Jane POV
Ilang oras na ang nakalipas ng makarating ako sa bahay nila ngunit mag uumaga na ay hindi pa rin ako makatulog. Hindi pa rin mawala sa isip ko ang nangyari, parang isang bangungot ito sa akin at sa mismong kaarawan pa ng isang kaibigan ko.
Sariwa pa rin sa alaala ko ang nangyari kay Crystal, ang mga mata niyang nagmamakaawa na tulungan ko siya pero wala akong magawa dahil kapag ginawa ko ‘yon ay mapapahamak lang din ako at ang pamilya ko.
Nanghihinang napaupo na lang ako sa kama at ilang beses na umiling.
“Hindi! Hindi! Wala akong kasalanan. Hindi ako ang may kasalanan! Hindi ako ang pumatay sa kanya.” pagkukumbinsi ko sa sarili.
Pilit kung isinisiksik sa utak at sarili ko na wala akong kasalanan sa nangyari, pero kahit anong pilit ko ay hindi pa rin magbabago ang katotohanan na may nagawa akong pagkakamali at naging parte pa ako kung bakit may namatay. Ako ang nagdala kay Crystal sa lugar na 'yon, ako ang nagdala sa kanya sa kapahamakan at kamatayan.
Napahilamos ako sa aking mukha gamit ang dalawang kamay ko, hindi ko alam kung hanggang kailan ako uusigin ng konsensya ko dahil sa nangyari, ayaw kung makulong pero alam kung hindi rin ako makatulog ng maayos dahil sa nangyari.
Kim's POV
Hindi ko kayang makita si Jane sa gano’ng kalagayan. Gusto ko siyang ihatid sa kanila para maka siguradong ligtas siya ngunit hindi ito pumayag. Kaya ang ginawa ko ay sinundan ko na lang ito sa pag uwi.
At ng makasigurado na akong nakauwi siya ng maayos ay agad naman akong umalis para makauwi na rin.
“I'm so sorry Crystal. Wala akong nagawa para iligtas ka.” bulong ko sa kawalan.Hindi ko pa rin napapatawad ang sarili ko sa kasalanan na nagawa ko sa kanya. Sa pagpapaniwala na mahal ko siya, kahit ang totoo inutusan lang talaga akong gawin 'yon ni Nathalie. Tapos ngayon nakagawa na naman ako ng kasalanan sa kanya. Kasalanan na kailanman ay hindi ko na mahihingan pa ng kapatawaran.
Ginawa ko lang 'yon dahil wala akong ibang pagpipilian. I love Jane so much at gagawin ko ang lahat para sa kanya at para sa kaligtasan niya. Ayoko mapahamak siya kaya sinunod ko ang inuutos ni Nathalie, baka kasi pag hindi ko ginawa ‘yon ay pag initan niya si Jane kahit na kaibigan niya pa ito, kilala ko siya na kahit kaibigan niya pa kapag hindi siya sinunod ay hindi niya palalampasin.
Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang lahat, hindi ko inaasahan na mangyayari ang bagay na 'to lalo na kay Crystal. Wala man lang akong nagawa para mapigilan ‘yon. Kahit naman na nagpanggap lang akong mahal ko siya ay alam kung mabait ito. Kaya hindi niya deserve ang ganito, hindi niya deserve ang mawala sa ganitong paraan.
Hanggang sa makarating ako sa bahay ay wala ako sa sarili dahil hindi mawala sa isip ko ang nangyari at alam kung gano’n din ang nararamdaman ng mga kaibigan ko maliban na lang kay Nathalie.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising dahil na din sa tawag na natanggap ko mula kay Nathalie na magkita daw kaming lahat sa park at sabay sabay na pumasok. Kahit labag m,an sa loob ko ang pumasok ay wala akong ibang choice dahil baka paghinalaan kami.
Ang balita ko ay may kumuha na sa bangkay ni Crystal hindi lang namin alam kung sino dahil baka pamilya niya din.
Ng makarating ako sa lugar kung saan kami magkikita ay naabutan ko na silang tatlo na magkasama kaya mabilis ako na lumapit sa kanila.
"Oh anong nangyari sa inyo? Para kayong pinagsakluban ng langit at lupa. Dinaig niyo pa ang naka drugs sa sobrang sabog. " natatawang anas ni Nathalie.
Mabilis naman kaming nagkatinginan nina Jane at Sophia. Hindi kami makapaniwala na parang wala lang sa kanya na may pinatay siya, kung umasta siya parang inosente siya at walang ginawang masama.
"Anong nangyayari sayo Nat? Bakit kung umasta ka parang wala tayong nagawa? Hindi ka man lang ba tinubuan ng konsensiya?" madiin na wika ni Sophia.
"Itikom mo nga ‘yang bibig mo at baka may makarinig sayo! Masyadong kang maingay, ano gusto mo eh broadcast ang nangyari?" sigaw ni Nathalie.
Agad naman na tahimik si Sophia at yumuko na lang.
“Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo. Ang mahuhuli ko ay papatayin ko.”
Bigla naman kaming nanigas na tatlo sa kanilang kinatatayuan ng marinig ang kantang ‘yon, hindi nila alam kung bakit nakaramdam sila ng kilabot sa mga katagang ‘yon.
Nilingon ko kung saan nanggaling ang boses na ‘yon at nakita ko ang isang babae na may hawak ng manika na itim habang paulit ulit sinasambit ang katagang ‘yon.
"Nakakakilabot ang kinakanta niya." mahinang usal ni Sophia habang nakaturo sa babae.
"Kanina narinig ko rin 'yan." sabat naman ni Jane ng hindi inaalis ang tingin sa babae na patuloy pa rin sa pagkanta.
"Kanina ko pa narinig ‘yan hindi ko lang binigyan ng pansin dahil nagmamadali akong maglakad papalapit dito." ani ko.
"Anong pinagsasabi niyo? Kanta lang 'yan at isang baliw pa ang kumakanta! Masyado yata kayong praning!" bulalas ni Nathalie.
"So hindi lang pala ako ang nakarinig niyan pati kayo?'” Sophia asked.
Tumango naman kaming dalawa ni Jane. "So weird." anas ko.
"Teka ano ang pinagsasabi niyo?" nagtatakang tanong ni Nathalie.
"Alam niyo masyado kayong paranoid patay na nga 'yong tao eh! Akala niyo naman may magagawa pa ‘yon. Psh! " dagdag pa nito.
"Nathalie for once magseryoso ka naman! Hindi nakakatuwa ang bagay na 'to. Kung wala kang sasabihin na matino just shut up!" Sophia burst out.
"Okay okay, Sorry. What song ba ang sinasabi niyo?" anas ni Nathalie.
"Iyong kanta ng baliw, no’ng nagawa natin 'yon ka Crystal saktong maliwanag ang buwan noon. Naalala ko siya pag gano’n dahil nasisinagan ng ilaw na nanggaling sa buwan ang mukha niya no’ng mga panahon na 'yon. " malungkot na turan ko..
"Hey guys chill!, baka coincidence lang 'yan. Huwag niyo masyadong isipan. Relax okay?" mabilis na saad ni Nathalie.
Maya maya ay napansin ni Jane may humawak sa braso niya. Sa diin ng pagkakahawak nito sa kanya ay ramdam niya ang sakit nito. Ng tingnan niya kung sino ang may gawa no’n ay agad siyang nagulat. Siya 'yong babaeng kumakanta na may hawak na laruan. P-paanong nakalapit siya agad rito?
"Bitawan mo ako! Nasasaktan ako! Ano ba!"- sigaw ni Jane kaya napatingin ang tatlo sa kanya.
Agad ko namang nilapitan si Jane at tinulak ang babae. "Stop, sinasaktan mo siya." sita ko dito.
"Humanda kayo, pagbabayarin niya kayo! Hindi siya titigil hanggang hindi niyo pinagbabayaran ang ginawa niyo! Iisa isahin niya kayo!" seryosong bulalas ng baliw.
"Anong pinagsasabi mong baliw ka! Lumayas ka dito." malakas na sigaw ni Nathalie at tinulak pa ang babae.
"Pinatay niyo siya, kayo ang pumatay sa kanya! Magbabayad kayo!" sigaw ng baliw habang nanlilisik ang kanyang mga mata na nakatingin sa aming apat.
"Maghanda handa na kayo dahil nagsisimula na siya! Nagsimula na siya! Nagbabayad kayo!" dagdag pa nito at tumawa.
"You crazy woman! Shut the fuck up! Hindi mo ba ako kilala ha? Kaya kitang ipakulong! Kaya kung gawin na impyerno ang buhay mo! Manahimik ka. Huwag mo kaming pagbintangan ng bagay na wala kaming alam!" nanggagalaiting sigaw ni Nathalie.
"Huwag kang magmayabang Nathalie. Walang magagawa ‘yang yaman mo o kahit anong koneksyon ang meron ka, hindi lang ikaw ang may kakayahan na magmanipula ng tao.. Gagawin niya ang lahat para pagbayaran niyo ang ginawa niyo!" sigaw nito habang naglalakad palayo.
"Go to hell bitch! Huwag ka na magpapakita sa amin. Baliw!" sigaw pabalik ni Nathalie.
Unti unti namang napaiyak si Sophua ng makaalis ang babae."Tama na Phia, everything will be okay.” pagpapagaan ko sa loob nito, kahit na m*****a si Sophia ay alam kung nakokonsensya din siya sa nangyari dahil hindi naman siya ka gaya ni Nathalie. Pareho lang din kaming biktima dito.
"Paano kung hindi? Paano kung totoo ang mga sinabi no’ng babae?" mahinag saad nito habang nakatingin sa akin.
"Masyado kayong nagpapaniwala sa isang baliw!” inis na turan ni Nathalie.
"Paanong hindi maniniwala, 'yong mga sinabi niya kanina ay alam natin na nangyari. At isa pa hindi ka ba nagtataka kung bakit alam niya? Bakit kilala niya tayo! Sige nga mag isip ka Nathalie!" balik sigaw sa kanya ni Sophia.
"Arrrgh! Stop this shit! Stop this nonsense topic. Ayoko ng makarinig ng tungkol dito. Itahimik niyo 'yang mga bibig niyo! Tara na pumasok na tayo." sabi nito at nauna ng maglakad.
Sa di kalayuan naman ay nakatayo ang babaeng may hawak na laruan na nakangiti. Ng makita niyang nakaalis na ang apat ay saka ito naglakad papunta sa pulang kotse at sumakay. "You did a great job!." aniya ng isang boses pagkasakay niya. "Obcourse! Ako pa ba? Kung nakita mo lang ang mga mukha nila. Halos hindi maipinta sa takot. Ang galing galing kung umakting." sagot naman ng babae. "Kulang pa 'yan sa ginawa nila kay Crystal! Nagsisimula pa lang ako." nakakuyom ang mga kamao nito."Dapat lang magbayad sila. Hindi sila pwede mabuhay ng masaya." segunda din nito. “Ihahatid na kita sa condo mo at ‘yong bayad ay nasa account mo na.” anas ng lalaki. “Ang kulet mo din eh, ang sabi ko huwag mo na akong bayaran dahil tutulungan kita.” pagmamaktol ng babae. “Alam ko naman ‘yon pero hayaan mo na, mas marami pa akong ipapagawa sa’yo.” nakangiting turan ng lalaki at binuhay na nito ang makita ng kotse at saka nag drive paalis. Sa isang c
Napatigil sa pag uusap ang magkapatid dahil sa pagdating ng bagong mga bisita. Agad naikuyom ni William ang kanyang kamao ng makilala ang mga ito. Natatandaan niya ang mga mukha nito, ito yung madalas na pag initan ang pinsan niya. Iyong isa naman ay medyo naging kaibigan ni Crystal at higit sa lahat ang isang lalaking kasama nila na mas nagpapainit ng ulo nito. Ang boyfriend ni Crystal at alam niyang hindi naman talaga nito minahal ang pinsan kung hindi ay ginamit lang para protektahan ang totoong mahal niya. Agad lumapit ang binata sa apat. "Anong ginagawa niyo dito?" mahina pero may diin na tanong nito. "Gusto lang namin bumisita dito. No harm." wika naman no’ng isang babae na sa pagkakatanda niya ay Nathalie ang pangalan, familiar ito sa kanya dahil ito ang madalas na bukambibig ng kanyang pinsan. Akmang magsasalita din si Kim ng bigla itong suntukin ni William. "Wala kang karapatan pumunta dito gago ka! Anong klaseng boyfriend ka? Hindi mo man lang
Francine POV Pagkarating ko sa comfort room ay biglang bumuhos ang masaganang luha sa aking mata na kanina ko pa pinipigilan. Sobrang konsensya ang nadarama ko. Sobrang bigat sa pakiramdam! "S-sorry Crys, I'm s-sorry. Hindi kita nailigtas." puno ng hinagpis na anas ko. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle na narito. Baka biglang may pumasok at makita pa akong ganito. Ng nasa loob na ako ng cubicle ay inayos ko ang sarili ko. Habang nag aayos ako ay narinig kung nagbukas ang pinto senyales na may pumasok rito. Akmang bubuksan ko na sana ang pinto ng biglang may narinig akong kausap niya sa telepono. "Ow hello! Okay lang naman. Ikaw kamusta?" sabi nito sa kausap. "Sigurado ka ba? Syempre! Kailangan talaga nilang magbayad sa nangyari! Hindi maaaring walang may managot, pero mag ingat ka din." bigla akong naguluhan sa sinasabi niya sa kanyang kausap pero ipinagsawalang bahala ko na lang ito. Mabilis akong lumabas ng cubicle kung
Kim POV Natapos na ang klase ay nasa isip ko pa rin ang bago naming kaklase. Kahit na ngayon na nandito na ulit kami sa canteen ay 'yon pa rin ang iniisip ko. "Ang lalim yata ng iniisip mo Kim?" pansin ni Sophia at napatigil din ang dalawa sa pagkain at tumingin sa akin. "Iniisip ko lang 'yong bago nating kaklase." totoong sagot ko. "Crush mo na agad noh?" kantyaw ni Nathalie sabay tingin kay Jane. "Gago! Hindi ah. Isa lang naman ang gusto ko." mabilis na sagot ko. "Bakit anong meron sa kanya?" takang tanong naman ni Jane. "Siguro naman natatandaan niyo siya hindi ba? Nando’n siya sa lamay ni Crystal." tumango naman ang mga ito.
Kim POV Pagkatapos kung maihatid si Jane ay umuwi na ako agad. Pagkarating ko sa bahay ay agad akong umupo sa sofa. Wala ang parents ko dito dahil nasa ibang bansa sila. Kinuha ko ang earphone ko sa aking bag at agad na nilagay sa tenga para makinig ng music. Habang nakikinig ako ng music sa aking tenga ay biglang nag iba ang kanta, kung kanta nga ba itong matatawag o tula. "Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo! Ang mahuhuli ko ay papatayin ko." paulit ulit ito Dahil sa narinig ko sa tenga ko ay hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaba. Pakiramdam ko ay may dahilan at kahulugan ang mga katagang 'yon. Bigla bigla na lang pumapasok sa isipan ko si Crystal. Bumabalik sa alaala
Nathalie POV Walang tigil ako sa pagtakbo sa isang madilim na lugar. Hindi ko alam kung saang lugar ako o kung ano ba talaga ang nangyayari. Isa lang ang gusto ko ang makaalis sa madilim at nakakatakot na lugar na ito. Papatayin kita! Papatayin ko kayong lahat! - biglang may narinig ako na boses na sobrang lamig at nakakatakot "Tumigil ka! Layuan mo ako! Tigilan moko!"- buong lakas na sigaw ko ng hindi ko alam kung nasaan ang nagsabi nito. "Hindi ka makakatakas! Hindi kayo makakatakas! Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo. Magbabayad kayo! Buhay kapalit ng buhay!" Nilagay ko ang mga kamay ko sa tenga ko para matakpan ito at hindi ko marinig ang boses ng kung sin
Jane POV “S-sino ka?” nauutal na tanong ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Ang dali mo namang makalimot! Ang dali mo naman akong kalimutan Jane" “C--crystal?” mahinang sambit ko. "Mabuti naman at naalala mo pa ako. Dahil ako hinding hindi ko kayo makakalimutan at ang ginawa niyo sa akin!" puno ng galit na saad ng boses. Hindi ko alam kung nasaan siya o sino ba talaga siya. Si crystal ba o hindi? Pero patay na siya! Paanong boses niya ang naririnig kung nagsasalita? Imposible! isip ko "P-patawarin mo ako, h-hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto ang nangyari sayo"-umiiyak na anas ko.
Masayang naglakad palabas ng paaralan ang isang babae, bakas sa kanyang mukha ang kasiyahan dahil sa nangyari. Tuwang tuwa siyang pagmasdan ang mga takot sa mukha ng apat na dahilan kung bakit siya namatay. “Ganyan ang dapat sa inyo, ang nabuhay sa takot.” isip nito. Naghanap muna siya ng banyo para saan makapag palit at ayusin ang sarili, kapag kasi nando’n siya sa loob ay iniiba niya ang itsura ng mukha nito, kaya pinagkakamalan siya ng apat na ‘yon na baliw o weird. Sa ganda kung ‘to baliw lang? Hindi siya mag didisguise kung hindi lang kailangan. Ng makatapos na siyang mag ayos ay agad siya naglakad sa kotse nito na nakapark di kalayuan sa kung nasaan siya. Mabilis siyang sumakay at nagdrive paalis sa lugar na ‘yon. “Ta
Halos dalawang oras ang inabot nila sa lugar na ‘yon, mukhang nasarapan ang kasama ni Sophia sa pagkain ng mga st. foods kaya hinayaan niya na lang ito. Kahit papaano ay hindi naman pala maarte ang binata.Kasalukuyan silang nakaupo sa B.park habang bitbit pa ang mga pagkain na binili nila, nakaramdam lang sila ng pagod sa pag iikot kaya nagpahinga na muna silang dalawa,"Why did you do that?" biglang bulalas ni William, kaya mabilis na napatingin sa kanya ang dalagang si Sophia.Hindi agad nakapagsalita si Sophia dahil hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng kanyang katabi, mayamaya pa ay mukha napansin ito ni William."What I mean is about my cousin, bakit niyo siya nagawang patayin?" seryosong sabi niya.Agad na
Sophia POVNagkaroon ng isang linggong bakasyon dahil katatapos lang ng exam namin. Nandito Nandito ako ngayon sa isang cafe ng mag isa dahil wala ang mga kaibigan ko. Si Kim at Jane ay madalas busy dahil may mga hinahabol na requirements samantalang si Nathalie naman ay palaging kasama si William.Sa araw araw na ganito ang nangyayari ay nasanay na ako. Minsan si Kia pa ang kasama ko pero alam ko naman na nakamasid lang ito sa akin.Habang kumakain ako ng paboritong kung cheese cake at mocha frappe ay nagulat na lang ako ng biglang may naglapag ng tray sa harap niya. Akmang sisigawan ko na sana ito ngunit hindi ko natuloy ng makita ko ang mukha niya."W-william?" mahinang sambit ko.The guy chuckled.
Nanatiling nakatayo ang dalaga kahit na wala na si William. "Oh bakit nakatayo ka pa rin diyan Sophy?" untag ni Kia na ikinabalik sa wisyo ng dalaga.Mabilis naman itong umupo kung saan ang inuupuan kani-kanina lang ni William ng hindi sinasagot si Kia. Hindi niya kasi alam kung paano ito papakisamahan ngayong alam niya na ang totoo, dahil alam niyang isa sa hinahanap nilang kalaban ay kasama mismo nila."O-M-G! Narinig niyo ba ‘yon guys? He asked me out! He asked me on a date. I can't believe it." halos nag histerikal na si Nathalie."Date agad? Hindi ba pwedeng lumabas lang pero walang ibang meaning! Nag aassume ka na naman. Huwag kang umasa hindi ikaw ang tipo no’n." pang aalaska ni Kim.Inirapan naman siya ng dalaga. "Parang ikaw hindi ka din tipo ni Jane
Tulalang nakauwi sa kanilang bahay ang dalagang si Sophia. Tiningnan niya ang kanyang phone at nakitang puro ito messages na galing sa mga kaibigan, wala siyang nireplyan kahit isa sa mga ito. Para siyang lantang gulay dahil sa nangyari sa kanya buong araw. Mabilis na naligo ito at nagbihis ng damit bago tuluyang humiga para matulog.Sa kabilang banda nagbubunyi naman ang kaloob looban ng magkapatid dahil umaayon sa kanila ang lahat ng gusto nilang mangyari."Are you sure kuya na susunod sa usapan si Sophia?" biglang tanong ni Kia habang iniinom ang wine."She doesn't have any choice. Alam niyang maraming nakamasid sa kanyang paligid isang pagkakamali niya lang at may kahahantungan siya." sagot naman ni William."Pero paano kung bumaliktad siya, nando’n na tayo sa
Makalipas ang ilang oras ay nagising si Sophia, naalala niya na naman ang nangyari. Ang panloloko at panlilinlang sa kanila ni Kia, akmang tatayo sana siya para umalis ng mapansin niyang nakatali ang mga kamay at paa niya. Pinipilit niya itong kalasin para makatakas ngunit masyadong mahigpit ito kaya hindi niya magawang makaalis. "Kahit anong gawin mo hindi mo matatanggal ‘yan." napatingin siya sa nagsalita at nakita niya si Kia na prenteng nakaupo lang sa isang upuan di kalayuan sa kung saan siya naro’n. Tiningnan niya naman ito ng masama. "Oh anong tingin ‘yan? Akala mo ba nasisindak mo ako?" panunuya pa nito. "Walang hiya ka Kia! Paalisin mo ako dito!" sigaw niya sa dalaga. "Bakit ko naman gagawin ‘yon? Para makapag sumbong ka sa kanila? Hindi ako tanga!" balik si
Lumipas pa ang dalawang linggo pero hindi pa rin nawawala ang mainit na isyu tungkol kay Nathalie, madalas pa rin siya tampulan ng usapan sadyang matapang lang talaga ang dalaga at hindi pinapakita na apektado siya. Sabado ngayon kaya wala silang pasok, dahil nakakaramdam ng bored si Sophia ay naisipan niyang lumabas para mag mall, hindi na siya nag atubili pang tawagan at yayain ang mga kaibigan dahil alam niyang may kanya kanya itong ginagawa o lakad. Mabilis siyang naligo at nagbihis para makaalis na agad sa kanilang bahay. Ng matapos na siyang ayusin ang sarili ay tumingin muna siya ulit sa salamin para tingnan ang repleksyon nito, napangiti naman siyang makita na maayos na siya at ready to go na. Agad niyang kinuha ang maliit na sling bag na may lamang wallet at phone niya at lumabas sa kanyang kwarto. Ng makababa na siya ay sumakay siya sa kanyang kotse at nagsimula ng magmaneho, dahil maaga pa naman ay hindi muna siya dumiretso sa mall, dumaan muna siy
Lumipas pa ang mga araw at unti unting nawawala na din ang issue sa dalawa, pero may mangilan ngilan pa ring nag uusap tungkol dito. Naging payapa ang buhay ng apat na magkakaibigan, ngunit hindi pa rin mawala ang pangamba sa kanila, iniisip nila kung kailan o ano na naman ang plano ng mga taong hindi sila tinitigilan. Isang araw habang papasok si Sophia, Kia at Kim sa paaralan ng bigla na naman silang nakarinig ng bulungan, hindi na tungkol sa kanila ni Jane kung hindi tungkol ito sa kaibigan nilang si Nathalie. May mga nakita silang nakakalat na papel sa hallway kung saan sila naglalakad at meron ding iba na hawak hawak ng ilang mga estudyante, may ibang tumatawa, meron nandiriri at ‘yong iba naman kung ano ano ang sinasabi. At dahil nadala sila ng kanilang kuryusidad at agad na inagaw ni Sophia ang hawak ng isang babae malapit sa kanila. Napasinghap siya ng makita papel. "Gosh! This is not happening!" bulalas nito. Lumapit naman si Kia dito. "Ano b
Jane POV Buong araw akong tahimik kahit mga kaibigan ko ay hindi ko kinikibo. Nahihiya ako sa nangyari, hindi ko alam kung paano ko haharapin ang mga mapanghusgang salita na nanggaling sa mga kapwa estudyante. 'Hindi naman kasi nila alam ang totoo eh. Wala pa si Kim at Crystal ay meron ng kami.” isip nito. Hanggang ngayon na nandito na siya sa tinitirhan ay lutang pa rin ang isip niya. Alam niyang pag nalaman ito ng mga prof.nila sa paaralan ay madidisappoint sila lalo pa't isa ako sa mga top students nila. Napahilamos na lang ako ng mukha dahil sa frustration na nangyayari. Maya maya pa ay nag ring ang phone ko, pero kumunot ang noo ko ng pagtingin ko sa screen ay unregistered number ang nakalagay. Kinuha ko ang phone at sinagot ang tawag. "Kamusta Jane? Nagustuhan mo ba ang regalo na natanggap mo ngayong araw?" boses sa kabilang linya at tumatawa pa ito. "S-sino ka? Ikaw ba ma-may gawa no’n? A-anong ka-kailangan mo ha!.” gigil
Isa’t kalahating buwan na ang nakalipas ng mangyari ang hindi inaasahan pagkamatay ni Crystal. Naging tahimik ang buhay ng apat na magkakaibigan, hindi na din sila nakakatanggap ng mga threats at wala na din nangyayari sa kanilang kakaiba. Ngunit mas labis lamang lang nila itong ikinabahala, hindi sila pwedeng maging kampante dahil hindi nila alam kung ano ang pinaplano na gawin ng mga taong nasa likod ng mga ito.Hindi porket tahimik ang buhay nila sa loob ng ng mga nakaraang linggo ay sigurado na silang wala ng ibang mangyayari pa. Mas kailangan nilang mag ingat lalo ngayon dahil sa pananahimik ng mga taong gumugulo sa kanila. Mas doble ang pag iingat na kailangan nilang gawin. Naging mas close pa si Sophia at Kia, hindi dahil sa sinabi ni Kim kung hindi dahil totoong kaibigan ang turing nito sa dalaga, medyo naging mailap na din siya sa kanila Nathalie. Ngayon ay nandito sila sa parking lot para hintayin ang tatlo pa nilang mga kaibigan at sabay sabay na sila pap