ano na naman ang plano ng mga taong hindi sila tinitigilan. Isang araw habang papasok si Sophia, Kia at Kim sa paaralan ng bigla na naman silang nakarinig ng bulungan, hindi na tungkol sa kanila ni Jane kung hindi tungkol ito sa kaibigan nilang si Nathalie. May mga nakita silang nakakalat na papel sa hallway kung saan sila naglalakad at meron ding iba na hawak hawak ng ilang mga estudyante, may ibang tumatawa, meron nandiriri at ‘yong iba naman kung ano ano ang sinasabi. At dahil nadala sila ng kanilang kuryusidad at agad na inagaw ni Sophia ang hawak ng isang babae malapit sa kanila. Napasinghap siya ng makita papel. "Gosh! This is not happening!" bulalas nito. Lumapit naman si Kia dito. "Ano b
Jane POV Buong araw akong tahimik kahit mga kaibigan ko ay hindi ko kinikibo. Nahihiya ako sa nangyari, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga mapanghusgang salita na nanggaling sa mga kapwa estudyante. 'Hindi naman kasi nila alam ang totoo eh. Wala pa si Kim at Crystal ay meron ng kami.” isip nito. Hanggang ngayon na nandito na siya sa tinitirhan ay lutang pa rin ang isip niya. Alam niyang pag nalaman ito ng mga prof.nila sa paaralan ay madidisappoint sila lalo pa't isa ako sa mga top students nila. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa frustration na nangyayari. Maya maya pa ay nag ring ang phone ko, pero kumunot ang noo ko ng pagtingin ko sa screen ay unregistered number ang nakalagay. Kinuha ko ang phone at sinagot ang tawag. "Kamusta Jane? Nagustuhan mo ba ang regalo na natanggap mo ngayong araw?" boses sa kabilang linya at tumatawa pa ito. "S-sino ka? Ikaw ba ma-may gawa no’n? A-anong ka-kailangan mo ha!.” gigil
Isa’t kalahating buwan na ang nakalipas ng mangyari ang hindi inaasahan pagkamatay ni Crystal. Naging tahimik ang buhay ng apat na magkakaibigan, hindi na din sila nakakatanggap ng mga threats at wala na din nangyayari sa kanilang kakaiba. Ngunit mas labis lamang lang nila itong ikinabahala, hindi sila pwedeng maging kampante dahil hindi nila alam kung ano ang pinaplano na gawin ng mga taong nasa likod ng mga ito.Hindi porket tahimik ang buhay nila sa loob ng ng mga nakaraang linggo ay sigurado na silang wala ng ibang mangyayari pa. Mas kailangan nilang mag ingat lalo ngayon dahil sa pananahimik ng mga taong gumugulo sa kanila. Mas doble ang pag iingat na kailangan nilang gawin. Naging mas close pa si Sophia at Kia, hindi dahil sa sinabi ni Kim kung hindi dahil totoong kaibigan ang turing nito sa dalaga, medyo naging mailap na din siya sa kanila Nathalie. Ngayon ay nandito sila sa parking lot para hintayin ang tatlo pa nilang mga kaibigan at sabay sabay na sila pap