“What did you say?” tanong ni Amelia nang hindi narinig ang huling sinabi sa kanya ni Eros. “Nothing.” Hindi na s’ya nakipagtalo pa sa binata at tinalikuran na ito para mailayo si Nikolai rito. “Nikolai,” tawag n’ya sa batang buhat-buhat n’ya. Nakabaon pa rin ang mukha nito sa leeg n’ya at mahinang humihikbi. “Did he hurt you, baby?” tanong n’ya habang hinahaplos ang likuran nito. “N-No.” Sumisinok na sagot sa kanya ng bata. Iniangat ni Nikolai ang ulo nito saka ito tumitig sa kanya. “He said, mukha ko raw mama. He said, he hate green eyes. He’s bad! Don’t lich him.” “D-Does your mama has green eyes too?” Tumango si Nikolai sa kanya saka ito muling humilig sa balikat n’ya. Dinala ni Amelia si Nikolai sa arcade. Nakita n’ya kung gaano naapektuhan ang bata kay Eros kaya naman inaliw n’ya muna ito. “Gagi! Ang galing ni miss. Walang mintis! Hanep!” Narinig n’yang papuri sa kanya ng isang lalaki na nanood ng ginagawa n’yang paglalaro. Hindi n’ya alam kung bakit big deal ito sa mga
“Nasaan si Nikolai?” tanong ni Amelia kay Kraner na abala ngayon sa paglilinis sa mukha n’ya dahil sa mga talsik ng dugo na nagmula kay Arman. Ginamot rin nito ang maliit n’yang sugat sa pisngi na nakuha n’ya kay Arman nang tangkain s’ya nitong saksakin sa mukha.“He’s with the gang,” sagot nito. “May iba ka pa bang sugat? May masakit ba sa’yo?” sunod-sunod na tanong sa kanya ng nobyo kaya umiling s’ya bilang sagot rito.Muli s’yang napayakap kay Kraner ng hapitin s’ya nito at yakapin. Ramdam n’ya ang takot nito para sa kanya.“Huwag mo na ulit akong pag-aalalahanin ng ganun,” bulong nito sa kanya.Kung hindi dumating si Kraner ay baka pinagluluksaan na s’ya ngayon. She was saved by him again. Sobrang laki na ng utang na loob n’ya sa nobyo dahil ito ang palaging nand’yan para iligtas s’ya sa kapahamakan.“He’s one of the Cashmere Syndicate, Kraner. May alam s’ya sa pagkamatay ng kuya ko.”“I-Imbestigahan namin s’ya.”Hanggang ngayon ay paulit-ulit pa rin na naglalaro sa isipan ni Amel
“Wait!” pagpigil ni Amelia sa nobyo ng akmang lalabas na sana ito ng kotse. “Magmu-mukbang pa tayo,” kagat-labing dugtong n’ya na nagpasilay ng pilyong ngiti sa labi ni Kraner. Muling isinara ni Kraner ang katabing pinto bago harapin ang pilyang kasintahan. Hindi n’ya akalaing tototohanin ni Amelia ang sinabi nito kay Adela na ito ang magiging pananghalian n’ya. Amelia starts removing her cloths. Nang matanggal ang pang-itaas n’yang damit ay dumukwang s’ya papalapit sa nobyo at mapusok itong hinalikan. Napaatras ang katawan n’ya hanggang sa tumama ang likuran n’ya sa pinto dahil sa mahinang pagtulak ni Kraner sa kanya. Iniangat n’ya ang balakang n’ya nang maglakbay ang kamay ni Kraner sa waistband ng pantalon n’ya para tanggalin ang natitirang saplot sa katawan n’ya. She also unbutton his shirt. Mabilis na nilandas ng kamay n’ya ang matipuno nitong dibdib nang magawa n’yang buksan ang suot nitong long sleeve shirt. “Hindi naman tayo mahuhuli rito, diba?” “Heavy tinted ang sasaky
Nagising si Amelia sa isang madilim na kwartong hindi pamilyar sa kanya. Mabilis s’yang bumangon mula sa kinahihigaang kama at muling nilibot ang tingin sa loob, bukod sa kama ay wala na s’yang nakikitang ibang gamit sa loob. Luma na ang bulaklaking wallpaper sa dingding at nagkalat din ang bahay-alalawa sa bawat sulok ng dingding at kisame. Walang bintana pero may dalawang pinto s’yang nakita. Isang pinto na sa tingin n’ya ay sa banyo at isa naman ay para sa kwarto. Tumalon s’ya pababa ng kama para sana lapitan ang pinto pero kaagad din s’yang napatigil ng maramdaman ang malamig na bagay sa binti n’ya. Kadena? Nakakadena ang isa n’yang paa. Nag-igting ang panga ni Amelia sa galit. Gusto n’yang magsisigaw at magwala pero pinigilan n’ya ang sarili. Inalala n’ya ang kalagayan ni Nikolai na maaaring nasa kamay din ngayon ng lalaking umatake sa kanya. Hindi s’ya pweding magpadalusdalos ng desisyon dahil hindi lang buhay n’ya ang maaaring manganib kundi pati na rin ang buhay ng bata.
“What do you want now? Ngayong alam ko na ang laman ng video na pinagmamalaki mo ay ano na ang gusto mong mangyari ngayon, huh?” walang emosyong tanong ni Amelia. Pinunasan n’ya ang basa n’yang pisngi ito at sinalubong ang mapaglarong ekspresyon ni Eros na para bang proud na proud ito. “Hmm. That’s not the reaction I’m expecting from you.” “Akala mo ba ay iiyak ako, maglulupasay sa sahig at magbabasag ng mga gamit matapos ang mga nalaman ko?” kalmado n’yang tanong kahit ang totoo ay iyon ang gusto n’yang gawin sa mga oras na ‘yon. Ngayon ay naiintindihan na n’ya kung bakit walang pakialam ang apat na pulis patungkol sa kaso ni Lucas. Naiintindihan n’ya na kung bakit drinop kaagad ang kaso matapos lang ang ilang buwang pagkamatay ng kapatid n’ya. Ang tanga n’ya para maniwalang kaibigan ang mga ito ni Lucas. Ang tanga n’ya para ituring din silang kaibigan. At sa dami ng taong pwede n’yang pagkatiwalaan at mahalin ay bakit sa lalaking pumatay pa sa kapatid n’ya? Kung pwede n’ya lang
Tahimik lang na umiiyak si Amelia habang yakap-yakap si Nikolai na mahimbing nang natutulog sa tabi n’ya. Matapos ang nangyari at nagawa n’ya kanina ay hindi na s‘ya mapakali. He just killed a man. Nagawa n’ya na noong mangbugbog at manglumpo ng mga kaaway n’ya pero sa unang pagkakataon ay nagawa n’yang pumatay ng tao. Nung una ay nakaramdam s’ya ng guilt dahil ginawa n’yang pagpatay kay Floro pero winakli n’ya iyon nang maalala ang kabastusang ginawa nito sa kanya at kung hindi s’ya lumaban ay baka hindi lang s’ya ang nasaktan nito. Ayaw n’yang masaksihan ni Nikolai ang plano sa kanya ni Floro kaya naman hindi na s’ya nagdal’wang isip na labanan ito. Hindi sa harap ng inosenting bata. Hanggang ngayon ay diring-diri pa rin s’ya sa ginawa nitong paghawak at paghalik sa kanya. Hindi ito ang unang beses na may nangbastos sa kanya pero ito ang unang beses na may ibang lalaki ang humawak sa katawan n’ya bukod kay Kraner. Ang ikinakatakot n’ya ngayon ay ang maaaring gawin ni Eros kapag
Ang mga berding mga mata ni Nikolai. Walang duda na kay Nova nito namana ang mga iyon. Unang kita n’ya palang sa bata ay ang mga mata na ni Nova ang unang rumehistro sa alaala n’ya pero bukod ‘don ay may isa pa s’yang kutob na natatakot s’yang marinig. (Imposible na ‘yon, Amelia.) “Hija?” tawag sa kanya ng matanda pero dali-dali s’yang lumabas ng kwarto. Walang tigil ang pag-agos ng luha n’ya dahil sa mga nalaman. Sari-saring emosyon ang bumabagabag ngayon sa kanya matapos n’yang makita ang kaibigang pitong taon na n’yang hindi nakikita. Si Nova Bennete na dati n’yang kaibigan ang tunay na ina ni Nikolai. Ito rin ang babaing kailangan n’yang dalhin kay Eros kapalit ng kaligtasan ng batang gusto n’yang protektahan. Hindi na n’ya alam kung ano ang dapat na gawin. Kahit pa matagal na silang walang komunikasyon ni Nova ay kaibigan pa rin ang turing n’ya rito at kapag dinala n’ya ito kay Eros ay para n’ya na rin itong pinatay…para n’ya na ring trinaydor si Nikolai dahil sa gagawin n’y
“N-Nova,” tawag ni Amelia sa kaibigan. Nang lingunin s’ya nito ay doon na tuluyang bumagsak muli ang mga luha n’ya. Kitang-kita n’ya ang panghihina sa mga mata ng kaibigan pero nagawa pa rin nitong bigyan s’ya ng matamis na ngiti. “Amelia.” “I-Ikaw si Amelia?” gulat na tanong ni lola Mallen. Tumango bilang sagot si Amelia bago s’ya lumapit kay Nova at hawakan ang kamay nito. Sa sobrang kapayatan ng kaibigan ay halos wala na itong kalamanlaman sa braso. Para bang balat na nito ang nakadikit sa mga buto nito. Mas lalong sumikip ang dibdib ni Amelia. Hindi n’ya kayang ibigay kay Eros si Nova dahil sa kondisyon ng katawan nito. Gagawa s’ya ng ibang paraaan. Mag-iisip s’ya ng ibang plano alang-alang kay Nova at Nikolai. “Nanay, pwede po bang iwan n’yo muna kami,” magalang na pakiusap ni Nova kay lola Mallen. “S-Sige.” Nang makalabas ang matanda ay doon na malakas na napahagulgol ang dalawa. Nakaupo si Amelia sa gilid ng kama ni Nova habang nakayakap s’ya sa kaibigan. “B-Bakit hindi
Napaungol ako nang maramdaman ang pananakit ng ulo ko. Para akong pinupukpok ng paulit-ulit ng martilyo. Ito na ba ang tinatawag nilang hangover?Mabilis akong napabalikwas ng mapansin ang hindi pamilyar na kwartong kinalalagyan ko ngayon. Chineck ko ang sarili ko. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang may damit ako pero kaninong t-shirt at boxer ‘to?!I cursed mentally.Hinalukay ko ang utak para alalahanin ang mga nangyari kahapon bago ako tuluyang mawalan ng malay.“L-Lucas. K-Kasama ko ba talaga s’ya kagabi o sadyang lasing lang ako?” tanong ko sa sarili ko habang mahigpit ang hawak sa buhok ko. S’ya nga ata ‘yon. Malinaw na malinaw s a isipin ko ang bwat detalye ng gwapo n’yang mukha. Mas naging matured lang s’ya pero s’ya pa rin ‘yon.‘Have s*x with me’Nanlaki ang mga mata ko ng maalala ang ginawa kong pag-offer sa kanya na makipag-s*x sa akin. Siguro ay iniisip na n’yang malandi akong babae. Sinapok ko ang ulo ko. Sa dami ba naman kasi ng lalaking pwede kong ayain ay s’ya pa tal
Simula ng bumalik ako sa mansyon ay walang araw na hindi ako umiiyak. Dapat ay sa isang linggo pa ang balik ko dito pero bigla na lang sumulpot si Alexis para sunduin ako. Hindi ko na nagawang makapagpaalam pa ng gabing ‘yon sa kaibigan ko dahil kinaladkad na ako ni Alexis paalis. Pagbalik ko ay hindi na ako nagsayang ng oras na alamin ang totoong nangyayari. Kaagad kong kinompronta si dad na sabihin sa akin ang dahilan ng biglaan n’yang pagpapabalik sa akin dito sa State. Nalaman kong hostage s’ya ngayon ng isang gun syndicate na kung tawagin ay Cashmere. Sa loob ng siyam na taon ay wala man lang akong kalam-alam na hawak s’ya ng isang sindikato sa leeg. Supplier si dad ng mga firearms sa iba’t ibang panig ng State at Europe. It was a legal business dahil gobyerno na mismo ang kumuha sa kanya para mag-supply ng mga kailangang armas ng mga sundalo at pulis sa bansa pero lingid sa kaalaman ni dad na target na pala s’ya ng Cashmere. Kinidnap ng Cashmere si mom para gawing pang takot
NOVA X LUCAS STORY***NOVA BENETTE“Who you?”Natigil ako sa pagsubo ng fried siomai dahil sa baritonong boses ng lalaki na nagsalita sa harapan ko. Iniangat ko ang tingin ko sa kanya at doon nasalubong ng mga mata ko ang mata ng pinaka-gwapong lalaki na nakita ko sa tanang buhay ko.Holy crap! This man is gorgeous. Mukhang kakatapos lang n’yang maglaro ng basketball dahil sa hawak n’yang bola at suot n’yang jersey. Kahit pawisan s’ya ay parang ang bango n’ya pa ring tingnan, hindi lang ‘yon, mas lalo rin s’yang naging sisig sa paningin ko. Sizzling hot sisig. Yum!Simula ng lumabas ako sa mansion ay marami na akong nakita at nakasalamuhang mga lalaki bukod sa bodyguard ko na si Lexis at trainer ko na si Marco pero ngayon lang ata naka-jackpot ng gwapo ang mga mata ko.S’ya na siguro ang kapatid ni Amelia na si Lucas. Madalas kasi sa akin na ikukwento ng kaibigan ko ang mga away at asaran nilang dalawa ng kapatid n’ya.“Wait. Siomai ko ba ‘yan?” Nagsalubong ang makakapal na kilay ni L
“You should be working, Kraner. Bakit ka na naman nandito?” tanong ni Amelia sa nobyong kakapasok lang sa kwarto n’ya.“Parang ipinaparating mo na nagsasawa ka na sa pagmumukha,” pahayag ni Kraner. Lumapit ito sa kanya at pinatakan ng halik ang labi at noo n’ya. “I brought you fruits. What do you want to eat?”“Apple,”Naupo sa Kraner sa gilid ng kama ni Amelia at sinimulan ang pagbabalat ng mansanas. Kasalukuyan pa rin s’yang nasa hospital dahil sa masilang kondisyon ng pagbubuntis n’ya. Her unborn child almost died, pero katulad n’ya ay lumaban ito para mabuhay.Sa loob ng isang linggo ay palaging nasa tabi n’ya Kraner para bantayan s’ya. Natatakot itong iwanan s’ya ulit kaya naman naging opisina na rin nito ang kwarto n’ya.Nagi-enjoy naman s’ya sa presensya ng nobyo n’ya sa tabi n’ya pero hindi n’ya mapigilang ma-guilty sa tuwing nai-istorbo n’ya ito sa trabaho. Madalas kasing mag-request s’ya ng mga kung ano-anong pagkain kaya natitingga ang trabaho ni Kraner para lang bilhan s’ya
“Where are you taking her?” tanong ni Kiel sa lalaking hindi pamilyar sa kanya ang pagmumukha. Sa tabas palang ng pagmumukha nito ay alam na n’yang may hindi ito magandang plano para sa kaibigan n’ya. “I’m asking you,” mariing saad n’ya bago hilahin si Amelia papunta sa kanya. Naagaw ang atensyon n’ya nang pasuray-suray na lakad ni Amelia kanina kaya naman linapitan n’ya na ang dalawa at mukhang tama nga ang desisyon n’yang pakialaman ito. “K-Kraner? No. N-No. You’re Kiel!” Humagikgik si Amelia. Halatang wala ito sa katinuan. Mas lalong nagsalubong ang kilay n’ya ng makitang hindi s’ya matitigan ni Amelia ng diretso. Alam n’yang malakas ang alcohol tolerance ng dalaga at sigurado s’yang hindi wine ang magpapatumba rito. “You drug her?” “Sino ka ba, huh?” Iritabling tanong sa kanya ng lalaki. “Dapat ay nagdasal ka muna na hindi ko nakita ang plano mo sa kaibigan ko bago mo gawin ang bagay na ‘to rito. You messed with a wrong girl, moron!" “Hindi mo ako matatakot! Isang police ca
2 years ago, before we got separated. I remember kissing her in the bar, iyon ang araw ng ikatlong anibersaryo ng pagkamatay ni Lucas. I kissed her that night, we cherished each other in bed and became intimate. She thought it was our first kiss and our first time being intimate with each other but it wasn’t.Inakala n’ya rin na iyon ang unang beses kung saan naging open ako sa nararamdaman ko para sa kanya but it was just her presumption because the truth was, that night, way back years ago when we’re just starting to bloom, I already claimed her as mine. She was not in a good state to remember it and I was a coward to tell her everything.***YEARS AGO“Deym! Maganda ka pala kapag naayusan? Nagmumukha kang tao, gurl!” pahayag ni Noah na ikinasimangot n’ya.She’s wearing a sexy long emerald gown. Naka-expose ng kaunti ang dibdib n’ya sapat na para mabastos s’ya ng tignin ngayong gabing ‘to.(Subukan lang nilang bastusin ako ay sisiguraduhin kong magkukulay violet ang talong nila. Mas
“Why are you doing this, Adela?” tanong ni Amelia sa babae habang itinatali nito ang magkabila n’yang kamay sa frame ng kama. “Dahil ba kay Kraner? Desperada ka na ba talagang makuha s’ya, huh?” “Shut up!” asik nito bago s’ya nito hampasin ng baril sa mukha. Napadaing si Amelia dahil sa matinding sakit na dulot ng ginawa ni Adela. Sigurado s’yang mag-iiwan ‘yon ng malaking pasa sa pisngi n’ya. Napadura rin s’ya ng dugo dahil sa nagawang sugat nito sa loob ng labi n’ya. “Huwag mo akong galitin kung ayaw mong tawagin ko ang anak mo na nasa kabilang kwarto lang. I can easily break his neck in front of you, Amelia,” pahayag nito bago muling ipagpatuloy ang ginagawa nitong pagtatali sa kanya. “And to answer your curiosity ay oo at hindi ang sagot ko sa tanong mo. Tama ka, nandito ako dahil kay Kraner pero hindi dahil patay na patay ako sa kanya kundi literal ko s’yang gustong patayin.” “Mukha bang nandito s’ya? You know where he work, bakit hindi ka pumunta ‘ron? Ang bobo mo naman.” Ib
“What if it’s a boy?” tanong ni Amelia kay Kraner. Umayos s’ya sa pagkakahiga sa dibdib nito saka n’ya ito tiningala. Ngayon n’ya na lang ulit nakatabi sa kama si Kraner matapos ang isang linggo dahil naging sobrang busy nito sa hawak nitong kaso. Idagdag pa na pansamantala silang nakatira ng anak n’ya sa bahay ng mga magulang dahil wala silang kasamang lalaki sa bahay n’ya. Natatakot si Kraner na iwanan sila sa bahay n’ya kaya naman napagpasyahan n’yang umuwi na lang muna sa kanila. “Kraner Jr,” sagot nito sa kanya saka ito nagsumiksik sa leeg n’ya na mahina n’yang ikinahagikgik. He’s growing beard is ticklish. Halatang busy na busy ito dahil hindi na nito nagawa pang makapag-ahit. “Ang what if it’s a girl?” “She’ll be our little princess. Princess Arya. What do you think?” “Princess Arya? Ang ganda! Pinag-isipan mo na talaga ang ipapangalan sa anak natin ah. Excited yurn?” “Super. Bukod sa kaso ay okupado rin ang isip ko sa ipapangalan sa anak natin. How about you? May naisi
Dalawang linggo na ang lumipas simula ng atakihin si Amelia ng knocker pero sa loob ng dalawang linggong ‘yon ay hindi na ulit ito nagparamdam sa kanya. Siguro ay dahil madalas nang matulog sa bahay n’ya si Kraner kaya naman natakot na ito. (Aba dapat lang na matakot s’ya. Kraner won’t hesitate to pull his guts through his mouth kapag pinagbantaan n’ya ulit ang buhay namin.) “Did you changed your body wash or perfume?” tanong ni Amelia nang yumakap sa likuran n’ya si Kraner. “Get off me. Ang baho-baho mo. Mas mabango pa sa’yo ang imburnal kesa sa amoy.” Iritabling pahayag ni Amelia. “I didn’t change my body wash, even my perfume.” Inamoy ni Kraner ang sarili n’ya. Bagong ligo s’ya at fresh kaya naman hindi n’ya mapigilang magtaka sa sinasabi ni Amelia. “Ang bango ko kaya,” giit n’ya. “Nikolia,” tawag ni Kraner sa bata na natigil sa pagsubo ng pancake nito nang iangat ang tingin sa kanya. “Do I smell bad?” tanong n’ya sa bata habang pinapaamoy ang damit n’ya rito. “No po. Bango